"Buhatin mo ang lalaking iyan at ihiga sa sofa." Utos ni Cyrus kay Jomar. Mabilis siyang kumuha ng gamot para sa sugat na nasa kamay ng anak.Napaungol ang lalaki nang maihiga na ni Jomar sa sofa. Hindi niya hinayaang malapitan pa ito ni Cyril at baka maging kriminal pa ito. Pero naintindihan niya ang huli, kung siya ang unang dumating kanina at makita ang ginagawang karahasan kay Trisha ay baka ang bala ng baril agad ang naipatama niya rito. Pasalamat na lang at walang baril na dala si Cyril ngayon."Alamin mo kung sino ang mga magulang ng lalaking iyan." Utos muli ni Cyrus kay Jomar at sapilitang ginamot ang kamay ng anak. Ayaw nitong magsalita kahit tanongin niya.Nagpumiglas si David nang kapain ng lalaki ang kaniyang bulsa. Ngunit bawat galaw niya ay napapaigik siya dahil masakit ang mukha at iba pang parte ng katawan, kung saan tumama ang suntok ni Cyril. Nakuha ni Jomar ang ID at cellphone ng lalaki. "Sir, anak siya ni Mayor."Pumalatak si Cyrus pero hindi siya nababahala na
"Ano ang ibig mong sabihin?" Salubong na ang kilay ni Dante habang nagpalipat-lipat ang tingin sa abogado at sa mag-ama.Ipinamulsa ni Cloud ang isang kamay at lumingon sa isang silid. "Ang babaing nais gawan ng masama ng iyong anak ay hindi anak ng isang ordinaryong mamayan. Ang ahensya namin ang nangangalaga sa kanilang profile upang hindi makilala sa publiko."Biglang nabuway ang isang paa ni Dante mula sa pagkatayo. Humawak siya sa armchair ng sofa at nanghihinang umupo. Napatingin siya sa anak at natakot din ito sa nakikitang pagkabahala sa kaniyang mukha. Gusto niya itong bulyawan at pagalitan ngunit wala rin naman mangyari na. "Alam mo kung ano ang kaya niyang gawin sa isang tulad mo kapag nalaman itong nangyari sa isa niyang prinsesa." Tikom ang bibig na napatango si Dante. Malapit na ang eleksyon at kapag lumabas ang balitang ito ay tiyak na katapusan na ng kaniyang kandidatura. Napayuko ng ulo si David at hindi alam paano ang gawin upang maayos ang gulong kaniyang ginawa.
Napabalikwas ng bangon si Trisha matapos maalala ang lahat ng nangyari noon dahil kay David. Napahawak siya sa kaniyang labi nang maalala ang halik sa panaginip niya noon."Shit, hindi si David ang dahilan kung bakit siya nagalit sa akin?" kausap ni Trisha sa sarili nang mapagtantong hindi panaginip ang ginawa niyang paghalik kay Cyril noon. Ngayon niya nasigurong hindi nga panaginip ang ginawa noon. Hindi rin si Cyril ang humalik sa kaniya kundi siya. "Ahhhhh, ano ang ginawa mo?" sermon niya sa sarili sabay sabunot sa kaniyang buhok.Kapagdaka'y nakagat ni Trisha ang hintuturo at tumayo mula sa pagkaupo sa kama. Hindi mapakaling naglakad papuntang bintana ng silid at nag-isip. Nang maalala ang huling pag-uusap nila ng maayos ng binata ay muling kumirot ang kaniyang puso."Huwag pagiging selfish and childish ang pairaling mo riyan sa iyong isipan. Marami pa akong pangarap sa buhay at nais abutin sa pamamagitan ng sariling sikap. Nakabubuti na maghiwalay tayo ng landas at kailangan mo
"Hija, ibinili ka ng daddy mo ng bagong cellphone." Nakangiting itinaas ni Shaina ang isang maliit na paper bag.Unang tingin pa lang ni Trisha sa hawak ng ina ay alam niyang ang mamahaling cellphone iyon. Ngumiti lang siya ng matipid sa ina at kinuha ang bagay na iyon. Hindi manlang siya tinanong ng mga ito kung bakit nasira ang cellphone niya. Tatlong araw na rin mula nang masira iyon. Mula kahapon ay naninibago siya sa kinikilos ng mga magulang. Para bang nababahala at lihim na binabantayan ang bawat kilos niya."Nagustohan mo ba?" Nakangiting lumingon si Trisha sa ama na halos kasunod lang ng ina na dumating."That's my advance gift for you. Ayaw ko ring malungkot ka kaya pinapayagan na kitang mag-aral sa ibang bansa."Pilit ang ngiting sumilay sa kaniyang labi. Hindi niya kasi alam kung dapat ba siyang matutuwa o malulungkot. Siya ang may gusto nito at sa ibang bansa rin gustong e silibra ang kaarawan. Ayaw niyang ganapin dito sa Pinas, sa ganoon ay hindi na magkaroon ng dahila
Napaluha si Trisha nang makita ang buong pamilya sa araw ng kaniyang kaarawan. Simple lang ang celebrations at kakain sila sa labas."Hey, tama na ang iyak at baka pumangit ka." Biro ni Arriana sa kapatid at niyakap ito.Lalo lamang napaluha si Trisha sa biro ng kapatid. Paano naman kasi, naisip niyang okay lang pumangit ngayon kasi wala naman ang taong pinapagandahan niya. Ang akala ng buong pamilya ay tears of joy ang kaniyang pag-iyak. Sobra siyang nasasaktan ngayon at nalulungkot. Special ang kaarawan na ito sa kaniya pero wala ang lalaking gusto niyang makasama. Wala ang lalaking pinangarap niyang maging escort sa kaniyang 18th birthday. Hindi natupad ang pangarap niya noon pa na isasayaw siya ni Cyril."Tama na nga iyan at huwag niyo nang paiyakin ang kapatid niyo." Saway ni Shaina sa kambal na anak. Nilapitan niya si Trisha at pinunasan ang luha nito sa mata at pisngi.Ramdam ni Shaina na iba ang dahilan kung bakit umiiyak ang dalagang anak. Naaawa siya rito at alam niyang mal
"Anak, mabuti naman at naisip mong umuwi. Kumusta ka na?" "Ayos lang po ako, ma, nasaan si Papa?" Hinayaan ni Cyril na ang ina ang maghubad ng suot niyang jacket.Nasa mansyon siya anak, hindi kasi mapakali si Chairman."Napabuntonghinga si Cyril bago umupo sa sofa. Malungkot na pinagmasdan ni Nida ang anak. Ang laki ng pinagbago nito mula nang malamang umalis si Trisha. Ayaw nitong magkaroon pa ng ugnayan sa pamilya ng kababata at maging ang pamilya nila ay naapiktohan. Madalang ito umuwi o bumisita sa kanila dahil umiiwas."Kumusta ang kalusugan ni Mr. Chairman?"Napangiti si Nida at ramdam niyang nag-alala ang anak sa ama ni Trisha. "Ang payo ng doctor ay magpahinga siya at hindi dapat ma stress.""Alam na po ba ng mga anak niya ang tungkol sa kalagayan niya ngayon?" tanong muli ni Cyril sa ina. May sariling bahay na ang kambal kaya minsan na lang din nakikita ang magulang ng mga ito."Iyan nga ang hindi ko maintindihan sa Chairman. Mahigpit ang bilin niya sa iyong ama na walang
Mabilis na ipinikit ni Travis ang mga mata nang may kumatok sa pintuan. Naroon pa rin naman si Cyrus at ang asawa ay tumalikod."Pa, kumusta po si Chairman?" nag-aalalang tanong agad ni Cyril sa ama pagkapasok sa silid ng chairman. Kanina habang nasa daan ay tumawag ang tauhan niya at sinabi nitong galit na galit si Trisha."Napainum na siya ng gamot pampakalma. Alam mo naman na siguro ang nangyari sa trabaho ng tauhan mo?" tonong nanenermon na ani Cyrus sa anak.Napabuntonghininga si Cyril at marahang tumango sa ama. Lumipat ang tingin niya sa ina ni Trisha. Nanatili itong nakatalikod at alam niyang tahimik itong umiiyak. Marahan siyang humakbang palapit dito at magaan na ipinatong ang palad sa balikat nito."Ayaw na talaga niya bumalik dito at nagalit siya sa kaniyang ama." Suminok si Shaina at pinunasan ang luha sa mga mata.Totoong malungkot siya at naiyak dahil galit sa asawa niya si Trisha. Narinig niya kanina ang pag-uusap ng mag-ama niya at sobrang na dissapoint si Trisha sa k
Nagtatakang napatitig si Jade sa kaibigan nang mapansing natigilan na ito. Napalingon siya kung saan nakatingin ang kaibigan. "Kilala mo ba siya?"Napakurap si Trisha nang marinig ang tanong ng kaibigan. Mabilis niyang hinamig ang sarili at nagkunwaring walang nakita. Nainis siya sa sarili at biglang kumabog ang dibdib. Hindi niya alam kung kumabog ba iyon dahil sa gulat o sa excitement."Are you okay?" tanong muli ni Jade sa kaibigan nang walang tugon nakuha mula rito.Tumango si Trisha sa kaibigan bago sinalinan ng alak ang baso at diritsong ininum iyon. Sigurado siyang hindi lamang siya namalikmata ngayon nang makitang lumapit kay Cyril ang lalaking sumusunod sa kaniya. Naikuyom niya ang kamao dahil sa galit. Hindi niya akalaing magpailalim ang kababata sa kaniyang ama. Hindi napigilan ni Trisha ang tumawa ng pagak habang nilalaro ang bibig ng baso gamit ang daliri. Kalaunan ay humulma ang mapait na ngiti sa kaniyang labi. Tinikis siya ng binata ng ilan taon dahil sa sarili nitong
Hello everyone! First of all po ay salamat sa pagbabasa sa nobelang ito hanggang sa dulong ito. Alam ko po na marami ang naiinis at nagagalit sa akin dito lalo na kung walang update. Pasensya po, tao lang din ako na nagkakasakit, kailangan magpahinga at may ibang gawain sa buhay na kailangang gampanan. Salamat pa rin po dahil kahit naiinis na kayo sa akin ay hindi ninyo binibitiwan ang librong ito. Hanggang dito na lang po ang Kuwentong ito. Pero huwag kayong mag-alala at gagawan ko rin ng libro ang iba pang apo nila Travis at Shaina. Yun nga lang at hindi ko rito idudugtong. Kaya abangan ninyo po ang kuwengo nila sa season 2 at e publish ko soon. Muli, maraming salamat po! Maari niyo ring basahin ang iba ko pang akda, just open my profile at makita po ninyo. Pinaka trending sa ngayon na book ko bukod dito ay PLAYED BY FATE. Sure ako na magustohan ninyo iyan tulad sa pagkagusto sa librong ito. May bagong book din po akong ginagawa na e publish dito kaya winakasan ko na ito. Please supp
Maaga pa lang ay nasa school na sina Lucy at ang anak. Nagmakaawa sa dean na tulungan silang makausap sina Alexander at Ava. Ang asawa kasi ay nagtatago na ngayon dahil nakumpiska ang bawal na gamot sa bodegang pag aari nito. Gusto niyang makiusap na huwag siyang sampahan ng kaso dahil sa ginawang pananakit kay Ava at ganoon din ang anak niya."Linisin mo ang pangalan ng nobya ko dito sa university at baka sakaling maawa ako sa inyong dalawa." Matigas na utos ni Alexander na kararating lang din.Nagkukumahog na lumapit si Lucy sa dalawang bagong dating. "Gagawin ko ang gusto ninyo. Huwag niyo lang idamay ang anak ko."Napatingin si Ava kay Brix na mukhang napilitan lamang sumama sa ina nito. "Misis, tingin ko ay kailangan mong ipa rehab ang anak mo.""No!" Matigas na tutol ni Brix at naglikot ang tingin sa paligid."Tsk, pasalamat ka at binibigyan ka pa ng pagkakataon na makapagbagong buhay. Kung ayaw mong magpagamot ay maglimas ka ng rehas kasama ang ama mo." Aroganteng singhal ni Al
Lalo siyang ginanahan sa pagsubo sa shaft ng binata dahil sa ungol nito. Ang sarap lang hawakan ang matigas at mahaba nitong pagkalalaki."Fuck, enough baby!" Sapilitan niyang inilayo na ang pagkalalaki sa bibig ng dalaga at pinahiga ito sa kama. Pagkadagan ay kinuyumos niya ng halik sa labi ito."Uhmm, Alexander!" Umangat ang katawan niya sa bandang dibdib nang pinagpala na ng bibig ni Alexander ang magkabila niyang dibdib.Mabilis na itinaas ni Alexander ang dalawang binti ng dalaga st nakabuka iyong isinampay sa mga balikat. "Ahhh shit, uhmmm harder!" Halinghing niya habang nakahawak sa mga braso ng binata na nakatukod sa magkabing gilid niya. Pinagbigyan niya ang dalaga at animo'y may hinahabol sa bilis ng paglabas masok sa pagkababae ng dalaga ang shaft niya. Kahit sumabog na ang init sa katawan ay patuloy siya sa pag ulos sa lagusan ng hiyas ng dalaga."Ahhhh ahhhh Alex uhmmmm shit!" Halos mangisay siya sa ilalim ng binata dahil sa sarap. Mukhang hindi nauubusan ng katas ang b
Hindi na nagreklamo si Ava nang dinala siya sa condominium ng binata. Ayaw na nitong pumayag na bumalik siya sa apartment at mag isa lang doon."Mula ngayon ay dito ka na titira. Alam kong ayaw mong magsasama na tayo sa iisang bubong. Huwag kang mag alala at sa kabilang pad ako matutulog." Inayos ni Alexander ang kama upang makahiga na ang dalaga.Nakangiting pinagmasdan ni Ava ang binata. Hindi niya akalaing may alam ito sa ganoong gawain. Maayos naman ang tulugan pero binago ng binata ayun sa gusto nito para sa kaniya. "So, ok ka na ba dito? Kung may kailangan ka ay tawagin mo na lang ako or tawagan sa telepono." Sa halip na sagutin ang binata ay niyakap niya ito. Halatang nagulat ito sa ginawa niya at hindi agad ito nakakilos. "Thank you!""For what?" nakangiting tanong ni Alexander at hinaplos ang likod ng ulo ng dalaga."Sa pag intindi sa akin at pagmamahal."Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang dalaga saka bahagyang inilayo sa katawan niya ang ulo nito upang mapagmasdan i
"Kung wala ka nang ibang kailangan, umalis ka na at nakakaabala ka nang husto." Pagtataboy ni Alexander sa lalaki. Kung wala lang si Ava sa tabi niya ah nabigwasan na niya ito ng suntok sa mukha."Fine, gagawin ko na ang gusto mo pero huwag dito." Mukhang napipilitang pakiusap ni Brix.Naiiling na tinalikuran ni Alexander ang lalaki kasama si Ava.Muling hinabol ni Brix sina Ava at humarang sa daraanan. "Ano pa ba ang gusto ninyo? Nagpapakumbaba na nga ako!" "Brix, hindi mapagkumbaba iyang ginagawa mo." Mahinahon na kausap ni Ava sa binata."Ma'am, alam kong mabait ka. Baka naman puwede mo mapakiusapan ang boylet mo?" Tangkang hahawak niya sa kamay ang dalaga ngunit mabilis siyang kinuwelyohan ni Alexander. "Don't you dare to touch her! And also, Watch your mouth at baka ngayon mismo ay masira ang pangalan ng ama mo!"Takot na umurong ng hakbang si Brix at titig pa lang ni Alexander ay nakakamatay na. Hindi na niya nagawang makapagsalita pa o kilos sa kinatayuan nang tumalikod na si
Hindi magawa nang ngumiti ni Ben nang magsalubong ang tingin nila ng binatang minamaliit kanina lang. Kung masamang panaginip lang sana ang ngayon, ayaw na niyang magising muna. "Kaya pala ang lakas ng loob niyang sagot-sagutin kanina ang pamilya ni Vice Mayor." Mukhang gulat ding naibulalas ng isa sa saksi kanina ng ginawa na pamamahiya sa binata."Ang yabang din kasi ng asawa at anak ni Vice Mayor, matapobre pa. Karma sa kaniya ngayon kung matalo ang asawa niya sa election." Nakaismid na kumento ng isa pang babae.Mariing naglapat ang mga labi ni Lucy nang marinig ang malakas na bulungan sa paligid. Kung sa ibang pagkakataon lang ay tiyak na nakalbo na niyat Ayaw niyang bumaba ng stage at kailangan pangatawan ang nais na pakipagkaibigan sa anak ng chairman. "May problema ba kanina?" tanong ng mayor at narinig din ang ingay."Ah kaunting misunderstanding lamang, mayor. Alam mo naman ang kabataan, maiinit ang ulo lalo na pagdating sa babae pareho nilang nagustohan." Pgadadahilan ni
