Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 1091 - Chapter 1100

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 1091 - Chapter 1100

2769 Chapters

Kabanata 1092

Yumuko si Yorrick para tingnan ang $15,000,000-cheque sa gilid ng kaniyang paa. Bahagyang gumalaw ang gilid ng kaniyang labi habang sinasabi, "Sa tingin mo magaling ka mag acting?"Humalukipkip si Xyla at tiningnan siya habang nakataas ang baba.Tumigil si Yorrick sa harapan niya, lumapit kay Xyla at nagpatuloy. "Alam mo ba paano umakto bilang qualified na girlfriend ng lalaki?"Napakunot si Xyla at hinawakan ni Yorrick ang baba ni Xyla. "Kung gusto ko na halikan mo ako o makipag s*x sa akin na parang normal na kasintahan, partner, o girlfriend, gagawin mo ba?"Nagulat si Xyla.Tinitigan siya ni Yorrick. Kahit na may mas maganda sa kaniya na babae, mayroon siyang kapansin-pansin at magandang mukha."Hindi mo gagawin. Iba ka sa mga babae na kayang ibigay ang sarili nila sa akin, kaya hindi ka bagay."Nagulat si Xyla.Binitawan siya ni Yorrick at tumalikod. Habang papasok siya sa kaniyang kwarto, sinabi niya, "Huwag mong kalimutan na isara ang pinto pag alis mo."Sandali siyang
Read more

Kabanata 1093

Pinulot ni Maisie ang kontrata mula sa sahig, tinanggal ang kaniyang stilettos nang hindi iniisip ang image niya, at hinabol ang lalaki habang sumisigaw, "Tumigil ka sa pagtakbo! Magnanakaw siya!"Walang ingat na lumihis ang lalaki sa harap habang hinahabol siya ni Maisie sa likuran. Nang haharap na sana ang lalaki para inisin si Maisie, sinipa siya sa sahig ng babae na lumapit kay Maisie.Lumapit ang babae at kinuha ang purse. Sa inis, tumayo ang lalaki mula sa sahig at humugot ng kutsilyo para saksakin ang babae. Umilag ang babae sa atake niya at inikot ang kaniyang kamay. Bumagsak ang kutsilyo sa sahig, at agad siyang nagpahabol ng suntok sa mukha ng lalaki. Habang bumabagsak sa sahig ang lalaki dahil sa sakit, pinadapa siya ng babae at tumawag ng pulis.Doon lang nakarating si Maisie. Habang naghahabol ng hininga, kinuha niya ang bag na inabot sa kaniya ng babae. "Salamat."Nang iangat niya ang kaniyang ulo, natulala siya. Pamilyar ang babae na nasa harapan niya. Biglang may na
Read more

Kabanata 1094

Nang marinig ni Mindy ang usapan nila, tiningnan niya si Xyla. Pero, mukhang hindi nakikinig si Xyla kung tungkol sa ano ang pinag uusapan nila.Bumuntong hininga siya at lumapit kay Xyla. "Xyla, anong nangyayari sa inyo ng tao na 'yun?"Hanggang ngayon hindi pa rin naiintindihan ni Mindy ang sinabi ng tao na yun.'Deal? Hindi akma si Xyla para magpanggap sa kaniya? Posible kaya na peke ang relasyon nila?'Inangat ni Xyla ang ulo niya at sinabing, "Bakit interesado ka sa bagay sa pagitan naming dalawa?"Inabot ni Xyla ang fruit tea niya sa table at sumipsip. "Kahit ano pa man, single ako nung una pa lang."Nagulat si Mindy, "Edi isa rin siyang t*rantado?"'T*rantado, huh?'Gustong sabihin ni Xyla na hindi t*rantado si Yorrick, pero totoo na marami siyang babae. Pero, hindi siya nakikipag landian sa lahat. Sa halip ay mapili siya pagdating sa babae, at may paniniwala siyang sinusunod.Nag squat si Mindy sa tabi ni Xyla at bumulong, "Xyla, maghanap tayo ng araw at pumunta tayo s
Read more

