Inihatid na ni Zion si Scarlett at bago siya umalis ay binilinan niya ang lahat ng mga nagbabantay kay Scarlett. Naupo na si Scarlett at napahawak na lang siya sa tiyan niya. Puro gulo na lang ang nangyayari sa buhay niya, pinoproblema niya ang lovelife niya pati ang kaligtasan niya.Hindi mapigilan ni Scarlett na pagdudahan si Layla dahil siya lang naman ang may galit sa kaniya eh. Mariing naipikit ni Scarlett ang mga mata niya ng maalala niya ang mga videos na ipinanuod ni Drew sa kaniya.Wala naman ng pakialam si Scarlett kung nagawa man siyang lokohin ni Eric at ni Layla, ang hindi niya lang matanggap ay ang niloko na nga siya gusto pa siyang siraan at ipaligpit.“May bisita po kayo Ma’am,” napalingon si Scarlett sa pintuan niya nang pumasok ang isang lalaking nagbabantay sa labas ng kwarto niya.“Kilala niyo ba kung sino?” tanong niya.“Si Ma’am Kaylee po,” para bang biglang kinabahan si Scarlett ng marinig niya kung sino ang nasa labas ng kwarto niya. Panigurado siyang may alam
Hinilot ni Scarlett ang sintido niya dahil gulong-gulo na siya sa mga nangyayari. Hindi niya na alam kung ano ba ang dapat niyang unahin. Hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari sa pag-iimbestiga nila kung sino ang mastermind nang pagpapakidnap sa kaniya tapos dumagdag pa ang muntik silang maambush tapos ngayon naman ang relasyon nila ni Zion.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Scarlett saka siya naupo sa sofa. Paano niya ba kakausapin si Zion kung palagi niya itong ipinagtatabuyan? Muling hinawakan ni Scarlett ang tiyan niyang dalawang buwan na.Hindi pa masyadong nahahalata dahil maliit pa naman ang tiyan niya. Wala siyang ininom na pills simula nang maaksidente siya kaya nang may mangyari sa kanila ni Zion mabilis siyang nabuntis nito dahil pareho naman silang contraceptive.Hindi maalis sa isip ni Scarlett si Kaylee. Babae rin siya at napakahirap ng desisyong binitawan niya. Ang pakawalan ang taong mahal mo ang pinakamahirap na desisyon.“Bakit ba pakiramdam ko
“I’m sorry,” tanging nasabi ni Zion, na tila ba sinasabi niya ng tama ang lahat ng sinabi ni Kaylee. Tipid lang namang ngumiti si Kaylee sa kaniya.“You don’t need to say sorry Zion, I should the one who said that dahil hinayaan mong tumira ng mag-isa si Scarlett sa condo habang ako ang nandito kasama mo. Naiintindihan ko and I really appreciate na iniisip mo pa rin ako, iniisip mo pa rin ang mararamdaman ko pero hanggang kailan mo itatago sa akin ang lahat? Scarlett is pregnant and she needs you pero bakit pinili mo pa ring manatili ako rito sa bahay niyo?” hindi na alam ni Zion kung paano pa ba niya sasagutin ang mga katanungan ni Kaylee.Isa lang naman ang dahilan niya, ayaw niyang masaktan si Kaylee, ayaw niyang sabihin lahat kay Kaylee hangga’t hindi niya pa naaalala ang lahat dahil mas magiging madali ang lahat kay Kaylee kapag bumalik na ang mga ala-ala niya.Tumango at ngumiti na lang si Kaylee, hindi niya na kailangang marinig pa ang paliwanag ni Zion dahil sapat ng inalagaan
Naiintindihan naman ni Kaylee si Scarlett. Hindi niya maiiwasan na mag-isip nang mag-isip dahil buntis siya.“Zion needs you Scarlett, wala naman na ring problema sa akin kung kayo talaga ni Zion ang para sa isa’t isa. Ano bang laban ko sayo, bukod sa ikaw ang legal wife niya ikaw din ang mahal niya. Aalis din ako sa bahay kapag bumalik na lahat ng ala-ala ko. Ayaw ni Zion na bumalik ako ng states hanggang hindi ko naaalala ang lahat. Gustong gusto ka na ni Zion na makasama ulit sa iisang bahay, nagpunta ako rito ng hindi niya alam dahil gusto kong makausap ka. Scarlett, nakikiusap ako sayo na sana ay pagbigyan mo na siya sa gusto niya. Lalo na sa mga nangyayari sayo ngayon, hindi ka ba natatakot na mag-isa ka lang dito? Gusto mo bang sisihin ni Zion ang sarili niya kapag may nangyari sa mag-ina niya?” nakikiusap na saad ni Kaylee.Napahinto naman si Scarlett sa ginagawa niya saka niya inisip ang mga sinabi ni Kaylee. Ano pa nga ba ang ikinakagalit niya kay Zion gayong totoo namang hi
