Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 1071 - Chapter 1080

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 1071 - Chapter 1080

2769 Chapters

Kabanata 1072

May bakas ng paghanga sa mga mata ni Yorrick. “Matalino ka, Ms. Mayweather.”Mukhang nahanap na niya ang tamang tao.Umangat ang ulo ni Xyla para pantayan ang tingin ni Yorrick. “Bakit mo naman naisip na tutulungan kita?”“Tinulungan mo na ako nang isang beses, kaya sigurado akong tutulungan mo ako ulit,” Sabi ni Yorrick habang eleganteng hinihiwa ang kaniyang steak. “Kapag tinulungan mo ako ngayon, sigurado akong matutuwa ka sa mga reward na matatanggap mo.”Habang nagsasalita siya ay natapos na niyang hiwain ang steak. Nakipagpalit siya ng plato kay Xyla at dinagdag, “Magiging loyal ako sa iyo sa loob ng tatlong buwan. Magiging boyfriend mo ako, at matutulungan kitang maalis ang lalaking yun.”Tiningnan ni Xyla ang steak na napakaganda nang pagkakahiwa. Pinatong niya ang baba sa kaniyang daliri at sinabing, “Sino ang nagsabi sa iyo na kailangan ko ng tulong mo para mapaalis ang lalaking yun?”Tumawa si Yorrick. “Base sa imbestigasyon ko, sa loob ng isang buwan na panliligaw niy
Read more

Kabanata 1073

Nagkulay rosas ang mukha ni Maisie nang marinig niya ang sinabi ni Hernandez.Alam niyang matagal nang natapos ang galit ng lolo niya sa mga Goldmann. Ayaw lang nito umamin.Tinutulak ni Nolan ang wheelchair habang si Maisie naman ay naglalakad sa tabi ni Hernandez. Naglalakad silang tatlo sa isang daan na napapaligiran ng mga puno.“Lolo, bakit hindi kayo bumalik sa mansyon ng mga de Arma?” Tanong ni Maisie.“Matanda na ako. Gusto kong tumira sa tahimik na lugar. Maganda ang tanawin sa lugar na ‘to, at dapat na akong mabuhay na tulad ng isang retirado,” Sagot ni Hernandez.“Pero nag-aalala ako sa inyo.” Tiningnan siya ni Maisie.Tumawa si Hernandez. “Hindi mo kailangan mag-alala sa akin. Mayroong mga nag-aalaga sa akin dito.”Habang nagsasalita siya, tumingala siya para tingnan si Maisie. “Hindi ako nag-aalala sa iyo dahil alam kong aalagaan ka ng lalaking nasa likuran ko ngayon.”Si Nolan na nagtutulak sa wheelchair ay napataas ang kilay. “Hindi niyo ba naiisip na mas madalin
Read more

Kabanata 1074

Ngumiti si Maisie at sumagot, “Mas matanda si Waylon, kaya mas matangkad siya kay Colton. Oo nga pala, si Daisie ang kasing tangkad ni Colton ngayon.”Pumasok sina Nolan at Nicholas sa mansyon na ikinagulat naman ni Hernandez. Binawi niya ang kamay at sinimulang paandarin ang wheelchair niya. “Bakit sunod-sunod kayong lumilitaw na mga Goldmann? Nasaan ang matandang yun? Huwag mo sabihin sa akin na siya naman ang susunod na magpapakita sa akin?”Tumawa si Nicholas at sumagot, “Naospital ang lolo ni Nolan, kaya duda akong magpapakita siya rito.”“Naospital si Titus?” Naguluhan si Hernandez.Pagkatapos ng ilang sandali, tumawa siya. “Lagi naman siyang malusog, pero mukhang hindi niya matatakasan na maospistal dahil sa katandaan niya. Nakakapanghinayang naman kung hindi ko siya bibistahin para pagtawanan.”Tinanong niya kung nasaang ospital si Titus at inutsan ang butler na dalhin siya doon. Kailangan niyang magpunta at makipag-asaran kay Titus.Hindi na nagulat si Nicholas. Pero, wa
Read more

