Kailangan niyang lumaban ng patas at hindi dahil nakakaangat siya kay Jared ay gagamitin niya na ang pera at mga connections niya. Humugot ng malalim na buntong hininga si Zion para kontrolin ang sarili niya. Huwag lang magpapakita sa kaniya si Jared dahil baka masuntok niya na naman ito. Tinitingnan din ni Scarlett ang cell phone niya kung saan nakapost ang stolen picture nila ni Jared noong nagdate silang dalawa. Napapangiti na lang siya dahil sa magagandang comments sa kaniya ng mga fans nila. “You seem happy today,” wika ni Jared nang maupo siya sa tabi ni Scarlett at ibinigay ang can soda. “Ikaw ang nagpost nito?” ipinakita ni Scarlett ang viral ng picture nilang dalawa. Tiningnan naman yun ni Jared at napakunot siya ng noo. “No, kailan pa naipost yan?” gulat din niyang tanong saka nila tiningnan ang oras at kanina lang din siya naipost. Napapakamot na lang sa batok niya si Jared dahil ayaw niya namang magpost sa public lalo na at hindi siya nakapagpaalam kay Scarlett. “Pase
Hiningal pa si Layla sa malakas na pagsigaw niya kay Kaylee. Natahimik silang lahat ganun na rin si Scarlett. Alam ni Scarlett na may alam si Layla tungkol sa relasyon niya kay Zion kaya napapalunok na lang siya. Hindi niya intensyon na mang-agaw ng asawa ng iba at kung sakali mang sinadya niya bago pa man siya mawalan ng ala-ala pinagsisisihan niya na yun ngayon ay wala na siyang plano na ipagpatuloy pa yun.“What did you just say?” nakataas ang kilay na tanong ni Kaylee. Base pa lang sa sinabi ni Layla, ramdam ni Kaylee na may alam si Layla sa pagkakaroon ng kabit ng asawa niya.“Nasa harapan mo na Kaylee, hawak mo na pero patuloy ka pa ring nagbubulag-bulagan kaya kung ipagpalit ka man ni Mr. Grayson sa ibang babae, you deserve it.” Nilingon pa ni Layla si Scarlett na napaiwas naman ng tingin.Umalis na si Layla dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili niya ilantad niya ng harapan ang nalalaman niya at ayaw niya namang ipaalam sa kanilang lahat na sa kaniya galing ang mga videos
Samantala naman, tila ba walang lakas na naglalakad si Zion palayo na sa kwarto ni Scarlett. Hindi niya naman napansin si Kaylee na nagtatago sa likod ng pader, natutop ni Kaylee ang bibig niya gamit ang dalawa niyang kamay para pigilan ang mga hikbi niya, para hindi siya makagawa ng ingay.Sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon dahil tama siya ng hinala, may ibang babae si Zion. Umalis na rin kaagad si Kaylee at dumaan na lang siya sa exit hanggang sa makarating siya sa kotse niya. Dun niya na ibinuhos ang sakit na nararamdaman niya.Ngayon alam niya na kung bakit ang lamig lamig na ni Zion sa kaniya dahil may ibang babae ng nagmamay-ari ng puso niya. Napahawak na lang si Kaylee sa dibdib niya dahil napakasakit ng nararamdaman niya.Nakita niya na ang mga videos at image ni Zion at ni Scarlett. Hindi niya akalain na tama si Layla kanina dahil nasa harapan niya na ang babaeng minamahal na ng asawa niya. Sa sobrang gulat niya hindi niya alam ang gagawin niya, walang pumapasok sa isi
Itinuon ni Scarlett ang buong atensyon niya sa trabaho niya. Ayaw niya ng isipin pa ang tungkol kay Zion dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod na siya. Lahat ng mga co-artist niya ay nakatulalang nakatingin kay Scarlett habang binibitiwan ang mga salita niya. Maging si Harry ay napatulala na rin kay Scarlett.Alam na nilang lahat na magaling talaga sa acting si Scarlett, na tila ba ipinanganak siyang maging isang magaling na artista lalo na sa mabibigat na mga drama. Nakaawang na ang bibig ni Yvonne habang nakatingin kay Scarlett, kumakain siya ng burger pero nasa ere pa rin ang kamay niyang may hawak ng burger dahil lahat sila ay napatingin na kay Scarlett.Napakabilis nang pagbagsak ng mga luha niya, ang iyak niyang tila ba totoong totoo. Ramdam na ramdam mo ang mabigat na emosyon sa kaniya, napakaganda ng pagkakadala ni Scarlett ng mga linya niya.Mabilis na pinalis ni Yvonne at Cyril ang mga luha nila ng madala sila sa emosyon ni Scarlett sa mga linya niya.“This is just an acti
