Home / Romance / Mr. Grayson Contract Love / Kabanata 91 - Kabanata 100

Lahat ng Kabanata ng Mr. Grayson Contract Love: Kabanata 91 - Kabanata 100

122 Kabanata

Kabanata 45.2

Kinuha niya na ang mga pinamili niya kanina at sumakay na sa van niyang naghihintay sa labas ng building. Nang makarating siya sa dressing room niya ay inasikaso siya kaagad ng mga make-up artist niya.“Ilang oras ka bang natulog para malate ng isang oras sa pag-aayos sayo? Alam mo namang matagal ang pag-aayos!” panenermon na naman sa kaniya ni Richelle na para bang stress na stress na.“Gaano ba kahalaga yang party na yan para hindi pwedeng malate? Pwede naman nilang simulan ang party ng wala ako. Hindi ako VIP para maging maaga sa venue okay?”“Dumating ang chairman, si chairman Grayson na ama ni Sir Zion at ayaw na ayaw niya ng late.” Napataas naman ang isang kilay ni Scarlett.‘Ang ama ni Zion?’ tanong niya sa sarili niya. Naalala niya naman ang pinag-usapan nila nitong mga nakaraang araw.“Hindi naman pala ako kailangan sa party na yan kaya bakit pa ako pupunta?” aniya dahil pinuntahan siya ni Mr. Grayson para makiusap na layuan ang anak niya kaya kung hindi man siya umattend nga
Magbasa pa

Kabanata 46.1

Hindi makapaniwala si Layla sa nakita niya. Tama nga ang hinala niya, may relasyon si Zion at si Scarlett. Noong una ay natatakot siyang baka may relasyon si Scarlett kay Zion pero ngayon ay mas ikinatuwa niya yun dahil alam niyang may asawa si Zion at maaaring makasuhan ng adultery si Scarlett na maaaring ikasira ng pangalan niya lalo na ngayon at marami ng nakakaalam kung sino ang asawa ni Zion.May ngiti sa labing bumalik ng function hall si Layla. May naiisip na siyang plano para sirain ulit ang pangalan ni Scarlett at siguradong hindi niya na iyun matatakasan. Tiningnan ni Layla si Kaylee na masayang nakikipag-usap sa mga business partner ni Zion.Napapailing na lang si Layla, nakaramdam ng awa kay Kaylee dahil ang asawa niyang si Mr. Grayson ay may ibang minamahal.“Is she aware about this? O hanggang ngayon wala pa rin siyang nalalaman?” tanong ni Layla sa sarili niya.“Interesting,” dagdag pa niya. Kinuha ni Layla ang cell phone niya, nakuhanan niya ng litrato si Zion at si Sc
Magbasa pa

Kabanata 46.2

“Alam kong una pa lang may tao ng tumulong kay Scarlett para makabalik kaagad sa showbiz at makakuha ng malaking project. Nagtataka talaga ako kung paano niya napaibig ng ganun kabilis si Mr. Grayson. Sa dami ng pwedeng tumulong kay Scarlett, isang taong makapangyarihan at mahirap pang banggain.” Tila ba biglang nawala ang ngiti sa labi ni Layla. Kilala nila si Zion at siguradong gagawin niya ang lahat para lang protektahan si Scarlett. “Kung si Mr. Grayson ang taong nasa likod ni Scarlett mahihirapan ka sa plano mo. Anong balak mong gawin ngayon?” nag-isip naman si Layla. “Ididiretso ko kaagad sa asawa niya at siya na ang bahalang gumawa ng aksyon para sa akin. Masisira ang pangalan ni Scarlett ng wala akong ginagawa, easy right? Si Miss Kaylee na ang bahala kung anong gagawin niya at kung wala naman siyang planong aksyunan ang panloloko ng asawa niya sa kaniya. Ipopost ko sa social media ang picture nilang dalawa at malalaman ng lahat kung anong klaseng tao si Scarlett. Scarlett th
Magbasa pa