Kabanata 1075

Natahimik ang assistant ni Xyla.“Kung ganoon, maglabas tayo ng warning letter.”“Kumalma ka, Mindy. Hayaan mo siya,” Sabi ni Xyla. Kinuha niya ang isang tasa ng fruit tea at uminom. “Mayroong taong mag-aasikaso sa kaniya para sa atin.”Dahil mayroong taong gustong magpakabayani, bibigyan na lang ito ng pagkakataon.Natigilan si Mindy. Hindi niya alam kung dapat siyang maniwala kay Xyla o hindi. Pagkatapos ni Xyla sa fruit tea niya, dumighay siya. Saka niya tiningnan si Mindy at sinabi, “Bumili ka ulit ng isa pang fruit tea para sa akin. Gusto ko yung malamig. Pagkatapos, ilagay mo sa kotse. Ang init ng panahon.”Nang umalis si Mindy para gawin ang utos ni Xyla, ilang mga aktres sa tabi ng female lead actor ang napalingon at tiningnan si Xyla.Nakasuot ng isang pares ng sunglasses si Xyla. Tinakip niya ang script sa ulo niya at naidlip. Hindi siya nag-rehearse kasama ang mga babaeng lead actor. Isa sa mga aktres ang hindi na nakatiis at sinabing, “Pwede namin palampasin na sumali
Read more

Kabanata 1076

“Ano? Patingin ako.”Ilang extras sa crew ang nag-scroll sa Google Trends at nakita ang dalawang malalaking balita. Tama nga, nag-backfire ang plano ni Nathan nang lumabas ang news article.#Nathan Hayes Nakikipagtalik sa kaniyang mga Fans.##Nathan Hayes Ginamit si Xyla Mayweather para Sumikat.#Sa loob lang ng ilang oras ay nasa trending chart na ang dalawang article na yun, bumaba naman sa listahan ang article na tungkol kay Xyla. Maraming fans ang hindi naniniwala noong una, akala nila ay plano ito ni Xyla para malinis ang pangalan at mapasa sa ibaba ang sisi.Gayunpaman, isang hindi kilalang netizen ang nag-upload ng isang video na ikinagulat ng mga fans ni Nathan.“Diyos ko, ganoong klaseng tao pala si Nathan?”“Fan niya ako bago ang lahat ng ito, ngayon ay nasira na ang paghanga ko sa kaniya!”Makikita sa video ang pagyakap at paghalik ni Nathan sa dalawang babaeng influencer sa loob ng isang clubhouse. Ang kamay niya ay nasa katawan ng isa sa mga influencer. Kung saan n
Read more

Kabanata 1077

“Totoo pala ang sinabi niya. “Mayroong aayos ng bagay na ‘to para sa atin”!”Pinatay ni Xyla ang screen ng phone niya at dumungaw sa labas ng bintana ng kotse. “Ang rich boy na yun.”“Rich boy?’Nag-isip nang mabuti si Mindy at biglang nagulat. “Siya ba ang bagong investor ng pelikula natin?”Nilaro ni Xyla ang mga hikaw niya. “Sino pa ba bukod sa kaniya?”Kumunot ang noo ni Mindy. “Foreigner ang rich boy na yun, hindi ba? Mayroon ba siyang ibang motibo? O nagustuhan ka niya?”Pagkatapos ng nangyari kay Nathan, ayaw ng ipareha ni Mindy si Xyla sa kahit na sino. Naisipan niyang mas maging maingat.Ngumiti si Xyla. “Mayroon kaming deal dalawa.”Pagkatapos niya magsalita,tumunog ang phone niya. Sinagot niya ang tawag matapos makita ang “Rich Boy” na caller ID sa screen ng phone niya.“Anong plano mo ngayon? Ililibre mo na naman ba ako ng dinner?”Tumawa si Yorrick. “Ms. Mayweather, nakalimutan mo na ba ang relasyon natin ngayon?”“Hindi ko nakalimutan.” Tumingin sa bintana si X
Read more

Kabanata 1078

Pinisil ni Yorrick ang steam ng baso, sinamyo ang aroma ng wine at ngumiti. “Maingat kang tao, Ms. Mayweather.”“Nasa isang kwarto ako kasama ng isang lalaki, bakit hindi ako mag-iingat?” Kaswal na binago ni Xyla ang upo niya at nilagay ang mga paa sa couch. “Hindi ko pa rin alam ang pangalan mo, Mr. Rich Boy. Pagkatapos ng lahat, kailangan kitang samahan at umarte kasama mo sa loob ng tatlong buwan. Kailangan kong malaman kahit pangalan mo lang.”Tinaas niya ang baso at pinagmasdan si Xyla sa transparent na baso. “Hathaway ang apelyido ko.”Natigilan sandali si Xyla. “May ganiyan pa lang apelyido sa Zlokova?”“Mukhang hindi ka nanonood ng balita, Ms. Mayweather.” Naniniwala si Yorrick na hindi talaga nito alam kung sino siya.‘Kung nagpapa-hard-to-get siya, imposibleng itatanong niya sa akin yun.”“Hindi ako interesado sa balita.” Binuklat ni Xyla ang kontrata. “Dahil napirmahan ko naman na ang kontrata, oras na para umalis ako.”Tumunog ang doorbell.Tiningnan siya ni Xyla. “
Read more

