Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 1041 - Chapter 1050

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 1041 - Chapter 1050

2769 Chapters

Kabanata 1042

Aalam nila na kumampi sila sa maling tao, at nahihiya sila na manatili doon. Nang aalis na sana sila para iwan si Jodie at tumakas, tinawag sila ni Xyla. “Sandali lang, ang tatapang niyo kanina nang hinuhusgahan niyo siya, ano na? Mahirap ba para sa inyo ma buksan ang bibig niyo at humingi ng tawad?”Nang makita na ayaw nila humingi ng tawad, sinabi ni Ryleigh na, “Hayaan mo na. Hindi ko kailangan ang paghingi nila ng tawad.”“Desisyon mo ‘yan. Gumawa sila ng mali kaya kailangan nila humingi ng tawad. Kung hindi nila kaya humingi ng tawad sa ginawa nilang mali, baka hindi sila dapat maging instructor. Sa ganoon sasabihan ko sila na iligpit ang mga gamit nila at umuwi at baka maging masama silang impluwensya sa mga bata.”Kahit anong paga-atubili ng mga babaeng instructor, wala silang magagawa kundi humingi ng tawad kay Ryleigh sa pagmamalupit ni Xyla.Tinanggap ni Ryleigh ang paghingi nila ng tawad.Kumuha ng lipstick si Xyla at inayos ang kaniyang makeup sa kaniyang phone screen.
Read more

Kabanata 1043

Inangat ni Louis ang kilay niya. "Syempre, alam ko. Marami na akong nakitang babae, kaya iniisip mo ba na maloloko niya ko sa maliliit niyang pakana?"Walang sinabi si Ryleigh. Nang una iniisip niya na walang lalaki ang makakapansin ng pagkakaiba ng malandi sa ordinaryong babae.Humalukipkip siya at hindi makapaniwala na tinanong, "Eh bakit ka nagpanggap na tangang lalaki noong insidente kasama Willow?"Saglit na napatigil si Louis nang banggitin ni Ryleigh ang insidente three years ago. Naluluha siyang tumawa habang sinasabi, "Hindi ko nga nagustuhan si Willow, okay? Nang sinabi ni mom na pinsan ko siya dahil lang sa bagay na ebidensya, naniwala ba ako?"Napatigil si Ryleigh. Mukhang tama si Louis. Hindi niya inamin na pinsan niya si Willow.Biglang may naalala siya at lumapit kay Louis. "Mukha na akong manlolokong babae para sa'yo?""Ikaw?" Humalukipkip si Louis at tumawa. "Kung isa kang manlolokong babae sa talino mo, mukhang walang manlolokong babae dito sa mundo.""Ano? An
Read more

Kabanata 1044

Napatigil si Ryleigh. Matapos ang ilang sandali, yumuko siya at bumuntong hininga. "Ayan ang pinag-aalala ko. Kahit pinakita sa music trailer ang orchestra department, nag aalala ako na baka hindi tanggapin 'yun ng manonood. Paano kung magkamali ako? Hindi ba't nakakahiya 'yun?"Tiningnan siya ni Maisie at sinahi na, "Anong tapos na ay tapos na."Binaba niya ang tasa at kinuha ang purse niya. "Tara na.""Saan?" tanong ni Ryleigh.Binayaran ni Maisie ang bill sa cashier at sumagot, "May ipapakita ako sayo na magandang lugar."Nagmamadaling kinuha ni Ryleigh ang gamit niya at sinundan si Maisie.Pinarada ni Maisie ang sasakyan sa labas ng gate ng Lebaron Town. Tiningnan ni Ryleigh ang gate sa bintana. Nagulat siya at nagtanong, "Lebaron Town?"Lumabas si Maisie sa sasakyan. Maraming bisita ang nandoon sa Lebaron Town, at masigla ang paligid.Naglalakad si Ryleigh sa gilid niya. Nang makita niya si Maisie na bumili ng dalawang ticket, tiningnan niya si Maisie. "Anong ginagawa nati
Read more

