“Nakalimutan mo bang lahat ng mga sasakyan ko ay may gps so I can track you anytime?” napayuko naman si Kaylee dahil nakalimutan niya ang tungkol dun. “Ipapakuha ko na lang kay Lance ang kotseng ginamit mo. Ihahatid na kita sa bahay at magpahinga. Wala akong makitang dahilan para mag-inom ka Kaylee.” Bakas ang galit sa tinig ni Zion pero pinipilit niyang maging kalmado.“I’m sorry, marami lang akong iniisip.”“Kung gusto mong mag-inom maraming alak sa fridge at kung kulang mo pa yun magpapadeliver ako. Huwag na huwag ka lang aalis ng mag-isa mo Kaylee lalo na at hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sayo sa labas.” Seryosong niyang wika na ikinangiti naman ni Kaylee dahil kahit na malaki na ang pinagbago ni Zion nag-aalala pa rin siya para sa kaniya.“I’m sorry,” tanging sagot na lang ni Kaylee saka siya nakangiting pinagmasdan ang paligid sa labas ng bintana niya. Nanatiling blangko ang mukha ni Zion hanggang sa maihatid niya si Kaylee sa bahay niya.“What time ka—” tatanungin pa
Napatingin si Scarlett sa taong nag-aabot sa kaniya ng pagkain at walang iba kundi si Lance. Napangiti na lang si Scarlett dahil isa si Lance sa mga taong hindi siya iniwan ng mawalan siya ng ala-ala.“Ayos ka lang?” tanong ni Lance sa kaniya.“Hmm,” tipid na sagot ni Scarlett. Sa mga nakalipas na mga araw para bang nawalan siya ng gana na magsalita. Gusto niya palaging mapag-isa, nasasaktan siya ng walang dahilan at ito ay dahil kay Zion kahit na hindi niya naman ito maalala.“Kasama mo si Zion noong nakidnap ako, bakit kayo magkasama?” tanong ni Scarlett. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Scarlett na si Lance ang secretary ni Zion.“Nung kausap kita sa cell phone at biglang hindi ka na sumagot naramdaman kong may mali na. Hindi na ako mapakali, hindi ko alam ang gagawin ko kaya sinabi ko sa kaniya ang tungkol sayo dahil siya lang naman ang may kakayahan na hanapin ka dahil kung meron mang mas nakakakilala sayo si Mr. Grayson lang yun. Siya lang din ang may kakayahan na iligtas
Kinuha niya na ang mga pinamili niya kanina at sumakay na sa van niyang naghihintay sa labas ng building. Nang makarating siya sa dressing room niya ay inasikaso siya kaagad ng mga make-up artist niya.“Ilang oras ka bang natulog para malate ng isang oras sa pag-aayos sayo? Alam mo namang matagal ang pag-aayos!” panenermon na naman sa kaniya ni Richelle na para bang stress na stress na.“Gaano ba kahalaga yang party na yan para hindi pwedeng malate? Pwede naman nilang simulan ang party ng wala ako. Hindi ako VIP para maging maaga sa venue okay?”“Dumating ang chairman, si chairman Grayson na ama ni Sir Zion at ayaw na ayaw niya ng late.” Napataas naman ang isang kilay ni Scarlett.‘Ang ama ni Zion?’ tanong niya sa sarili niya. Naalala niya naman ang pinag-usapan nila nitong mga nakaraang araw.“Hindi naman pala ako kailangan sa party na yan kaya bakit pa ako pupunta?” aniya dahil pinuntahan siya ni Mr. Grayson para makiusap na layuan ang anak niya kaya kung hindi man siya umattend nga
Hindi makapaniwala si Layla sa nakita niya. Tama nga ang hinala niya, may relasyon si Zion at si Scarlett. Noong una ay natatakot siyang baka may relasyon si Scarlett kay Zion pero ngayon ay mas ikinatuwa niya yun dahil alam niyang may asawa si Zion at maaaring makasuhan ng adultery si Scarlett na maaaring ikasira ng pangalan niya lalo na ngayon at marami ng nakakaalam kung sino ang asawa ni Zion.May ngiti sa labing bumalik ng function hall si Layla. May naiisip na siyang plano para sirain ulit ang pangalan ni Scarlett at siguradong hindi niya na iyun matatakasan. Tiningnan ni Layla si Kaylee na masayang nakikipag-usap sa mga business partner ni Zion.Napapailing na lang si Layla, nakaramdam ng awa kay Kaylee dahil ang asawa niyang si Mr. Grayson ay may ibang minamahal.“Is she aware about this? O hanggang ngayon wala pa rin siyang nalalaman?” tanong ni Layla sa sarili niya.“Interesting,” dagdag pa niya. Kinuha ni Layla ang cell phone niya, nakuhanan niya ng litrato si Zion at si Sc
