"So, he's the one?" nakangiting tanong ni Sunshine sa asawa habang nakatingin kay Arriana na ngayon ay nakalambitin sa leeg ng isang lalaki.Salubong ang mga kilay na tumango si Adrian bago binuhat ang asawa at inilipat ng pagkaupo sa sofa. "C'mon, guys, get a room."Ipinulupot na rin ni Arriana ang dalawang binti sa beywang ni Axel bago nilingon ang kapatid, "are you sure, kuya?"Sandaling natigilan si Adrian at hindi naunawaan kung bakit mukhang lalong naging excited ang kapatid sa kaniyang sinabi. Nang mapansin ang nakakalokong ngiti sa labi ni Axel ay inangilan niya ang mga ito. "That's not what I mean!"Napanguso si Arriana at isinubsob ang mukha sa matigas na dibdib ng nobyo. Para siyang bata na buhat na nito. Hindi na siya nahiya sa mga naroon at wala siyang balak bumaba mula sa pagkabuhat sa kaniya ng binata.Baliwala kay Axel ang bigat ng nobya. Humakbang siya habang buhat pa rin ito at umupo sa isang sofa malapit kina Adrian."Bini-baby mo iyan ng husto," sita ni Adrian kay A
Read more