Dahan-dahan na iminulat ni Scarlett ang mga mata niya ng magkamalay siya. Napahawak siya sa ulo niya ng mahilo siya. Tiningnan niya ang paligid niya pero hindi niya alam kung nasaan ba siya pero isa lang ang sigurado siya nasa isa siyang abandunadong building.Napalunok na lang siya sa sarili niyang laway. Kasasabi lang ni Drew sa kaniya ang maaaring panganib sa buhay niya pero ito na nangyayari na.Kung magpapadala siya ng takot walang mangyayari sa kaniya hindi siya maililigtas ng mga luha niya. Dahan-dahan na tumayo si Scarlett at inilibot ang paningin niya sa paligid. Akma na sana siyang lalabas ng pintuan ng marealize niyang nakatali pala ang isa niyang paa.Lumuhod siya para alisin ang pagkakatali sa paa niya pero napatigil din siya nang makita niya sa gilid ng mga mata niya ang isang taong nakatayo na sa bakuna ng pintuan.“Sinusubukan mo bang tumakas?” tanong nito sa kaniya. Nilingon ni Scarlett ang lalaki na nasa gilid niya pero hindi niya ito makilala dahil nakamask ito.“An
“What the fuck are you thinking?!” galit na sigaw ni Scarlett dahil ang usapan lang nila ay 50 million bakit pa siya humirit ng kalahati?! Imposibleng magsasayang ng pera si Zion para lang sa kaniya.“Tumahimik ka!” sigaw ng lalaki kay Scarlett at rinig na rinig yun ni Zion. Napapakuyom na lang siya ng kamao.“Subukan mo lang na saktan siya kahit saang sulok ka ng mundo pumunta hahanapin kita. Uubusin ko ang pera at kayamanan ko mapatay lang kita. Kung nakatali man ang asawa ko ngayon pakawalan mo na dahil baka mapatay kita. Ibigay mo sa akin ang bank account mo at isesend ko kaagad sayo ang 100 million mo.” napatulala si Scarlett sa narinig niya. Tama ba ang naririnig niya? Hindi man lang nagdalawang isip si Zion na bitiwan ang 100 million para lang sa kaligtasan niya?Nanginig na rin ang lalaki na kausap si Zion. Maging ang mga kasama niya ay hindi makapaniwala na magkakaroon sila ng 100 million sa isang araw lang.“Jackpot ka pala Miss Scarlett,” wika ng lalaking naninigarilyo kani
Naging blangko ang mukha ni Scarlett, wala kang kahit na anong emosyon na makikita sa kaniya. Hindi ka rin niya kakausapin kung hindi ikaw ang unang kakausap sa kaniya.“Coffee?” anas ni Jared saka niya iniabot ang kape kay Scarlett. Nang tanggapin yun ni Scarlett ay naupo naman si Jared sa tabi niya.“May nangyari ba?” tanong ni Jared dahil naninibago siya kay Scarlett. Ilang araw na siyang masyadong tahimik, kung tatanungin mo man siya straight to the point na siya kaagad.“Nothing,” tipid na sagot ni Scarlett. Alam ni Jared na may nangyari pero nirerespeto niya na lang si Scarlett kung ayaw niyang sabihin kung ano bang problema niya o kung ano bang gumugulo sa isip niya. Nanatiling sekreto ang nangyaring pagkidnap sa kaniya dahil yun din ang gusto ni Scarlett.Hindi biro ang nangyari sa kaniya, tama si Drew hindi niya dapat pagkatiwalaan ang mga taong nasa paligid niya dahil hindi niya alam kung sino sa kanila ang totoo sa kaniya at hindi. Hindi niya na rin kayang pagkatiwalaan si
“Nakalimutan mo bang lahat ng mga sasakyan ko ay may gps so I can track you anytime?” napayuko naman si Kaylee dahil nakalimutan niya ang tungkol dun. “Ipapakuha ko na lang kay Lance ang kotseng ginamit mo. Ihahatid na kita sa bahay at magpahinga. Wala akong makitang dahilan para mag-inom ka Kaylee.” Bakas ang galit sa tinig ni Zion pero pinipilit niyang maging kalmado.“I’m sorry, marami lang akong iniisip.”“Kung gusto mong mag-inom maraming alak sa fridge at kung kulang mo pa yun magpapadeliver ako. Huwag na huwag ka lang aalis ng mag-isa mo Kaylee lalo na at hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sayo sa labas.” Seryosong niyang wika na ikinangiti naman ni Kaylee dahil kahit na malaki na ang pinagbago ni Zion nag-aalala pa rin siya para sa kaniya.“I’m sorry,” tanging sagot na lang ni Kaylee saka siya nakangiting pinagmasdan ang paligid sa labas ng bintana niya. Nanatiling blangko ang mukha ni Zion hanggang sa maihatid niya si Kaylee sa bahay niya.“What time ka—” tatanungin pa