Kabanata 1045

Maraming dumaraan at turista ang nagtipon sa labas ng courtyard. Kung tutuusin, ang kombinasyon ng moderno at classical musical instrument ay talagang nakaka-agaw ng pansin.Ang kantang "Dance of the Dark" ay nagsimula sa kombinasyon ng bass at electrophonic organ. Sa gitna ng kanta, ang harp, flute, at drums ay sumama, na pumukaw sa mga kaluluwa ng mga tao at gumulat din sa kanila.Pagkatapos, nagbago ulit ang kanta. Naging "Lighthouse" at 'Lover under the Sky." Ang una ay tinugtog sa flute at gitara, habang ang isa naman ay mixed arrangement na tinugtog sa violin. Hindi 'yun naging kakaibang tunog.Parami nang parami ang turista ang nagtipon sa kanila. Inaa-upload ni Maisie ng live ang performance nila. Noong una, mayroon lang 100 na nanonood, pero dumarami ang sumasama sa live stream habang nagpapatuloy ang live session. Pagkatapos ng ilang sandali, umabot ng 100,000 viewer ang nanonood ng performance online.#Gusto ko ng original song!##Pagsasama ng contemporary pop at classi
Read more

Kabanata 1046

Ngumisi si Jodie.Hindi naintindihan ni Ryleigh kung ano ang ibig sabihin ni Jodie, at biglang siyang bumitaw at nahulog.Gulat ang ekspresyon ni Ryleigh. Nang gusto niyang hawakan si Jodie at hilain siya, nahulog na si Jodie sa hagdan.Napatigil si Ryleigh, at biglang naalala niya ang eksena kung saan napagbintangan siya na tumulak kay Naomi sa hagdan.Ilang estudyante na paakyat ang nakita si Jodie na nahulog sa hagdan, at napatakip sila ng bibig at napasigaw sa gulat.Pagkatapos ay inangat nila ang kanilang ulo at nakita nila ang kamay Ryleigh na nasa ere.Dinala si Jodie sa hospital. Ang mga estudyante na nakakita ng nangyari ay sinasabi na nakita nila si Ryleigh sa eksena at ang kamay niya ay nakaangat ng oras na 'yon.Ang principal at ilang school director ay tumingin kay Ryleigh na nakaupo sa opisina para sa interogasyon.Nang dumating si Louis, nasa likod niya si Charles. Tinanong niya ang principal tungkol sa aksidente, at nagdadalawang isip na tumingin ang principal k
Read more

Kabanata 1047

Naisip din ni Charles na may punto ang sinasabi ni Louis.'Hindi kailangan na linisin ang malinis na kamay. Ang pinaka magandang magagawa namin ngayon ay ipaubaya sa pulis at hayaan silang imbestigahan ang bagay na 'to.'Kinagabihan, umupo si Ryleigh sa higaan habang nakaluhod, ayaw niya kumain ng dinner. Nagluto ng dinner si Louis, binuksan ang pinto ng kwarto, lumapit sa gilid ng kama, at binuhat si Ryleigh.Pinulupot ni Ryleigh ang braso niya sa leeg i Louis at mahinang sinabi, "Wala akong gana kumain."Binuhat niya si Ryleigh sa dining table. "Kahit na wala kang gana, kumain ka pa rin. Ayaw kong magutom sa sa kalagitnaan ng gabi."Inalog siya ni Ryleigh. "Matatanggal ba ako?"Hinaplos ni Louis ang ulo niya at lumapit para halikan ang kaniyang noo. "Hindi, pinaubaya ko na sa pulis ang bagay na 'to para sa imbestigasyon."Nagulat si Ryleigh. "Binigay mo sa mga pulis?"Kinuhanan siya ng mangkok ng sabaw ni Louis at nilagay sa harap niya. "Mas kapani-paniwala ang ebidensya na m
Read more

Kabanata 1048

Sinabihan ng pulis ang principal na pamagitnaan ang problema, at naglabas ang principal ng official statement sa campus matapos malaman ang katotohanan. Sa araw din na 'yun, pagkatapos ng recording na naka-upload sa website ng school, nagulat ang mga instructor at estudyante sa balita.Pagkatapos ni Jodie ma-hospital ng ilang araw at bumalik na ulit sa academy, malinis ang desk niya, at ang sulat ng dismissal ang makikita doon.Ilang babae na instructor ang tinuro siya at tinitingnan palagi."Akala ko mabait siya. Hindi ko inakala na manloloko siyang tao.""Nakakapanghinayang na inakala ko na kaawa-awa siya at pinakitaan ko siya ng suporta noon. Dapat lang 'to sa kaniya.""Narinig ko na manloloko na siya mula noong nag-aaral pa siya sa academy. Hindi nakakapagtaka na hindi siya nagustuhan mi Mr. Lucas noon.""..."Nang marinig ni Jodie ang usapan na nangyayari sa likod niya, namutla siya habang kusang nanginig ang kaniyang kamay.'Ang imahe na ginawa ko at pinanatili ko ng ilan
Read more

