"Mukhang malapit na kayo magkamanungang, Mamita." Biro ni Trisha at pilit na ngumiti sa ginang."Naku, ayaw ko sa pamilya ng babaing iyon, hija, lalo na ang ina."Totoong ngiti ang sumilay sa kaniyang labi at natuwa sa narinig. "Pero wala ka pong magawa dahil si Cyril naman ang makisama sa pamilya niya."Napasimangot si Nida at hindi gustong isipin na ang maging asawa ng anak ay si Divina. Sobrang guwapo at bait ng anak niya para mapunta sa babaing iyon. Pero bigla siyang nakunsensya nang maalala na ang babae ang tumulong sa anak noon kaya buhay pa ito.Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Trisha nang mapansin na mukhang naging ok na sa ginang na mapangasawa ng anak nito ay si Divina. Mabuti na lang at tumunog ang cellphone niya kaya may dahilan na siya upang iwan ang ginang.Nangunot ang noo ni Adrian nang marinig na ang tomboy ang tumatawag sa kapatid. Nanatili lang siya sa kinaupuan at nagkunwaring abala rin sa cellphone. "Hello, Jade, kumusta ka na riyan? Pasensya na kung hindi p
Baca selengkapnya