Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Kabanata 1061 - Kabanata 1070

Lahat ng Kabanata ng The Three Little Guardian Angels: Kabanata 1061 - Kabanata 1070

2769 Kabanata

Kabanata 1062

“Alam ko, no?” Masaya din si Lucy. “Mataas ang standard ni Ms. Vanderbilt pagdating sa paghahanap ng design. Bukod sa refinement ng workpiece, naghahanap din siya ng creativity. Pinipilit niya din na lahat ng gawa ay kailangan may sariling kaluluwa.”“Kaluluwa?” Tinitigan siya ni Naomi.Nagpaliwanag si Lucy. “Kahit na hindi ko alam kung ano ang kaluluwa ng isang workpiece, ang motto ng Soul Jewelry ay magbigay ng kaluluwa sa lahat ng produkto nito. Ang sabi ni Ms. Vanderbilt, kahit na isang bagay lang ang isang alahas, kailangan bigyan ito ng kahulugan ng designer habang dinidisenyo niya ito.”Naintindihan naman yun bigla ni Naomi.Lumingon sa kaniya si Lucy. “Mataas ang inaasahan sa iyo ni Ms. Vanderbilt.”Natigilan si Naomi. “Ako?”“Oo.” Tumango si Lucy habang nakatitig sa mga alahas sa cabinet. “Ang sabi ni Ms. Vanderbilt ay magiging matagumpay ka rin na jewelry designer balang-araw.”Bumaba ang tingin ni Naomi dahil hindi niya alam kung ano ang iisipin.Gayunpaman, sa sanda
Magbasa pa

Kabanata 1063

Nang makitang dumating sina Nolan at Maisie, bahagyang nagulat si Nicholas. “Bakit kayo nandito?”“Pumunta kami para makita si lolo.” Sumilip si Nolan sa ward. “Anong nangyari sa kaniya?”Suminghal si Nicholas. “Ano pa ba? Matigas pa rin ang ulo niya kahit ganiyan na ang edad niya. Ayaw niya pa rin pumunta sa ospital kahit matagal nang masama ang pakiramdam niya.”Pagkatapos magpaliwanag ni Nicholas kay Nolan, narinig naman ang naiinis na boses ni Titus mula sa loob ng ward. “Bastardo! Hindi ba’t hypertension lang naman ‘to? Malakas pa rin ang katawan ko.”Tiningnan ni Nicholas si Nolan. “Kita mo na?”Sinabi ng doktor na dumaranas ng hypertension si Titus. Dahil napakatanda na niya, hindi magandang balita ang hypertension para sa mga matatanda.Sumang-ayon si Nicholas sa doktor at sinabi kay Nolan pagkaalis ng doktor, “Pumasok ka at kumbinsihin mo ang lolo mo.”Inayos ni Nolan ang jacket ng suit niya at pumasok sa ward.Nakasandal si Titus sa kama para sa infusion. Dumilat siya
Magbasa pa

Kabanata 1064

“Pero anong masasabi ko? Siya ang tycoon ng Yaramoor. Sa sobrang yaman niya ay pwede siyang magdeklara ng gyera sa isang bansa nang walang pag-aalinlangan. Lalo na at may koneksyon ang pamilya niya sa nobility sa Yaramoor. Kaya bakit siya magkakainteres sa isang babae mula sa circle namin?‘Sa totoo lang, baka wala pa sa listahan niya ang magpakasal sa isang prinsesa.’Humingi ng pasensya sa kanila si Yorrick, lumapit kay Anthony dala ang isang wine glass at nag-alok ng toast.Natuwa si Anthony at nakangiting nagsalita, “Mr. Hathaway, ako dapat ang mag-alok ng toast.”Seryosong sumagot si Yorrick. “Mas matanda kayo, at ako ang gustong makipag-collaborate sa inyo, natural lang na pakitaan ko kayo ng respeto.”Hindi na nagsalita pa si Anthony. Dahil wala naman pakialam si Yorrick sa maliliit na bagay na yun, sumabay na lang siya at tinanggap ang toast.Nakangiting nagtanong ang director na nasa tabi ni Anthony, “Mr. Topaz, bakit hindi sumama sa iyo ang anak mo?”Sumagot si Anthony
Magbasa pa

