Share

Kabanata 1073

Nagkulay rosas ang mukha ni Maisie nang marinig niya ang sinabi ni Hernandez.

Alam niyang matagal nang natapos ang galit ng lolo niya sa mga Goldmann. Ayaw lang nito umamin.

Tinutulak ni Nolan ang wheelchair habang si Maisie naman ay naglalakad sa tabi ni Hernandez. Naglalakad silang tatlo sa isang daan na napapaligiran ng mga puno.

“Lolo, bakit hindi kayo bumalik sa mansyon ng mga de Arma?” Tanong ni Maisie.

“Matanda na ako. Gusto kong tumira sa tahimik na lugar. Maganda ang tanawin sa lugar na ‘to, at dapat na akong mabuhay na tulad ng isang retirado,” Sagot ni Hernandez.

“Pero nag-aalala ako sa inyo.” Tiningnan siya ni Maisie.

Tumawa si Hernandez. “Hindi mo kailangan mag-alala sa akin. Mayroong mga nag-aalaga sa akin dito.”

Habang nagsasalita siya, tumingala siya para tingnan si Maisie. “Hindi ako nag-aalala sa iyo dahil alam kong aalagaan ka ng lalaking nasa likuran ko ngayon.”

Si Nolan na nagtutulak sa wheelchair ay napataas ang kilay. “Hindi niyo ba naiisip na mas madalin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status