Home / Romance / Falling To The Arrogant CEO / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of Falling To The Arrogant CEO: Chapter 81 - Chapter 90

101 Chapters

CHAPTER 81

“Miss Sanchez, ito ‘yong magiging table mo paki turn on mo na lang din ang computer mo at paki-fill upan ang mga papers na ito,” sabi ng kanilang finance manager secretary. Makalipas ang isang linggo ay sa wakas natanggap na rin ni Loisa ang magandang balita mula sa hotel na pinag-aplayan. Sa tulong ni Miguel ay nakahanap sila ng pansamantalang matutuluyan na malapit sa kanyang papasukang hotel. Unang araw niya ngayon sa pinapasukan at kasalukuyang ini-orient ng sekretarya ng kanilang bagong finance manager. Nagkaroon ng problema sa dating finance manager kaya nagkaroon ng finance staff vacant position kung saan siya ang napili. “Huwag kang mahiyang magtanong kung sakaling meron kang gustong malaman tungkol sa trabaho mo, Miss Sanchez,” sabi pa ng sekretarya. “Opo ma’am,”sagot niya naman sa babae. “Naku huwag mo akong tawaging ma’am, magka-level lang tayo Miss Sanchez,” nakangiti namang sabi niya sa babae. “Dianne na lang itawag mo sa akin,” sabi pa nito. “Segi po Miss Dianne
last updateLast Updated : 2024-04-14
Read more

CHAPTER 82

“Congratulations, Louise?” Nakangiting bati ni Atty. Miguel sa babae. At inabot dito ang isang napakalaking boquet ng bulaklak. Nakagawian ng itawag nito sa babae ang panggalang Louise. Paliwanag nito sa babae, marami ng tumtawag sa pangalan nitong Loisa. Para ma-iba naman siya ay binsagan niya itong Louise imbis na Loisa. “Naku, nag-abala ka pa nito pero salamat Atty ha,” nakangiting sabi ni Loisa. “Ayan ka na naman e,” biro niyang reklamo sa kaibigan. Napag-usapan na kasi nilang minsan na tatawagin siya nito ayon sa pangalan niya at hindi Atty. “O siya, salamat Miguel ikaw naman di ka mabiro,” sabi pa ni Loisa. “Oy, sana all may pa-bouquet,” nakangiting pansin ni Nancy sa dalawa ng makita ang mga ito sa may lobby. “Hayaan mo sa birthday mo bibigyan kita,”biro naman ng abogado kay Nancy. “Naku, kahit gustohin ko pa atty huwag na lang alam n’yo na po matampohin si mahal ko e,” sagot naman ni Nancy. Hindi na rin nagtagal at nauna ng lumabas ng hotel si Nancy. “O paano ‘yan s
last updateLast Updated : 2024-04-21
Read more

CHAPTER 83

“Bakit parang naririnig ko ang boses ni Loisa sa katauhan ng kaibigan ni Miguel?” Nagtatakang tanong ni Steve sa sarili. “Hay naku nababaliw na yata ako?” Ipinilig na lamang ni Steve ang kanyang ulo. Pilit niyang iwinaksi sa isipan ang duda na si Loisa nga ang kausap ni Miguel. Kasalukuyan siyang nasa silid ng kanyang mama ngayon, inatake na naman kasi ito ng alta presyon nito. “Sino kausap mo son,” tanong naman ng kanyang ama ng maabutang tila may kausap ang anak. “Nothing papa,”sabi naman ni Steve. “I see, akala ko nababaliw ka na diyan at kinakausap mo ang iyong sarili,”biro pa ng ama nito. Natawa lamang si Steve, mabuti nga naman at okay na silang mag-ama. Makalipas din naman ang ilang buwan ay unti-unti na siyang napatawad ng kanyang Papa. Ngunit kabaligtaran pa rin sa kanyang ina na maging hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pinapansin. “Pasensiya ka na at ipinatawag ulit kita dito,” sabi ng kanyang Papa. “Alama mo kasi sobrang kaba ko noong inatake ulit ang Mama
last updateLast Updated : 2024-04-23
Read more

CHAPTER 84

“Seriously caz?” Gulat na tanong ni Abegail sa pinsan. Tinawagan siya ng lalaki na ngayon ay nasa Amerika pa rin. Humingi ito sa pinsan ng update tungkol sa kaso noong nag-samantala sa kanyang kumpanya. Isang taon rin ang lumipas bago nahatulan ang salarin. Hanggang sa umabot ang usapan nila sa plano nitong pagbibigyan na lamang ang kanyang ina na patulan ang kahilingan nitong makipag-relasyon kay Crystal. “Magbabakasali ako caz, na baka unti-unti ng gagaling si mama,” sabi pa nito. “Napansin ko kasi mula ng bumalik ako rito at pina-kisamahan ko si Crystal ay nasisilayan ko na ang ngiti ni Mama,” dagdag pa nitong sabi. “Kung may magagawa lang sana ako Steve,” malungkot na sabi ni Abegail sa pinsan. “Don’t be sad caz, pansamantala lang naman ito hanggang sa gumaling si Mama,” sabi ni Steve. “And besides kakausapin ko naman si Crystal, ipapa-intindi ko sa kanya kung bakit ko ‘to gagawin nang sa gayon hindi niya mamis-intrepret,” dagdag niyang sabi. “Ewan ko lang ha, wala akon
last updateLast Updated : 2024-04-25
Read more

CHAPTER 85

Kinabukasan habang nasa hapag-kainan ang mag-anak Monteclaro ay ibinalita ni Steve sa kanyang mga magulang ang gagawing panliligaw kay Crystal. Kahit nabigla ang ginang sa sinabi ni Steve ay nasilayan pa rin ng lalaki ang tuwa sa mga mata ng ina. “Are your sure of that anak?” Tanong ni Mr. Monteclaro kay Steve. Maging siya man ay nabigla sa ibinalita ng kanyang anak. Noong una nagagalit siya dito dahil sinuway nito ang kanyang maybahay na ina ni Steve na makipagmabutihan siya sa babaeng napipisil ng kanyang kabiyak para sa kanilang anak. Ngunit ngayong ibinalita na ng kanilang anak ang pakikipag-mabutihan nito sa dalaga ay magkahalong saya at lungkot naman ang kanyang nadarama. Masaya siya dahil sa unang pagkakataon matapos ma-stoke ang kanyang may-bahay, ngayon pa lamang niya ito nakitang muling masaya. Malungkot naman dahil alam niya na hindi magiging masaya ang anak sa piling ni Crystal. “I’m sure of it Papa,” walang ngiting sabi ni Steve. “I’m sorry son,” mahinang wika n
last updateLast Updated : 2024-04-26
Read more

CHAPTER 86

“Hi bro, what’s up?” Tanong ni Steve sa kausap na nasa kabilang-linya. Nasa opisina siya ng kanilang kumpanya ng matanggap ang tawag ng kambal. “Bro, ano ‘tong narinig ko na sabi ng papa na nakikipag-mabutihan ka kay Crystal?” Balisang tanong naman ni Stefano. “Yeah bro, nakarating na pala sa iyo ang balita?” Malungkot na wika ni Steve. “Hindi nakatiis si Papa tinawagan niya ako kanina para kausapin kang huwag ng ituloy ang plano mong panliligaw kay Crystal,” sabi pa ni Stefano. “Habang maaga pa bro tigilan mo na ‘yan, kakausapin ko si mama nang matauhan na siya,” inis pang sabi ni Stefano. “Huwag na bro, it’s okay itutuloy ko ‘to,” sabi ni Steve. “We all know the reason why you step into that decision bro, but come to think of it masaya ka ba?” Tanong ni Stefano sa kambal. “Sa palagay mo hindi masasaktan si Loisa kung sakaling makarating sa kanya ang balita?” Saad pa ng kanyang kambal. “Huwag mong sabihin sa akin na nawalan ka na nang pag-asa na mahanap pa si Loisa at dumati
last updateLast Updated : 2024-05-06
Read more

CHAPTER 87

“Walang hiya ka talaga Loisa!” Galit na itinapon ni Crystal ang kanina pang hawak na wine glass.Pagkagaling niya sa opisina ni Steve at dagli niyang inutusan ang kasambahay upang bumili ng mamahaling red wine. Gusto niya maging kalmado upang makapag-isip ng paraan kung papaano mawawala sa kanyang landas ang kinamumuhiang babae. Ang paboritong inumin lamang ang tanging karamay niya lagi sa tuwing magulo ang kanyang mundo.Kasalukuyan na niyang binubuksan ang isa pang bote ng inumin nang maalalang tawagan si Kimberly.“Berly, nahanap mo na ba siya?” Inis na tanong nito sa babae.“Ma’am Crystal, pasensiya na po hindi ko pa rin po alam kung nasaan ngayon si Loisa,” kinakabahang pag-amin nito sa amo.“Maging sina Ma’am Abegail, nahihirapan rin pong hanapin si Loisa,” sabi pa niya.“So anong ibig mong sabihin, wala ka nang plano na hanapin siya?” Galit na sabi ni Crystal.“Stupida! Ang laki ng binabayad ko sa ‘yo pagkatapos ‘yan lang ang sasabihin mo?”Sigaw na nito sa kausap.“Bilisan mo
last updateLast Updated : 2024-06-02
Read more

