“Arnel, parang- awa mo na ibalik mo na ang mga bata kina Loisa at sir Steve,” maluha-luhang sabi ni Kimberly sa lalaki.“Kahit wala tayong pera, magiging masaya din tayo,” dagdag pa niyang sabi.“Kim, hindi mo ba naisip huli na ang lahat nandito na tayo ituloy na natin ‘to,” sagot naman ng lalaki.Unang beses itong ginawa ni Arnel kaya kahit halatang kabado ay pinanindigan niya pa rin ang masamang plano para sa mga bata.“Hindi ka ba naaawa sa mga bata, kanina pa sila iyak ng iyak, natatakot at hinahanap ang nanay nila,”umiiyak ng sabi ni Kimberly.“Hindi ka ba nakokonsensiya kahit ikaw ang kumuha sa kanila, sa ‘yo pa rin lumalapit ang mga bata at tinatanong kung nasaan ang nanay nila?” sabi pa niya.“Hindi mo alam kung gaano kasamang tao si Ma’am Crystal, Kim sa ayaw at sa gusto mo itutuloy ko na ‘to,” sabi pa ni Arnel.“Hayaan mo kapag makuha ko na ang pera magpakalayo-layo na rin tayo at magbabagong –buhay, pangako ko sa ‘yo yan, Kim,” dagdag pa niyang sabi.Kasalukuyan silang nasa
Terakhir Diperbarui : 2025-02-11 Baca selengkapnya