Ang sama ng tingin ni Debora kay Jade pero ningitian lang siya ng kapatid."Dad, gusto mo bang magkaroon na ng apo?" Muling napalunok ng sariling laway si Tristan dahil sa tanong ni Jade sa ama nito."Jade, ano bang klasing tanong iyan?" sita ni Liza."Why? Mukhang interesado si Mr. Tristan kay Debora. Dapat malakas din si Daddy para maalagaan niya ang maging apo niya." Lumabi si Jade at ngumiti kay Tristan nang lingunin siya nito."Jade, nakakahiya sa bisita. Kakilala lang namin ni Tristan kaya huwag kang magsalita ng ganyan." Mahinahon pa rin na pakiusap ni Debora kahit ang totoo ay asar na siya kay Jade. Kulang na lang ay ipaalam sa bisita nila na easy to get siya.Napatikhim si Tristan at ngumiti. "Maganda ang kapatid mo at talented, kung sakaling magkamabutihan kami—" lumipat ang tingin niya sa ginang, "ay wala namang masama, Misis?" Patanong ni Tristan kay Liza.Alanganing ngiti ang pumaskil sa labi ni Liza. Hindi niya inaasahang sasakyan ng lalaki ang patutsada ni Jade. Pero n
Magbasa pa