Home / Romance / THE BEST MISTAKE / Kabanata 251 - Kabanata 260

Lahat ng Kabanata ng THE BEST MISTAKE: Kabanata 251 - Kabanata 260

562 Kabanata

Chapter 250-Paninira

"Sagutin mo." Malamig niyang utos kay Tristan. Nainis siya at naka phonebook na pala ang numero ng kapatid niya sa cellphone ni Tristan.Mabilis na bumangon si Tristan at sumandal na rin sa headboard bago ipinulupot ang mga braso sa katawan ng dalaga. "Babe, huwag ka nang magselos sa kapatid mo. Ikaw lang ang mahal ko at mamahalin.""Sagutin mo at gusto kong malaman kung ano ang kailangan niya sa iyo." Mataray niyang utos sa binata sa halip na matuwa sa mga sinabi nito.Inis na dinampot ni Tristan ang cellphone na nakapatong sa kama at sinagot iyon. Pinindot niya rin ang loud speaker upang hindi na magalit sa kaniya ang nobya."Hello, Tristan?" matinis na tinig ni Debora mula sa kabilang linya."Napatawag ka?"Napataas ang kilay ni Jade nang marinig ang malumanay na tinig ni Tristan. Hindi ito ganito sa kaniya noong una nilang pagkikita at pag-uusap. Ang arogante nito at animo'y laging galit sa kaniya noon. Pero sa kapatid niya na ngayon lang nakilala?Napalunok ng sariling laway si T
Magbasa pa

Chapter 251-Slow

Inis na bumalik sa pagkahiga si Jade nang wala na si Tristan. Alam niyang nagagalit ito dahil mukhang hinayaan niya lang na laiitin siya at siraan ni Debora. Alam niyang hindi din siya matitiis ng binata at hayaan na muna niya ito."Sir, may nakalimutan po ba kayong dalhin sa silid ni Ms. Jade?" tanong ni Carlo nang bigla na lang pumasok ang lalaki sa silid.Walang salitang nilampasan ni Tristan si Carlo at tumuloy sa kama. Natahimik si Carlo nang mapansin na hindi maganda ang mood ng amo. Napatingin siyang muli sa amo nang wala pang isang minuto ay bumangon ito. Mukhang hindi ito mapakali at humiga muli. "Sir, hindi niyo dapat kinikimkim iyang saloobin ninyo. Huwag mo hayaang lumipas ang gabi na hindi kayo nagkaayos ng nobya mo."Napabuga ng hangin sa bibig si Tristan at tumitig kay Carlo. "Sa tingin mo ay mahal niya rin ako?"Gustong matawa ni Carlo sa tanong ng amo. Para itong nababakla na dahil sa pagmamahal sa isang babae. "Sir, hindi niya isusuko ang sarili sa iyo kung hindi k
Magbasa pa

Chapter 252-Gamot

Inaantok na sinagot ni Trisha ang tawag at ayaw tumigil sa pagtunog ng kaniyang cellphone. Kung hindi lang ang pinsan ang natawag ay hindi niya sana papansinin. Naudlot ang paghikab niya nang marinig ang tanong nito. "Gamot for what?" Bahagyang nailayo ni Tristan ang cellphone sa tainga dahil sa lakas ng boses ng pinsan. "Puwede bang hinaan mo lang ang boses mo at baka magising si Jade?"Lalo lamang nagulanta si Trisha dahil sa huling sinabi ng pinsan. Tuluyan nang nawala ang antok niya at hindi makapaniwalang magkasama sa iisang silid ang dalawa ngayon. "Kuya, ano ang ginawa mo sa kaibigan ko?""Pwede bang mamaya ka na magtanong? Sabihin mo muna kung ano ang dapat kong gawin at ipainum sa kaniya upang humupa ang lagnat niya." Iritableng angil ni Tristan sa pinsan.Nakasimangot na bumangon si Trisha at sumandal sa headboard. "Kuya, ang akala ko ba ay nandiyan ka para alagaan si Jade? Pero bakit nagkasakit siya?" Pumalatak si Tristan at hindi siya pinakinggan ng pinsan. Muli niyang
Magbasa pa

