Ilang beses siyang tiningnan ni Yorrick. Hindi niya napatuyo ang buhok niya ng maayos nang gabi, kaya magulo yun. Wala siyang makeup at nakasuot ng robe, kaya hindi niya nakilala siya nang nakaraang gabi. Pero, kapag tiningnan ng malapitan, maganda siya ngayon na nakaayos siya. Malapit ang tindig niya sa babae na nakilala niya sa ibang bansa.Pero ang galaw niya… panigurado na mula sa mundo ng entertainment.Yumuko si Yorrick at ngumiti dahil akala niya na nakakatawa yun. "Pasensya na, hindi kita nakilala."Napatigil ang ngiti ni Xyla, at nilayo niya ang pen. Kung hindi siya napahiya, panigurado ang ibang tao nakaramdam non.Nang bumukas ang elevator, ang couple na nakatayo sa labas ay naghahalikan at hindi napansin na bukas na ang pinto.Nang makita ng assistant kung sino ang lalaki, nagulat siya. "Nathan!?"Tumigil si Nathan sa ginagawa niya, at tumigil ang ekspresyon niya nang tumingin siya sa elevator. Tinulak niya palayo ang babae. "Xyla, magpapaliwanag ako."Papasok na s
Tumingin si Xyla sa labas ng bintana. Ang tanging lalaki na binigay niya ang kaniyang puso ay si Louis.Pagkatapos nun, kahit na makipag date siya sa ibang lalaki, hindi pareho ang naramdaman niya.Kay Nathan naman, bibigyan niya sana ng pagkakataon, pero hindi niya 'yun tinanggap. Kaya naman, hindi na 'yun kailangan.Tiningnan niya ang kaniyang contact at ginawang block ang number niya.Pumunta si Xyla sa set, at nakatayo si Nathan sa tapat ng sasakyan niya nang nagpapahinga siya, naghihintay. Nang makita niya si Xyla at ang assistant nito na papalapit, bigla siyang lumuhod habang may hawak na bouquet ng rosas. "Xyla, I'm sorry! Pwede mo ba ako bigyan ng isa pang pagkakataon?"Suminghal ang assistant. "Nathan, may kahalikan kang babae kanina lang, at ngayon nanghihingi ka ng pagkakataon? Ano ang tingin mo kay Xyla?Tiningnan ni Nathan si Xyla at sinubukan na magpaliwanag. "H… hinalikan niya ako. Nagulat ako, kaya hindi ko siya natulak. Xyla, gusto talaga kita."Tumingin ang la
Ano naman kung siya ang prinsesa ng entertainment industry? Paglalaruan siya ng mga lalaki.Umalis ng set si Nathan habang galit ang mukha.Nakaparada ang Lincoln Limo sa hindi kalayuan. Lumabas ang bodyguard at binuksan ang pinto para kay Yorrick, na inunat ang mahaba niyang binti, tumayo, at inayos ang kaniyang shirt.Ang lalaki na lumabas sa sasakyan kasama niya ay ang investor ng show na may sinabi kay Yorrick at dinala siya sa set.Nakatanggap ang direktor at assistant director ng tawad at agad siyang pinaunlakan. Nang makita nila kung gaano kabait si Yorrick sa investor, ngumiti sila at tinanong, "At siya si?"Ngumiti ang lalaki at sumagot, "Ito si Mr. Hathaway, ang bago nating investor. Interesado siya sa show natin na "The Clouds' at planong mag invest ng $12,000,000Malaking pera ang $12,000,000. Malaki siyang investor, kaya naging mabait ang direktor. Agad niyang kinuha ang crew para dalhan siya ng tsaa.Tiningnan ni Yorrick ang mga actor na nagpapahinga. Pinapunta n
Nagsimula silang mag-film sa residence ni Alvin, kung saan nakaupo si Lily habang may hawak na tasa ng tsaa sa kaniyang kamay. Lahat ng galaw niya ay akma sa kaniyang character, kasama ang yabang at lakas ng loob.Biglang may nakita si Xyla at nagulat. Napansin 'yun ng direktor at sumigaw. "Cut," at pinaalalahanan siya, "Xyla, nag-fi-film tayo ngayon. Pakiusap, huwag mo kalimutan ang ekspresyon mo.""Oh, pasensya na." Ngumiti si Xyla at tiningnan ang lalaki na nakatayo sa tabi ng direktor habang nakahalukipkip. Bakit siya nandito?Inangat ni Yorrick ang kilay niya.Baka dahil nasa mahirap siyang kalagayan o dahil sa maraming tao sa set, nagkaroon siya ng mga maling take habang nagpapatuloy siya.Napagod ang direktor. "Xyla, hindi maganda ang ginagawa mo ngayon. May problema ba? Mag-isip kabng bagay na nakakalungkot para sa'yo, isipin mo na pinapatay ang pamilya mo, at ilabas mo ang emosyon mo. Kung hindi mo kaya, bibigyan kita ng eye drop."Kinamot ni Xyla ang noo niya. Lumapit s
Maraming mga batang aktor ang nahihirapan na magpakita ng emosyon sa pelikula na nauuwi sa mga nakakatawang eksena kung saan wala sa lugar ang mga itsura nila. Para sa kanila, umiiyak kapag malungkot at tumatawa naman kapag masaya.Si Xyla naman, sa lakas ng kontrol niya sa mga luha niya, hindi ito tumutulo mula sa mga mata niya depende sa sitwasyon. Hindi niya kailangan umiyak o magsisigaw para ipakita ang lungkot niya na siya namang pinaka natural na paraan para mag-perform.Sumang-ayon ang direktor sa opinyon ng beteranong aktor.Pagkatapos ng shooting, bumalik si Xyla sa dressing room para magtanggal ng makeup. Nakikita niya si Yorrick na nakasandal sa pinto, nakangiti at nakatingin sa salamin. “Phenomenal talaga ang performance mo, Ms. Mayweather.”Binaba ni Xyla ang makeup remover niya at kumuha ng lipstick sa kaniyang purse. “Hindi mo sinadyang gawin yun, hindi ba?”Naglagay siya ng lipstick para hindi siya magmukhang maputla pagkatapos magtanggal ng makeup. Pinagdikit niya
