“Hi bro, what’s up?” Tanong ni Steve sa kausap na nasa kabilang-linya. Nasa opisina siya ng kanilang kumpanya ng matanggap ang tawag ng kambal. “Bro, ano ‘tong narinig ko na sabi ng papa na nakikipag-mabutihan ka kay Crystal?” Balisang tanong naman ni Stefano. “Yeah bro, nakarating na pala sa iyo ang balita?” Malungkot na wika ni Steve. “Hindi nakatiis si Papa tinawagan niya ako kanina para kausapin kang huwag ng ituloy ang plano mong panliligaw kay Crystal,” sabi pa ni Stefano. “Habang maaga pa bro tigilan mo na ‘yan, kakausapin ko si mama nang matauhan na siya,” inis pang sabi ni Stefano. “Huwag na bro, it’s okay itutuloy ko ‘to,” sabi ni Steve. “We all know the reason why you step into that decision bro, but come to think of it masaya ka ba?” Tanong ni Stefano sa kambal. “Sa palagay mo hindi masasaktan si Loisa kung sakaling makarating sa kanya ang balita?” Saad pa ng kanyang kambal. “Huwag mong sabihin sa akin na nawalan ka na nang pag-asa na mahanap pa si Loisa at dumati
“Walang hiya ka talaga Loisa!” Galit na itinapon ni Crystal ang kanina pang hawak na wine glass.Pagkagaling niya sa opisina ni Steve at dagli niyang inutusan ang kasambahay upang bumili ng mamahaling red wine. Gusto niya maging kalmado upang makapag-isip ng paraan kung papaano mawawala sa kanyang landas ang kinamumuhiang babae. Ang paboritong inumin lamang ang tanging karamay niya lagi sa tuwing magulo ang kanyang mundo.Kasalukuyan na niyang binubuksan ang isa pang bote ng inumin nang maalalang tawagan si Kimberly.“Berly, nahanap mo na ba siya?” Inis na tanong nito sa babae.“Ma’am Crystal, pasensiya na po hindi ko pa rin po alam kung nasaan ngayon si Loisa,” kinakabahang pag-amin nito sa amo.“Maging sina Ma’am Abegail, nahihirapan rin pong hanapin si Loisa,” sabi pa niya.“So anong ibig mong sabihin, wala ka nang plano na hanapin siya?” Galit na sabi ni Crystal.“Stupida! Ang laki ng binabayad ko sa ‘yo pagkatapos ‘yan lang ang sasabihin mo?”Sigaw na nito sa kausap.“Bilisan mo
“Kaytagal ka naming hinanap dito ka lang pala sa mismong Hotel nag tatrabaho, Loisa,” nangingiting bulong pa rin ni Abegail sa sarili.Agad nitong kinuha ang telepono sa bag at pinindot ang numero upang itanong kung anong oras ang pasok ng babae.“Good morning Ma’am Abegail, sa ngayon po nag-emergency leave po si Miss Sanchez,” balita ng nasa kabilang-linya.“Ganon ba, bakit naman raw at kelan pa?” Usisa naman ni Abegail.“Nagkaroon raw po ng emergency sa bahay nila Ma’am,” sabi ng babae.“Kalalabas niya lang po ng building ma’am e,” dagdag pang sabi ng tauhan ng kumpanya. “Bakit po ma’am may-iuutos po ba kayo, tatawagan ko po ang guard sa employee’s entrance baka nandoon pa po,” sabi pa ng HR staff nila.“Segi nga pakisabi kilangan ko siyang makausap dito sa restaurant sa may baba,” utos naman ni Abegail.“Anong meron at bakit nag-emergency leave si Loisa?” Nagtatakang tanong ni Abegail sa sarili.Hindi pa man tatlong minuto ay bigla tumunog ang telepono ni Abegail.“Hello?” Sabi ni
“Tao po!” Tawag ng isang lalaki sa harapan ng apartment na tinutuluyan nina Loisa.“Sino po sila?” Tanong naman ni Aling Marie ng mapagbuksan ang lalaki.“At bakit mo karga-karga ang apo ko?” Mabilis na lumabas ang matanda sa upang kunin ang bata sa lalaki.“Naku, ale huwag po kayong mag-isip ng masama sa akin,” paliwanang ng lalaki.“Napansin ko po kasi ang bata dito sa tapat ng bahay ninyo na mukhang hindi po makahinga, kaya dinala ko po dito sa inyo,” dagdag pa nitong sabi.Agad tiningnan ni Aling Marie, oo nga hinahapo na naman ang isa sa kambal.“Maraming salamat iho, paano iiwanan muna kita dito ipapasok ko lang ang bata sa loob ng bahay,” mabilis na paalam ni Aling Marie sa lalaki.“Ah, ale kung hindi n’yo po sana mamasamain ay tutulungan ko po kayo baka gusto n’yo po na dalhin natin ang bata sa ospital,” suhestiyon naman ng lalaki.“Sabagay iho, sandali lang kukuha muna ako ng gamit ni Stefan,” tarantang sabi naman ng matanda.Naiwan namang nakaupo sa may sala ang hindi pa nak
“Oy Loisa, merong naghahanap sa ‘yo kanina na magandang babae,” sabi ng isang babae na halos ka-edaran ni Loisa.Nasa harap na ng tarangkahan ng kanilang tinutuluyang apartment sina Nanay Marie at Loisa ng salubungin sila ng kanilang kapit-bahay na tsisimosa. At heto nga ay ibinalita pa sa mga ito na meron ngang naghahanap kay Loisa.“Ah, Marites tantiya mo ilang taon na ang sinasabi mong babae na naghahanap sa akin?” Tanong naman ni Loisa.“Kung hindi ako nagkakamali ka-edaran lang natin, Loi,” sabi naman ng kapit-bahay.“Ang sabi n’ya ay babalik siya bukas baka raw gabihin siya sa daan kapag hintayin pa niya ang pagbabalik mo ngayong araw e,” dagdag pag sabi ni Marites.“Hindi ko naman din kasi alam na darating na kayo ganitong oras, kung alam ko lang sana pinaghintay ko pa siya,” sabi pa niya.“Segi, ‘Tes maraming salamat ha mauna na kami ng makagpahinga ang mga bata,”paalam agad ni Loisa sa kausap.“O segi, walang anuman Loisa,” nakangiting sagot naman ni Marites.Sa loob ng bahay
“Loisa anak mag-iisang buwan na tayo dito sa probinsiya, talaga bang hindi ka na babalik sa hotel na pinagtatrabahuan mo?” May pang-hihinayang sa boses ni Aling Marie.Mula kasi ng bumalik sina Loisa sa probinsiya nina Aling Marie ay agad siyang nagdesisyon na itutuloy na lamang sa pag-reresign ang naunang paalam niyang isang linggong pamamahinga dahil sa masakiting anak.Ngayong balik probinsiya na siya, si Loisa na ulit ang nag-aasikaso sa kanilang munting negosyo sa bayan.Habang nagpapahinga mula sa pag-tally ng kanilang mga natanggap na sunod-sunod na deliveries mula pa kaninang umaga heto at walang pag-alinlangan ay tinanong na siya ni Aling Marie tungkol sa kanyang naging desisyon.“Nanay, huwag po kayong mag-alala buo na po ang desisyon ko na mananatili na lang dito sa inyo,” nakangiting sagot naman ni Loisa.“Hayaan n’yo po magsusumikap ako lalo para masustentuhan ko po ang mga pangangailangan natin sa pang-araw-araw,” dagdag pa niyang sabi.“Hindi naman ‘yon ang problema iha
“Bro, kamusta napatawag ka?” Masayang bati ni Miguel kay Steve.Gabi na ng makatanggap ng tawag si Miguel mula sa kaibigan.“May problema ba?” Tanong pa niya sa kausap.“Wala naman, naalala ko lang malapit na pala ang silver anniversary ng Hotel & Restaurant sa Negros,” sabi ni Steve.“Yeah, next month na so what’s your plan?” Tanong ni Miguel sa kaibigan.“Hindi ko pa alam e, hindi ko pa kasi nakausap si Abegail about that,” sabi naman ni Miguel.“Kelan nga ba ‘yon?” Tanong ulit ni Miguel.“On the 28th of the month, ganon ka na ba katanda at nakakalimutan mo na?” Natatawang tanong ni Steve sa lalaki.“Of course not, remember mas bata ako sa iyo ng edad,” natatawa ring sabi ni Miguel.“Anyways, kidding aside ngayon pa lang pala ay mag-papaalam na ako na hindi ako makaka-attend sa event na niyan, bro,” sabi pa niya.“At bakit naman?” ‘Takang tanong ni Steve sa kaibigan.Mula kasi ng itinayo nila ang hotel & restaurant hanggang sa yearly anniversary nito ay laging nandiyan si Miguel. Ba
“Finally nahanap na rin kita, Loisa,” masayang wika ni Crystal.Matapos ibinalita ni Kimberly kay Crystal na nasa kabilang-linya ang matagumpay na paghahanap ni Arnel sa kinaroroonan ni Loisa at ng mga anak nito.“Ah, Ma’am Crystal ngayong alam n’yo na po kung nasaan si Loisa pupuntahan n’yo na po ba?” Nakangiting tanong ni Kimberly sa babae.“Nag-iisip ka ba, Kimberly saksakan ka talaga ng kabobohan, sa palagay mo ano ang gagawin ko matapos kung ipahanap sa inyo ang malanding babaeng ‘yan?!” Biglang singhal naman ni Crystal.Subrang naiinis siya sa katangahan ni Kimberly, hindi niya alam kung bakit hindi nito nagagawang pag-isipan muna ang bawat tanong na ibinabato sa kanya.“Sorry po Ma’am Crystal,” hinging paumanhin naman ng babae.“Alam mo bago ka mag-tanong sa akin kung pwede lang sana, Kimberly pag-isipan mo munang mabuti kung dapat mo bang itanong sa akin o hindi,” inis na sabi ni Crytsal sa babae.“Do you understand me, sa palagay mo bakit gumasta ako ng malaking pera para lan
“Hello, Ciara si Kimberly ‘to,” bati ni Kimberly sa kasamahan.“Milagro anong nakain mo at tinawagan mo ako?” Masungit pa na sagot ni Ciara.“Pwede ka bang maka-usap saglit?” Tanong naman ng babae.“Anong meron at nakuha mong pag-aksayahan ako ngayon ng panahon?” Pagtataray pa rin ni Ciara.“Please, Ciara hindi ito ang tamang panahon para mag-asaran tayo,” sabi naman ni Kimberly. “Oh siya, bilisan mo ang sasabihin mo,”sabi ni Ciara.“Nasaan ka ba ngayon, Cia?” Tanong ni Kimberly.“Huwag mo ng alamin, sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin,” irritable ng sabi ni Ciara.“Importante kasi itong sasabihin ko sa ’yo gusto kong malaman kung saan ang lokasyon mo?” Paliwanag pa ni Kimberly.“Kung hindi ka magsasalita puputulin ko itong tawag mo,” inis ng sabi ni Ciara kay Kim.“Magsasalita na ako, pero sana atin-atin lang ito, Ciara kasi,”nanginginig pang sabi ni Kimberly.“Ano bang kadramahan mo, napipikon na ‘ko sa ‘yo Kimberly ah,”galit na sabi ni Ciara.“Kalma ka lang kasi ganito
Dali-daling bumalik si Kimberly sa kanilang opisina upang kausapin sana ang kanyang among babae na si Abegail. Subalit hindi na pala ito pumasok nang araw na iyon.Sinubukan niyang tawagan ang babae sa telepono ngunit hindi nya na rin ito matawagan.Umupo siya sa kaniyang cubicle at binuksan ang computer, sa isang ticketing website nagmamadali siyang makapag-book ng ticket papuntang Negros.Ngayon niya lang napagtanto na hindi pala kakayanin ng kanyang konsensiya ang masamang balak ni Crystal para sa mag-ina ng kanyang among lalaki na si Steve Monteclaro.“Buti na lang nakahabol pa ako, salamat naman at hindi matraffic,” masayang bulong ni Kimberly sa sarili.Nakalimutan niya palang itanong kay Arnel kung saang barangay sa nayon ng Negros ang bahay nina Loisa.“Arnel,” banggit niya sa pangalan ng lalaki na nasa kabilang-linya.“Napatawag ka ah, di ba bago lang tayong nag-usap na miss mo ko agad?” Nakangiting biro pa ni Arnel.“Tumigil ka nga, may nakalimutan lang akong itanong,” sabi
