Home / Romance / Mr. Grayson Contract Love / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of Mr. Grayson Contract Love: Chapter 81 - Chapter 90

122 Chapters

Kabanata 40.2

Nauna nang lumabas si Scarlett kaya hindi na lang yun pinansin ni Kaylee dahil baka nagbago lang talaga si Zion. Nang makalabas na si Scarlett at Kaylee ay mabilis na kwenelyuhan ni Zion si Lance at malakas na isinandal ito sa pader.“What do you think you are doing, huh?!” galit na saad ni Zion sa kaniya.“Sir wala naman po akong ginagawa. Ginawa ko lang po kung anong sinabi niyo sa akin, ang alagaan si Ma’am Scarlett.” Kalmado niyang saad pero diniinan ni Zion ang pagkakakwelyo niya kay Lance.“Sinabi ko yun pero hindi kasama ang landiin siya! What is that? Kailangan ba hawak mo ang kamay niya na lumabas ng opisina ko? Kung gawin mo yun parang wala ako sa harapan niyo ah. Akala mo ba hindi ko narinig ang pinag-usapan niyo ni Scarlett noong huli akong tumawag? She’s calling you babe!” may diin niyang saad. Napalunok si Lance dahil kahit na wala namang malisya sa kaniya ang lahat ay iba pa rin ang dating nun sa Boss niya.“Hindi mo sinabi sa kaniya kung anong relasyon naming dalawa? H
Read more

Kabanata 41.1

“Love hindi mo ba gusto yung Italian spaghetti nila?” tanong ni Kaylee kay Zion. “You asked me out on a date love pero parang wala kang gana na kumain. Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Kaylee. Iniwas ni Zion ang tingin niya kay Scarlett at bahagyang bumuntong hininga at nginitian si Kaylee.“I’m okay, let’s just eat.” Anas niya at kumain na pero para bang hindi niya malasahan ang kinakain niya dahil walang ibang tumatakbo sa isip niya kundi si Scarlett na masayang nakikipag-usap kay Jared. Halata namang masaya at nag-eenjoy si Scarlett kasama ang co-artist niya pero hindi mapigilan ni Zion ang hindi magalit at magselos.Mahigpit na naman niyang hinawakan ang kutsawa niya ng makita niya ang masayang-masayang mukha ni Scarlett, ang matatamis niyang mga ngiti, ang mga mata niyang naghuhugis crescent moon sa tuwing ngumingiti siya.Kinagat ni Zion ang pang-ibaba niyang labi para pigilan ang sarili niya na lapitan si Scarlett. Ngayon na kilala ni Scarlett si Kaylee bilang asawa niya
Read more

Kabanata 41.2

Bakit ba hindi yun maalis sa isip niya? Gusto niyang malaman kung ano ba talaga ang relasyon niya kay Zion at bakit ganito ang nararamdaman niya? Para bang nakikilala ng puso niya si Zion pero hindi ito maalala ng isip niya.Pabagsak na naupo si Scarlett sa kama niya. Binitawan lang din niya ang bag niya sa sahig saka siya nahiga at tinitigan ang kisame. Hinawakan niya ang bandang puso niya dahil kanina pa yun nagwawala.‘Asawa niya si Kaylee at kung totoo ngang may relasyon kaming dalawa paano ko nagawang saktan ang kapwa ko babae? Paano kung ano yung nasa posisyon niya?’ usal niya sa isipan niya.Muli na naman siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Bigla siyang naguluhan, isang beses lang siyang hinalikan ni Zion pero apektado na ang buong katawan niya lalong lalo na ang puso niya.Isang buwan na simula noong nangyari ang aksidente pero hanggang ngayon wala pa ring maalala si Scarlett.Pagsapit ng dilim ay nagtimpla na lang ng gatas si Scarlett para dalawin siya kaagad ng
Read more

