Share

Kabanata 47.1

Nakalabas din kaagad ng hospital si Scarlett pagkatapos niyang macheck-up. Hanggang ngayon ay tulala pa rin siya panay ang pagbuntong hininga niya. Nahilot niya na lang ang sintido niya.

“Uminom ka na muna ng tubig,” iniabot ni Jared ang isang basong tubig kay Scarlett na ininom naman kaagad ni Scarlett. Nakatitig si Jared kay Scarlett hindi niya alam kung ano bang naging dahilan ng pagbagsak ni Scarlett kanina dahil hindi siya pinayagan ni Zion na pumasok sa loob ng kwarto ni Scarlett.

Nagtataka pa rin siya kung may relasyon ba si Scarlett kay Zion dahil hindi naman mag-aalala ng sobra si Zion kung wala.

“Sigurado ka na bang ayaw mong magpaconfine? Walang kakulay-kulay ang mukha mo Scarlett.” Nag-aalala pa ring saad ni Jared pero inilingan siya ni Scarlett dahil ayaw niyang manatili sa hospital.

“Mas gugustuhin kong manatili rito sa condo kesa sa hospital. Hindi rin naman seryoso kung bakit ako nawalan ng malay kanina. I’m okay don’t worry.”

“Ayaw mo ba talagang makita si Sir Zion? K
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status