Kabanata 1065

“Mr. Hathaway, ganito mo ba lokohin ang lahat ng babaeng nilapitan mo noon? Sineryoso ko nga talaga ang sinabi mo.” Halatang dismayado si Jodie.Sa kasamaang palad, hindi yun gumana kay Yorrick. “Seryoso ka ba? Ibig sabihin nagpakipot ka sa akin noong nakaraang araw?”Agad na nakaisip ng dahilan si Jodie. “K…kailangan ko lang ng oras para makapag-isip. Hindi ako nagpapakipot.”Ngumiti si Yorrick. “Sinasabi mo ba sa akin na nakapag-isip ka na nang maayos ngayon?”“Oo.” Matapang siyang nilapitan ni Jodie, hinawakan ang kamay niya at nilapat yun sa kaniyang dibdib. “Seryoso at buo ang puso ko ngayon, Mr. Hathaway. Pwede akong maging sa iyo ngayong gabi kung handa kang tanggapin ako.”Nagbukas naman ang pinto ng kabilang kwarto. Si Xyla na katatapos lang mag-alis ng makeup, maligo at hindi pa tuyo ang buhok ay lumabas ng corridor habang naka-bathrobe para sagutin ang tawag ng takeaway delivery man.Sa pagkakataong ito, nagkatinginan ang tatlo.Dumapo ang tingin ni Xyla sa kamay ni Y
Magbasa pa

Kabanata 1066

Ang lugar na kinatatayuan nila ay malaki ang balcony sa harapan ng kwarto at may sea view, parang konetado sa dagat. Hinahati ng Milky Way ang night sky sa dalawa.Niyakap siya ni Nolan. "Gusto mo ba 'to?""Oo!" Nilabas niya ang kaniyang kamay na parang hahawakan niya ang mga bituin.Nilabas ni Nolan ang kamay niya at nilagay sa ibabaw ng kamay ni Maisie, at kuminang ang dalawang singsing habang pinagdikit nila ang kanilang daliri.Tiningnan siya ni Maisie, nakatingkayad, at hinalikan ang baba niya. Tumigil si Nolan habang nakangiti. "Sapat na ba 'yun?"Nilagay niya ang kaniyang ulo sa balikat ni Nolan. "Huwag ka masyado sakim."Hinalikan ni Nolan ang labi niya hanggang sa hindi na siya makahinga bago siya binitawan. Nilagay niya ang daliri niya sa labi ni Maisie. Kumibot ang pilikmata ni Maisie, nilagay ang kamay sa batok ni Nolan, at hinalikan siya ulit. "Nolan, anong pakiramdam na nasa ilalim ka ng mga bituin?"Inangat ni Nolan ang kilay niya. "Gusto mo ba malaman?"Tinangga
Magbasa pa

Kabanata 1067

Ilang beses siyang tiningnan ni Yorrick. Hindi niya napatuyo ang buhok niya ng maayos nang gabi, kaya magulo yun. Wala siyang makeup at nakasuot ng robe, kaya hindi niya nakilala siya nang nakaraang gabi. Pero, kapag tiningnan ng malapitan, maganda siya ngayon na nakaayos siya. Malapit ang tindig niya sa babae na nakilala niya sa ibang bansa.Pero ang galaw niya… panigurado na mula sa mundo ng entertainment.Yumuko si Yorrick at ngumiti dahil akala niya na nakakatawa yun. "Pasensya na, hindi kita nakilala."Napatigil ang ngiti ni Xyla, at nilayo niya ang pen. Kung hindi siya napahiya, panigurado ang ibang tao nakaramdam non.Nang bumukas ang elevator, ang couple na nakatayo sa labas ay naghahalikan at hindi napansin na bukas na ang pinto.Nang makita ng assistant kung sino ang lalaki, nagulat siya. "Nathan!?"Tumigil si Nathan sa ginagawa niya, at tumigil ang ekspresyon niya nang tumingin siya sa elevator. Tinulak niya palayo ang babae. "Xyla, magpapaliwanag ako."Papasok na s
Magbasa pa

Kabanata 1068

Tumingin si Xyla sa labas ng bintana. Ang tanging lalaki na binigay niya ang kaniyang puso ay si Louis.Pagkatapos nun, kahit na makipag date siya sa ibang lalaki, hindi pareho ang naramdaman niya.Kay Nathan naman, bibigyan niya sana ng pagkakataon, pero hindi niya 'yun tinanggap. Kaya naman, hindi na 'yun kailangan.Tiningnan niya ang kaniyang contact at ginawang block ang number niya.Pumunta si Xyla sa set, at nakatayo si Nathan sa tapat ng sasakyan niya nang nagpapahinga siya, naghihintay. Nang makita niya si Xyla at ang assistant nito na papalapit, bigla siyang lumuhod habang may hawak na bouquet ng rosas. "Xyla, I'm sorry! Pwede mo ba ako bigyan ng isa pang pagkakataon?"Suminghal ang assistant. "Nathan, may kahalikan kang babae kanina lang, at ngayon nanghihingi ka ng pagkakataon? Ano ang tingin mo kay Xyla?Tiningnan ni Nathan si Xyla at sinubukan na magpaliwanag. "H… hinalikan niya ako. Nagulat ako, kaya hindi ko siya natulak. Xyla, gusto talaga kita."Tumingin ang la
Magbasa pa

