Home / Romance / THE BEST MISTAKE / Chapter 226-Bitch

Share

Chapter 226-Bitch

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Napabuntonghininga si Jade habang iginagala ang tingin sa paligid ng dating bahay nilang mag-anak. Ang laki na ng nagbago sa paligid. Mapait na ngiti ang pumaskil sa kaniyang labi nang hindi na makita ang maliit na kubo. Talagang binago ang lahat sa bahay nila ng ikalawang pamilya ng ama.

Bitter na kung bitter, pero hindi niya napagilan ang sarili na maiingit at magselos ngayon. Mabuti pa ang ina niya, naka move on na sa pagkasira ng kanilang pamilya. Pero siya? Ang akala niya ay naka move on na rin siya. Pero bumalik ang sakit ngayong nasa harapan na siya ng dating tirahan. Pati ang garden ng ina ay binago na rin ng bagong asawa ng ama. Parang gusto niyang magsisi at naisip pang dalawin ang ama.

"Jade?"

Napakurap si Jade nang mamukhaan ang matandang lumabas ng bahay.

"Jade, ikaw nga!" Nagkukumahog na nilapitan ni Aleng Nora ang dating alaga.

Napaluha si Jade nang makilala ang ginang. Ang akala niya ay wala nang natira na memories sa bahay na iyon. Hindi niya akalaing doon pa rin na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (23)
goodnovel comment avatar
Manar Makasasa
nilalason nila ang Papa mo jade.kya kunin mo yan gatas at ipa suri mo sa doctor
goodnovel comment avatar
Manar Makasasa
tiyak na c Patricia ang kapated ni jade
goodnovel comment avatar
Anita Valde
naku ano BA Yan dahan dahan pinainum Ng lason ang daddy ni Jade thanks Ms Jee sa update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 227-Pang-aasar

    "Narinig mo ang ama mo? Umalis ka na!" Bulyaw ni Liza sa dalaga."Aalis ako pero isasama ko ang daddy ko at ipagamot!" Nilapitan niya ang ama at hinawakan sa braso."No, wala kang karapatang kunin ang asawa ko! Bitiwan mo siya!" Galit na tinabig ni Liza ang kamay ni Jade."Yaya, tulungan mo akong mailabas dito si Daddy." Tawag ni Jade sa ginang at malakas na tinabig sa balikat si Liza."Ouch, honey, sinasaktan ako ng anak mo! Huwag mo siyang hayaang ilayo ka niya sa akin!"Minadali na ni Jade at pagpatayo sa ama na mukhang hindi na lang ang puso't isipan ang bulag kundi maging ang paningin nito."Bitawan mo ako, hindi ako sasama sa iyo!" Tulalang napatitig si Jade sa ama at naudlot ang paghawak muli sa braso nito. Maging si Aleng Nora ay nagulat sa narinig. Gusto niyang umiyak dahil sa awa sa ama. Umiiyak ito at mukhang wala nang kakayahan lumaban o takot na mapag-isa sa buhay."Iiwan mo lang din ulit ako katulad ng iyong ina. Sila na ang pamilya ko at mahal nila ako!" Iwinasiwas ni

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 228-Pag-alala

    Pagdating sa hotel ay inis na umupo si Jade sa kama. Napatingin siya sa kaniyang cellphone ay wala manlang siyang natanggap na kahit message mula pa kaninang umaga. Nadagdagan lamang ang inis niyang nadarama."Pakipot ka pa kasi at nagagalit kapag tinatawagan ka niya." Panunumbat ng kunsensya sa sarili. "Huh, hindi ako naiinis ngayon dahil wala siyang paramdam maghapon!" Pagsusungit niya sa sarili."Sus, deny pa more. Alalahanin mong may tao siyang sumusunod sa atin upang masiguro ang kaligtasan." Panunukso pa ng pilyang isipan sa sarili."Arghhh, wala akong pakialam kung hindi na siya magpaparamdam sa tawag kahit kailan!" Naibulalas niya sabay tayo. Papasok na sana siya sa bathroom nang may kumatok."Ma'am, ayos lang po ba kayo riyan?"Nakilala ni Jade ang boses ng lalaki. Hindi niya alam na naroon pa pala ito sa labas ng silid niya. "Yes, I am. Bumalik ka na sa silid mo.""Ahm, ma'am, puwede po bang buhayin niyo na ang cellphone mo?" Pakiusap ni Carlo at nanatili sa kinatayuan.Na