Kabanata 1095

Inangat ni Xyla ang ulo niya at ngumiti kay Marione, "Kilala mo talaga ako, Marione."Inangat ni Howard ang baso at sinabing, "Sige, sige. Malamig na ang pagkain natin. Mag-usap tayo habang kumakain."Inangat ng lahat ang baso nila at nag toast. Inabot ng dalawang oras ng dinner. Uminom ng wine ang lahat, at masaya sila.Kaya ni Xyla uminom, pero kapag umabot na siya sa limit niya, nahihilo na siya.Nadapa siya habang naglalakad papunta sa entrance, at agad na lumapit si Howard para suportahan siya. "Hindi ka naman lasing, ano?"Kinaway niya ang kaniyang kamay at sinabing, "Oo, huwag ka mag-alala. Hindi ako lasing."Hinawakan ni Howard ang balikat niya. "Hatid na kita."Bago pa makapagsalita si Xyla, may ibang kamay na humila sa kamay ni Howard bigla. Napaatras siya at bumagsak sa bisig ng lalaki. "Hindi niya kailangan na ihatid mo siya."Sandaling nagulat si Xyla bago iangat ang ulo niya para tingnan ang lalaki sa likod niya. Bumalik siya sa katinuan at sumigaw, "Ikaw!?"Wala
Read more

Kabanata 1096

Napatigil si Xyla, at nakatingin lang siya sa leeg ni Yorrick. At nang lumiko ang bodyguard sa intersection, nawalan ng balanse si Xyla at bumagsak sa bisig ni Yorrick.Sa buong kaguluhan, hinalikan niya ang balat ni Yorrick, nag iwan yun ng marka ng lipstick, at agad na nagdilim ang mata ni Yorrick.Nang makita na magsisimula na silang maghalikan, nakuha ng bodyguard ang mensahe at mas nagmadali.Pinulupot ni Xyla ang kaniyang braso sa katawan ni Yorrick, tumayo, nakita ang marka ng lipstick, at agad pinunasan yun. "Pasensya na, may lipstick ako."Hinawakan ni Yorrick ang kamay niya. "Niloloko mo ba ako?""Bakit naman kita lolokohin?" Biglang nakaramdam ng hilo si Xyla at tinakpan ang bibig niya.May napagtanto agad si Yorrick at hinawakan ang balikat ni Xyla. "Xyla, pigilan mo 'yan—"Sumuka siya sa pantalon ni Yorrick.Nagdilim agad ang ekspresyon ni Yorrick. Nag iwas siya ng tingin at binuksan ang bintana para alisin ang amoy sa sasakyan.Nang makarating sila sa hotel, hini
Read more

Kabanata 1097

Nilagay ni Xyla ang daliri niya sa labi ni Yorrick at mabagal na pinadulas yun bago nilapit ang labi niya. "Mr. Hathaway, hindi ba't sinabi mo na hindi ko kaya gumawa ng kissing scene? Kung ganoon, pwede mo ba ako turuan kung paano gawin yun nang maayos?"Hinawakan ni Yorrick ang kamay niya, at gumalaw ang Adam's apple habang lumulunok. "Umalis ka sa kama ko.""Mr. Hathaway, sinasabi mo ba sa akin na ayaw mo?" Lumapit si Xyla sa kaniya at dinampian ng halik ang baba niya. Ang kumikindat niyang mata ay nakakaakit, at ang makintab at maganda niyang itim na buhok ay pumulupot sa kaniyang braso.Umikot si Yorrick at ikinulong si Xyla sa ilalim niya sa pagitan ng kaniyang apat na biyas. "Wala akong kasalanan sa gabi na 'to."Inangat ni Xyla ang kilay niya, tumawa, inunat ang kamay niya, at niyakap siya. "Hindi ko rin yun kailangan sa'yo."Binaba niya ang ulo niya at hinalikan ang labi ni Xyla, at marami siyang naisip agad. Gusto niyang parusahan si Xyla at ipaalam sa kaniya na ito ang
Read more

Kabanata 1098

Iba ang opinyon ni Mr. Donnell sa mga aktor na gumagamit ng stand-in habang nag-fi-film, kaya personal na ginampanan ni Xyla ang eksena, pero nagkaroon siya ng ilang NG shot mula ng magsimula mag-film ang mga crew.Pero, hindi nagalit si Mr. Donnel pero mapagpasensya siyang pinaliwanagan. "Xyla, hayaan mo muna ang mga problema mo at umarte. Matagal na mula ng sumali ka sa crew at may tiwala ako sa acting mo.""Pasensya na, Mr. Donnell. Aayusin ko ang emosyon ko." Kinakabahan talaga si Xyla. Kung tutuusin, ang eksena ang pinaka malala at bukas na eksena sa lahat ng ginawa niya sa film na 'to.Kahit na hinanda niya ang utak niya para sa eksena, hindi siya sigurado kung oras na ba para umarte siya.Sinimulan ng direktor ang sunod na shoot, pero para makapag-perform nang maayos si Xyla, napagdesisyunan niya na palabasin lahat ng staff member sa studio, naiwan lamang ang mga videographer.Bumalik si Xyla sa tubig at nagawang sumayaw ng maayos nang tumunog na ang musika. Ang manipis na
Read more

Kabanata 1099

"Dini-date ba ng anak natin ang investor ng film nila? Bakit maraming usap-usapan nang bumisita ako sa crew?" Nakaupo si Mrs. Mayweather sa upuan sa tabi ng kama at nagbabalat ng mansanas. Nagtataka siya at sinipa si Mr. Mayweather, sinasabihan siya na sagutin ang tanong niya.Walang magawa na sumagot si Mr. Mayweather, "Hindi mo na kailangan mangialam kung totoo man yun o hindi. Malalaman natin kapag tinanong mo ang anak natin tungkol diyan kapag gising na siya."Lumapit si Mrs. Mayweather at naglagay ng mansanas sa bibig ni Mr. Mayweather. "Hindi mo ba nakikita na nagtataka ako? Magtanong ka sa industriya kung kasal ba ang lalaki na 'yun, kung ilang tao ang nasa pamilya niya, at ilan ang naging girlfriend niya noon. Kung talagang nagdi-date sila, kailangan natin maging masaya para sa anak natin, hindi ba?"Kinain ni Mr. Mayweather ang mansanas na hiniwa ng misis niya para sa kaniya at tumawa. "Sige, tama lagi ang misis ko. Okay, magtatanong ako sa susunod na araw."Sinubuan ulit
Read more

Kabanata 1100

Sandaling natulala si Louis. Tumango siya at hinawakan ang kamay ni Ryleigh. "Sige, pupunta kami sa Stoslo para bisitahin si Lolo sa susunod."Lumapit si Ryleigh sa kaniya at mahinang boses na tinanong, "Nakakatakot ba ang lolo mo?"Ngumiti si Louis at nagbigay ng seryosong tingin. "Panigurado na papahirapan ka niya kung hindi ka masunurin.""Tsk! Bakit mo naman tinatakot ang asawa mo?" Pinatunog ni Larissa ang dila niya at pinagaan ang loob ni Ryleigh. "Huwag ka mag alala. Hindi ka papahirapan ng lolo niya. Si Louis ang magdudusa sa galit niya kung may mangyayari na mali."Ngumiti si Ryleigh at tumango.…Gabing gabi na nang makauwi si Xyla mula sa hospital. Pumunta siya sa kwarto niya, humiga sa kamat, at tumitig sa kisame.Ang eksena kung saan hinalikan siya ni Yorrick ay biglang sumagi sa isip niya na parang pelikula.'Magaling siya humalik, sa galing niya hindi ko makalimutan.'Tsk, player talaga siya.'Naiirita siyang umupo, at tumigil ang paningin niya sa violin figure
Read more

Kabanata 1101

Tumango si Yorrick. ‘Sige, uminom tayo ngayong gabi.”….Mayroong night scene si Xyla at natapos siya ng mga bandang 11:30 p.m. Nae-excite siya dahil ito ang unang pagkakataon na naramdaman niyang hindi kasing relax ng series ang pelikula.Hinatid siya ni Mindy, at nang umalis na ito, tumunog ang phone ni Xyla. Nagtaka siya kung sino ang tumatawag sa kaniya at nang tiningnan niya ito…si Yorrick?Hindi ba’t blinock na siya nito?Sinagot niya ito. “Anong maipaglilingkod ko sa inyo ngayong gabi, Mr. Hathaway?”Mayroon siyang sinabi na hindi narinig ni Xyla at akala niya ay mayroong nangyari kay Yorrick. “Hello!”“Si Ms. Mayweather ba ‘to?” Nagsalita ang bodyguard, “Pasensya na sa abala. Nasaan po kayo? Lasing si Mr. Hathaway at ayaw niya umalis. Magsasara na ang bar, at hindi ko na alam ang gagawin. Pwede ba kayong pumunta at tulungan kami, pleasE?”Inalis ni Xyla ang buhok sa mukha niya at tumawa. “Lasing siya, at kailangan ko siyang tulungan?”Naubusan na ng ideya ang bodyguard
Read more
PREV
1
...
108109110111112
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status