Kabanata 1079

“Ikaw!”Isang tawa ang narinig. Binaba ni Yorrick ang wine glass niya, naglakad palapit kay Xyla at hinawakan ito sa baywang. “Ms. Smalls, matutulog na kami. Gusto mo bang manood?”Sinadya naman ni Xyla na magtago sa mga braso ni Yorrick. “Honey, pilyo ka talaga. Bakit mo gustong manood ng iba?”Pinisil ni Yorrick ang baba niya at pinagmasdan ang kaniyang mukha.Tumulo ang ilang butil ng pawis sa noo ni Jodie.‘Plano ba nilang maghalikan sa harapan ko?”Namula sa galit ang mga mata ni Jodie kasabay ng pagsikip ng kaniyang dibdib. Sa huli, kinagat niya ang labi, tumalikod at tumakbo palabas ng kwarto.Dito na rin tinulak ni Xyla si Yorrick palayo sa kaniya, pumunta siya sa couch at kinuha ang bag niya. “Dito na natatapos ang palabas ngayong gabi. Uuwi na ako—--”“Paano ka nakakasigurado na hindi siya naghihintay sa pinto?” Nakangisi siyang sinagot ni Yorrick.Tumigil si Xyla sa paglalakad at tiningnan si Yorrick. “Sinasabi mo bang kailangan kong maghintay dito hanggang hatingga
Read more

Kabanata 1080

Hindi nila inaasahan na mayroong aksidenteng mangyayari.Ang dagger na isa lang prop ay bumaon sa kanang dibdib ni Xyla.Nabigla ang male lead, agad na nablangko ang isip niya. “Anong…”Yumuko si Xyla at tiningnan ang sugat, isang kakaibang sensasyon ng sakit ang naramdaman niya mula sa sugat.‘Anong nangyari? Totoo ang dagger!?’Walang napansin na kakaiba ang direktor at mga extras at hindi nila tinigil ang shooting.Bubunutin sana ng male lead ang dagger at sisigaw para humingi ng tulong sa direktor, pero doon siya biglang hinawakan ni Xyla, habang nagngingitngit ay sinabi nito ang kaniyang linya, “Moses Miller, ang lakas ng loob mong saktan ako. Sinaktan mo pa rin ako para sa malanding yun!”Nanginig ang kamay ng male lead.‘Hindi ako makapaniwala. Nagpatuloy pa din siya kahit may aksidente nang nangyari!’Nang makitang tinuloy ni Xyla ang kaniyang linya, nagpatuloy ang male lead. “Oo, kung susubukan…. Kung…”“Cut!” Tinigil ng direktor ang filming nang makita niya ang mapu
Read more

Kabanata 1081

Tumitig si Xyla sa kisame. "Pwede mo ng tanggapin bilang oo.""Tatanggapin ko na lang bilang oo." Bahagyang naguluhan si Mindy. "Anong ibig sabihin nun?""Literal na ayun na talaga yun." Hindi gusto ni Xyla na magpaliwanag pa pero nang may naisip siya tiningnan niya si Mindy. "Siya nga pala, ano na pala ginagawa ng mga crew sa imbestigasyon?"Sumagot si Mindy, " Iniimbestiga na ng mga crew yung mga props. Sa madaling salita, hindi gagawa ng ganung mali ng props bureau."Hindi makapaniwala si Mindy. "At saka, yung totoong props ginamit lang sa decorations. Hindi naman magkakamali yung props master sa eksena niyo ni Howard."'Yung fake props na ginamit ng mga crew talagang mukhang totoo kaya siguro nahalo yun sa mga totoong props, kaya mahirap na hindi sila magkamali ng pagkuha kung hindi yun nakalagay sa tamang lalagyan. Pero, handa talaga yung prop na gagawa para kay Howard, kaya imposibleng magkaroon ng mali.'Depende na lang…'Nagulat si Mindy. "May taong bang makakapagpalit n
Read more
PREV
1
...
106107108109110
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status