Ngumisi si Yorrick, tumayo, at tiningnan ang coat na nasa sahig. “Labhan mo yan bago ka lumabas.”Tumalikod na siya at lumabas ng banyo.Napasandal na lang si Xyla sa pader, tinatawanan ang sarili.‘Ano bang iniisip ko noong gabing hindi ko siya tinanggihan? Yun ang dahilan kung bakit ito nangyari ngayon, dapat lang ‘to sa akin.‘So, ito pala ang katapusan ng mga masasamang babae.’Lumabas si Xyla pagkatapos mag-shower, hindi niya binuksan ang ilaw sa living room, at maglalakad na sana papunta sa guest room kahit na madilim. Bigla naman nagliwanag ang buong paligid niya, at nasilaw siya sa chandelier.Narinig ang boses ni Yorrick mula sa likod. “Dahil karelasyon na kita ngayon, alam mo na dapat kung saan ka matutulog.”Humiga si Xyla sa tabi ni Yorrick at nang tatalikuran niya na sana ito, sinabi sa kaniya ng lalaki, “Yakapin mo ako.”Nagngingit siya, tumalikod at sumiksik kay Yorrick bago niya ito yakapin.Inunat ni Yorrick ang kamay para maging ekstrang unan para kay Xyla at
Read more