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 229-Panlalambot

    Dala ng pagkagulat sa ginawang paghalik sa kaniya ng binata, naitulak niya ito ng malakas. Ngunit dahil nakayakap ito sa kaniya, kasama siyang natumba sa kama at nakapaimbabaw siya rito.Sumilay ang simpatikong ngiti sa labi ni Tristan at lalong hinigpitan ang pagkapulupot ng braso sa beywang ng dalaga. "Stop smiling!" Inis niyang tinampal sa nguso ang binata pero mahina lamang."I miss you!"Naudlot ang paglayo ng katawan niya mula sa pagkadapa sa katawan ni Tristan. Mukhang naingkantong siyang napatitig sa mga mata nitong nangungusap. Sandaling nakalimutan niya ang lahat at parang nahipnotismo siya ng binata.Itinaas ni Tristan ang kanang kamay at marahang hinaplos ang pisngi ng dalaga. Namula iyon kaya naalala niya kung bakit siya nagmamadaling makarating doon kanina. "Sino ang nagpaiyak sa iyo kanina?"Awang ang bibig at nagtatakang napatitig sa mukha ng binata. Nagulohan siya sa mga tanong nito."Alam kong umiyak ka kanina. Sinaktan ka ba ng madrasta mo?"Mabilis na umiling si J

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 230-Bisita

    Nagtatakang sinundan ng tingin ni Tristan ang dalagang nagdadabog na pumasok sa bathroom. Hindi niya alam kung ano ba ang nasabi niya kanina at nagalit ito. Tinatanong niya ay ayaw namang sabihin. Humiga na lamang siya sa kama nito at nagpasyang magpahinga muna. Kagabi pa siya walang maayos na tulog at maghapon busy.Inis na napatitig si Jade sa sarili mula sa salamin. Hindi niya maintindihan kung kanino siya naiinis. Sa sarili ba o kay Tristan? Naghilamos siyang muli dahil parang nang-aasar lang ang hitsura niya habang nakipagtitigan sarili. "Hindi ako nagseselos!" defensive niyang tanggol sa sarili nang tuksuin siya ng kaniyang kunsenya."Tsss, nasisiraan na naman ako ng bait dahil sa lalaking ito!" bulong niya at nagpasyang lumabas na. Natigilan siya sa paghakbang pagkalabas ng bathroom pagkakita kay Tristan. Nakahiga ito sa kama pero kalahating katawan lang ang nasa higaan. Ang mga paa nito ay nakalaylay sa sahig at may suot pang sapatos. Bigla siya naawa sa lalaki. Halatang pago

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 231-Panlalamang

    "Mom, may problema po ba?" nagtatakang tanong ni Tyler sa ina.Sa dalaga nagpaliwanag si Gina sa halip na sagutin ang anak. "Hija, pasensya at bigla lang silang dumating."Napatingin si Jade sa sasakyang nakaparada sa tabi ng kotse ni Tyler. Hindi niya nakilala kanina kung kanino sasakyan iyon dahil hindi napagtuunan ng pansin. Nakakaunawang ngumiti siya sa ginang. Alam ng buong pamilya ni Tyler na hindi maayos ang relasyon niya sa ikalawang pamilya nito."Bigla lang dumating ang ama mo at kasama ang kapatid mo at bago niyang asawa." Paliwanag ni Gina."It's ok po, Tita. Pero nakakagulat dahil kanina sa bahay ay mahina si Daddy." Natatakang napaisip si Jade.Napabuntonghininga si Tyler, mukhang nanadya ang pamilya ng kaibigan. Hindi sa ayaw niya sa mga ito, pero hindi talaga siya nakikihalubilo sa mga ito lalo na kay Diana."Mukhang maayos naman siya pero may tungkod siyang gamit at may alalay sa paglalakad. Naroon sila ngayon sa loob at kausap ang TiTo Romualdo mo."Nilingon ni Jade

