Pagkatapos ayusin ni Jade ang belo ng kaibigan ay dumiritso na siya sa upuang nakalaan sa kaniya. Tumingin siya sa gawi ng nobyo na kanina pa hindi hinihiwalay ang tingin sa kaniya. Para bang nag aalala ito na bigla na lang may hihila sa kaniya at itakas. Ningitian niya ito at senenyasan na tumingin sa altar.Naiinip na bumaling ang tingin ni Tristan sa harap ng altar at pinanood ang seremonya ng pare. Nababagalan siya sa kasalang nagaganap. Gusto na niyang lapitan ang nobya at yakapin."Bro, ang ganda ng partner mo, naging kaibigan mo na ba?"Napatingin si Tristan sa dalawang lalaking nag uusap. Nakilala niyang parehong kaibigan iyon ni Cyril. Ang tinatanong ay ang best man na kanina pa niya gustong dukutin ang mga mata sa tuwing nahuli itong nakatitig sa nobya niya."Parang suplada, bro. Ningitian ko kanina at gusto sanang magpakilala ngunit parang hindi ako nakikita."Napangisi si Tristan nang marinig ang sagot ng best man. "Humihina ka na yata, bro? Wala pang babae ang ningitian
Magbasa pa