Chapter 253-Pagkabahala

Napasinghap si Jade at tuluyang nagising ang diwa nang bitiwan na ng binata ang labi niya. Ilang ulit pa siyang napalunok ng sariling laway at naghahabol ng paghinga. "A-ano ang ginawa mo?" Naluluha niyang tanong dito.Mabilis niyang kinabig ang ulo ng dalaga at pinasandal sa kaniyang dibdib. "I'm sorry, babe. Tubig lang ang pinainum ko sa iyo, okay?" Hinaplos-haplos niya ang buhok nito at balikat.Naiiyak pa rin siya at humikpit ang pagkahawak sa braso ng binata. "Sinungaling! May nakabara sa lalamunan ko!"Bahagyang namilog ang mga mata ni Tristan at nataranta. Natakot siya na baka hindi makahinga ng maayos ang nobya. Mabilis niyang dinampot ang baso at pinainum ito ng tubig. "C'mon, babe, drink this water. Huwag mo akong takutin ng ganito at mapapatay ko talaga ang doctor na nag imbinto ng gamot na iyan!"Galit na kinuha niya ang tubig at ininum iyon. Pakiramdam niya ay napagtaksilan siya dahil sa ginawa ng binata. Ilang lagok pa ng tubig ang ginawa niya bago nawala ang bara sa lala
Magbasa pa

Chapter 254-Kubo

"Hijo, magandang mangabayo ngayon at hindi pa mataas ang araw. Ipinahanda ko na ang kabayong sasakayan mo." "Thank you po, misis, bakit hindi niyo po isama ang asawa niyo ngayon para mainitan siya? Maganda din sa kalusugan niya ang mainitan minsan." Mungkahi ni Tristan kay Liza."Maganda iyang naisip mo ,hijo. Matagal na rin akong hindi nakakagala sa farm."Napatingin si Tristan sa ginoo na mabagal naglalakad palapit sa kanila. Halatang mahina ang tuhod nito at mga braso. Ang kamay nitong nakahawak sa tungkod ay nanginginig.Bahagyang nanlaki ang nga mata ni Liza nang makita ang asawa. Ang akala niya ay nakatulog muli ito matapos na makapakain niya kanina sa mismong silid nila. Sinandya pa niyang pakainin ito ng maaga kanina upang hindi na sumalo sa kanilang pagkain."Honey, baka mapaano ka? Kababalik lang ng lakas mo at—""Wala akong malalang sakit, hon, kaya huwag kang mag alala. Isa pa ay nariyan naman si Mr. Tristan."Ngumiti si Tristan sa ginoo at natuwa dahil pinagkakatiwalaan
Magbasa pa

Chapter 255-Sakit

Hinayaan na ni Debora na tulungan muna ni Tristan si Jade sa pagdala sa ama niya sa loob ng kubo. Maliit lang ang kubo kaya hindi niya maisiksik ang sarili doon para hindi sana mabigyan ng chance ang kapatid na masolo ang binata.Pagkapasok sa kubo ay agad na hinapit ni Tristan sa beywang si Jade. Nakatalikod sa kanila ang ginoo kaya nagawa niyang nakawan ng halik ang dalaga.Inis na hinampas ni Jade sa braso ang binata dahil ninakawan siya nito ng halik. Mabilis siyang lumingon at baka nakita sila ni Debora. Nag aalala siya at baka maudlot pa ang pagkakataong masolo niya ang ama ngayon. Mabuti na lang at hindi open ang kubong kinaroonan nila ngayon. May pinto iyon at dingding, hindi katulad sa ibang kubo na nasa ibang parte ng lupain nila.Simpatikong ngiti ang sumilay sa labi ni Tristan bago inilapit ang bibig sa tainga ng nobya at bumulong. "I love you!"Inirapan niya ang binata pero deep inside ay kinikilig siya. Pinandilatan niya ito at ininguso ang ama niya.Napatikhim si Trista
Magbasa pa

Chapter 256-Hinala

"Tristan, ang daddy ko!" tawag niyang muli sa binata habang yakap ang ama na nahulog na sa kinaupuan nito dahil sa pamimilipit ng sakit sa ulo. Hindi niya kaya ang bigat ng ama kaya pareho na silang nakaupo sa lupa.Humahangos na pumasok ng kubo si Tristan at halos madurog ang puso niya hindi dahil sa ginoo, kundi dahil nakikitang umiiyak ang nobya. "I'm here, babe, stop crying okay?"Mabilis na pinunasan ni Jade ang luha sa mga mata at tumango sa binata. Hindi ito makagawa ng tama kapag nakikita siyang umiiyak. Mabilis na binuhat na ni Tirstan ang ama ng nobya at mukhang nawalan na ito ng malay-tao. Tama lang pagkalabas niya ng kubo ay parating na rin ang sasakyan niya at si Carlo ang nagmamaneho."Ano ang ginawa mo kay Daddy, Jade?" Hintakutang sikmat ni Debora sa kapatid nang maabutang buhat ni Tirstan ang ama.Hindi pinansin ni Jade ang kapatid at nagpatuloy sa pag alalay sa binata sa pagbuhat sa ama niya."Bitch, hindi kita mapapatawad kapag may nangyaring masama kay Daddy!" sin
Magbasa pa

Chapter 257-Injection

Agad na bumaba ng sasakyan si Jade pagkatigil nila sa harap ng hospital. Si Tristan ay agad ding inilabas sa sasakyan ang ginoo at hindi alintana ang bigat nito. Pagkasalubong sa kanila ng mga attendant na maya dalang bed para sa pasyente ay agad na inihiga doon si Luke."Dalhin niyo siya sa opisina ko."Salubong ang kilay na tumingin si Tristan sa manggagamot na sumalubong sa kanila. "Bakit sa clinic mo at hindi sa emergency room?""Ako ang doctor niya at alam ko ang gagawin sa kanya ngayon."Galit na kinuwelyohan ni Tristan ang doctor at hindi natuwa sa sinabi nito. Takot na hinawakan ni Jade sa braso ang binata at inawat ito. "Doctor ka pero hindi mo alam kung saan dapat dalhin ang pasyente mo upang gamutin?"Gulat na napatitig ang manggamot sa binata at nainsulto sa tanong nito."Nakikita mong wala ng malay ang pasyente pero sa opisina mo siya pinadadala?" pagpapatuloy na ani Tristan."Doctor ako at puwede kitang kasuhan sa ginagawa mo ngayon. Kapag may nangyaring masama sa pasy
Magbasa pa

Chapter 258-Pagtago

"Ano ang ginawa mo po, tito?" hintakutang tanong ni Debora sa doctor nang makitang nanghihina si Jade."Huwag kang mag alala at pinatulog ko lamang siya upang tumahimik. Iupo niyo siya sa wheelchair at kapag may nagtanong ay sabihin niyong hinimatay lamang siya." Kinakabahan na tinulungan ni Debora ang ina na maiupo si Jade sa isang upuan. Mukhang may malay pa rin naman ang kapatid niya ngunit hindi makagalaw o makapagsalita. Kinakabahan siya hindi dahil sa kalagayan ng kapatid kundi para sa kanila. Sa nakikita kanina kung paano protektahan ni Tristan si Jade ay nababahala siya. "Mabuti na lang at mag isa lang siya. Siguro ay gising na ang ama mo bago pa siya makabawi ng lakas," ani Liza habang inaayos ang nagulong buhok."Mom, paano kung pumasok si Tristan?" kinakabahan pa ring tanong ni Debora. "Wala siyang karapatang mangialam sa personal na buhay ng pamilya natin at ako na ang bahala sa kaniya."Napabuga ng hangin sa bibig si Debora bago inayos ang buhok ng kapatid na nagulo da
Magbasa pa

Chapter 259-Panganib

"Kung wala ka lang ding sasabihing hindi maganda, lumabas ka sa opisina ko!" Galit na pagtataboy ni Dr. Cuevas kay Tristan."Kilala mo ba kung sino ako?" Inilapit ni Tristan ang sarili sa manggagamot.Kinabahan si Liza sa paraan ng tanong ni Tristan sa doctor. Mahinahon ang tono ng pananalita nito ngunit mabagsik ang aura ng mukha at halatang galit. Nang humakbang si Cuevas paurong ay mabilis siyang lumapit dito at bumulong. "Huwag mo siyang galitin dahil mahirap siyang kalaban."Sandaling natigilan si Cuevas at nang aarok ang tingin sa lalaki. Kinikilala ito at napaisip kung bakit nasabi ni Liza na mahirap itong kalaban."Siya ang pamangkin ni Chairman Travis," pabulong pa rin na turan ni Liza.Bahagyang namilog ang mga mata ni Cuevas at kinabahan lalo na nang makitang suminyas ang lalaki sa kasama nito."Halughugin mo ang paligid at hanapin si Jade." Utos ni Tristan kay Carlo.Tarantang lumapit si Liza sa binata. "Hijo, bakit mo hinahanap si Jade? May nagawa ba siyang kasalanan sa i
Magbasa pa
PREV
1
...
2425262728
...
57
DMCA.com Protection Status