Beranda / Romance / THE BEST MISTAKE / Bab 151 - Bab 160

Semua Bab THE BEST MISTAKE: Bab 151 - Bab 160

562 Bab

Chapter 150-Magandang balita

Kinabukasan, galit na hinintay ni Renalyn ang pagbaba sa hagdan ng anak."Not now, mom, kailangan kong umalis ng maaga." Inunahan na ni Axel ang ina."Ganiyan ka na ba kawalang puso? Ako na ina mo ay natikis mo kagabi? Hindi mo manlang inalala kung kumain ba ako o hindi dahil sa sama ng loob sa iyo?"Huminga ng marahan si Axel at biglang nakunsesnya. Bakas sa mukha ng ina ang kalungkutan at halatang hindi nakatulog ng maayos. "I'm sorry, ma, pero alam niyong hindi tama ang ginawa mo kay Joan.""Alam natin dito na hindi lang dahil kay Joan kaya ka nagkakaganyan, Axel!""Mom, please....""No, kailangan nating pag-usapan ngayon! Mula nang makilala mo ang babaing iyon ay hindi mo na ako iginagalang at pinahahalagahan bilang iyong ina!" Masama ang loob na panunumbat ni Renalyn sa anak.Napabuntonghininga si Axel bago niyakap ang ina. Mahal niya ito at hangga't maari ay ayaw niyang bigyan ng sama ng loob. "Mom, hindi po kasalanan ni Arriana. Sadyang inaayawan mo siya noon pa kaya hindi kayo
Baca selengkapnya

Chapter 151-Pamilyar

"Ate, darating si Kuya Tristan at naghanda si Daddy ng welcome party para sa kanila." Pagbibida ni Trisha kay Arriana."Really? Kasama din ba ang mga magulang niya?" hindi makapaniwalang tanong ni Arriana sa kapatid."Yes, si Kuya Adrian ang may gustong bumalik na si Kuya Tristan. Then naisip ni Daddy na pauwiin na rin ang kapatid niya."Nakangiting tumango-tango si Arriana. Masaya siya at maayos na ang relasyon sa pagitan ng dalawang pamilya. Bigla siyang na excite na makita muli ang pinsan. Nagpasya siyang umuwi muna sa mansyon at pinatatawag din siya ng ama. Ang driver nila ang nagsundo sa kanila ni Trisha...."Mommy, wala pa rin po ba si Axel?" malungkot na tanong ni Celine sa ginang.Sandaling napatitig si Renalyn sa dalaga. Hindi umuwi kagabi ang anak at ang dahilan ay may event na pinuntahan. Alam niyang dahilan lamang iyon ng anak upang makaiwas kay Celine. Nakabalik na si Joan pero hindi na niya sinita pa upang hindi magalit si Axel."Hija, kalimutan mo muna pansamantala an
Baca selengkapnya

Chapter 152-Pamamahiya

"Dad, nakita mo po ba si Trisha?" tanong Adrian sa ama nang makalapit dito.Muling umawang ang bibig ni Renalyn pagkakita sa bagong dating at tinawag na ama ang kausap niya. Namangha siya hindi lang dahil guwapo ang binata kundi kamukha-kamukha ni Arriana."Halika muna dito at ipakilala kita sa ina ng bago kong kasosyo sa negosyo." Inakbayan ni Travis si Adrian at iniharap kay Renalyn. Halos hindi mahagilap ni Renalyn ang sariling dila kaya ngumiti na lamang siya sa binata. "Imposible, isang hamak na mahirap lamang si Arriana." Kausap ni Renalyn sa sarili. Hindi matanggap ng isipan na baka tama ang hinala."Excuse me," paalam ni Adrian sa ginang at sa mga magulang.Ngumiti si Renlayn sa binata. Gusto niya sanang magtanong kay Travis kung ano ang pangalan ng isa pa nitong anak ngunit may lumapit na ditong iba pang bisitang nais itong makadaupang palad. Nagpasya si Renalyn na hanapin si Celine. Sa lawak ng bahay, hindi niya agad makita ang hinahanap. Marami ring bisita at kilala niya a
Baca selengkapnya