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 232-Pagkalito sa sariling damdamin

    "What's wrong?" pabulong na tanong ni Tyler sa kaibigan nang mapansin na natigilan ito habang hawak ang cellphone.Nakangiting umiling si Jade sa kaibigan at nagpatuloy na muli sa paglalakad papasok ng dining room. Set niya sa silent ang cellphone upang hindi mag-ingay at alam niyang hindi titigil sa pagtawag si Tristan.Todo alalay si Liza sa asawa hanggang sa makaupo ito sa upuan. Ipinagsandok at kulang na lang ay subuan. Pagtingin niya kay Jade ay nakaismid sa kaniya. Ang anak ay halatang naiingit kay Jade dahil inaasikaso ito ni Tyler.Hindi pa nag-iinit sa kinauupuan ang pang-upo sa tabi ni Tyler ay naramdaman ni Jade ang pag vibrate ng cellphone. Pasimple niyang sinilip iyon at binasa ang message. Kinabahan pa siya nang mabasa ang name ni Tristan. "Where the hell are you now? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"Napasimangot si Jade matapos mabasa ang message ni Tristan. Pinigilan ang sariling damdamin na kinakabahan. Hindi niya maintindihan ang sarili kapag si Tristan ang

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 233-Pag-alala

    "Kung may problema ka ay sabihin mo na sa akin," ani Tyler sa kaibigan habang nagmamaneho. Pabalik na sila sa hotel at napapansin niyang hindi na naman ito mapakali.Pinagsiklop ni Jade ang mga palad at humarap kay Tyler. "Ganito kasi iyon, naalala mong sinabi ko sa iyo noon tungkol sa naging bago kong kaibigan?"Tumango si Tyler habang nanatili ang tingin sa daan. "Don't tell me na hindi lang pagpapanggap ang ginawa mo noon?""No..."Marahas na nilingon ni Tyler ang kaibigan at itinigil muna ang sasakyan sa isang tabi."I mean, hindi totoo ang relasyon namin." Mabilis niyang paliwanag sa kaibigan. Nakahinga ng maluwag si Tyler sa narinig. Hinintay niya na lang na matapos sa paglalahad ang kaibigan. "Nakilala ko ang pinsan niya.""Babae o lalaki? Tandaan mong pinabulaanan mo ang bentang ni Debora na isa kang tomboy."Napasimangot si Jade at pinapangunahan siya ng kaibigan."Fine, tatahimik na ako." Pinag ekis ni Tyler ang mga braso sa dibdib."Arogante at heartless siya."Napataas

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 234-Kapangahasan

    "Shit, Tristan, what the hell? Ano ang ginagawa mo sa iyong sarili? Hindi ito kama!" Tinampal niya ng malakas sa pisngi ang binata upang magising. Sobra siyang natakot kanina at halos palubog na ang mukha nito sa tubig. Dahil sa ginawa niya ay gumalaw si Tristan pero nanatiling nakapikit ang mga mata. Dumulas ang katawan nito palubog sa tubig kaya dali-dali niyang hinila ito sa balikat."Hmmm..." mahinang ungol ng binata at mukhang nanaginip lang."Tsk, Tristan gumising ka muna at baka malunod ka dito sa bathtub!" Niyugyog na niya ito sa balikat."Hmm, babe?" "Yes, its me. Bakit ka ba nagpakalasing ng husto? Paano kung hindi ako pumasok dito?" Inis niyang sermon sa binata habang hinihila ang balikat nito upang hindi dumausdos."Hmmm...."Nagtatakang napatitig si Jade sa mukha ng binata. Parang wala itong lakas gayong nalasing lang naman. Mukhang hindi na talaga niya ito magising kaya walang siyang magawa kundi gumamit ng pwersa. Mabuti na lang at nakasuot pa ito ng boxer short. Sapi

