Inangat ni Xyla ang ulo niya at ngumiti kay Marione, "Kilala mo talaga ako, Marione."Inangat ni Howard ang baso at sinabing, "Sige, sige. Malamig na ang pagkain natin. Mag-usap tayo habang kumakain."Inangat ng lahat ang baso nila at nag toast. Inabot ng dalawang oras ng dinner. Uminom ng wine ang lahat, at masaya sila.Kaya ni Xyla uminom, pero kapag umabot na siya sa limit niya, nahihilo na siya.Nadapa siya habang naglalakad papunta sa entrance, at agad na lumapit si Howard para suportahan siya. "Hindi ka naman lasing, ano?"Kinaway niya ang kaniyang kamay at sinabing, "Oo, huwag ka mag-alala. Hindi ako lasing."Hinawakan ni Howard ang balikat niya. "Hatid na kita."Bago pa makapagsalita si Xyla, may ibang kamay na humila sa kamay ni Howard bigla. Napaatras siya at bumagsak sa bisig ng lalaki. "Hindi niya kailangan na ihatid mo siya."Sandaling nagulat si Xyla bago iangat ang ulo niya para tingnan ang lalaki sa likod niya. Bumalik siya sa katinuan at sumigaw, "Ikaw!?"Wala
Napatigil si Xyla, at nakatingin lang siya sa leeg ni Yorrick. At nang lumiko ang bodyguard sa intersection, nawalan ng balanse si Xyla at bumagsak sa bisig ni Yorrick.Sa buong kaguluhan, hinalikan niya ang balat ni Yorrick, nag iwan yun ng marka ng lipstick, at agad na nagdilim ang mata ni Yorrick.Nang makita na magsisimula na silang maghalikan, nakuha ng bodyguard ang mensahe at mas nagmadali.Pinulupot ni Xyla ang kaniyang braso sa katawan ni Yorrick, tumayo, nakita ang marka ng lipstick, at agad pinunasan yun. "Pasensya na, may lipstick ako."Hinawakan ni Yorrick ang kamay niya. "Niloloko mo ba ako?""Bakit naman kita lolokohin?" Biglang nakaramdam ng hilo si Xyla at tinakpan ang bibig niya.May napagtanto agad si Yorrick at hinawakan ang balikat ni Xyla. "Xyla, pigilan mo 'yan—"Sumuka siya sa pantalon ni Yorrick.Nagdilim agad ang ekspresyon ni Yorrick. Nag iwas siya ng tingin at binuksan ang bintana para alisin ang amoy sa sasakyan.Nang makarating sila sa hotel, hini
Nilagay ni Xyla ang daliri niya sa labi ni Yorrick at mabagal na pinadulas yun bago nilapit ang labi niya. "Mr. Hathaway, hindi ba't sinabi mo na hindi ko kaya gumawa ng kissing scene? Kung ganoon, pwede mo ba ako turuan kung paano gawin yun nang maayos?"Hinawakan ni Yorrick ang kamay niya, at gumalaw ang Adam's apple habang lumulunok. "Umalis ka sa kama ko.""Mr. Hathaway, sinasabi mo ba sa akin na ayaw mo?" Lumapit si Xyla sa kaniya at dinampian ng halik ang baba niya. Ang kumikindat niyang mata ay nakakaakit, at ang makintab at maganda niyang itim na buhok ay pumulupot sa kaniyang braso.Umikot si Yorrick at ikinulong si Xyla sa ilalim niya sa pagitan ng kaniyang apat na biyas. "Wala akong kasalanan sa gabi na 'to."Inangat ni Xyla ang kilay niya, tumawa, inunat ang kamay niya, at niyakap siya. "Hindi ko rin yun kailangan sa'yo."Binaba niya ang ulo niya at hinalikan ang labi ni Xyla, at marami siyang naisip agad. Gusto niyang parusahan si Xyla at ipaalam sa kaniya na ito ang
Iba ang opinyon ni Mr. Donnell sa mga aktor na gumagamit ng stand-in habang nag-fi-film, kaya personal na ginampanan ni Xyla ang eksena, pero nagkaroon siya ng ilang NG shot mula ng magsimula mag-film ang mga crew.Pero, hindi nagalit si Mr. Donnel pero mapagpasensya siyang pinaliwanagan. "Xyla, hayaan mo muna ang mga problema mo at umarte. Matagal na mula ng sumali ka sa crew at may tiwala ako sa acting mo.""Pasensya na, Mr. Donnell. Aayusin ko ang emosyon ko." Kinakabahan talaga si Xyla. Kung tutuusin, ang eksena ang pinaka malala at bukas na eksena sa lahat ng ginawa niya sa film na 'to.Kahit na hinanda niya ang utak niya para sa eksena, hindi siya sigurado kung oras na ba para umarte siya.Sinimulan ng direktor ang sunod na shoot, pero para makapag-perform nang maayos si Xyla, napagdesisyunan niya na palabasin lahat ng staff member sa studio, naiwan lamang ang mga videographer.Bumalik si Xyla sa tubig at nagawang sumayaw ng maayos nang tumunog na ang musika. Ang manipis na
"Dini-date ba ng anak natin ang investor ng film nila? Bakit maraming usap-usapan nang bumisita ako sa crew?" Nakaupo si Mrs. Mayweather sa upuan sa tabi ng kama at nagbabalat ng mansanas. Nagtataka siya at sinipa si Mr. Mayweather, sinasabihan siya na sagutin ang tanong niya.Walang magawa na sumagot si Mr. Mayweather, "Hindi mo na kailangan mangialam kung totoo man yun o hindi. Malalaman natin kapag tinanong mo ang anak natin tungkol diyan kapag gising na siya."Lumapit si Mrs. Mayweather at naglagay ng mansanas sa bibig ni Mr. Mayweather. "Hindi mo ba nakikita na nagtataka ako? Magtanong ka sa industriya kung kasal ba ang lalaki na 'yun, kung ilang tao ang nasa pamilya niya, at ilan ang naging girlfriend niya noon. Kung talagang nagdi-date sila, kailangan natin maging masaya para sa anak natin, hindi ba?"Kinain ni Mr. Mayweather ang mansanas na hiniwa ng misis niya para sa kaniya at tumawa. "Sige, tama lagi ang misis ko. Okay, magtatanong ako sa susunod na araw."Sinubuan ulit
Sandaling natulala si Louis. Tumango siya at hinawakan ang kamay ni Ryleigh. "Sige, pupunta kami sa Stoslo para bisitahin si Lolo sa susunod."Lumapit si Ryleigh sa kaniya at mahinang boses na tinanong, "Nakakatakot ba ang lolo mo?"Ngumiti si Louis at nagbigay ng seryosong tingin. "Panigurado na papahirapan ka niya kung hindi ka masunurin.""Tsk! Bakit mo naman tinatakot ang asawa mo?" Pinatunog ni Larissa ang dila niya at pinagaan ang loob ni Ryleigh. "Huwag ka mag alala. Hindi ka papahirapan ng lolo niya. Si Louis ang magdudusa sa galit niya kung may mangyayari na mali."Ngumiti si Ryleigh at tumango.…Gabing gabi na nang makauwi si Xyla mula sa hospital. Pumunta siya sa kwarto niya, humiga sa kamat, at tumitig sa kisame.Ang eksena kung saan hinalikan siya ni Yorrick ay biglang sumagi sa isip niya na parang pelikula.'Magaling siya humalik, sa galing niya hindi ko makalimutan.'Tsk, player talaga siya.'Naiirita siyang umupo, at tumigil ang paningin niya sa violin figure
Tumango si Yorrick. ‘Sige, uminom tayo ngayong gabi.”….Mayroong night scene si Xyla at natapos siya ng mga bandang 11:30 p.m. Nae-excite siya dahil ito ang unang pagkakataon na naramdaman niyang hindi kasing relax ng series ang pelikula.Hinatid siya ni Mindy, at nang umalis na ito, tumunog ang phone ni Xyla. Nagtaka siya kung sino ang tumatawag sa kaniya at nang tiningnan niya ito…si Yorrick?Hindi ba’t blinock na siya nito?Sinagot niya ito. “Anong maipaglilingkod ko sa inyo ngayong gabi, Mr. Hathaway?”Mayroon siyang sinabi na hindi narinig ni Xyla at akala niya ay mayroong nangyari kay Yorrick. “Hello!”“Si Ms. Mayweather ba ‘to?” Nagsalita ang bodyguard, “Pasensya na sa abala. Nasaan po kayo? Lasing si Mr. Hathaway at ayaw niya umalis. Magsasara na ang bar, at hindi ko na alam ang gagawin. Pwede ba kayong pumunta at tulungan kami, pleasE?”Inalis ni Xyla ang buhok sa mukha niya at tumawa. “Lasing siya, at kailangan ko siyang tulungan?”Naubusan na ng ideya ang bodyguard
Naupo si Yorrick at nilagay ang kamay sa noo bago sumandal sa upuan.Nang makarating sila sa hotel, tinulungan siya ni Xyla na makapasok sa kwarto. Nang papahigahin na niya ito sa kama, hinila siya nito gamit ang bigat ng katawan nito at bumagsak siya sa ibabaw ni Yorrick.Dumampi ang labi niya sa ilong nito, natigilan siya. Dumadampi ang mainit at amoy alak nitong hininga sa pisngi niya, tinitigan niya ang lalaking nakapikit sa ilalim niya.Sinubukan niyang tumayo, pero isang braso ang humila sa kaniya. Nagulat siya at bumilis ang tibok ng puso niya.Marahang dumilat ang mga mata ni Yorrick at lasing na ngumiti, “Lasing ako.”“Ano…anong kinalaman ko sa pagiging lasing mo?” Sinubukan ulit tumayo ni Xyla, pero mahigpit siyang hinawakan ni Yorrick, nakipagtitigan siya rito.Mukhang lasing si Yorrick pero posibleng hindi. “Xyla, namomroblema ako dahil sa iyo minsan.”Nagulat si Xyla. “Ano? Namomroblema ka?”Hinawakan ni Yorrick ang pisngi niya at ngumiti. Tumatama ang amoy alak ni
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa