Home / Romance / Falling To The Arrogant CEO / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Falling To The Arrogant CEO: Chapter 71 - Chapter 80

101 Chapters

CHAPTER 71

“Loisa,” mahinang tawag ni Aling Marie. Nakailang katok na ang matandang babae ngunit hindi pa rin sumasagot si Loisa. Mag-aalas otso na ng umaga, kanina pa sana sila nag-aagahan ngunit tila hindi pinapansin ni Loisa ang kanyang tawag. “Loisa, anak buksan mo na itong pinto,” tawag ulit ni Aling Marie. “Lumabas na kayo ni Loyd iha nang makakain na tayo,” dagdag pang sabi ni Aling Marie. Isang linggo na ang nakakalipas nang makabalik si Loisa sa Negros. Mula nang dumating ang babae ay hindi pa ito nakakausap ng matino ni Aling Marie. Panay iyak lamang ang tanging sagot nito sa tuwing tinatanong niya. “Anak, magpakatatag ka kung anuman ang dinaranas mo ngayon, isipin mo kapapanganak mo pa lang sa mga kambal,”dagdag pang sabi ni Aling Marie. “Loisa,anak kawawa ang mga anak mo kung padadala ka sa problema mo. Narito lang ako anak tutulungan kita,” sabi pa ng matanda. Magsasalita pa sana si Aling Marie nang bumukas na ang pinto, iniluwa mula dito ang matamlay na mukha ni Loisa at
last updateLast Updated : 2024-03-17
Read more

CHAPTER 72

“Damn it! Ano ba talaga ang nangyari Abegail?” Galit na tanong ni Steve sa pinsan. “Hindi ko alam, caz tinanong ko si Ciara the moment I came back from Cebu,” mahinahon na sabi ni Abegail. “Doon ko pa nalaman na halos tatlong buwan na ngang hindi nagrereport si Loisa,” dagdag pa nitong sabi. “Bakit hindi n’yo sinabi agad sa akin, naki-usap ako sa iyo, Abegail na pakibantayan muna siya but what happened?” Muli tanong ni Steve sa pinsan. Nanginginig ang mga panga nito sa galit, at naiitindihan naman ‘yon ni Abegail. Kaya nga hanggang maari hindi niya papatulan ang init ng ulo nito. “Ipinapahanap ko na siya, huwag ka nang mag-alala,” sabi ni Abegail. “Ilang buwan na ba ang paghahanap n’yo? Hanggang kelan n’yo siya hahanapin?” Magkahalong galit at pag-alala ang mababanaag sa mukha ngayon ni Steve. Isang linggo na ang lumipas mula ng ikinasal ang kanyang kambal na si Stefano. Kung hindi pa siya umuwi ng Pilipinas ay hindi niya pa malalaman na matagal na palang hindi pumapasok si Loi
last updateLast Updated : 2024-03-18
Read more

CHAPTER 73

“Matapos pong mailibing si Roy ay nagdesisyon na po si Loisa na umalis ng Maynila Sir Steve, ang sabi po niya ay hindi niya na po gugustuhin pang mag-krus muli ang landas nila ng inyong mama,” sabi ni Ciara. “Noong tinanong ko po siya kung maaari ko bang malaman kung saan sila mananatili ni Loyd, kaso sir hindi niya po ipinaalam sa akin. Mabuti na raw pong wala akong alam para wala raw po akong maisabi sa inyo,” dagdag pang sabi ni Ciara. Kasalukuyang nasa eroplano ngayon sina Steve at ang kanyang anak na si Bianca Louise. Pabalik sila ng Amerika upang kumprontahin ang ina. Nakasandal ang malapad na likod sa malambot na upuan habang nakapikit ang mga mata at binabalik-balikan ang mga katagang sinabi ni Ciara na hindi maalis-alis sa kanyang isipan. Hindi niya lubos maisip na darating ang panahon na kamumuhian ng babaeng iniibig ang kanyang ina. Hindi niya man aminin ngunit batid niyang nasasaktan siya sa isiping hindi na magpapakita sa kanya si Loisa. Hindi napansin ni Steve ang m
last updateLast Updated : 2024-03-21
Read more

CHAPTER 74

“Anak, hanggang kelan mo ba kayang tiisin ang iyong mama?” Tanong ng papa ni Steve. Nasa may lanai silang mag-ama at kasalukuyang nag-uusap tungkol sa kanilang mga negosyo nang biglang tanungin ni Mr. Monteclaro ang anak patungkol sa namamagitan nito sa kanyang mag-ina. “If she’s going to be honest with me, Papa,” matigas na sabi ni Steve. “Anak kung ano man ang ginawa ng mama mo, I’m pretty sure that was for your own good sake,” sabi naman ng ama nito. “For my own good sake, Papa?” Sarkastikong tanong ni Steve sa ama. “I don’t think so, Pa,” dagdag pa niya. “You know what? Mama did that selfish way just for her own sake and not for me,” galit pa niyang sabi. “Bakit ba ganoon kabigat ang galit mo sa mama mo, iho? Remember she is still your mother,” pa-alala ni Ramon sa anak. “I’d never forget that, Pa,” sabi ni Steve. “Let me ask you this question po, what if lola went to your beloved and told her to stop dreaming of my son, do you think it’s not painful, Papa?” Tanong ni
last updateLast Updated : 2024-03-21
Read more

CHAPTER 75

“Doc Raymond, how’s my mama?” Tanong ni Steve sa kaibigang doctor.Isa rin itong Pilipino ngunit sa America na nagpakabihasa sa kanyang propisyon ng pagiging doktor. Mabuti na nga lang nang dumating sila sa ospital matapos himatayin ang ina ni Steve ay ito ang naka-on-duty ng araw ding iyon. Kaya ang doktor na rin ang personal na nag-aalaga ngayon sa kanyang mama.Kasalukuyang nasa silid sila ng ina at katatapos lang itong i-check ng doktor.“I’m sorry Steve, but the condition of your Mama I must say it’s not good for now,” malungkot na wika ng doktor.“Damn! Kasalanan ko ‘tong lahat kung bakit nasa ganong sitwasyon ang mama,” galit na bulalas ni Steve.“Don’t blame yourself bro, may edad na rin naman si Tita Agnes. Kaya madali na ring manghina ang kanyang katawan,” sabi naman ni Raymond.“Isa pa pansamantala lang naman na nasa coma state si Tita, I do believe gagaling rin siya,” dagdag pang sabi ng doktor.“Sana nga bro magising na ang mama,” malungkot na wika ni Steve sa kaibigang
last updateLast Updated : 2024-03-30
Read more

CHAPTER 76

“Thanks God, your awake now love,” maluha-luhang sabi ni Mr. Moneclaro sa kabiyak. Makalipas ang halos isang buwan ay muling nagising na si Mrs. Monteclaro. Gayunpaman ay nagkaroon ito ng mild stroke sabi ng doktor nito ay gagaling pa naman ang sakit ng ginang, kilangan lang nitong inumin ang mga iniresetang gamot, samahan din ng disiplina sa pagkain at ehersiyo na naaayon sa kalusugan nito. Maging ang mag-kambal ay hindi rin napigilan ang pagluha. Lumapit si Steve sa ina at hinalikan ang noo nito sabay hingi ng tawad. “I’m really sorry mama,” sambit ni Steve sa ina sabay patak ng mga luha sa pisngi. Walang emosyong tumingin ang ginang kay Steve. Hindi pa man nagigising ang ginang batid na nina Steve kung ano ang maaaring kahinatnan pagkagising ng kanilang ina. Kaya kapwa na nilang inihanda ang kanilang mga sarili. Noong una ay hindi matanggap ni Mr. Monteclaro ang posibleng pagiging paralisado ng kanyang maybahay. Ngunit dahil sa tulong ni Stefano ay unti-unti na nitong niyaka
last updateLast Updated : 2024-03-30
Read more

CHAPTER 77

“Bro, ikaw na muna ang bahala kina Mama at Papa,” sabi ni Steve sa kanyang kambal. Nasa airport sila ng mga oras na na iyon, gusto kasi ng anak nito na ihatid sila ng kanyang tito Stepfano sa may paliparan. “Don’t worry about them bro ako na ang bahala sa kanila, anyway few weeks from now ay susunod na dito si Ysabelle,” nakangiting sabi nito sa kakambal na ang tinutukoy ay ang kanyang asawa. “Ok, update mo na lang ako lagi,” sabi ni Steve. “Sure bro,” sagot naman ni Stefano. “Say goodbye na kay tito Stefano baby,” utos ni Steve sa kanyang unica iha. “Bye, Tito,” nakangiting sabi naman ng bata. “Bye for now, our little princess be a good girl ha,” bilin nito sa pamangkin. “I will, po,” sagot naman ng bata. “Segi bro, alis na kami ingat kayo lagi dito ha,” sabi ni Steve. “Kayo rin bro, ingat sa biyahe,” pamama-alam din ni Stefano. Di nagtagal matapos na ihatid ni Stefano ang mag-ama sa airport ay lumisan na rin ang sinasakyan nitong eroplano pabalik ng Pilipinas. “Finally,
last updateLast Updated : 2024-04-14
Read more

CHAPTER 78

Hindi pa nga halos nakakapagpahinga mula sa biyahe galing ng Amerika heto ngayon at nakaupo na naman si Steve sa loob ng kanyang private plane.Kasama si Abegail ay magpapahatid sila sa isang branch ng hotel na pagmamay-ari rin ni Steve sa Negros.“Kailangan ba talagang pupuntahan natin today caz, kararating mo lang galing Amerika ah,” nagmamaktol namang sabi ni Abegail.Naiinis siya sa pinsan dahil may date sana sila ni Noel ng araw ding ‘yon.Mabuti na lang at mabait at maunawain naman ang nobyo. Naging kasintahan niya na rin ang lalaki matapos ang halos isang taong panliligaw nito.Sayang nga dahil hindi na nalaman ni Loisa ang pag-sagot niya sa lalaki. Ito kasi ang mga panahong hindi na sumisipot sa Monteclaro Corporation ang babae. “Don’t worry madali lang naman tayo doon, besides ipinagpa-alam na kita sa boyfriend mo,” sabi naman ni Steve.Inirapan niya na lang ang pinsan.Dahil kahit ano pang alibi ang sasabihin niya dito batid niya rin naman na hindi titigil ang pinsan hangga
last updateLast Updated : 2024-04-14
Read more

CHAPTER 79

“Nanay, subukan ko po kayang aplayan itong hiring job sa isang hotel,” sabi ni Loisa sa matandang babae. “Naghahanap po sila ng finance staff,”dagdag pa niyang sabi. Kasalukuyan silang nananghalian ng matanda ng mapansin niyang tumunog ang kanyang cellphone. Isa pala ‘yong notification kung saan nakatanggap siya ng isang advertising messages. “Naku, segi anak alam ko namang miss na miss mo ng magtrabaho sa mga malalaking kumpanya,” nakangiting sabi ni Aling Marie. Nilagok muna ang isang basong tubig saka nagsalita muli. “Kung sakaling matanggap ka iha, isang beses sa isang buwan ka lang ba uuwi niyan dito sa atin?” Tanong ng matanda kay Loisa habang ngumuya muli ng pagkain. “Hindi ka ba malulungkot doon?” Dagdag pa nitong sabi. “Dito ka na lang kaya, sabagay maganda naman ang kita natin sa mini grocery mo sa bayan, iha,” bigla bwelo naman ng matanda. Nang maalala nito na baka mahirapan si Loisa sa biyahe at baka matagalan bago ito maka-uwi sa kanila. “Nanay, naman mag-aaplay
last updateLast Updated : 2024-04-14
Read more

CHAPTER 80

“So how’s the interview?” Nakangiting bungad ng attorney kay Loisa. Medyo atubili naman si Loisa, hindi niya kilala ang lalaki pero heto at hinintay siya upang itanong kung kamusta ang kanyang interview a while ago. “Mabuti naman po sir,” nahihiyang sagot naman ni Loisa. “Miguel,” sabi ng Attorney sabay lahad ng kanyang kanang kamay sa dalaga. “Ho?” Takang tanong naman ni Loisa. “I mean Miguel na lang ang itawag mo sa akin, hindi naman siguro malayo ang agwat ng edad natin para lagi kang mag po sa akin,” nakangiti niyang sabi sa babae. “Huwag mo na rin akong tawaging sir, Miss Sanchez,” napakamot ito sa ulo ng hindi pa rin tinatanggap ng babae ang kanyang pakikipag-kamay. “Miguel na lang, by the way I’m Atty. Miguel Rodriguez,”pakilala niya dito. Muli ay inilahad ng binata ang kamay sa babae. Inabot naman ‘yon ni Loisa at sabay pakilala din sa kaharap. “Loisa na lang po sir,” sabi naman ni Loisa. “Ayan ka na naman kasasabi ko lang di ba,” nakangiting pa-aalala ng lalaki. “
last updateLast Updated : 2024-04-14
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status