Share

Kabanata 45.1

Napatingin si Scarlett sa taong nag-aabot sa kaniya ng pagkain at walang iba kundi si Lance. Napangiti na lang si Scarlett dahil isa si Lance sa mga taong hindi siya iniwan ng mawalan siya ng ala-ala.

“Ayos ka lang?” tanong ni Lance sa kaniya.

“Hmm,” tipid na sagot ni Scarlett. Sa mga nakalipas na mga araw para bang nawalan siya ng gana na magsalita. Gusto niya palaging mapag-isa, nasasaktan siya ng walang dahilan at ito ay dahil kay Zion kahit na hindi niya naman ito maalala.

“Kasama mo si Zion noong nakidnap ako, bakit kayo magkasama?” tanong ni Scarlett. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Scarlett na si Lance ang secretary ni Zion.

“Nung kausap kita sa cell phone at biglang hindi ka na sumagot naramdaman kong may mali na. Hindi na ako mapakali, hindi ko alam ang gagawin ko kaya sinabi ko sa kaniya ang tungkol sayo dahil siya lang naman ang may kakayahan na hanapin ka dahil kung meron mang mas nakakakilala sayo si Mr. Grayson lang yun. Siya lang din ang may kakayahan na iligtas
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status