Chapter 153-Caller

"Sino ang pinagtataguan mo this time?" tanong ni Tristan sa pinsan nang makalayo na sila sa dalawang babae.Luminga muna si Arriana sa paligid. Nang masigurong walang ibang tao ay saka lang sinagot ang pinsan. "Hindi puwedeng malaman nila Daddy ang nangyari kanina."Tumaas ang dalawang kilay ni Tristan pero nanatili siyang tahimik. Mataman niyang pinagmasdan ang dalaga at hinayaan itong magpaliwanag."May lalaki akong mahal at ang dalawang iyon ang kaagaw ko.""Ganoon siya kaguwapo?" Napasimangot si Arriana sa tanong ni Tristan. "Sa ganda kong ito, sa tingin mo ba ay pipili ako ng pangit?"Pumalatak si Tristan at nagawa pang magbuhat ng sariling bangko ang pinsan. Pero totoo namang maganda ito at walang pangit sa kanilang angkan. "Alam ba niya ang tunay mong pagkatao?"Matigas na umiling si Arriana. "Balak ko nang sabihin sa kaniya ngunit may business trip siya ngayon.""I see, mukhang malaki ang age gap sa pagitan ninyo. Hindi naman siya kaidaran nila Daddy?""Grabe ka, twenty eight
Baca selengkapnya

Chapter 154-Pangamba

"Ipapakilala ko naman po siya sa inyo." Ang kusang namutawi sa labi ni Arriana nang magsalubong ang tingin nila ng ama."What?" Mukhang nabibinging tanong ni Adrian sa kapatid. Napatakbo si Arriana sa ama at nagtago sa likod nito. Mas nakakatakot kasi ang aura ng mukha ng kapatid nang malaman na may lalaki na nga sa kaniyang buhay."Adrian, huminagon ka nga muna." "Huminahon? Dad, narinig mo naman 'di ba? May asawa na siya at hindi natin alam o nakilala manlang ang lalaki!" Tumaas na ang timbri ng boses ni Adrian habang tinuturo si Arriana na nagtatago sa likod ng ama nila."Hindi ko po siya asawa, kuya. Hindi pa nga niya ako sinasagot."Biglang tumahimik ang paligid matapos magsalita ni Arriana. Ang tingin ni Adrian kay Arriana ay blangko at hindi iyon gusto ng dalaga. Si Travis ay napalunok ng sariling laway at hindi masalubong ang tingin ng binatang anak.Mariing nakagat ni Arriana ang ibabang labi at humigpit ang hawak sa laylayan ng damit ng ama. Huli na para bawiin ang sinabi.
Baca selengkapnya

Chapter 155-Deal

Halos hindi na nakatulog si Arriana dahil hindi makuntak si Axel. Napaiyak pa siya dahil baka ayaw na sa kaniya ng binata."Dad, puwede po bang kunin ko muna ang gamit ko sa apartment?" Paalam ni Arriana sa ama. Nakabalik na sila sa kanilang bahay at hindi siya nakapasok ng paaralan."You had a lot of things in this house." Mabilis na naitikom ni Arriana ang bibig nang marinig ang sinabi ng kapatid."Ang tinutukoy ng kapatid mo ay ang gamit niya sa school, Adrian." Si Travis na ang nagpaliwanag."Then ask the driver, bakit kailangan siya pa ang kumuha roon?" Aroganting sagot ni Adrian sa ama."Iwan mo muna kami." Mahinahon na kausap ni Travis kay Arriana.May pag-alinlangan na umalis si Arriana at iniwan ang dalawa. Nag-aalala siyang baka magkainitan na naman ang mga ito. Wala pa naman ang ina nila at umalis kasama ang Tita Cheska niya.Tumayo si Travis nang sila na lang ni Adrian ang naiwan sa library. "Hindi ko hinahayaang madihado ang kapatid mo ng lalaking iyon kung iyan ang inii
Baca selengkapnya

Chapter 156-Kamalditahan

Biglang natahimik ang loob ng classroom nang makitang lumapit si Arriana kina Ann at Joy.Mabilis na tumayo si Ann at humarang sa harapan ni Joy. "Tabi," ani Arriana kay Ann."Ano ang kailangan mo?" mataray na tanong ni Ann at hindi umalis sa kinatayuan."Wala akong kailangan sa iyo kaya tumabi ka riyan!" Mariin niyang turan at tinabig sa balikat si Ann."Bitch!" Galit na tumayo si Joy dahil gumiwang sa kinatayuan si Ann. "Ang tapang mo, sino ang ipinagmamalaki mo dito sa university, ang kalaguyo mo bang professor?"Muling nag-ingay ang mga naroon at nagulat sa bagong natuklasan. Lahat ay curious kung sino ang tintukoy ni Joy."Alam mo, maganda ka sana kaso tanga at judgemental." Nang-iinsultong puri ni Arriana sa babae."Ano ang sinabi mo?" Galit na tinulak ni Joy sa balikat si Arriana. "Bingi ka na rin pala?" patuloy na pang-aasar niya kay Joy."Bawiin mo iyang sinabi mo!""Bawiin mo rin ang hindi magandang sinabi mo sa akin!" hamon niya kay Joy."Bakit, masakit bang marinig ang
Baca selengkapnya