Kabanata 47.1

Nakalabas din kaagad ng hospital si Scarlett pagkatapos niyang macheck-up. Hanggang ngayon ay tulala pa rin siya panay ang pagbuntong hininga niya. Nahilot niya na lang ang sintido niya.“Uminom ka na muna ng tubig,” iniabot ni Jared ang isang basong tubig kay Scarlett na ininom naman kaagad ni Scarlett. Nakatitig si Jared kay Scarlett hindi niya alam kung ano bang naging dahilan ng pagbagsak ni Scarlett kanina dahil hindi siya pinayagan ni Zion na pumasok sa loob ng kwarto ni Scarlett.Nagtataka pa rin siya kung may relasyon ba si Scarlett kay Zion dahil hindi naman mag-aalala ng sobra si Zion kung wala.“Sigurado ka na bang ayaw mong magpaconfine? Walang kakulay-kulay ang mukha mo Scarlett.” Nag-aalala pa ring saad ni Jared pero inilingan siya ni Scarlett dahil ayaw niyang manatili sa hospital.“Mas gugustuhin kong manatili rito sa condo kesa sa hospital. Hindi rin naman seryoso kung bakit ako nawalan ng malay kanina. I’m okay don’t worry.”“Ayaw mo ba talagang makita si Sir Zion? K
Magbasa pa

Kabanata 47.2

“Nabalitaan kong hinimatay ang isang artista habang nasa taping at pinuntahan siya ni Zion sa hospital. Ang laki na nga talaga ng pinagbago niya ‘no? Hindi ko alam na ganun niya pala kamahal ang mga artista ng kompanya niya dahil personal niya itong pupuntahan para malaman ang kalagayan.” Mapait niyang wika. Hindi naman nakaimik si Lance dahil alam niyang nakakahalata at nakakaramdam na si Kaylee dahil masyado naman talagang obvious ang Boss niya.“Ikaw ang nakasama ni Zion sa mahabang panahon Lance. Kumusta siya noong mga panahon na wala ako sa tabi niya? Naging masaya ba siya? Mas lalo ba siyang naging masaya?” diretso nang tiningnan ni Kaylee si Lance pero hindi man lang siya tinitingnan ni Lance kaya naiinis na si Kaylee sa kaniya.“Face me, Lance!” may diin nang saad ni Kaylee kaya walang nagawa si Lance kundi ang harapin niya si Kaylee. Matapang niyang sinalubong ang mga mata ni Kaylee na alam mong nagagalit na rin.“Sabihin mo sa akin yung totoo, may relasyon ba siya sa isa sa
Magbasa pa

Kabanata 48.1

Salubong ang mga kilay ni Layla dahil kanina pa siya tingin nang tingin sa cell phone niya na para bang may hinihintay siya.“May hinihintay ka bang tatawag sayo?” tanong ni Cyril kay Layla dahil kanina pa nila ito napapansin na tingin nang tingin sa cell phone niya.“Wala naman,” sagot ni Layla saka niya itinago ang cell phone niya. Hindi ito ang inaasahan niya dahil inaasahan niyang isang araw lang ay magvaviral na si Scarlett pero bakit hanggang ngayon ay wala pa rin? Tatlong araw na ang nakalipas simula nang isend niya sa email ni Kaylee ang mga ebidensya na kailangan niya para kasuhan si Scarlett pero hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang paligid niya.Nakailang search na rin siya sa pangalan ni Scarlett sa social media niya pero magaganda pa rin ang mga lumalabas tungkol kay Scarlett.‘Wala ba siyang planong gawin sa kabit na yun? Bakit hanggang ngayon ay ang tahimik pa rin niya?!’ naiinis na wika ni Layla sa isipan niya. Nang makita niya si Scarlett na dumaan sa harap niya ay
Magbasa pa

Kabanata 48.2

“You know what Jared? Hindi ko naman kailangan ng mga fancy date, luxury hotel or expensive food or gift dahil simple lang naman ang gusto ko, mahalin ako ng totoo ng isang lalaki.” Aniya saka niya matamis na nginitian si Jared. Oo mahalaga rin sa relasyon ang mga ganitong klaseng effort pero mas gusto ni Scarlett yung faithful partner, walang kahati sa pagmamahal.“But a woman like you deserves this. Hindi ko magawang aminin sayo ang nararamdaman ko dahil sa takot, sa lahat ng babaeng nagustuhan ko, sayo ako natatakot na umamin dahil sa iniisip kong baka mareject ako o baka may iba ng nagmamay-ari ng puso mo. Hindi kita inaya na makipagdate ngayong gabi para sabihin sayo na mahalin mo rin ako. Alam kong maraming magbabago sa samahan nating dalawa after this night pero sabi nga nila kung hindi ka magtatake risk hindi mo malalaman ang result kung worth it ba o hindi. Scarlett, I’ve like you for a long time.” natulala na lang si Scarlett sa sinabi ni Jared.Sunod-sunod niyang ipinikit a
Magbasa pa

