Share

Kabanata 50.1

Hiningal pa si Layla sa malakas na pagsigaw niya kay Kaylee. Natahimik silang lahat ganun na rin si Scarlett. Alam ni Scarlett na may alam si Layla tungkol sa relasyon niya kay Zion kaya napapalunok na lang siya. Hindi niya intensyon na mang-agaw ng asawa ng iba at kung sakali mang sinadya niya bago pa man siya mawalan ng ala-ala pinagsisisihan niya na yun ngayon ay wala na siyang plano na ipagpatuloy pa yun.

“What did you just say?” nakataas ang kilay na tanong ni Kaylee. Base pa lang sa sinabi ni Layla, ramdam ni Kaylee na may alam si Layla sa pagkakaroon ng kabit ng asawa niya.

“Nasa harapan mo na Kaylee, hawak mo na pero patuloy ka pa ring nagbubulag-bulagan kaya kung ipagpalit ka man ni Mr. Grayson sa ibang babae, you deserve it.” Nilingon pa ni Layla si Scarlett na napaiwas naman ng tingin.

Umalis na si Layla dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili niya ilantad niya ng harapan ang nalalaman niya at ayaw niya namang ipaalam sa kanilang lahat na sa kaniya galing ang mga videos
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status