"Hoy bakla, paduduguin ko iyang nguso mo. Hindi mo ako kilala para pagbintangan na gagu ka!" Duro ni Trisha sa bakla."See, sir? Ugaling kanto ang babaing iyan kaya totoo ang sinasabi ko." Duro rin ng salesman kay Trisha. "Ededemanda kitang gago ka dahil sa paninirang puri mo at pamimintang!" Galit na ring duro ni Jade sa bakla.Sandaling natigilan ang lalaki at kinabahan. Kahit mahirap lang ang dalawa ay wala siyang sapat na ebedensya para patunayan ang bentang niya sa mga ito, kapag nagreklamo sa pulis ang dalawa.Mabilis ng pumagitna ang manager at dumadami na ang nakiusyuso. "Miss, ang mabuti pa ay ayusin na lang natin ito at nakakaabala na kayo. Total ay wala namang nawala o nasira dito kaya hindi na namin kayo erereklamo."Awang ang bibig at hindi makapaniwalang nakatitig si Trisha sa manager. "What? Alam mo ba ang pinagsasabi mo? Wala ka manlang gagawing disiplina sa bastos at sinungaling mong staff?"Nainsulto ang manager sa tanong ni Trisha kaya nangalit na rin ito. "Look, k
Magbasa pa