Mabilis na pinunasan ni Shaina ang luha sa mga mata habang pinagmamasdan ang magandang mukha ng anak."Mom, masisira po ang make up mo." Reklamo ni Arriana sa ina pero ang luha niya ay kusa ring tumulo."Naku naman, paano po tayo matapos nito!" Nataranta na ang baklang nag-aayos kay Arriana. "Sorry, hindi ko lang mapigilan." Suminghot si Shaina at siya na ang nagpunas ng luha sa pisngi ng anak gamit ang tissue. "Thank you, mom! I love you!" Naiiyak pa rin si Arriana. Ganito pala ang feeling, masaya siya dahil sa wakas ay makasama na niya ang lalaking mahal niya. Pero nalulungkot siya dahil aalis na rin sa poder ng mga magulang."I love you too!" Hinalikan niya sa noo ang anak. "Parang kailan lang ay karga ko kayo ng iyong kakambal. Look at you now, ikakasal ka na sa lalaking mahal mo. Masaya ako para sa inyong magkapatid!""Hindi pa ba kayo tapos magdrama?"Sabay na nilingon nila Arriana at Shaina ang bagong pasok sa silid."Ngumiti si Travis sa asawa at anak habang humahakbang pala
Read more