Chapter 157-Seryusong usapan

"Sigurado po ba kayo na hindi kayo sasabay sa akin?" tanong ni Joseph kay Axel habang naglalakad sila palabas ng airport."No, may importante akong dadaanan. Pakisabi na lang kay Mr. Travis na I will schedule our next meeting.""Mukhang mas mahalagang tao ang katagpuin mo kaysa kay Mr. Chairman?" nanunuksong tanong ni Joseph."Yes," ani Axel at mas nilakihan pa ang bawat hakbang upang makalayo na. Ngunit pagkalabas niya ng exit ay may mga taong nakaharang sa daraanan niya."Mukhang nahulaan ni Chairman ang plano mo." Makahulugang turan ni Joseph.Nangunot ang noo na nilingon ni Axel si Joseph. Nang ngumiti ito ay napabuga siya ng hangin sa bibig. "Sir, this way. Naghihintay po si Mr. Chairman sa car." Yumukod pa si Jomar sa harapan ng binata at nakaturo ang kanang kamay sa magarang sasakyan na nakaparada sa harapan.Tahimik na sumama si Axel sa tauhan ni Travis. Pagkapasok sa sasakyan ay pormal siyang bumati dito. Wala na itong suot na sunglasses kaya malinaw niyang nakikita ang buon
Baca selengkapnya

Chapter 158-Pagkasabik

"Argh, ang kulit mo naman, Manang!" Tinabig ni Arriana ang kamay na humawak sa kaniyang balikat.Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Axel sa narinig. "Did you call her Nerd?"Marahas na nag-angat ng ulo si Arriana at pagkaangat ng ulo ay nakabuka ang bibig. Kinusot pa ang mga mata upang masigurong hindi siya namamalikmata lamang o nanaginip."Tsk, stand up and sit properly."Sa halip na sundin ang binata ay sabik siyang yumakap sa binti nito. "Hi, I miss you!"Napabuntonghininga si Axel bago umupo sa upuan. Hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga at pinatayo ito. "Hindi mo dapat iniinis si Rosella."Napasimangot si Arriana at padabob na umupo sa tabi ni Axel. "She's nerd at gusto niyang maging katulad niya ako. Look at these book!" Itinuro niya ang tambak na libro sa lamesa. Kahapon pa siya nito pinaparusahan."Because you did wrong."Biglang lumambot ang aura ng mukha ni Arriana at nakagat ang ibabang labi. Ikiniskis ang dalawang palad sa magkabilang hita habang nag-iisip ng idahi
Baca selengkapnya

Chapter 159-Kakulitan

Nangunot ang noo ni Joy nang mapansin na ang ganda ng ngiti ni Arriana pagkabalik sa classroom nila. Kanina lang ay mukhang byernes santo ito."Gurl, kumusta ang parusa sa iyo?" tanong ni Jinky kay Arriana."Not good pero nag-enjoy ako." Ngumiti siya kay Jinky bago kinindatan sina Joy.Inis na napahalukipkip si Joy sa kinaupuan at katabi si Ann na hindi rin natutuwa sa nakikita. Natigil lamang ang palitan ng sama ng tingin sa isa't isa nang dumating ang professor para sa last subject.Hindi manlang nahirapan si Arriana sa exam. Nauna pa siya nakatapos at agad na lumabas ng room."Hoy, hintayin mo ako!" tawag ni Jinky sa kaibigan ngunit parang hindi siya narinig.Sumilip sa paligid si Arriana at sinigurong walang makakita sa kaniya bago lumiko ng pasilyo. Ngunit bago pa niya marating ang opisina ni Axel ay tumunog ang cellphone. Agad niyang sinagot iyon nang makitang kapatid ang tumatawag."Nandito ako sa labas ng gate."Biglang lumaylay ang mga balikat ni Arriana at nalungkot. Talaga
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
1415161718
...
57
DMCA.com Protection Status