"Bakit mo hinahanap ang babaeng iyon? Iyon naman ang gusto natin noon, 'di ba? Ang umalis na siya sa bayan na ito upang hindi na gulohin ang kapatid mo!" galit na kausap ni Ŕenalyn sa panganay na anak."Mom, may nangyari sa amin at baka mabuntis siya!" Nasa boses ni Axel ang iritasyon.Napasinghap si Joan sabay tutop sa sarilimh bibig nang marinig ang sinabi ni Axel. Dahan-dahan siyang umalis sa pinagkubilhan bago pa may makakita sa kaniya roon. "Ano ang ginawa mo, Arriana?" sermon ni Joan sa kaibigan sa isipan lamang. Mabilis niyang dinukot ang cellphone na nasa bulsa at tinawagan ang kaibigan. Gusto niya itong pagalitan dahil sa iniwan nitong gulo sa pamilyang pinagsisilbihan. Ngunit laking dismaya niya at hindi pa rin makuntak ang numero nito. Napailing si Joan, noong una ang akala niya ay si Aaron ang gusto ng kaibigan. Pero nang makita nito ang panganak na anak ng pamilya, biglang nagbago ang interest nito. Ang akala niya noong una ay hindi seryuso ang kaibigan. Pero dahi
Magbasa pa