Naging maayos naman na si Marianne dahil sa balikat lang naman siya tinamaan. Gusto sanang papuntahin ng mga pulis si Scarlett sa prisinto pero hindi sila pinayagan ni Richelle kaya si Joel na lang ang tinanong nila.Pagdating ni Scarlett sa parking lot ay siyang pagbaba rin ni Zion. Nagkasalubong ang mga tingin nila at mabilis na nilapitan ni Zion si Scarlett. Chineck niya ang kabuuan ni Scarlett para masiguro niyang walang nangyari kay Scarlett.“Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?” punong puno ng pag-aalala niyang tanong. Bahagyang umatras si Scarlett.“I’m okay, bakit ka pa nagpunta rito?”“At bakit naman hindi? You are under of my company Scarlett at sa tingin mo pababayaan na lang kita? Bakit ba hanggang ngayon ay ayaw mo pa ring tanggapin ang ibinibigay ko sayong mga bodyguard mo ha? Look what happened today, paano na lang kung lahat kayo ay tinamaan? Saan kita gusto mo puntahan? Sa morgue? Hindi ka na ba nadala sa nang makidnap ka at hanggang ngayon ay nagpapanggap ka pa rin n
Tila ba bumagsak ang mundo ni Kaylee sa narinig niya. Hindi niya maigalaw ang katawan niya, ni ang pagpikit ng mga mata niya ay hindi niya magawa. Nakatulala na lang siyang nakatingin kay attorney na hindi rin alam kung paanong ipapaliwanag ang lahat kay Kaylee.Kaylee is in shock, walang pumapasok sa isip niya. Hindi niya alam kung paanong nangyaring matagal na silang divorce ng asawa niya. Ang buong akala niya ay siya pa rin ang legal wife dahil wala naman siyang maalala na naghiwalay na sila ni Zion.All she can remember is they are happy in their relationship. Anim na taon ang lumipas, anim na taon siyang nakahiga sa kama kaya paanong nangyaring matagal na silang hiwalay ni Zion?“Ilang taon na attorney?” tanong niya ng bumalik na siya sa wisyo. Gusto niya na lang lumubog dahil kumausap siya ng attorney para magpatulong sa pakikipaghiwalay niya kay Zion tapos malalaman niyang matagal na pa silang divorce at totoo at may bisa ang kasal nilang dalawa ni Scarlett.How did that happen
Inihatid na ni Zion si Scarlett at bago siya umalis ay binilinan niya ang lahat ng mga nagbabantay kay Scarlett. Naupo na si Scarlett at napahawak na lang siya sa tiyan niya. Puro gulo na lang ang nangyayari sa buhay niya, pinoproblema niya ang lovelife niya pati ang kaligtasan niya.Hindi mapigilan ni Scarlett na pagdudahan si Layla dahil siya lang naman ang may galit sa kaniya eh. Mariing naipikit ni Scarlett ang mga mata niya ng maalala niya ang mga videos na ipinanuod ni Drew sa kaniya.Wala naman ng pakialam si Scarlett kung nagawa man siyang lokohin ni Eric at ni Layla, ang hindi niya lang matanggap ay ang niloko na nga siya gusto pa siyang siraan at ipaligpit.“May bisita po kayo Ma’am,” napalingon si Scarlett sa pintuan niya nang pumasok ang isang lalaking nagbabantay sa labas ng kwarto niya.“Kilala niyo ba kung sino?” tanong niya.“Si Ma’am Kaylee po,” para bang biglang kinabahan si Scarlett ng marinig niya kung sino ang nasa labas ng kwarto niya. Panigurado siyang may alam
Hinilot ni Scarlett ang sintido niya dahil gulong-gulo na siya sa mga nangyayari. Hindi niya na alam kung ano ba ang dapat niyang unahin. Hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari sa pag-iimbestiga nila kung sino ang mastermind nang pagpapakidnap sa kaniya tapos dumagdag pa ang muntik silang maambush tapos ngayon naman ang relasyon nila ni Zion.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Scarlett saka siya naupo sa sofa. Paano niya ba kakausapin si Zion kung palagi niya itong ipinagtatabuyan? Muling hinawakan ni Scarlett ang tiyan niyang dalawang buwan na.Hindi pa masyadong nahahalata dahil maliit pa naman ang tiyan niya. Wala siyang ininom na pills simula nang maaksidente siya kaya nang may mangyari sa kanila ni Zion mabilis siyang nabuntis nito dahil pareho naman silang contraceptive.Hindi maalis sa isip ni Scarlett si Kaylee. Babae rin siya at napakahirap ng desisyong binitawan niya. Ang pakawalan ang taong mahal mo ang pinakamahirap na desisyon.“Bakit ba pakiramdam ko