Home / Romance / THE BEST MISTAKE / Chapter 271 - Chapter 280

All Chapters of THE BEST MISTAKE: Chapter 271 - Chapter 280

562 Chapters

Chapter 270-Usig ng kunsensya

"At kitang-kita ninyo nang tinurukan ako ng pampatulog ng doctor na iyon upang hindi makuha si Daddy at mailipat sa operating room." Nangangalit ang ngipin ni Jade habang nagsasalita dahil sa galit na nadarama."Totoo ba ang sinasabi ni Jade?" Tumiim ang tingin ni Luke sa asawa at isa pang anak.Hindi malaman ni Liza kung ano ang isasagot kaya napaiyak na lang siya. "Da-dad, nabigla lang din po kami sa ginawa ng doctor kahapon." Tarantang paliwanag ni Debora."Nabigla rin ba kayo nang itago ninyo sa banyo si Jade?" nang iinsultong tanong ni Tristan na kanina pa nagpipigil na masuntok ang dalawang magaling gumawa ng kuwento.Nanghihinang napabitaw si Luke sa pagkahawak ng asawa sa palad niya. Hindi niya matanggap ang unting-unting pagkalinaw at paglitaw ng katotohanan."Kung hindi ko pa ipinilit na buksan ang banyo ay hindi ko mahanap si Jade at walang malay-tao na nakaupo sa wheelchair!" Bahagya nang tumaas ang timbri ng boses ng binata. Hintakutang napasiksik si Debora sa tabi ng in
Read more

Chapter 271-Pagmamakaawa

"Bakit?" Umiyak na rin si Jade at nanghihinang hinampas sa braso ang kapatid. "Bakit ka nagmana sa ina mong sakim?""I'm sorry!" Mabilis na tinabig ni Jade ang kamay ng kapatid nang tangkang hawakan siya nito sa braso.Nanatili lang si Tristan sa tabi ng nobya at naninimbang. Hinayaan niyang sumbatan nito ang kapatid upang mailabas ang sama ng loob at galit."Ayaw kong makulong, Jade!" Lumuhod siya sa harap ng kapatid at nagmakaawa. Wala na silang kawala sa ikakaso sa kanila dahil natuklasan na rin ang tungkol sa pagnanakaw ng ina sa kaban ng farm. Pero ang tungkol sa paglipat sa pangalan niya ng pamana na para kay Jade ay kanina niya lang iyon nalaman. Pumiksi si Jade nang yumakap sa binti niya si Debora. Ngunit ang higpit ng yakap nito sa isa niyang paa habang humahaguhol ng iyak. Mariin ipinikit niya ang mga mata at nakaramdam ng habag sa kapatid. Kahit ayaw niya rito at namumuhi sa ina nito ay kapatid pa rin niya si Debora. Pareho silang nagmana sa ama nila kaya magkahawig sila
Read more

Chapter 272-Selda

"Dad, kumusta na po ako pakiramdam mo?" nag aalalang tanong ni Jade sa ama nang magmulat na ito ng mga mata.Kanina ay nawalan ito ng malay nang malama na hinuli na ng pulis ang asawa nito at si Debora.Malungkot na iginala ni Luke ang tingin sa paligid at nagbaka sakaling makita ang pamilya. Hindi pa rin niya matanggap na gusto siyang patayin ng asawa, lalo na ng anak niya. Hinaplos ni Jade ang pisngi ng ama at naunawaan niya ang nararamdaman nito. "Dad, I'm sorry. Hindi ko ginustong masira ang pamilya mo pero hindi ko sila hahayaang gawan ka ng masama dahil sa kayamanang maiwan mo sa akin."Pumatak ang luha ni Luke at pinakatitigan ang anak. "Wala kang kasalanan at hindi kita sinisisi."Nakahinga nang maluwag si Tristan sa narinig at tahimik lang siya nakikinig sa pag uusap ng mag ama. Mabuti na lang at hindi nagkamali sa pagsalita ang ginoo. Kapag sinisi pa nito ang nobya niya at baka masuntok na niya ito kahit pa may sakit."Dad, thank you! Hindi po kita iiwan at aalagaan ka." U
Read more

Chapter 273-Pag amin.

