"Hello, sir, how are you?" magalang na bati ni Axel sa bagong kasosyo. Tulad ng dati ay naka sunglasses pa rin ito at doon sila sa beach nagkita.Ngumiti si Travis sa binata at pinaupo na ito sa kaniyang tabi. "Balita ko ay kababalik mo lang galing probinsya, naabala ba kita ng husto?""Hindi naman po," aniya at kinuha ang buko juice na inalok sa kaniya ng ginoo."Mukhang stress ka, kung nabibigatan ka sa trabahong ibinigay ko ay puwede kitang tulungan." Puna ni Travis sa hitsura ng binata.Mabilis na inayos ni Axel ang kuwelyo ng polo at ngumiti sa ginoo. "Huwag po kayong mag-alala at hindi dahil sa trabaho. Nagkakaroon lang po ng kaunting problema sa pamilya."Tumango-tango si Travis bago sumimsim ng juice gamit ang straw. "Minsan, naging kumplikado ang buhay natin lalo na sa isang tulad mong binata kapag hindi nagustohan ng mga magulang ang babaing napusuan mo."Napatitig si Axel sa ginoo. Parang nakahanap siya ng kaibigang maaring paglabasan ng sama ng loob. "Tama po kayo riyan."
Read more