Ngumiti si Jade nang pumasok si Trisha sa kaniyang opisina. Ang cute lang nito tingnan at mukhang teenager sa suot nito ngayon. Naka slipper lang ito kaya kita ang magagandang daliri nito sa paa. Nakita pa niya ang lalaking nakasunod dito bago nito naisara ang pintuan."Hi, nakaisturbo ba ako?" nahihiyang tanong ni Trisha sa kaibigan."Hindi naman, nag-order ako ng makain mo at gamot."Napatitig si Trisha sa kaibigan bago ngumiti. Napaka thoughtful nito at alam ang dapat gawin kahit hindi siya nagsasabi."Alam kong masakit pa ang ulo mo, kumain ka muna at uminum ng gamot bago tayo ma-usap."Tumango si Trisha at agad na hinarap ang pagkain. Inalok niya ang kaibigan ngunit busog na ito. Habang kumakain siya ay tinapos naman nito ang papelis na binabasa bago pirmahan."Thank you, nabusog ako at nabawasan na rin ang sakit ng ulo ko."Binitiwan ni Jade ang hawak na pen at pinaikot ang kinaupuang may gulong paharap sa dalaga. "So, kumusta na kayo ng lalaking bumakod sa iyo kagabi?"Napabunt
Huling Na-update : 2023-10-16 Magbasa pa