Nagpumiglas si Xyla sa pagkakahawak ni Yorrick pero walang nangyari. Tumingala siya para tingnan ito at nagtanong, “Noong sinabi mong ilalagay mo ako sa blacklist, nagsisinungaling ka, tama?”Naningkit ang mga mata ni Yorrick. “Pero naniwala ka pa rin.”‘Tama nga ang dad ko!’Nagngangalit ang ngipin niya nang magtanong ulit, “Ibig sabihin, pinaglalaruan mo ako?”Mahigpit siyang niyakap ni Yorrick at mas lumapit. Mayroong ngisi sa sulok ng mga labi niya, “Akala ko matalino kang babae, pero mukhang mali ako. Kasing babaw ka rin ng iba..”Huminga nang malalim si Xyla para pakalmahin ang sarili. “Sa tingin mo nakakatuwa ‘to?”Pinagmasdan siya ni Yorrick pero walang sinabi.,“Alam kong tuwang-tuwa ka habang pinaglalaruan ako na parang unggoy, tama, Yorrick? Ang sabi mo, ayaw mong pumasok sa isang relasyon, kaya sinabayan kita. Ang dami mong babae, kaya bakit hindi mo na lang ako pakawalan?”Hindi na nakapagpigil pa si Xyla at umiyak. Yumuko siya habang kitang-kita ang pagtaas-baba n
Biglang nilagay ni Yorrick ang isang bote ng inumin sa fold-out table sa harapan niya, doon siya natigilan. Sinubukan niyang silipin ito pero ayaw niyang mahalata.Kasunod nito, biglang kinuha ni Yorrick ang sunglasses niya. Binawi niya ito, sinuot at tumalikod saka niyakap ang sarili.Tumawa si Yorrick at inunat ang kamay para hawakan sa balikat si Xyla. “Galit ka pa rin ba sa akin?”Tinulak ni Xyla ang kamay niya, dinuro siya at nagngangalit na sinabi, “Alisin mo yang madumi mong kamay sa akin. Kung hindi, kakasuhan kita ng sexual harassment!”Napahawak si Yorrick sa kaniyang noo at pinagmasdan si Xyla. Pagkatapos, tumawa siya. “Tumingin ka sa paligid mo. Dalawa lang tayo dito sa business cabin.”Natigilan si Xyla. Tumayo siya at tiningnan ang paligid, at katulad nga ng sinabi ni Yorrick, wala ng iba pang tao sa business cabin. Naguluhan siya at bumalik sa kaniyang upuan. “Anong ibig sabihin nito?”Lumapit si Yorrick habang nilalaro ang ilang hibla ng kaniyang buhok at sinabi,
Hindi pinilit ni Yorrick si Xyla na lumapit sa kaniya. Nasa kotse naman na sila ngayon at walang paraan para matakasan siya nito.Hindi nagtagal, dumating sila sa isang engrandeng hotel na pagmamay-ari ng mga Hathaway. Parehong tinulak si Xyla at ang suitcase niya sa isang kwarto. Tumayo ang bodyguard sa labas ng pinto at sinabing, “Ms. Mayweather, kung may kailangan kayo, sabihin niyo lang sa akin. Enjoy your stay.”Sinara ng bodyguard ang pinto, naiwan si Xyla na nakatulala sa loob ng kwarto.‘Dinala lang niya ako sa isang hotel?’Sa mansyon ng mga Hathaway, sa St. Donnor Estate…“Young Master Yorrick, hinihintay kayo ni Mrs. Hathaway sa study room.” Nakatayo sa gilid ng hagdanan ang butler at bahagyang nag-bow kay Yorrick.Hinubad ni Yorrick ang jacket niya at inabot yun sa butler. Hinubad niya ang kaniyang relo at umakyat papunta sa study room. Isang middle-age na babae ang nakaupo sa likod ng mesa. Mukhang nasa 50s na ito, pero dahil alagang-alaga nito ang kaniyang balat, pa
Mula sa banyo papunta sa master bedroom, si Yorrick ang naging dominante sa gitna ng kadiliman. Walang nakakakita sa matinding pagnanasa sa kaniyang mga mata. Para kay Yorrick, ang intimate activity na ‘to na umabot hanggang sa pagsikat ng araw ay isang bangin na pinili niyang talunin. Para naman kay Xyla, isa itong kontradiksyon at pagpipigil na hindi niya pa naramdaman noon.Sa huli, naging kalmado na ang lahat.Kinabukasan, nagising si Xyla sa ingay mula sa living room. Nang subukan niyang igalaw ang katawan niya, pakiramdam niya ay napupunit ang buong katawan niya.Habang nakatulala, narinig niya ang sigaw ng isang babae, “Yorrick, ako ang fiancee mo! Hindi kita pipigilan kung gusto mong mambabae, pero pakiusap, sana respetuhin mo ang marriage contract sa pagitan nating dalawa!”Nanginig ang mga pilikmata ni Xyla.“Fiancee?’Pinilit niyang tumayo sa kama at nagpunta sa pinto para makinig sa usapan nila.Tumawa si Yorrick. “For the record, hindi ako pumayag na magpakasal sa i