CHAPTER 88

“Kaytagal ka naming hinanap dito ka lang pala sa mismong Hotel nag tatrabaho, Loisa,” nangingiting bulong pa rin ni Abegail sa sarili.Agad nitong kinuha ang telepono sa bag at pinindot ang numero upang itanong kung anong oras ang pasok ng babae.“Good morning Ma’am Abegail, sa ngayon po nag-emergency leave po si Miss Sanchez,” balita ng nasa kabilang-linya.“Ganon ba, bakit naman raw at kelan pa?” Usisa naman ni Abegail.“Nagkaroon raw po ng emergency sa bahay nila Ma’am,” sabi ng babae.“Kalalabas niya lang po ng building ma’am e,” dagdag pang sabi ng tauhan ng kumpanya. “Bakit po ma’am may-iuutos po ba kayo, tatawagan ko po ang guard sa employee’s entrance baka nandoon pa po,” sabi pa ng HR staff nila.“Segi nga pakisabi kilangan ko siyang makausap dito sa restaurant sa may baba,” utos naman ni Abegail.“Anong meron at bakit nag-emergency leave si Loisa?” Nagtatakang tanong ni Abegail sa sarili.Hindi pa man tatlong minuto ay bigla tumunog ang telepono ni Abegail.“Hello?” Sabi ni
last updateLast Updated : 2024-06-02
Read more

CHAPTER 89

“Tao po!” Tawag ng isang lalaki sa harapan ng apartment na tinutuluyan nina Loisa.“Sino po sila?” Tanong naman ni Aling Marie ng mapagbuksan ang lalaki.“At bakit mo karga-karga ang apo ko?” Mabilis na lumabas ang matanda sa upang kunin ang bata sa lalaki.“Naku, ale huwag po kayong mag-isip ng masama sa akin,” paliwanang ng lalaki.“Napansin ko po kasi ang bata dito sa tapat ng bahay ninyo na mukhang hindi po makahinga, kaya dinala ko po dito sa inyo,” dagdag pa nitong sabi.Agad tiningnan ni Aling Marie, oo nga hinahapo na naman ang isa sa kambal.“Maraming salamat iho, paano iiwanan muna kita dito ipapasok ko lang ang bata sa loob ng bahay,” mabilis na paalam ni Aling Marie sa lalaki.“Ah, ale kung hindi n’yo po sana mamasamain ay tutulungan ko po kayo baka gusto n’yo po na dalhin natin ang bata sa ospital,” suhestiyon naman ng lalaki.“Sabagay iho, sandali lang kukuha muna ako ng gamit ni Stefan,” tarantang sabi naman ng matanda.Naiwan namang nakaupo sa may sala ang hindi pa nak
last updateLast Updated : 2024-06-21
Read more

CHAPTER 90

“Oy Loisa, merong naghahanap sa ‘yo kanina na magandang babae,” sabi ng isang babae na halos ka-edaran ni Loisa.Nasa harap na ng tarangkahan ng kanilang tinutuluyang apartment sina Nanay Marie at Loisa ng salubungin sila ng kanilang kapit-bahay na tsisimosa. At heto nga ay ibinalita pa sa mga ito na meron ngang naghahanap kay Loisa.“Ah, Marites tantiya mo ilang taon na ang sinasabi mong babae na naghahanap sa akin?” Tanong naman ni Loisa.“Kung hindi ako nagkakamali ka-edaran lang natin, Loi,” sabi naman ng kapit-bahay.“Ang sabi n’ya ay babalik siya bukas baka raw gabihin siya sa daan kapag hintayin pa niya ang pagbabalik mo ngayong araw e,” dagdag pag sabi ni Marites.“Hindi ko naman din kasi alam na darating na kayo ganitong oras, kung alam ko lang sana pinaghintay ko pa siya,” sabi pa niya.“Segi, ‘Tes maraming salamat ha mauna na kami ng makagpahinga ang mga bata,”paalam agad ni Loisa sa kausap.“O segi, walang anuman Loisa,” nakangiting sagot naman ni Marites.Sa loob ng bahay
last updateLast Updated : 2024-06-23
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status