Napatingin si Scarlett sa taong nag-aabot sa kaniya ng pagkain at walang iba kundi si Lance. Napangiti na lang si Scarlett dahil isa si Lance sa mga taong hindi siya iniwan ng mawalan siya ng ala-ala.“Ayos ka lang?” tanong ni Lance sa kaniya.“Hmm,” tipid na sagot ni Scarlett. Sa mga nakalipas na mga araw para bang nawalan siya ng gana na magsalita. Gusto niya palaging mapag-isa, nasasaktan siya ng walang dahilan at ito ay dahil kay Zion kahit na hindi niya naman ito maalala.“Kasama mo si Zion noong nakidnap ako, bakit kayo magkasama?” tanong ni Scarlett. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Scarlett na si Lance ang secretary ni Zion.“Nung kausap kita sa cell phone at biglang hindi ka na sumagot naramdaman kong may mali na. Hindi na ako mapakali, hindi ko alam ang gagawin ko kaya sinabi ko sa kaniya ang tungkol sayo dahil siya lang naman ang may kakayahan na hanapin ka dahil kung meron mang mas nakakakilala sayo si Mr. Grayson lang yun. Siya lang din ang may kakayahan na iligtas
Kinuha niya na ang mga pinamili niya kanina at sumakay na sa van niyang naghihintay sa labas ng building. Nang makarating siya sa dressing room niya ay inasikaso siya kaagad ng mga make-up artist niya.“Ilang oras ka bang natulog para malate ng isang oras sa pag-aayos sayo? Alam mo namang matagal ang pag-aayos!” panenermon na naman sa kaniya ni Richelle na para bang stress na stress na.“Gaano ba kahalaga yang party na yan para hindi pwedeng malate? Pwede naman nilang simulan ang party ng wala ako. Hindi ako VIP para maging maaga sa venue okay?”“Dumating ang chairman, si chairman Grayson na ama ni Sir Zion at ayaw na ayaw niya ng late.” Napataas naman ang isang kilay ni Scarlett.‘Ang ama ni Zion?’ tanong niya sa sarili niya. Naalala niya naman ang pinag-usapan nila nitong mga nakaraang araw.“Hindi naman pala ako kailangan sa party na yan kaya bakit pa ako pupunta?” aniya dahil pinuntahan siya ni Mr. Grayson para makiusap na layuan ang anak niya kaya kung hindi man siya umattend nga
Hindi makapaniwala si Layla sa nakita niya. Tama nga ang hinala niya, may relasyon si Zion at si Scarlett. Noong una ay natatakot siyang baka may relasyon si Scarlett kay Zion pero ngayon ay mas ikinatuwa niya yun dahil alam niyang may asawa si Zion at maaaring makasuhan ng adultery si Scarlett na maaaring ikasira ng pangalan niya lalo na ngayon at marami ng nakakaalam kung sino ang asawa ni Zion.May ngiti sa labing bumalik ng function hall si Layla. May naiisip na siyang plano para sirain ulit ang pangalan ni Scarlett at siguradong hindi niya na iyun matatakasan. Tiningnan ni Layla si Kaylee na masayang nakikipag-usap sa mga business partner ni Zion.Napapailing na lang si Layla, nakaramdam ng awa kay Kaylee dahil ang asawa niyang si Mr. Grayson ay may ibang minamahal.“Is she aware about this? O hanggang ngayon wala pa rin siyang nalalaman?” tanong ni Layla sa sarili niya.“Interesting,” dagdag pa niya. Kinuha ni Layla ang cell phone niya, nakuhanan niya ng litrato si Zion at si Sc
“Alam kong una pa lang may tao ng tumulong kay Scarlett para makabalik kaagad sa showbiz at makakuha ng malaking project. Nagtataka talaga ako kung paano niya napaibig ng ganun kabilis si Mr. Grayson. Sa dami ng pwedeng tumulong kay Scarlett, isang taong makapangyarihan at mahirap pang banggain.” Tila ba biglang nawala ang ngiti sa labi ni Layla. Kilala nila si Zion at siguradong gagawin niya ang lahat para lang protektahan si Scarlett. “Kung si Mr. Grayson ang taong nasa likod ni Scarlett mahihirapan ka sa plano mo. Anong balak mong gawin ngayon?” nag-isip naman si Layla. “Ididiretso ko kaagad sa asawa niya at siya na ang bahalang gumawa ng aksyon para sa akin. Masisira ang pangalan ni Scarlett ng wala akong ginagawa, easy right? Si Miss Kaylee na ang bahala kung anong gagawin niya at kung wala naman siyang planong aksyunan ang panloloko ng asawa niya sa kaniya. Ipopost ko sa social media ang picture nilang dalawa at malalaman ng lahat kung anong klaseng tao si Scarlett. Scarlett th