“Talaga nga namang kagwa-gwapo nitong mga anak ni Steve,” bulong ni Crystal sa sarili.Halos isang linggo na siyang nasa Pilipinas at kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang larawan ng mga munting anghel nina Steve at Loisa.Mag-lilimang taon na ang mga kambal at mahabang panahon na rin na nangungulila si Steve sa mga anak nito.“Sa palagay ko Loisa sapat na ang limang taon upang makasama mo ang mga anak ni Steve,” nakangiting sabi ni Crystal habang pinagmamasdan ang larawan ng mag-ina.“Napapanahon na na ako na naman ang mga-aalga sa mga bata upang tuluyan ng mapapasa-akin si Steve,” dagdag pa nitong sabi.Dinampot niya ang teleponong nasa ibabaw ng lamesa.Si Arnel ang tumatawag na nasa kabiling-linya.“Siguraduhin mong maganda ang ibabalita mo sa akin,” mataray na sabi ni Crystal sa taong inutusan niya upang maigawa nila ang masamang balak para sa kambal.“Magandang araw po, Ma’am Crystal huwag po kayong mag-alala plantsado na po ang lahat,” nakangising sabi ng kausap.“Mabuti naman k
“Ok seryoso, kamusta ka na at ang mga bata?” Tanong ni Miguel kay Loisa.“Okay lang kami, Miguel huwag kang mag-alala,” sabi naman ng babae.“Hindi ka ba nahihirapan sa preparasyon, ang mga kambal hindi ba pasaway sa’yo?” Nag-aalalang wika ni Miguel.Natawa tuloy si Loisa sa mga pinagsasabi ng kaibigan.“Ano ka ba Miguel, kung makapag-alala ka parang ikaw ang ama ng mga anak ko,” sabi pa ni Loisa.“Pwede naman ‘yong ganon di ba, ang maging ama ng mga anak mo,”seryosong wika ng binata.“Naku, Miguel alam kung abala ka diyan sa trabaho mo, pag pasensiyahan mo na ang panganay ko kung na-istorbo ka niya,” iwas ni Loisa sa kanilang usapan.Noong umpisa pa silang magkakilala ni Miguel ay hindi na lingid sa binata kung ano ang totoong nararamdaman niya dito. At alam ‘yon ng binata na hanggang pakikipag-kaibigan lang talaga ang kayang ialay sa kanya ni Loisa.“Wala ‘yon alam mo naman na kahit anong oras ay handa akong pag-alayan kayo ng panahon,” sabi ng attorney kay Loisa.“Alam namin ‘yon a
“Sa palagay mo may kinalaman ba sa babaeng mahal ko ang biglaang pag-uwi ni Crystal diyan sa Pinas?” Seryosong tanong ni Steve kay Miguel.“Hindi natin masabi ‘yon bro kasi di ba artista ang kasintahan mo, malamang marami siyang inaasikasong mahahalagang transaksiyon din dito,” sagot naman ng attorney.“Hindi ko siya totoong kasintahan, alam mo ‘yan Miguel,”inis sa boses ang namutawi mula kay Steve.“Kalma bro biro ko lang ‘yon,” natawa pang sabi ni Miguel.“Puwes hindi nakakatawa,”sabi naman ni Steve.“Okay, sorry na,” hinging paumanhin ni Miguel.“Anyways, mabalik tayo sa usapan gusto mo bang sabihan ko na ang grupo na pasundan si Crystal?”Tanong ni Miguel sa kaibigan.“Gawin mo ang nararapat,”simpleng sagot naman ni Steve.“Okay ako na ang bahala,”sabi ni Miguel.“Kapag totoo nga ang hinala ko sa ikinikilos ni Crystal at kung meron ka ng maibigay sa akin na magandang solusyon saka lamang ako papayag sa hiling mo,” sabi naman ni Steve.“Bro, naman parang unfair ‘yata ‘yon,” birong-r
“Abegail, papunta ng Pilipinas si Crystal today sabi ng mama,” balita ni Steve sa pinsan pagkarating niya ng opisina.Mula ng malaman niya sa ina ang pagluwas ng babae sa Pilipinas ay hindi na siya napakali kung kaya agad niyang tinawagan ang pinsan.“Oh, really akala ko ba two weeks from now pa ‘yong byahe ninyo papunta dito?”Nagtataka namang tanong ni Abegail.“’That’s as far as I know, ewan ko ba kung ano ang nakain ng babaeng ‘yon at iniba niya ang plano,” nalilitong sabi ni Steve sa pinsan.“Hindi ko nga maintindihan kung bakit biglang sabihin niya kay mama na luluwas siya ng Pinas today?” Dagdag niya pang sabi.“Hindi ba kayo nag-usap lately?”Usisa ni Abegail sa pinsan.“Nope,” maikling sagot naman ni Steve.“O di tawagan mo at itanong kung anong napasok sa kukuti nya at biglang uuwi siya dito,” bigla naiiritang sbai ni Abegail sa pinsan.“Alam mo kung hindi lang dahil sa pinaki-usapan mo akong manahimik, naku Steve sinasabi ko sa ‘yo noon pa binugbog ko na ‘yang babaeng ‘yan,”
Nakahanda na ang lahat ng gamit ni Crsytal pabalik ng Pilipinas, kinuha niya ang telepono sa bag upang tawagan ang ina ni Steve.“Hello po mama, good morning po,” bati ni Crystal kay Mrs. Monteclaro.Kahit nasusuka na siyang makipag-mabutihan sa ginang ay nagkukunwari pa rin siya sa pakikitungo dito para meron siyang kakampi upang mapasakanya si Steve.“Oh, iha magandang umaga rin sa ‘yo,”masayang bati rin ng ginang.“Kamusta ka na iha halos isang linggo ka nang hindi nagagawi rito sa mansiyon, nag-away ba kayo ni Steve?”Nag-aalalang tanong pa niya.“Alam n’yo naman po si Steve mama daig pa po ang babae dahil sa pabago-bago ng pagtrato niya po sa akin,” sabi ni Crystal sa ginang.“Pero huwag po kayong mag-alala ma, sanay na po ako sa ugali ng anak ninyo,” dagdag pa niyang sabi.“Pagpasensiyahan mo na muna si Steve iha, hayaan mo kakausapin ko siya ulit na maging mabait sa iyo,” sabi ng matanda.“Huwag na po kayong mag-alala mama, okay lang po sa akin na ganon si Steve,” sagot naman ni
“Nanay Marie, sa palagay n’yo po ay kumpleto na itong lahat na gagamitin natin para po sa kaarawan ng kambal?” Kinakabahang tanong ni Loisa sa kanyang nanay-nayan.“Naku iha meron pa tayong dalawang linggo para mailagay sa ayos ang lahat kaya huwag ka ng kabahan diyan,” nakangiting sabi ni Aling Marie.“Dahil pati ako ay natataranta sa ‘yo,” dagdag pa nitong sabi.“Hindi ko din po alam Nanay kung bakit po ako natataranta at kinakabahan hindi naman po ako ganito nong dati,” sabi ni Loisa. “Naku normal lang ‘yan iha kasi di ba nga lumalaki na ang kambal at marunong ng magtanong at maghanap,” sabi naman ni Aling Marie.“At natural lang ang nararamdaman mong kaba kasi maging hanggang ngayon ay hindi pa kayo nagkikita ni Steve,” dagdag pang sabi ng matanda.“Ilang taon na din ang lumipas iha, hindi kaya panahon na para makita at makilala ni Steve ang mga anak n’yo?” Masinsinang tanong pa ni Aling Marie kay Loisa.“Para saan pa po, Nanay ayoko pong makagulo sa pagsasama nila ng kaibigan ko
“Finally nahanap na rin kita, Loisa,” masayang wika ni Crystal.Matapos ibinalita ni Kimberly kay Crystal na nasa kabilang-linya ang matagumpay na paghahanap ni Arnel sa kinaroroonan ni Loisa at ng mga anak nito.“Ah, Ma’am Crystal ngayong alam n’yo na po kung nasaan si Loisa pupuntahan n’yo na po ba?” Nakangiting tanong ni Kimberly sa babae.“Nag-iisip ka ba, Kimberly saksakan ka talaga ng kabobohan, sa palagay mo ano ang gagawin ko matapos kung ipahanap sa inyo ang malanding babaeng ‘yan?!” Biglang singhal naman ni Crystal.Subrang naiinis siya sa katangahan ni Kimberly, hindi niya alam kung bakit hindi nito nagagawang pag-isipan muna ang bawat tanong na ibinabato sa kanya.“Sorry po Ma’am Crystal,” hinging paumanhin naman ng babae.“Alam mo bago ka mag-tanong sa akin kung pwede lang sana, Kimberly pag-isipan mo munang mabuti kung dapat mo bang itanong sa akin o hindi,” inis na sabi ni Crytsal sa babae.“Do you understand me, sa palagay mo bakit gumasta ako ng malaking pera para lan