Mahigpit ang pagkakuyom ni Liza sa kamay na naka posas habang malalim ang iniisip. Muli niyang sinulyapan ang anak na tahimik pa ring lumuha bago binalingan ang abogado nila."Misis, ito na lang ang last option na maipayo ko sa inyo upang bumaba ang sentensya na ipapataw sa inyo ng batas." Pangumbinsi ng abogado na siyang ipinadala ni Luke."Paano ang anak ko? Hindi ba siya makukulong kapag inako ko ang lahat ng krimin?" Hindi pa rin kumbinsado si Liza para sa kaniyang anak.Nag angat ng tingin si Debora at naaawa sa ina. Alam na niya ang plano nito at nasasaktan siya. Kasalanan niya rin kasi kaya nakagawa ng hindi maganda ang ina. Siya ang unang hindi matanggap na ang mamanahin sa ama ay kapirangot lamang bilang illegitimate na anak. Pero ngayon niya napagtanto na kaya malaki ang mas maiwan kay Jade ay dahil sa parte ng ina nito."Mom, ano na ang mangyari pagkalabas ko kapag wala ka?" Inabot ni Liza ang kamay ng anak na nakaposas din at pinisil iyon. "Hindi ka matiis ng iyong ama at
Read more

Chapter 274-I love you

Matapos maligo ay pinuntahan ni Jade si Tristan sa silid nito. Hindi na siya kumatok at dala niya ang key card nito. Pagkapasok niya ay hindi manlang ito nag abalang tumingin sa kaniya at nanatiling nakatutok ang tingin sa laptop. Mukhang wala itong balak matulog agad, tulad sa inaasahan niya. Nakasampay pa ang puting towel sa balikat nito at hindi pa nasusuklay ang basang buhok.Dumaan siya sa harapan ng binata at sinubukan kung puwede niyang abalahin. Ngunit abala pa rin ito sa pagtitipa sa keyboard ng laptop. Kumuha siya ng maaring makain at sinubuan ito.Sandaling sinulyapan ni Tristan ang nobya at tinanggap ang chips na sinusubo nito sa kaniya. "Thank you, babe. Puwede ka nang maunang matulog kung inaantok ka na."Napalabi si Jade at humiga sa sofa kung saan nakaupo ang binata. Umunan siya sa hita nito at hinayaan lang siya. Mukhang hindi epiktibo ang ginagawa niyang pang abala dito kaya bumangon muli siya at yumakap dito.Marahang nagbuntonghininga si Tristan at sinulyapan ang n
Read more

Chapter 275-Tiwala

Napabalikwas ng bangon si Jade nang maalimpungatan mula sa mahimbing na pagtulog. Pagtingin niya sa katabi ay wala si Tristan. Inis na bumaba siya ng kama at hinanap ang binata. Ang akala pa naman niya ay ito ang mapatulog niya ng maaga. Ngunit baliktad ang nangyari at siya ang nakatulog matapos ang isang mainit na pagniniig nila.Napatingin si Jade sa orasan na nakasabit sa dingding. Alas singko pa lang ng umaga pero wala na sa tabi niya si Tristan. Hindi niya rin alam kung nakatulog ba ito kagabi. Lalabas na sana siya ng silid upang hanapin ito nang mapansin ang bulto ng tao sa terrace. Agad niyang nilapitan iyon at mukhang may importante itong kausap sa cellphone. "Mom, please go back to sleep. Maaga pa at tatawag na lang ako sa iyo mamaya."Nakahinga nang maluwag si Jade nang marinig na ang ina lang nito ang kausap ng binata. Mukhang hindi nakakatulog ng maayos ang ina nito at ang aga nambulabog."Anak, ano ba talaga ang ginagawa mo riyan at ang tagal mong umuwi? Hindi ka ba naa
Read more

Chapter 276-Doubt

"Girlfriend, finally nakabalik ka na rin dito sa kapatagan. Kumusta sa bundok?" pabirong tanong ni Trisha habang yakap ng mahigpit si Jade.Nakangiting gumanti ng yakap si Jade sa kaibigan. Doon pa rin siya tumuloy sa unang bahay na tinutuluyan noong unang salta sa Manila. Gusto niya sanang sa hotel na mamalagi ngunit ayaw pumayag ni Tristan. Mas safe umano siya sa bahay na ito kahit wala namang dapat ipag alala. Ayaw niya rin kasi sa condominium nito para walang issue sa pamilya nito. May idea na kasi siya kung ano ang ugali ng ina ng binata."Balita ko ay kamuntik ka nang mapahamak sa kamay ng madrasta mo?" pagpatuloy na tanong ni Trisha sa kaibigan."Ang chismosa mo talaga."Sabay na nilingon nila Trisha at Jade ang nagsalita. Ngumiti si Jade sa nobyo at galing ito sa banyo."Gosh, Kuya Tristan, wala sa usapan na pati ikaw ay dito titira!" Eksahiradong sita ni Trisha sa pinsan."Tsk, bakit ka narito? Bukas na ang kasal mo eh sige ka pa nang gala." Ginulo ni Tristan ang buhok ng ka
Read more