Latest chapter

  • THE BEST MISTAKE   Mahalagang mensahe ng Author para sa mambabasa

    Hello everyone! First of all po ay salamat sa pagbabasa sa nobelang ito hanggang sa dulong ito. Alam ko po na marami ang naiinis at nagagalit sa akin dito lalo na kung walang update. Pasensya po, tao lang din ako na nagkakasakit, kailangan magpahinga at may ibang gawain sa buhay na kailangang gampanan. Salamat pa rin po dahil kahit naiinis na kayo sa akin ay hindi ninyo binibitiwan ang librong ito. Hanggang dito na lang po ang Kuwentong ito. Pero huwag kayong mag-alala at gagawan ko rin ng libro ang iba pang apo nila Travis at Shaina. Yun nga lang at hindi ko rito idudugtong. Kaya abangan ninyo po ang kuwengo nila sa season 2 at e publish ko soon. Muli, maraming salamat po! Maari niyo ring basahin ang iba ko pang akda, just open my profile at makita po ninyo. Pinaka trending sa ngayon na book ko bukod dito ay PLAYED BY FATE. Sure ako na magustohan ninyo iyan tulad sa pagkagusto sa librong ito. May bagong book din po akong ginagawa na e publish dito kaya winakasan ko na ito. Please supp

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 558-Pagwawakas

    Maaga pa lang ay nasa school na sina Lucy at ang anak. Nagmakaawa sa dean na tulungan silang makausap sina Alexander at Ava. Ang asawa kasi ay nagtatago na ngayon dahil nakumpiska ang bawal na gamot sa bodegang pag aari nito. Gusto niyang makiusap na huwag siyang sampahan ng kaso dahil sa ginawang pananakit kay Ava at ganoon din ang anak niya."Linisin mo ang pangalan ng nobya ko dito sa university at baka sakaling maawa ako sa inyong dalawa." Matigas na utos ni Alexander na kararating lang din.Nagkukumahog na lumapit si Lucy sa dalawang bagong dating. "Gagawin ko ang gusto ninyo. Huwag niyo lang idamay ang anak ko."Napatingin si Ava kay Brix na mukhang napilitan lamang sumama sa ina nito. "Misis, tingin ko ay kailangan mong ipa rehab ang anak mo.""No!" Matigas na tutol ni Brix at naglikot ang tingin sa paligid."Tsk, pasalamat ka at binibigyan ka pa ng pagkakataon na makapagbagong buhay. Kung ayaw mong magpagamot ay maglimas ka ng rehas kasama ang ama mo." Aroganteng singhal ni Al

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 557-Pangako

    Lalo siyang ginanahan sa pagsubo sa shaft ng binata dahil sa ungol nito. Ang sarap lang hawakan ang matigas at mahaba nitong pagkalalaki."Fuck, enough baby!" Sapilitan niyang inilayo na ang pagkalalaki sa bibig ng dalaga at pinahiga ito sa kama. Pagkadagan ay kinuyumos niya ng halik sa labi ito."Uhmm, Alexander!" Umangat ang katawan niya sa bandang dibdib nang pinagpala na ng bibig ni Alexander ang magkabila niyang dibdib.Mabilis na itinaas ni Alexander ang dalawang binti ng dalaga st nakabuka iyong isinampay sa mga balikat. "Ahhh shit, uhmmm harder!" Halinghing niya habang nakahawak sa mga braso ng binata na nakatukod sa magkabing gilid niya. Pinagbigyan niya ang dalaga at animo'y may hinahabol sa bilis ng paglabas masok sa pagkababae ng dalaga ang shaft niya. Kahit sumabog na ang init sa katawan ay patuloy siya sa pag ulos sa lagusan ng hiyas ng dalaga."Ahhhh ahhhh Alex uhmmmm shit!" Halos mangisay siya sa ilalim ng binata dahil sa sarap. Mukhang hindi nauubusan ng katas ang b

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 556-Pleasure

    Hindi na nagreklamo si Ava nang dinala siya sa condominium ng binata. Ayaw na nitong pumayag na bumalik siya sa apartment at mag isa lang doon."Mula ngayon ay dito ka na titira. Alam kong ayaw mong magsasama na tayo sa iisang bubong. Huwag kang mag alala at sa kabilang pad ako matutulog." Inayos ni Alexander ang kama upang makahiga na ang dalaga.Nakangiting pinagmasdan ni Ava ang binata. Hindi niya akalaing may alam ito sa ganoong gawain. Maayos naman ang tulugan pero binago ng binata ayun sa gusto nito para sa kaniya. "So, ok ka na ba dito? Kung may kailangan ka ay tawagin mo na lang ako or tawagan sa telepono." Sa halip na sagutin ang binata ay niyakap niya ito. Halatang nagulat ito sa ginawa niya at hindi agad ito nakakilos. "Thank you!""For what?" nakangiting tanong ni Alexander at hinaplos ang likod ng ulo ng dalaga."Sa pag intindi sa akin at pagmamahal."Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang dalaga saka bahagyang inilayo sa katawan niya ang ulo nito upang mapagmasdan i

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 555-Pakiusap

    "Kung wala ka nang ibang kailangan, umalis ka na at nakakaabala ka nang husto." Pagtataboy ni Alexander sa lalaki. Kung wala lang si Ava sa tabi niya ah nabigwasan na niya ito ng suntok sa mukha."Fine, gagawin ko na ang gusto mo pero huwag dito." Mukhang napipilitang pakiusap ni Brix.Naiiling na tinalikuran ni Alexander ang lalaki kasama si Ava.Muling hinabol ni Brix sina Ava at humarang sa daraanan. "Ano pa ba ang gusto ninyo? Nagpapakumbaba na nga ako!" "Brix, hindi mapagkumbaba iyang ginagawa mo." Mahinahon na kausap ni Ava sa binata."Ma'am, alam kong mabait ka. Baka naman puwede mo mapakiusapan ang boylet mo?" Tangkang hahawak niya sa kamay ang dalaga ngunit mabilis siyang kinuwelyohan ni Alexander. "Don't you dare to touch her! And also, Watch your mouth at baka ngayon mismo ay masira ang pangalan ng ama mo!"Takot na umurong ng hakbang si Brix at titig pa lang ni Alexander ay nakakamatay na. Hindi na niya nagawang makapagsalita pa o kilos sa kinatayuan nang tumalikod na si

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 554-Hostageg

    Hindi magawa nang ngumiti ni Ben nang magsalubong ang tingin nila ng binatang minamaliit kanina lang. Kung masamang panaginip lang sana ang ngayon, ayaw na niyang magising muna. "Kaya pala ang lakas ng loob niyang sagot-sagutin kanina ang pamilya ni Vice Mayor." Mukhang gulat ding naibulalas ng isa sa saksi kanina ng ginawa na pamamahiya sa binata."Ang yabang din kasi ng asawa at anak ni Vice Mayor, matapobre pa. Karma sa kaniya ngayon kung matalo ang asawa niya sa election." Nakaismid na kumento ng isa pang babae.Mariing naglapat ang mga labi ni Lucy nang marinig ang malakas na bulungan sa paligid. Kung sa ibang pagkakataon lang ay tiyak na nakalbo na niyat Ayaw niyang bumaba ng stage at kailangan pangatawan ang nais na pakipagkaibigan sa anak ng chairman. "May problema ba kanina?" tanong ng mayor at narinig din ang ingay."Ah kaunting misunderstanding lamang, mayor. Alam mo naman ang kabataan, maiinit ang ulo lalo na pagdating sa babae pareho nilang nagustohan." Pgadadahilan ni