Hinaplos ni Yorrick ang mga labi ni Xyla at ngumiti. “Wala akong maraming babae katulad ng iniisip mo.”“Kung hindi sila daan-daan, mga tatlong dosena naman sila, tama?” Hinampas niya ang kamay ni Yorrick.Hinawakan ni Yorrick ang daliri niya. “Iba yun.”Hindi siya pinansin ni Xyla dahil masiyado siyang pagod para sa paliwanag nito. Hinila niya ang kamay niya at tinapat yun sa dibdib ni Yorrick, balak niya sana itong itulak, pero hindi gumalaw ang katawan nito na parang isang bundok.Siniksik ni Yorrick ang ulo sa balikat ni Xyla at tumawa, “Ayaw mo ng maraming babae sa paligid ko, tama?”Nang makitang hindi niya ito matulak palayo, hindi na nagpumiglas si Xyla.‘Dahil ayaw naman niya sa mga babaeng nakikinig at sumusunod sa kaniya, magiging ganoon na lang ako.’“Oo, ayaw ko ng maraming babae ang nakapaligid sa iyo.” Nagkusa si Xyla na yakapin ang leeg ni Yorrick habang nagbibigay ng kaunting lambing sa kaniyang tingin. “Bakit ko ipapahiram ang isang lalaki sa ibang babae, lalo
Umiwas ng tingin si Xyla at suminghap. “Hindi.”Suminghal si Yorrick. “Natatakot ka na mahuhulog ka sa akin balang-araw. Kaya umatras ka.”Nanginig ang buong katawan ni Xyla sa inis. “Sino ang nagsabi sa iyo na natatakot ako? At bakit ako dapat mahulog sa iyo? Mahuhulog muna ako sa lahat ng single na lalaki sa mundo bago ako mahulog sa iyo!”“Dahil natatakot ka!”“Ikaw!” Mas lalong nanikip ang dibdib ni Xyla habang hinaharap ang sunod-sunod na tanong.Hinalikan siya sa labi ni Yorrick at tumawa nang makita niyang lumambot ang katawan ni Xyla. “Gusto mo ang pananabik at kakaibang pakiramdam na nabibigay ko sa iyo, kaya hindi sa wala kang nararamdaman para sa akin. Ayaw mo lang aminin.”Tinikom ni Xyla ang mag labi habang hinahaplos naman ni Yorrick ang pisngi niya. “Mukha ngang maraming babaeng nakapaligid sa akin paminsan-minsan.”Tumigil siya nang ilang segundo bago ulit ngumiti. “Pero ang totoo, dalawang babae pa lang ang nakakasiping ko. Ikaw ang pangalawa sa listahan, at bak
Tinaas ni Nolan ang kamay, hinaplos ang tuktok ng buhok ni Maisie at saka inabot ang cake box. “Galing yan kay David.”Kinuha ni Maisie ang cake at nagtanong, “Nagkita kayo ni President David?”Mahinang sumagot si Nolan, hinubad niya ang kaniyang coat, sinampay yun sa likod ng upuan at saka dahan-dahang nirolyo ang kaniyang manggas. “Mayroon pa bang hindi nagagawa?”Tumawa si Maisie. “Aalukin mo ba ako ng tulong?”“Ano pa ba?” Tumaas ang mga kilay ni Nolan. “Sinabi ko na sa iyo na kumuha ka pa ng mas maraming tao imbes na paghintayin mo ako araw-araw.”Naupo si Maisie sa couch sa tabi ni Nolan at binuksan ang cake box. “Hindi pa kasi stable ang branch. Kukuha naman talaga ako ng mas maraming tao kapag ayos na ang lahat.”Kumagat siya gamit ang isang kutsara, masarap ito, matamis at mayroong mapait na aftertaste. “Ang sarap nito!”Pumunta si Nolan sa cashier at siya na ang gumawa ng inventory.Nang tingnan ni Maisie si Nolan na abala sa ginagawa nito at seryosong-seryoso, hindi
Kumunot ang noo ni Nolan. “Wala akong masyadong alam tungkol sa kaniya.”Hinawakan ni Louis ang noo niya at napatingin sa kalsada. “Total may oras ka para alalahanin ang buhay ni Xyla, bakit hindi mo rin muna alalahanin ang pagkikita niyo ni lolo?”Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Ryleigh sabay hawak sa kamay ni Maisie. “Zee, ang lolo mo… masungit ba siya?”Sumagot si Maisie, “Niloloko ka lang niya. Hindi masungit si lolo.”Sandaling kumalma ang puso ni Ryleigh, pero muli siyang kinabahan nang makita na si Hernandez. Kahit na nasa wheelchair si Hernandez, mararamdaman pa rin ang dominante at istrikto niyang aura.Napatulala si Ryleigh. “Hi, lo—-Hello, lolo, nice to meet you po.”Kumunot ang noo ni Hernandez at gulat na napatingin kay Louis. “Bakit ka nagpakasal sa bulol?”Hindi napigilan ni Louis na tumawa.Mas lalong nahiya si Ryleigh. Tumingala siya at seryosong sumagot, “Lolo, hindi ako nabubulol. Kina…kinabahan ako.”“Oh, kinakabahan ka.” Mas gumaan ang pakiramdam ni He
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa