"Sir, baka napaano na po si Ms. Jade." Paalala ni Carlo sa amo bago pa nito maputol ang ulo ng ginang."Sirain mo na ang siradura!" Matigas niyang utos kay Carlo.Sabay na humarang sina Cuevas at Liza sa harap ng pinto ng banyo upang pigilan ang mga ito."Sumusobra ka na, Mr. Villanova, gumagamit ng banyo ang anak ko! Humiliation na iyang ginagawa mo sa pamilya ko!" Umiyak na si Liza at humanap ng simpatya sa mga taong nakiusyuso na sa labas ng opisina.Nagbulong-bulongan ang mga nakisilip sa loob at naawa sa ginang na umiiyak na. "Talaga? Bingi ba ang anak mo at hindi manlang nag aalala na nagkakagulo na dito sa labas at hindi pa tinatapos ang paggamit ng banyo?" nang uuyam na tanong ni Tristan sa ginang."Mr. Villanova, mabuti pa ay sa opisina ko na tayo mag usap." Mahinahon na pakiusap ng director sa binata."No, kailangan kong mahanap ang fiancee ko at baka kung ano ang ginawa nila sa kaniya!" Tumaas na ang timbre ng boses ni Tristan dahil sa galit.Maging ang director ay natak
Huling Na-update : 2024-01-06 Magbasa pa