Kabanata 49.1

Masayang namimili ng mga groceries si Kaylee. Ipagluluto niya na naman ng mga masasarap na pagkain si Zion dahil naalala niyang dito niya rin nakuha ang pagmamahal ni Zion para sa kaniya. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na babalik ang pagmamahal ni Zion. Ayaw niyang sumuko kaagad kahit na alam niyang masyado ng malamig ang relasyon nila at hindi na siya ang priority ni Zion.Lahat ng mga gagamitin niya sa pagluluto ay binili niya na. Hindi niya na muna inisip ang malaking pagbabago ni Zion sa pakikitungo sa kaniya dahil iniisip niya na lang na baka naninibago pa rin si Zion dahil anim na taon siyang nag-iisa sa buhay niya.Matapos niyang mabili ang lahat ng mga kailangan niya ay nagtungo na siya ng counter at hinugot ang wallet niya sa bag niya. Hinanap niya ang mga card niya saka niya ibinigay sa counter.Naghintay naman si Kaylee hanggang sa maswipe na ang card niya. Nakatatlong beses na iswipe ang card niya pero walang nangyari.“Ma’am may other card po ba kayo? Decline po ka
Magbasa pa

Kabanata 49.2

Kailangan niyang lumaban ng patas at hindi dahil nakakaangat siya kay Jared ay gagamitin niya na ang pera at mga connections niya. Humugot ng malalim na buntong hininga si Zion para kontrolin ang sarili niya. Huwag lang magpapakita sa kaniya si Jared dahil baka masuntok niya na naman ito. Tinitingnan din ni Scarlett ang cell phone niya kung saan nakapost ang stolen picture nila ni Jared noong nagdate silang dalawa. Napapangiti na lang siya dahil sa magagandang comments sa kaniya ng mga fans nila. “You seem happy today,” wika ni Jared nang maupo siya sa tabi ni Scarlett at ibinigay ang can soda. “Ikaw ang nagpost nito?” ipinakita ni Scarlett ang viral ng picture nilang dalawa. Tiningnan naman yun ni Jared at napakunot siya ng noo. “No, kailan pa naipost yan?” gulat din niyang tanong saka nila tiningnan ang oras at kanina lang din siya naipost. Napapakamot na lang sa batok niya si Jared dahil ayaw niya namang magpost sa public lalo na at hindi siya nakapagpaalam kay Scarlett. “Pase
Magbasa pa

Kabanata 50.1

Hiningal pa si Layla sa malakas na pagsigaw niya kay Kaylee. Natahimik silang lahat ganun na rin si Scarlett. Alam ni Scarlett na may alam si Layla tungkol sa relasyon niya kay Zion kaya napapalunok na lang siya. Hindi niya intensyon na mang-agaw ng asawa ng iba at kung sakali mang sinadya niya bago pa man siya mawalan ng ala-ala pinagsisisihan niya na yun ngayon ay wala na siyang plano na ipagpatuloy pa yun.“What did you just say?” nakataas ang kilay na tanong ni Kaylee. Base pa lang sa sinabi ni Layla, ramdam ni Kaylee na may alam si Layla sa pagkakaroon ng kabit ng asawa niya.“Nasa harapan mo na Kaylee, hawak mo na pero patuloy ka pa ring nagbubulag-bulagan kaya kung ipagpalit ka man ni Mr. Grayson sa ibang babae, you deserve it.” Nilingon pa ni Layla si Scarlett na napaiwas naman ng tingin.Umalis na si Layla dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili niya ilantad niya ng harapan ang nalalaman niya at ayaw niya namang ipaalam sa kanilang lahat na sa kaniya galing ang mga videos
Magbasa pa
PREV
1
...
8910111213
DMCA.com Protection Status