May bakas ng paghanga sa mga mata ni Yorrick. “Matalino ka, Ms. Mayweather.”Mukhang nahanap na niya ang tamang tao.Umangat ang ulo ni Xyla para pantayan ang tingin ni Yorrick. “Bakit mo naman naisip na tutulungan kita?”“Tinulungan mo na ako nang isang beses, kaya sigurado akong tutulungan mo ako ulit,” Sabi ni Yorrick habang eleganteng hinihiwa ang kaniyang steak. “Kapag tinulungan mo ako ngayon, sigurado akong matutuwa ka sa mga reward na matatanggap mo.”Habang nagsasalita siya ay natapos na niyang hiwain ang steak. Nakipagpalit siya ng plato kay Xyla at dinagdag, “Magiging loyal ako sa iyo sa loob ng tatlong buwan. Magiging boyfriend mo ako, at matutulungan kitang maalis ang lalaking yun.”Tiningnan ni Xyla ang steak na napakaganda nang pagkakahiwa. Pinatong niya ang baba sa kaniyang daliri at sinabing, “Sino ang nagsabi sa iyo na kailangan ko ng tulong mo para mapaalis ang lalaking yun?”Tumawa si Yorrick. “Base sa imbestigasyon ko, sa loob ng isang buwan na panliligaw niy
Nagkulay rosas ang mukha ni Maisie nang marinig niya ang sinabi ni Hernandez.Alam niyang matagal nang natapos ang galit ng lolo niya sa mga Goldmann. Ayaw lang nito umamin.Tinutulak ni Nolan ang wheelchair habang si Maisie naman ay naglalakad sa tabi ni Hernandez. Naglalakad silang tatlo sa isang daan na napapaligiran ng mga puno.“Lolo, bakit hindi kayo bumalik sa mansyon ng mga de Arma?” Tanong ni Maisie.“Matanda na ako. Gusto kong tumira sa tahimik na lugar. Maganda ang tanawin sa lugar na ‘to, at dapat na akong mabuhay na tulad ng isang retirado,” Sagot ni Hernandez.“Pero nag-aalala ako sa inyo.” Tiningnan siya ni Maisie.Tumawa si Hernandez. “Hindi mo kailangan mag-alala sa akin. Mayroong mga nag-aalaga sa akin dito.”Habang nagsasalita siya, tumingala siya para tingnan si Maisie. “Hindi ako nag-aalala sa iyo dahil alam kong aalagaan ka ng lalaking nasa likuran ko ngayon.”Si Nolan na nagtutulak sa wheelchair ay napataas ang kilay. “Hindi niyo ba naiisip na mas madalin
Ngumiti si Maisie at sumagot, “Mas matanda si Waylon, kaya mas matangkad siya kay Colton. Oo nga pala, si Daisie ang kasing tangkad ni Colton ngayon.”Pumasok sina Nolan at Nicholas sa mansyon na ikinagulat naman ni Hernandez. Binawi niya ang kamay at sinimulang paandarin ang wheelchair niya. “Bakit sunod-sunod kayong lumilitaw na mga Goldmann? Nasaan ang matandang yun? Huwag mo sabihin sa akin na siya naman ang susunod na magpapakita sa akin?”Tumawa si Nicholas at sumagot, “Naospital ang lolo ni Nolan, kaya duda akong magpapakita siya rito.”“Naospital si Titus?” Naguluhan si Hernandez.Pagkatapos ng ilang sandali, tumawa siya. “Lagi naman siyang malusog, pero mukhang hindi niya matatakasan na maospistal dahil sa katandaan niya. Nakakapanghinayang naman kung hindi ko siya bibistahin para pagtawanan.”Tinanong niya kung nasaang ospital si Titus at inutsan ang butler na dalhin siya doon. Kailangan niyang magpunta at makipag-asaran kay Titus.Hindi na nagulat si Nicholas. Pero, wa
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa
Ngumiti si Waylon at sinabi, “Oo, pero maaga pa naman.” Humiga si Daisie sa hita ni Nollace at tumingin siya sa langit. Matapos ang ilang sandali, sabi niya, “Ulan ba yung naramdaman ko?” Tumingin ang lahat sa kaniya.Huminga nang malalim si Colton. “Huwag mong i-jinx.” Tumingin si Freyja sa langit, kahit na maliwanag ang langit na nakikita nila, may maiitim na ulap malapit sa mga bundok. “Baka makulimlim lang ngayon.” Malapit na mag tanghali pero wala pa ring araw. Baka nga makulimlim lang pero walang ulan. Nagsalita si Cameron, “Wala namang sinabi sa weather report na uulan ngayon. Sa tingin ko hindi naman uulan.”Depende na lang kung mali pala ang weather report! Matapos ang ilang sandali, naramdaman ni Nollace na may tumulo sa mukha niya. Hinawakan niya iyon. “Umuulan nga.” Umupo si Cameron. “Ano?”Nahihiyang ngumiti si Daisie. “Naisip ko lang naman na uulan pero ngayon…” ‘Jinxing!’Lahat sila ay nagsimula ng mag-pack ng mga pagkain pati ang grill at mga mats ay
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu