"Kuya, ano na naman itong ginagawa mo sa kaibigan ko?" inis na sita ni Trisha sa pinsan nang maabutan ito sa sala ng kanilang bahay.Napangisi si Tristan, nakapagsumbong pala agad ang dalaga kay Trisha."Kung talagang gusto mo ang kaibigan ko, huwag mong idaan sa ganitong paraan.""Sa tingin mo ay malapitan ko siya kung hindi ko ginawa ito?" makahulugang tanong niya sa dalaga."Huh, kung ganoon ay tama ang hinala ko?" Hinampas niya sa balikat ang pinsan at ngumisi lang ito. Mukhang kasalanan pa niya kung bakit nagkaroon ng idea ang pinsan upang maisahan si Jade."Seryuso ako sa kaibigan mo."Natigilan si Trisha at mataman na pinagmasdan ang pinsan. Seryuso ito at sinalubong ang nang-aarok niyang tingin."Trust me, hindi ko sasaktan ang kaibigan mo. Kailangan mo lang ako tulungan upang mapaibig ko siya."Mabilis na umupo si Trisha sa tabi ng pinsan at nakangiting hinawakan ang isa nitong palad. "Maasahan mo ako, kuya, basta pakasalan mo siya.""Sino ang pakakasalan?"Sabay na nilingon
Last Updated : 2023-11-12 Read more