“Alam kong una pa lang may tao ng tumulong kay Scarlett para makabalik kaagad sa showbiz at makakuha ng malaking project. Nagtataka talaga ako kung paano niya napaibig ng ganun kabilis si Mr. Grayson. Sa dami ng pwedeng tumulong kay Scarlett, isang taong makapangyarihan at mahirap pang banggain.” Tila ba biglang nawala ang ngiti sa labi ni Layla. Kilala nila si Zion at siguradong gagawin niya ang lahat para lang protektahan si Scarlett. “Kung si Mr. Grayson ang taong nasa likod ni Scarlett mahihirapan ka sa plano mo. Anong balak mong gawin ngayon?” nag-isip naman si Layla. “Ididiretso ko kaagad sa asawa niya at siya na ang bahalang gumawa ng aksyon para sa akin. Masisira ang pangalan ni Scarlett ng wala akong ginagawa, easy right? Si Miss Kaylee na ang bahala kung anong gagawin niya at kung wala naman siyang planong aksyunan ang panloloko ng asawa niya sa kaniya. Ipopost ko sa social media ang picture nilang dalawa at malalaman ng lahat kung anong klaseng tao si Scarlett. Scarlett th
Nakalabas din kaagad ng hospital si Scarlett pagkatapos niyang macheck-up. Hanggang ngayon ay tulala pa rin siya panay ang pagbuntong hininga niya. Nahilot niya na lang ang sintido niya.“Uminom ka na muna ng tubig,” iniabot ni Jared ang isang basong tubig kay Scarlett na ininom naman kaagad ni Scarlett. Nakatitig si Jared kay Scarlett hindi niya alam kung ano bang naging dahilan ng pagbagsak ni Scarlett kanina dahil hindi siya pinayagan ni Zion na pumasok sa loob ng kwarto ni Scarlett.Nagtataka pa rin siya kung may relasyon ba si Scarlett kay Zion dahil hindi naman mag-aalala ng sobra si Zion kung wala.“Sigurado ka na bang ayaw mong magpaconfine? Walang kakulay-kulay ang mukha mo Scarlett.” Nag-aalala pa ring saad ni Jared pero inilingan siya ni Scarlett dahil ayaw niyang manatili sa hospital.“Mas gugustuhin kong manatili rito sa condo kesa sa hospital. Hindi rin naman seryoso kung bakit ako nawalan ng malay kanina. I’m okay don’t worry.”“Ayaw mo ba talagang makita si Sir Zion? K
“Nabalitaan kong hinimatay ang isang artista habang nasa taping at pinuntahan siya ni Zion sa hospital. Ang laki na nga talaga ng pinagbago niya ‘no? Hindi ko alam na ganun niya pala kamahal ang mga artista ng kompanya niya dahil personal niya itong pupuntahan para malaman ang kalagayan.” Mapait niyang wika. Hindi naman nakaimik si Lance dahil alam niyang nakakahalata at nakakaramdam na si Kaylee dahil masyado naman talagang obvious ang Boss niya.“Ikaw ang nakasama ni Zion sa mahabang panahon Lance. Kumusta siya noong mga panahon na wala ako sa tabi niya? Naging masaya ba siya? Mas lalo ba siyang naging masaya?” diretso nang tiningnan ni Kaylee si Lance pero hindi man lang siya tinitingnan ni Lance kaya naiinis na si Kaylee sa kaniya.“Face me, Lance!” may diin nang saad ni Kaylee kaya walang nagawa si Lance kundi ang harapin niya si Kaylee. Matapang niyang sinalubong ang mga mata ni Kaylee na alam mong nagagalit na rin.“Sabihin mo sa akin yung totoo, may relasyon ba siya sa isa sa
Salubong ang mga kilay ni Layla dahil kanina pa siya tingin nang tingin sa cell phone niya na para bang may hinihintay siya.“May hinihintay ka bang tatawag sayo?” tanong ni Cyril kay Layla dahil kanina pa nila ito napapansin na tingin nang tingin sa cell phone niya.“Wala naman,” sagot ni Layla saka niya itinago ang cell phone niya. Hindi ito ang inaasahan niya dahil inaasahan niyang isang araw lang ay magvaviral na si Scarlett pero bakit hanggang ngayon ay wala pa rin? Tatlong araw na ang nakalipas simula nang isend niya sa email ni Kaylee ang mga ebidensya na kailangan niya para kasuhan si Scarlett pero hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang paligid niya.Nakailang search na rin siya sa pangalan ni Scarlett sa social media niya pero magaganda pa rin ang mga lumalabas tungkol kay Scarlett.‘Wala ba siyang planong gawin sa kabit na yun? Bakit hanggang ngayon ay ang tahimik pa rin niya?!’ naiinis na wika ni Layla sa isipan niya. Nang makita niya si Scarlett na dumaan sa harap niya ay