"But before anything else!" Agaw eksina ni Ben. "Kunin ko na rin itong opportunity upang makilala ng apo ninyo ang anak ko. Kung puwede ay gusto kong mahawaan ng kasipagan ng apo ninyo ang anak ko, kung okay lang po?" nakangiting tanong pa niya sa chairman. Umangat ang isang sulok ng labi ni Alexander nang makitang nagmamadali sa pag akyat su Brix sa stage kahit wala pa naman ang approve. Napaghalataang mga uhaw sa fame ang pamilya nito at lahat ay gagawin upang makuha ang gusto. Sumunod na rin si Lucy sa anak at gustong maging applle of the eye din kasama ang tinitingalang pamilyang negosyante ng mga tao. Pinigilan ni Arriana ang umikot ang mga mata nang makipag beso sa kaniya si Lucy. Mas ok na nakaharap ang mga ito sa lahat ngayon upang makita kung ano ang maging rection kapag ipinakilala na ang anak niya.Tumikhim si Travis bago nagsalita. "You can ask my grandson." Sinundan ng tingin nila Brix, Bem at Lucy kung saan nakaturo ang chairman. Mukhang mga namalikmata sila at ang
"Ano ang nangyari?" tanong ni Ava sa binata habang sinusundan ng tingin sina Brix at mga magulang nito. Halatang excited ang mga ito sa kung sino ang babatiin at parang walang nangyaring gulo kanina lamang."Bakit hindi mo sinabi na dito ang punta mo ngayong gabi?" Napalabi si Ava at hindi siya sinagot ng binata bagkus ay tinanong din. Gusto siyang isama nito kanina ngunit tumanggi siya dahil sa ina nito. Ayaw rin ipasabi ng ina at surprise sana pero gulo naman ang naabutan niya.Mataman na pinagmasdan ni Alexander ang mukha ng dalaga saka sinuri ang suot nito. Agad niyang hinubad ang coat at ipinatong sa balikat nito dahil walang manggas ang suot ng dalaga. Nakakaakit ang maganda nitong mukha lalo na at may lipstick ang labi. Ang suot na dress na hanggang taas lang ng tuhod ang haba ay fit na fit sa makurba nitong katawan. Ang sexy nitong tingnan at nang tumingin sa paligid at parang gusto na niyang iuwi ang dalaga. Halata ang paghanga sa tingin ng kalalakihang naroon kay Ava."Baby
"Ikaw ang biktima at ang anak mo? Sa anong dahilan?" kalmadong tanong ni Arriana kay Lucy.Biglang nag alinlangan si Lucy na sagutin ang tanong ng babae. Marami ang nakikinig at nakatingin na taga media. Kapag sinabi niya ang totoo ay mas maapiktohan ang pangalan ng kaniyang asawa.Tumikhim si Ben at iniba ang paksa nang hindi na nakapagsalita ang asawa. "Mrs. Aragon, nice to see you again. Pagpasensyahan mo na ang asawa ko at naging selosa lamang. Huwag kayong mag alala ay aayusin ko bukas ang gulo at panagutin ang dapat managot." Pinukol ni Ben ng nagbabantang tingin si Alexander. Ngumiti si Arriana sa mag asawa. "Siya ba ang tinutukoy mong panagutin bukas?" Turo niya sa anak na tahimik lang nakatayo sa tabi niya."Mrs. Aragon, hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa ganitong pagtitipon. Huwag kayong mag alala at hindi ako magdedemanda laban sa university kung alisin ninyo sa trabaho ang professor na iyon at ang lalaking iyan." Ngumiti pa si Lucy sa ginang."Kilala niyo ba siya