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 553-Pagkabala

    "But before anything else!" Agaw eksina ni Ben. "Kunin ko na rin itong opportunity upang makilala ng apo ninyo ang anak ko. Kung puwede ay gusto kong mahawaan ng kasipagan ng apo ninyo ang anak ko, kung okay lang po?" nakangiting tanong pa niya sa chairman. Umangat ang isang sulok ng labi ni Alexander nang makitang nagmamadali sa pag akyat su Brix sa stage kahit wala pa naman ang approve. Napaghalataang mga uhaw sa fame ang pamilya nito at lahat ay gagawin upang makuha ang gusto. Sumunod na rin si Lucy sa anak at gustong maging applle of the eye din kasama ang tinitingalang pamilyang negosyante ng mga tao. Pinigilan ni Arriana ang umikot ang mga mata nang makipag beso sa kaniya si Lucy. Mas ok na nakaharap ang mga ito sa lahat ngayon upang makita kung ano ang maging rection kapag ipinakilala na ang anak niya.Tumikhim si Travis bago nagsalita. "You can ask my grandson." Sinundan ng tingin nila Brix, Bem at Lucy kung saan nakaturo ang chairman. Mukhang mga namalikmata sila at ang

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 552-Excitement

    "Ano ang nangyari?" tanong ni Ava sa binata habang sinusundan ng tingin sina Brix at mga magulang nito. Halatang excited ang mga ito sa kung sino ang babatiin at parang walang nangyaring gulo kanina lamang."Bakit hindi mo sinabi na dito ang punta mo ngayong gabi?" Napalabi si Ava at hindi siya sinagot ng binata bagkus ay tinanong din. Gusto siyang isama nito kanina ngunit tumanggi siya dahil sa ina nito. Ayaw rin ipasabi ng ina at surprise sana pero gulo naman ang naabutan niya.Mataman na pinagmasdan ni Alexander ang mukha ng dalaga saka sinuri ang suot nito. Agad niyang hinubad ang coat at ipinatong sa balikat nito dahil walang manggas ang suot ng dalaga. Nakakaakit ang maganda nitong mukha lalo na at may lipstick ang labi. Ang suot na dress na hanggang taas lang ng tuhod ang haba ay fit na fit sa makurba nitong katawan. Ang sexy nitong tingnan at nang tumingin sa paligid at parang gusto na niyang iuwi ang dalaga. Halata ang paghanga sa tingin ng kalalakihang naroon kay Ava."Baby

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 551-Katanungan

    "Ikaw ang biktima at ang anak mo? Sa anong dahilan?" kalmadong tanong ni Arriana kay Lucy.Biglang nag alinlangan si Lucy na sagutin ang tanong ng babae. Marami ang nakikinig at nakatingin na taga media. Kapag sinabi niya ang totoo ay mas maapiktohan ang pangalan ng kaniyang asawa.Tumikhim si Ben at iniba ang paksa nang hindi na nakapagsalita ang asawa. "Mrs. Aragon, nice to see you again. Pagpasensyahan mo na ang asawa ko at naging selosa lamang. Huwag kayong mag alala ay aayusin ko bukas ang gulo at panagutin ang dapat managot." Pinukol ni Ben ng nagbabantang tingin si Alexander. Ngumiti si Arriana sa mag asawa. "Siya ba ang tinutukoy mong panagutin bukas?" Turo niya sa anak na tahimik lang nakatayo sa tabi niya."Mrs. Aragon, hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa ganitong pagtitipon. Huwag kayong mag alala at hindi ako magdedemanda laban sa university kung alisin ninyo sa trabaho ang professor na iyon at ang lalaking iyan." Ngumiti pa si Lucy sa ginang."Kilala niyo ba siya

DMCA.com Protection Status