Chapter 277-Pagkapahiya

"Anak, welcome home!" Masayamg salubong ni Cheska kay Tristan sa bungad ng pintuan.Humalik si Tristan sa pisngi ng ina bago sinulyapan ang babaing nasa likuran. Unting-unting nabura ang ngiti sa labi ni Patricia nang magsalubong ang tingin nila ng binata. Mukhang hindi ito natuwa na makita siya."Anak, hindi mo ba babatiin si Patricia?" Malambing na tanong ni Cheska."Kailan pa naging opisina ang bahay na ito?" aroganting tanong ni Tristan sa ina pero ang tingin ay na kay Patricia. Napahiyang nagyuko ng ulo ni Patricia."Anak, ako ang nag imbita sa kaniya dahil pauwi ka."Marahas na nagbuntonghininga si Tristan nang makitang nasasaktan ang ina sa kaniyang inaasal. "Gutom na ako, na miss ko po ang luto niyo." Pag iiba ni Tristan sa paksa at nilambing ang ina upang hindi na magtampo."Oh sorry, come! Wala pa ang daddy mo at nasa business trip."Biglang sumigla muli ang aura sa mukha ni Cheska. Mabilis na ikinawit ang kamay sa braso ng anak at excited na inakay ito patungo sa dining
Read more

Chapter 278-Insulto

"Anak, gumawa si Patricia ng cake at dinalhan na kita dito upang matikman mo."Napatingin si Jade sa camera nang maulinigan ang tinig ng ginang. Nakilala niya ang ina ng binata at may dalang maliit na tray."Nag aalala si Patricia dahil hindi ka kumain kaya gumawa siya ng ibang pagkain para sa iyo." Nakangiting inilapag ni Cheska ang dalang tray sa naliit na table."Salamat, mom, hindi na dapat siya nag abala pa dahil may pagkaing ipadadala ang nobya ko."Napangiti si Jade nang marinig ang sinabi ng binata. Napansin niyang nag iba ang timpla nang mood ng ginang nang marinig ang tungkol sa nobya ng anak nito. Hindi na niya pinagtuunan ng pansin iyon nang makita ang babaing pumasok. Sa unang tingin niya lang sa babae ay nahulaan na niyang ito si Patricia. Ang akala niya ay assistant ang trabaho nito, pero sa hitsura ng damit nito ay daig pa ang prostitute. "Tristan, dinalhan na rin kita nang maiinum mo. Sana ay magustoham mo iyang gawa kong cake at alam kong paborito mo ang flavor na iy
Read more

Chapter 279-Araw ng kasal

Masama ang loob na lumabas ng silid ng anak si Cheska. Pagkarating ng sala ay naroon si Patricia at mukhang handa nang umalis."Tita, sorry kung nagkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan ni Tristan nang dahil sa akin. Hindi ko gustong akitin siya kanina. Sadyang nakalimutan ko lang isuot ulit ang blazer ko." "Ako ang dapat na mag sorry sa iyo, hija. Walang mali sa suot mo at naintindihan kita dahil nagluto ka kanina kaya kailangang hubarin."Niyakap ni Patricia ang ginang at nagpasalamat. "Tita, aalis na po ako at mukhang ayaw ni Tristan na makita ako dito sa bahay niyo."Hinatid ni Cheska ang dalaga hanggang pintuan. "Hija, bukas ay sumama ka sa pag attend sa kasal ng pinsan ni Tristan. Maganda na ring pagkataon ito upang makilala mo sila."Masayang nilingon ni Patricia ang ginang. "Hindi po ba nakakahiya, Tita?""Of course not. Kasama kita kaya ako ang bahala sa iyo.""Sige po, tita, see you tomorrow po!" Muli siyang humalik sa pisngi ng ginang. Kilala naman na niya ang lahat ng kapami
Read more
PREV
1
...
2627282930
...
57
DMCA.com Protection Status