Kabanata 42.1

Hindi mawala sa isipan ni Scarlett ang nangyari sa kanilang dalawa ni Zion. Hindi siya makapaniwalang nagawa niya yun at hindi man lang nakontrol ang sarili kahit na alam niyang may asawa na ito. Napasabunot na lang si Scarlett sa sarili niya.Kanina pa tumatakbo sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Zion at alam niyang maling mali yun.“Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala.” Saad ni Jared saka niya binigyan ng kape si Scarlett.“Okay lang,” tipid na sagot ni Scarlett saka ininom ang binigay na kape ni Jared.“Sigurado ka bang kaya mo ng magtrabaho?” paninigurado na naman ni Jared. Sinabi ni Scarlett kay Harry na ituloy na nila ang taping nila kahit na wala siyang maalala dahil acting lang naman ang gagawin niya.“Kaya ko naman na, naghilom naman na ang mga gasgas ko. Maraming project na nakahanay kay direk kaya hindi ko naman kayang ako pa ang dahilan para madelay ang mga project niya.” napatango naman si Jared. Gusto niya lang siguraduhin na kaya na talaga ni Scarlett.Napahinto sa
Read more

Kabanata 42.2

Napaupo na lang si Kaylee at yakap-yakap niya ang mga tuhod niya habang humihikbi. Para bang pinupunit ang puso niya sa sobrang sakit, sa bawat tibok nito ay napakasakit dahil sa ilang taon na silang kasal ni Zion ngayon lang siya sinigawan nito.Inis na ginulo ni Zion ang buhok niya saka niya binalikan si Kaylee. Hinawakan niya ito sa kamay at hinila na hanggang sa makarating sila sa kotse. Tahimik lang naman si Kaylee na umiiyak.Samantala naman mag-isang nakaupo ni Scarlett sa isang bench na malayo sa mga katrabaho niya. Nilalanghap ang masarap at sariwang hangin. Maaga siyang umalis ng condo kanina at iniwan si Zion na tulog pa pero nandito naman ito ngayon at sumunod pa ang asawa niya.Kung meron mang namagitan sa kanilang dalawa ipinagpapasalamat niyang nawalan siya ng ala-ala dahil kung mahal man nila ang isa’t isa baka hindi kayang pakawalan ni Scarlett si Zion lalo na ngayon na palagi niyang kasama ang asawa niya.Napakunot ng noo si Scarlett, napapaisip siya kung paano nila
Read more

Kabanata 43.1

Dahan-dahan na iminulat ni Scarlett ang mga mata niya ng magkamalay siya. Napahawak siya sa ulo niya ng mahilo siya. Tiningnan niya ang paligid niya pero hindi niya alam kung nasaan ba siya pero isa lang ang sigurado siya nasa isa siyang abandunadong building.Napalunok na lang siya sa sarili niyang laway. Kasasabi lang ni Drew sa kaniya ang maaaring panganib sa buhay niya pero ito na nangyayari na.Kung magpapadala siya ng takot walang mangyayari sa kaniya hindi siya maililigtas ng mga luha niya. Dahan-dahan na tumayo si Scarlett at inilibot ang paningin niya sa paligid. Akma na sana siyang lalabas ng pintuan ng marealize niyang nakatali pala ang isa niyang paa.Lumuhod siya para alisin ang pagkakatali sa paa niya pero napatigil din siya nang makita niya sa gilid ng mga mata niya ang isang taong nakatayo na sa bakuna ng pintuan.“Sinusubukan mo bang tumakas?” tanong nito sa kaniya. Nilingon ni Scarlett ang lalaki na nasa gilid niya pero hindi niya ito makilala dahil nakamask ito.“An
Read more

Kabanata 43.2

“What the fuck are you thinking?!” galit na sigaw ni Scarlett dahil ang usapan lang nila ay 50 million bakit pa siya humirit ng kalahati?! Imposibleng magsasayang ng pera si Zion para lang sa kaniya.“Tumahimik ka!” sigaw ng lalaki kay Scarlett at rinig na rinig yun ni Zion. Napapakuyom na lang siya ng kamao.“Subukan mo lang na saktan siya kahit saang sulok ka ng mundo pumunta hahanapin kita. Uubusin ko ang pera at kayamanan ko mapatay lang kita. Kung nakatali man ang asawa ko ngayon pakawalan mo na dahil baka mapatay kita. Ibigay mo sa akin ang bank account mo at isesend ko kaagad sayo ang 100 million mo.” napatulala si Scarlett sa narinig niya. Tama ba ang naririnig niya? Hindi man lang nagdalawang isip si Zion na bitiwan ang 100 million para lang sa kaligtasan niya?Nanginig na rin ang lalaki na kausap si Zion. Maging ang mga kasama niya ay hindi makapaniwala na magkakaroon sila ng 100 million sa isang araw lang.“Jackpot ka pala Miss Scarlett,” wika ng lalaking naninigarilyo kani
Read more

