Home / Romance / THE BEST MISTAKE / Chapter 161 - Chapter 170

All Chapters of THE BEST MISTAKE: Chapter 161 - Chapter 170

562 Chapters

Chapter 160-Kunsensya

"Joke lang po, pero kung gusto niyo nang magkaapo ay puwede naman kaming gumawa na ni Axel. "Lalo lamang nasamid ni Axel dahil sa mga pinagsasabi ng dalaga. Pagtingin niya sa ina ay mukhang nakakita ito ng makasalanang tao."Alam mo, mabuti pa ay kumain ka ng bata ka at mukhang lagi kang nalilipasan ng gutom!" Nakaturo ang hawak na kutsara sa camera.Napalabi si Arriana at nagsungit na naman ang ina ng binata. Ang hirap talaga nitong pasayahin. Pero kaya niyang gawin ang biro niyang iyon. Mangungulit pa sana siya nang biglang bumukas ang pintuan ng kaniyang silid."Kanina pa kumakatok ang katulong at hindi mo sinasagot."Napakamot si Arriana sa ulo kahit hindi naman iyon makati. Naka headset kasi siya kaya walang narinig.Napatitig si Renalyn sa camera nang makita ang lalaking pumasok sa silid ni Arriana. Kahit naka side view ito at nakilala niya pa rin. Pagtingin niya sa anak ay parang baliwala lang dito na makita ito ng ama ng babae. "End that call and go downstair." "Opo, susun
Read more

Chapter 161-Pakiusap

Hindi maganda ang gising ni Arriana nang makitang naka end na ang video call kay Axel. Tinawagan niya ito ngunit hindi sumasagot. Nag-alala rin siya at baka napaano ito kaya si Joan na lang ang tinawagan."Hindi pa siya nakauwi mula kagabi." Inaantok pa si Joan habang kausap si Arriana."What? Lumabas siya kagabi at hindi pa nakauwi? Saan siya nagpunta at sino ang kasama?"Tuluyang nagising na ang diwa ni Joan nang tumaas ang timbri ng boses ni Arriana. "Hindi ba niya sinabi sa iyo?""Sa tingin mo ba ay magtatanong ako sa iyo ngayon kung nagsabi siya?" Napasimangot si Joan at naging sarkastiko ang kaibigan. "Nasa hospital si Celine at—""That bitch!" putol niya sa pagsasalita ni Joan."Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nasa hospital siya. Huwag ka munang magalit at magselos dahil mukhang seryuso ang kalagayan niya ngayon.Napairap si Arriana kahit hindi siya nakikita ng kaibigan. Inis na bumaba na siya ng kama at pumasok sa bathroom."Kapag may balita na ako ay ipaalam ko agad sa
Read more

Chapter 162-Kagulohan

"Mom, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Axel sa ina nang pumasok ito sa silid kung saan naka confine si Celine."May nangyari bang hindi maganda habang wala ako?" nag-aalalang tanong ni Renalyn sa anak at agad na tiningnan si Celine ngunit tulog ito."Wala po, dala mo ba ang cellphone ko?"Sandaling natigilan si Renalyn nang maalala ang bilin ng anak nang tumawag ito gamit ang cellphone ni Celine kanina. Nawala iyon sa isip niya at hindi agad nadala doon. Pero nasa bag naman niya ang cellphone, iyon nga lang at hindi nadala ang charger."E-charge ko na lang po sa kotse." Hindi na hinintay ni Axel magsalita muli ang ina. Agad na lumabas ng silid pagkakuha sa cellphone. Napabuntonghininga si Renalyn nang wala na ang anak. Alam niyang kuntakin nito si Arriana at nag-aalala siya na baka sabihin ng dalaga na kinausap niya ito.Sa loob ng kotse, pagkabuhay ng cellphone ay agad na dinayal ni Axel ang numero ni Arriana. Ngunit nakailang ring na iyon ay walang sumasagot.Naikuyom ni Arriana an
Read more

Chapter 163-Revelation

Lahat ay kumampi kay Joy, maging si Jerome kaya naidiin na si Arriana ang may kasalanan sa gulong nangyari. Hindi pumayag ang ina ni Joy na hindi makausap ang mga magulang nito. "Tawagan mo ang mga magulang mo, ngayon din!" pagalit na utos ng dean kay Arriana. Inilibot ni Arriana ang tingin sa lahat ng naroon sa loob ng guidance office. Lahat ng kaklase ay naroon din bilang tistigo umano laban sa kaniya. Tanging si Jinky ang nanatili sa tabi niya. Wala siyang choice at wala rin ang kaibigan ni Axel sa ngayon. Pahintamad niyang dinayal ang numero ng ama."Dad, I'm sorry, can you come here?""What happen, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Travis sa anak at tumayo mula sa kinaupuan. Sininyasan ang driver na ihanda ang sasakyan."Ayos lang po ako, dad. Kaunting gulo lang po ang kinasangkutan ko." Napakamot si Arriana sa ulo habang nagpapaliwanag sa ama."Alright, papunta na ako riyan." Malalaki ang mga hakbang ni Travis at nagmamadaling makalabas ng kompanya. Alam ni Travis na mala
Read more

Chapter 164-Parusa

"Dalhin niyo na siya sa sasakyan!" matigas na utos ni Travis sa tauhan."Dad, please?" Kumapit siya sa braso ng ama. Ayaw niyang maiwan ito roon dahil tiyak na may gagawin ito na ayaw niyang mangyari."Hindi ko gagawin ang bagay na ayaw mong mangyari, pero gagawin mo ang ano mang gusto kong ipagawa sa iyo mula ngayon."Mabilis na tumango si Arriana habang kagat ang loob ng labi. Ayaw niyang maging selfish sa pagkakataon na ito. Hindi maatim ng kaniyang kunsensya na mayroon matatangal sa trabaho dahil sa kaniya. Biglang naluluha si Joy at nakaramdam ng awa kay Arriana. Nakunsensya siya dahil tiyak na kakaibang parusa ang ipataw dito ng ama nito. "You're going to study abroad."Lahat ay napatingin kay Arriana. Nang dumaan ang lungkot sa mukha nito ay dobleng kunsensya ang nadarama nila Ann at Joy. Oo at gusto nilang mapatalsik sa university ang dalaga. Pero hindi ang mapalayo ito sa mga mahal sa buhay at kaibigan. Kapag sinabing abroad ay maging independent ito at mamuhay mag-isa roon
Read more

Chapter 165-Pagbalik sa hospital

Napabuntonghinga si Axel bago kumatok sa opisina ng chairman. "Pumasok na po kayo." Ang assistant ni Travis ang nagbukas ng pintuan.Pagkapasok ni Axel ay lumabas naman ang lalaking assistant ni Travis."Sit down." Ramdam ni Axel ang malamig na pakitungo sa kaniya ng ginoo. Hindi rin siya nito tinatapunan ng tingin."Sir—" hindi niya naituloy ang pagsasalita nang itaas ng chairman ang kanang kamay nito."Alam kong kasalanan ng anak ko kung bakit nasaktan siya at na bully. Kung talagang mahal mo ang anak ko, hayaan mo muna siyang lumayo."Napatiim bagang si Axel at hindi nagustohan ang narinig. "Alam kong wala akong karapatan upang panghimasukan ang desisyon niyo para sa kaniya. Pero ayaw ko po siyang malungkot. Ako na ang lalayo, huwag niyo lang siya ipatapon sa ibang bansa."Mataman na pinagmasdan ni Travis ang binata. "Inuunahan ko lang ang kakambal ni Arriana.""Ano po ang dapat kong gawin upang mabago lang ang isip niyo at ng kaniyang kakambal?" First time ni Axel ang magpakumba
Read more

Chapter 166-Masamang magalit

"Axel, please don't do this to me. Ayaw ko sa ibang hospital, I'm scared, Axel!" Nanguyapit si Celine sa damit ni Axel at takot na lumayo sa nurse na may hawak ng injection. Parang nandidiri na inalis ni Axel ang kamay ng dalaga na humawahak sa kaniyang damit at lumayo rito. "Igapos niyo siya kung kinakailangan upang maturukan!" utos niya sa dalawang nurse na lalaki.Hintakutang nandilat ang mga mata ni Celine. Totoong natakot na siya ngayon at ramdam niya ang galit na nadarama ni Axel para sa kaniya. "You asked for this." Malamig na turan ni Axel habang matalim ang tinging ipinukol kay Celine."No..." Umiling si Celine habang umuurong ng hakbang palayo sa lahat. "You can't do this to me, Axel. Hindi hahayaan ni Daddy at Mommy Renalyn na dalhin ako sa isang mental hospital!"Umangat ang isang sulok ng labi ni Axel. "Fiancee mo ako, 'di ba?"Namutla si Celine at hindi magawang sagutin ang sarkastikong tanong ni Axel."Kaya may karapatan akong magdesisyon para sa buhay mo ngayon lalo
Read more

