Nakatuon ang paningin niya kay Zion na nakapapormal ng suot, may hawak-hawak na malaking bouquet, nakangiti na para bang dinadala ka sa ibang mundo.‘Paano ko matatanggihan ang katulad niya? Napakagandang nilalang.’ Wika ni Scarlett sa isipan niya. Parang kailan lang para silang aso at pusa kung mag-away, hindi masyadong nag-uusap, hindi rin madalas magkita, hindi sabay na kumain kahit na nasa iisang bahay sila pero sa kabila ng lahat ng yun pareho silang tinamaan ng pana ni kupido, sapul na sapul sa mga puso nila.Ngayon lang nakita ni Scarlett ang matamis na ngiti ni Zion, nawala rin ang mga guhit sa noo niya dahil palagi siyang nakakunot na para bang pamilyadong tao at maraming iniisip.“What’s this?” anas ni Scarlett saka niya inilibot ang paningin niya. Ang akala niya ay simpleng dinner lang sila ngayon, naligo lang siya at nagbihis tapos ganito na pala ang itsura ng hardin. Kanina pa ba niya ito iniready o iniready pa lang niya habang naliligo siya?“This is a special night for
Magbasa pa