Kabanata 1049

Binaba ni Yorrick ang bote ng wine, tinabi 'yun, at inangat ang kaniyang tingin. "Interesado ako sa overseas project mo sa Zlokova."Saglit na tumigil si Tristan at napakunot. "Interesado ka sa project na 'yun?"Bahagyang lumapit si Yorrick. "Cost ng Persian Gulf yun. Pinag konekta ang traffic sa pagitan ng Yaramoor at Zlokova. Magaling ka tumingin, dahil alam mo na kailangan mag develop ng marine traffic. Kaya, syempre, interesado ako sa malaking kikitain na project."Ngumiti si Tristan. "Mr. Hathaway, sinasabi na mapili ka pagdating sa project investment. Hindi ko inaakala na makukuha ng project ko ang atensyon mo."Nilagay ni Yorrick ang braso niya sa likod ng couch. "Hindi ko sasayangin ang trabaho mo. Magi-invest ako ng billion pounds sa project mo."Gumalaw ang mata ni Tristan habang nag-iisip.'Nakuha talaga ng project ang atensyon ni Yorrick at gumastos siya ng malaking pera. Ipinakita nun na maganda ang inaasam ng coast ng Persian Gulf.'“An opportunity to invest in the
Read more

Kabanata 1050

Niyakap niya si Nollace at umiyak, "Nag alala ako sa'yo! Nakabalik ka na!"Nakatayo lang si Nollace at hinayaan siya na hawakan nang walang ekspresyon. Malungkot ang tingin niya at nagulat din siya sa mga magulang niya at mga Knowles.May napansin si Mrs. Knowles, mabagal siyang binitawan, at hinawakan ang pisngi ni Nollace gamit ang palad niya. "Nolly?"Tiningnan ni Rick si Tristan. "Tito, anong nangyari kay Nollace?"Binaba ni Tristan ang teacup. "Nawala ang memorya niya."Nagulat si Rick.Umiyak ulit si Mrs. Knowles at nanginginig na hinawakan sa bisig niya si Nollace. "Ayos lang. Nakauwi na siya. Sa alaala naman niya, babalik din sa kaniya 'yun."Sa Bassburgh, sa Soul…Tumitingin si Maisie sa mga resume ng mga kandidato na naga-apply para sa jewelry designer position, kasama ang kanilang mga gawa.Si Lucy na nakatayo sa gilid niya ay nakikita ang pagda-dalawang isip niya. "Ms. Vanderbilt, hindi ka ba masaya sa mga design na 'to?"Nakapangalumbaba si Maisie at napakunot. "
Read more

Kabanata 1051

“Hindi.” Umiling si Naomi habang nakaupo sa couch. “Dad, ayaw kong pumasok sa music academy.”Nagulat si Anthony nang marinig niya ang pagpapatuloy ni Naomi. “Mas magaling sa akin si Ryleigh sa music, at matagal ko nang alam yun, kaya handa na akong matanggal sa competition.”Sa kasamaang palad, ngayon niya lang nalaman na masama pala ang naging epekto kay Ryleigh ng insidente.Yumuko si Anthony at hindi nagsalita.Tumingala si Naomi sa kaniya at ngumiti. “Dad, gusto kong gawin ang bagay na nagpapasaya sa akin. Susuportahan niyo naman ako, hindi ba?”Natigilan si Anthony at saka ngumiti. “Siyempre naman.”Nagsimulang mag-ring ang phone sa table. Nakita niyang foreign number yun kaya nilagay yun sa tainga niya. “Mr. Knowles?”Mayroong sinabi si Tristan sa kaniya at napakunot ang noo ni Anthony. “Gusto mong umatras sa project?”“Oo, pero huwag kang mag-alala, si Yorrick na ang pumalit sa project. Sigurado akong magiging matagumpay ang project kung nandiyan siya.”Pagkatapos maki
Read more
PREV
1
...
103104105106107
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status