Chapter 167-Paghaharap

Naabutan pa ni Renalyn si Tivor sa silid ni Celine ngunit nagmamadali na itong umalis. Nang wala na si Tivor ay nilingon niya si Celine, nagtataka siya at hindi ito nagsasalita."Anak, ilang oras lang ako nawala pero bakit nagkaganito na si Celine?" nag-aalalang tanong ni Renalyn kay Axel."Tinurukan po siya ng pampaklama kanina at nagwala na naman." Pabaliwalang sagot ni Axel bago dinampot ang coat na nakasampay sa armchair. Naaawang hinaplos ni Renalyn ang pisngi ng dalaga. Ang akala niya ay bumuti na ang kalagayan nito kanina."Aalis na po ako at kailangan kong puntahan si Arriana.""May problema ba sa kaniya?""Mayroon lang pong kaunting misunderstanding dahil sa kagagawan ng isang baliw." Mariing pahayag ni Axel at pinukol ng matalim na tingin si Celine.Mabilis na humarap si Renalyn sa anak. "Kung ano man ang problema ninyong dalawa ay sana maayos agad.""Don’t worry, mom, kapag hindi ko naayos ito ay babalikan ko ang taong may kagagawan ng lahat ng gulong ito."Napalunok ng s
Read more

Chapter 168-Tagisan ng lakas

Mabilis na bumalik si Trisha sa kanilang bisita at hindi na hinintay ang mga kapatid. Mabilis na humarap sa lalaki na ngayon lang nakilala. Nang sabihin nito kanina kung sino ang gustong bisitahin ay nahulaan niya agad na ito ang lalaking kinahuhumalingan ng kapatid.Napatikhim si Axel nang mapansin na nakatitig na naman sa kaniya ang dalagita. Ang cute lang nito at hindi nag-abalang itago ang admiration nito sa kaniya. "Suwerte mo at wala sina mommy at daddy ngayon dito."Amuse na pinakatitigan ni Axel ang dalagita at hinayaan lang na dumaldal ito.Yumuko si Trisha at inilapit ang mukha sa binata bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Pero nandito si Kuya Adrian," pabulong na dugtong ni Trisha.Bahagyang inilapit din ni Axel ang sarili dito. "Dapat ba akong matakot na?" pabulong din na tanong ni Axel pero nakangiti siya sa dalagita.Lalong lumapad ang ngiti sa labi ni Trisha at nagustohan niya ang ugali ng binata. Nasasakyan nito ang kapilyahan niya. Ngumuso siya at tumango. "But don't w
Read more

Chapter 169-Pagkalito

Biglang natahimik ang paligid nang sila na lang ang naiwan ni Axel sa sala. Nakagat niya ang loob ng labi habang marahang inilapat ang cotton na may gamot sa sugat ng binata."I'm sorry!"Naiiyak na sinalubong niya ang nangungusap na titig ng binata. "Ako ang dapat na mag-sorry sa iyo. Huwag mo sanang isipin na isang huwad ang pagmamahal ko sa iyo."Napabuntonghinga si Axel at ginagap ang palad ng dalaga. "No, kasalanan ko kung bakit humantong dito ang lahat. Hindi kita nabigyan ng tamang oras kaya nasangkot ka sa gulo sa university na pag-aari ko pa.""Hindi ka galit sa akin?" parang batang tanong nito sa binata, ang tinutukoy ay ang pagkatuklas nito sa tunay niyang pagkato."Kailan ba ako nagalit sa iyo?" balik-tanong niya sa dalaga.Napalabi si Arriana at napaisip. Masungit ang binata kahit noong una nilang pagkikita sa probinsya. Pero never ito nagalit sa ugali niya. Kaya nga nagpursige siyang mapaibig ito at alam niyang ito ang tanging lalaking makapagpatiklop sa kaniyang tuhod.
Read more
PREV
1
...
1516171819
...
57
DMCA.com Protection Status