Nang mapansin naman ni Kaylee na nag-iba ang reaksyon ng mukha ni Scarlett ay mabilis siyang tumawa at umiling.“Don’t get me wrong, wala na akong plano na bumalik pa kay Zion kahit na willing siyang ayusin ang relasyon namin. Aanhin ko siya sa tabi ko kung hindi naman ako ang gusto niyang makasama diba? Kawawa na nga ako mas kakawawain ko pa ba ang sarili ko? Gusto ko lang din maranasan ang mabuntis hindi man ngayon maybe soon? Don’t mind me, kumain ka na dahil paniguradong uuwi na mamaya si Zion.” Tumango na lang si Scarlett saka niya pinagpatuloy ang pagkain niya habang tinitingnan niya si Kaylee paminsan-minsan.Samantala naman hanggang ngayon ay busy pa rin si Zion sa pagpapaimbestiga sa nangyari kay Scarlett. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya nahuhuli ang mga taong gusto patayin ang mag-ina niya.“I will kill them, ako mismo ang papatay sa kanila.” may diing wika ni Zion at akma na sanang aalis nang pigilan siya ni Lance.“Kumalma po muna kayo Sir, hayaan niyong sila ang um
Muling nagsimula ang taping nila dahil kailangan na nilang matapos sa loob ng isang linggo ang taping nila lalo na at buntis na si Scarlett. Hindi mawala sa isip ni Layla ang sinabi ni Zion sa kaniya kaya mas lalong lumalalim ang galit niya kay Scarlett.Hindi niya mapigilang hindi magalit nang magalit kay Scarlett at sisihin ito sa lahat ng nangyayari sa kaniya. Hilaw na lang na natawa si Layla sa sarili niya, hindi siya makapaniwalang si Scarlett ang legal wife ni Zion gayong si Kaylee ang ipinakilala nila sa publiko.Nilalaro ni Layla ang mga daliri niya habang nag-iisip kung anong gagawin niya kay Scarlett. Ayaw niyang maging isang anino na naman ni Scarlett. Nagsasawa na siya sa ganung set-up. Palagi na lang siyang natatabunan ni Scarlett.“Hi Scarlett,” nilingon ni Layla ang tumawag kay Scarlett at napairap na lang siya ng makita niya si Kaylee. “Ipinaggawa kita ng makakain mo, kumain ka na muna.” Anas ni Kaylee saka niya inilabas ang mga pagkain na dala niya.Naririnig lang nam
“I’m aware of that pero wala naman akong magagawa. Ayaw ko namang ikulong ang sarili ko sa loob ng bahay para lang maging safe. Malapit ng matapos ang taping natin at ayaw ko namang mahinto na naman yun. Alam kong maraming projects na nakaline up pa kay direk.” Patuloy ang kwentuhan nilang dalawa habang kumakain.“Pagkatapos ng taping natin kakausapin ko si direk na kung pwede ay reschedule muna natin ang start ng taping sa new project natin para naman makapagfocus muna tayo sa investigation.” Uminom na muna si Scarlett ng tubig saka niya pinunasan ang paligid ng labi niya gamit ang tissue.Tipid niyang nginitian si Jared.“Hindi ko alam kung tatanggapin ko ang new project nating dalawa Jared.” Pag-aamin niya na ikinakunot ng noo ni Jared. Uminom na rin muna ng tubig si Jared bago niya sinagot si Scarlett.“What do you mean?” naguguluhan niyang tanong. Wala pang artista na nagdecline ng mga offer ni Harry dahil siya ang pinakamagaling na director. Napayuko si Scarlett saka siya humugo
6 years ago, before the accident of Zion and Kaylee.Walang tigil ang pagbagsak ng mga luha ni Zion habang nakaluhod sa harapan ni Kaylee. Nagmamakaawang huwag siyang iwan nito. Matagal na silang kasal at ayaw niyang sirain ang ipinangako niya kay Kaylee na mamahalin niya ito habang buhay at hindi niya hahayaan na maghihiwalay sila.Tumingala naman si Kaylee saka niya hinawakan sa braso si Zion at pilit niya itong pinapatayo.“Please stand-up Zion. Don’t do this to me, just let me free. I’m begging you.” Nananatili pa ring nakaluhod si Zion at sunod-sunod siyang umiling. Hindi siya papayag na iiwan na lang siya ni Kaylee. Ibababa niya ang pagkatao niya, ang pride niya, kahit na ano pang sabihin sa kaniya ng ibang tao wala siyang pakialam basta mapanatili niya lang si Kaylee sa tabi niya.“No, don’t do this to me, Kaylee. What have I done? Tell me so I can change what you don’t want about me.”“Hindi mo pa rin ba ako pakakawalan kahit na alam mong hindi na kita maha, kahit na iba na an