Kabanata 1069

Ano naman kung siya ang prinsesa ng entertainment industry? Paglalaruan siya ng mga lalaki.Umalis ng set si Nathan habang galit ang mukha.Nakaparada ang Lincoln Limo sa hindi kalayuan. Lumabas ang bodyguard at binuksan ang pinto para kay Yorrick, na inunat ang mahaba niyang binti, tumayo, at inayos ang kaniyang shirt.Ang lalaki na lumabas sa sasakyan kasama niya ay ang investor ng show na may sinabi kay Yorrick at dinala siya sa set.Nakatanggap ang direktor at assistant director ng tawad at agad siyang pinaunlakan. Nang makita nila kung gaano kabait si Yorrick sa investor, ngumiti sila at tinanong, "At siya si?"Ngumiti ang lalaki at sumagot, "Ito si Mr. Hathaway, ang bago nating investor. Interesado siya sa show natin na "The Clouds' at planong mag invest ng $12,000,000Malaking pera ang $12,000,000. Malaki siyang investor, kaya naging mabait ang direktor. Agad niyang kinuha ang crew para dalhan siya ng tsaa.Tiningnan ni Yorrick ang mga actor na nagpapahinga. Pinapunta n
Magbasa pa

Kabanata 1070

Nagsimula silang mag-film sa residence ni Alvin, kung saan nakaupo si Lily habang may hawak na tasa ng tsaa sa kaniyang kamay. Lahat ng galaw niya ay akma sa kaniyang character, kasama ang yabang at lakas ng loob.Biglang may nakita si Xyla at nagulat. Napansin 'yun ng direktor at sumigaw. "Cut," at pinaalalahanan siya, "Xyla, nag-fi-film tayo ngayon. Pakiusap, huwag mo kalimutan ang ekspresyon mo.""Oh, pasensya na." Ngumiti si Xyla at tiningnan ang lalaki na nakatayo sa tabi ng direktor habang nakahalukipkip. Bakit siya nandito?Inangat ni Yorrick ang kilay niya.Baka dahil nasa mahirap siyang kalagayan o dahil sa maraming tao sa set, nagkaroon siya ng mga maling take habang nagpapatuloy siya.Napagod ang direktor. "Xyla, hindi maganda ang ginagawa mo ngayon. May problema ba? Mag-isip kabng bagay na nakakalungkot para sa'yo, isipin mo na pinapatay ang pamilya mo, at ilabas mo ang emosyon mo. Kung hindi mo kaya, bibigyan kita ng eye drop."Kinamot ni Xyla ang noo niya. Lumapit s
Magbasa pa

Kabanata 1071

Maraming mga batang aktor ang nahihirapan na magpakita ng emosyon sa pelikula na nauuwi sa mga nakakatawang eksena kung saan wala sa lugar ang mga itsura nila. Para sa kanila, umiiyak kapag malungkot at tumatawa naman kapag masaya.Si Xyla naman, sa lakas ng kontrol niya sa mga luha niya, hindi ito tumutulo mula sa mga mata niya depende sa sitwasyon. Hindi niya kailangan umiyak o magsisigaw para ipakita ang lungkot niya na siya namang pinaka natural na paraan para mag-perform.Sumang-ayon ang direktor sa opinyon ng beteranong aktor.Pagkatapos ng shooting, bumalik si Xyla sa dressing room para magtanggal ng makeup. Nakikita niya si Yorrick na nakasandal sa pinto, nakangiti at nakatingin sa salamin. “Phenomenal talaga ang performance mo, Ms. Mayweather.”Binaba ni Xyla ang makeup remover niya at kumuha ng lipstick sa kaniyang purse. “Hindi mo sinadyang gawin yun, hindi ba?”Naglagay siya ng lipstick para hindi siya magmukhang maputla pagkatapos magtanggal ng makeup. Pinagdikit niya
Magbasa pa
PREV
1
...
105106107108109
...
277
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status