Kabanata 44.1

Naging blangko ang mukha ni Scarlett, wala kang kahit na anong emosyon na makikita sa kaniya. Hindi ka rin niya kakausapin kung hindi ikaw ang unang kakausap sa kaniya.“Coffee?” anas ni Jared saka niya iniabot ang kape kay Scarlett. Nang tanggapin yun ni Scarlett ay naupo naman si Jared sa tabi niya.“May nangyari ba?” tanong ni Jared dahil naninibago siya kay Scarlett. Ilang araw na siyang masyadong tahimik, kung tatanungin mo man siya straight to the point na siya kaagad.“Nothing,” tipid na sagot ni Scarlett. Alam ni Jared na may nangyari pero nirerespeto niya na lang si Scarlett kung ayaw niyang sabihin kung ano bang problema niya o kung ano bang gumugulo sa isip niya. Nanatiling sekreto ang nangyaring pagkidnap sa kaniya dahil yun din ang gusto ni Scarlett.Hindi biro ang nangyari sa kaniya, tama si Drew hindi niya dapat pagkatiwalaan ang mga taong nasa paligid niya dahil hindi niya alam kung sino sa kanila ang totoo sa kaniya at hindi. Hindi niya na rin kayang pagkatiwalaan si
Read more

Kabanata 44.2

“Nakalimutan mo bang lahat ng mga sasakyan ko ay may gps so I can track you anytime?” napayuko naman si Kaylee dahil nakalimutan niya ang tungkol dun. “Ipapakuha ko na lang kay Lance ang kotseng ginamit mo. Ihahatid na kita sa bahay at magpahinga. Wala akong makitang dahilan para mag-inom ka Kaylee.” Bakas ang galit sa tinig ni Zion pero pinipilit niyang maging kalmado.“I’m sorry, marami lang akong iniisip.”“Kung gusto mong mag-inom maraming alak sa fridge at kung kulang mo pa yun magpapadeliver ako. Huwag na huwag ka lang aalis ng mag-isa mo Kaylee lalo na at hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sayo sa labas.” Seryosong niyang wika na ikinangiti naman ni Kaylee dahil kahit na malaki na ang pinagbago ni Zion nag-aalala pa rin siya para sa kaniya.“I’m sorry,” tanging sagot na lang ni Kaylee saka siya nakangiting pinagmasdan ang paligid sa labas ng bintana niya. Nanatiling blangko ang mukha ni Zion hanggang sa maihatid niya si Kaylee sa bahay niya.“What time ka—” tatanungin pa
Read more

Kabanata 45.1

Napatingin si Scarlett sa taong nag-aabot sa kaniya ng pagkain at walang iba kundi si Lance. Napangiti na lang si Scarlett dahil isa si Lance sa mga taong hindi siya iniwan ng mawalan siya ng ala-ala.“Ayos ka lang?” tanong ni Lance sa kaniya.“Hmm,” tipid na sagot ni Scarlett. Sa mga nakalipas na mga araw para bang nawalan siya ng gana na magsalita. Gusto niya palaging mapag-isa, nasasaktan siya ng walang dahilan at ito ay dahil kay Zion kahit na hindi niya naman ito maalala.“Kasama mo si Zion noong nakidnap ako, bakit kayo magkasama?” tanong ni Scarlett. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Scarlett na si Lance ang secretary ni Zion.“Nung kausap kita sa cell phone at biglang hindi ka na sumagot naramdaman kong may mali na. Hindi na ako mapakali, hindi ko alam ang gagawin ko kaya sinabi ko sa kaniya ang tungkol sayo dahil siya lang naman ang may kakayahan na hanapin ka dahil kung meron mang mas nakakakilala sayo si Mr. Grayson lang yun. Siya lang din ang may kakayahan na iligtas
Read more
PREV
1
...
7891011
...
13
DMCA.com Protection Status