Home / Romance / He Hates Me But He Loves Me / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of He Hates Me But He Loves Me: Chapter 11 - Chapter 20

51 Chapters

Chapter 11

Pauwe na ko ngayon na hindi ko na kasabay si Lexie. Naglakad na lang ako para bawas gastos sa pamasahe at para matadtad ang aking katawan. Uumpisahan ko na ngayon magpapayat. Habang mag-isang naglalakad sa may kalsada, isang sasakyan ang huminto sa kalsada at malakas ang pagbusina nito na kinagulat ko dahil sa malakas na ingay nito. "Hoy baboy Marina!" sigaw ni Rashina sa akin na nakadungaw ang mukha nito sa may bintana ng sasakyan. "Pwede bang umalis ka na lang riyan diyan sa daanan. Hindi mo bagay malantad dito sa kalsada," sabay tawa ng mga ito kasama ang ibang kaklase ko. Kuyom ang dalawang kamao ko sa pagtitimpi ng galit ko sa kanila at mabilis na umalis sa kanila. "Hoy bumalik ka dito!" sigaw pa ng mga ito. Lumingon ako at talagang nakasunod sila sa akin. Napatakbo ako ng mabilis para hindi nila ako mahabol pero sa paglingon ko ay doon ako nadapa at napasubsob sa may kanal pagkahulog ko. Huminto na naman ang sasakyan nila Rashina at nagsibabaan ang mga ito saka pinagtawnan nil
last updateLast Updated : 2023-03-23
Read more

Chapter 12

Nasa mukha ang pagkainis ni Seb nang umalis ito sa kinauupuan niya. Hindi ko alam kung napaano 'yon dahil abala kami ni kuya Zander sa pag-uusap. Maya't-maya ay nagpaalam na din si kuya Zander pagkatapos namin mag-usap. Napasinghap ako, naisipan ko na lang na magtungo ng kusina para tanungin si ate Ana kung may laptop ba ito pero malabong mangyari 'yon na may laptop ba akong mahihiram sa kan'ya. Naisipan ko na lang na huwag na lang ituloy at baka nga wala. Nahiya naman kasi akong manghiram kay Seb at baka sungitan na naman ako 'yon pero subukan ko kung pahihiramin niya ko. Nasa tapat na ko ng kan'yang pintuan. Kinakabahan ako lalo nang makita ko siya kaninang naiinis sa amin. Pero hindi naman masamang magtanong eh. Huminga muna ko ng malalim bago katukin ang pinto ng kan'yang kuwarto. Nakatatlong katok na ko pero wala itong balak buksan ang pinto. Alam kong dito lang siya pupunta eh. "Seb!" mahinahong tawag ko sabay katok ng pinto. Wala talagang bakas na may tao sa loob ng kan'ya
last updateLast Updated : 2023-04-01
Read more

Chapter 13

"Seb!" sabay bigkas namin ni kuya ZanderIniluwag pa nito ang pintuan bago pa ito pumasok rito sa loob. Habang nakatitig ako sa mga mata niya, lalo lamang ako kinakabahan dahil sa kakaibang paninitig nito. Napalunok na lang ako ng laway dahil sa kabang nadarama ko para kay Seb. Alam kong ginabi na ko pero ito naman ang gusto niya kaya wala siyang karapatan na magalit sa akin. "Are you done your assignment?" ani nito. Himala, ang bait niya. "Ahmm.. Oo, ipriprint na lang," sagot ko. Medyo nawala ang aking kaba na kanina ay sobrang lakas ng pitik ng puso ko."Okay after that uuwe na tayo. I'll wait you in my car," ani nito."Hintayin mo na lang siya dito dude. Ilang pages na lang at matatapos nang maprint," ani ni kuya Zander.Pero hindi siya nakinig dahil umalis na lang ito pagkasabi niya iyon. Pero pansin ko ang mga mata niya kanina nang tumingin siya sa akin. Pero ano naman ngayon kung ganoon. Wala naman mababago eh. Galit pa rin siya sa 'kin."Anong nakain 'yon at pabigla bigla ang
last updateLast Updated : 2023-04-13
Read more

Chapter 14

Sabay na umuwe kami ni Seb. Magdidilim na din ang paligid habang pauwe na kami ng mansion. Sobra akong napagod sa mga ipinagawa niya kanina sa akin sa kan'yang opisina na pwede naman niyang ipautos sa iba. Hindi na rin ako nasundo ni kuya Zander na kanina pang nag-aantay mula sa labas ng gate kanina. Nakanguso ako nang mapatingin ako kay Seb. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakatingin na pala siya sa 'kin. Mabilis akong umiwas sa paninitig niya. Agad na tinakpan ko ang mukha ko gamit ang libro dahil nakaramdam ako ng pagkaba sa aking dibdib. Aktong nahuli niya din akong nakatingin sa kan'ya. Nakakahiya!"Are you tired Marina? P'wede ka naman magpahinga." Magpahinga daw? Eh malapit na nga kami sa mansion. Hindi ako umimik. Impit siyang napatawa. "Huwag ka ng magtago diyan sa likod ng libro," sabay kuha niya sa librong nakatakip sa mukha ko. Napaawang ang ibabang labi ko sa ginawa niya. Nagulat ako. "Tinatakpan mo ang mukha mo dahil namumula na ang pisngi mo. Sabi ko na nga ba't may gusto
last updateLast Updated : 2023-05-23
Read more

Chapter 15

Muli kong pinasadahan ang aking sarili sa salamin. Maaga akong nagising para maumpisahan ang pag ehersisyo. Nang kontento na ko sa ayos ko. Agad na lumabas ako ng kuwarto. Tahimik ang bawat kilos ko para wala akong maabalang ibang tao. Palabas pa lang ako nang makarinig ako ng mga yabag nga mga paa. Lumingon ako at nakita ko si Sebastian. Nagtaka na lamang ako. Maaga din pala siya nagigising sa umaga."Halika na para maumpisahan na natin," ani niya. Nangunot ang aking noo. Naunang lumabas siya sa maindoor. Dinaana niya lang ako."Maumpisahan? Para saan?" Mabilis na lumingon siya sa 'kin."Hindi mo alam? Matulog ka na lang muna at baka nananaginip ka pa rin hanggang ngayon," pasupladong sagot niya saka patakbong umalis siya.Napasimangot ako. Bakit kasi hindi niya pa sabihin na sasamahan niya ko. Kunwari pa kasi siya. Sumunod na lang ako sa kan'ya at talagang iniwan niya ko rito."Sir Seb!" sigaw ko. "Hintayin mo ko." Patakbong hinabol ko siya sa labas ng gate. Ang layo na niya.Hindi k
last updateLast Updated : 2023-05-27
Read more

Chapter 16

Patungo na kami sa school ni Seb. Tila aligaga pa ito sa kan'yang kinauupuan dahil sa ilang mga text messages niyang natanggap mula pa kanina. Malapit na kami sa school ay saka pa lang siya nagsalita. "Hindi kita masusundo mamaya Marina," panimula niya. "Mauna ka na lang umuwe mamaya dahil may importante pa kong lakad after this class. Hindi ko alam kung makakauwe ako agad," ani niya. "Okay," tipid kong sagot. Lihim akong napangiti. Sana matagalan siya sa pag-uwe. Kasi kung narito siya. Hindi ko makakain ang mga gusto kong ulam. "Parang masaya ka pa. Huh!" Tila nakaramdam siya sa pagkasabik ko. Napaangat pa ang sulok ng kan'yang labi. "Ako masaya? Hindi naman. Paano mo naman nasabi na masaya ako?" Maang-maangan kong sagot. Tipid siyang napatawa. "What do you think of me? Na hindi ko alam ang nasa isip mo? No meat Marina and I'll make sure na hindi ka makakakain ng mga pagkaing paborito mo," asik niya. Naunang bumaba na siya ng sasakyan pagkapark niya rito sa parking area. H
last updateLast Updated : 2023-05-29
Read more

Chapter 17

POV ni Marina Pagkapasok ko sa loob ng suite, parang hinigop ng katawan ko ang lahat ng lakas na natira pa. Ang malambot na kama sa harap ko ay parang nananawagan, hinahatak ako palapit. Hindi ko na kayang labanan ang tukso. Diyos ko, pagod na pagod na ako. Ilang oras din kaming naglibot, tapos idinagdag pa ang mahabang biyahe. Si Sebastian? Ayun, parang hindi man lang napagod. Suplado pa rin. Kahit bakasyon na, hindi pa rin mabawasan ang pagiging masungit niya. "Marina, huwag kang humilata diyan. Madumi pa 'yung damit mo," malamig na boses ni Sebastian mula sa likod ko. Napairap ako nang palihim. Bakit ba hindi siya pwedeng mag-relax kahit isang beses? "Sandali lang, Sebastian. Wala akong balak matulog. Magpapahinga lang sandali." Napansin kong bumibigat na rin ang mga talukap ko habang sinasabi ito. "Ayaw ko ng mga sandali, Marina. Ayusin mo na 'yung gamit mo. Naka-ayos na 'yung kwarto mo sa kabila." Dumilat ako at tumingala sa kanya. Nakatayo siya sa may pinto, naka
last updateLast Updated : 2024-12-03
Read more

Chapter 18

POV ni Marina Pagmulat ko ng mata, ang unang pumasok sa isip ko ay si Sebastian. Bumalik na kaya siya kagabi? Pero bago ko pa mahila ang sarili kong bumangon, naamoy ko agad ang mabangong halimuyak ng pagkain. Napatingin ako sa orasan—alas-siyete ng umaga. Kumulo ang sikmura ko. Wow, sino kaya ang nagluluto? Dali-dali akong bumangon, hindi na nag-abalang ayusin ang buhok ko. Diretso ako sa kitchen, at doon ko siya nakita. Si Sebastian. Naka-black shirt, pajama pants, at... nagluluto? Napatigil ako sa pinto, tinignan siya mula ulo hanggang paa. Hindi pwede. Baka multo ‘to. "Sebastian?" tawag ko, nag-aalangan pa rin. Lumingon siya sa akin, hawak ang spatula, at may seryosong ekspresyon sa mukha. "Anong tingin mo? Multo?" Hindi ko napigilan ang tawa ko. "Hindi naman, pero bakit ikaw ang nagluluto?" Napatigil siya sa paghalo ng itlog sa pan, saka tumingin sa akin na para bang siya pa ang nagulat. "Bakit? Hindi ba pwedeng magluto ang isang tulad ko?" "Kasi parang out of c
last updateLast Updated : 2024-12-03
Read more

Chapter 19

Third Person POV Pagdating nila sa lugar, hindi akalain ni Marina na ganito pala kaganda. Ang lugar ay isang romantic restaurant na nasa ibabaw ng isang burol, may tanawin ng buong siyudad na kumikinang sa ilaw ng mga streetlights. Ang ambiance ay perpekto: dim lighting, eleganteng set-up, at mga kandilang nakalagay sa mga mesa. Habang naglalakad si Marina papunta sa kanilang reserved na mesa, ramdam niya ang kakaibang pakiramdam—parang eksena sa isang pelikula. Bakit kaya ito ang pinili ni Sebastian? Hindi ba’t laging tahimik at seryoso siya? Ngumiti si Sebastian at hudyat sa waiter na magdala ng menu. Si Marina, na hindi sanay sa ganitong klase ng fine dining, ay hindi na makapaniwala sa nangyayari. Ang mga mata niya ay nagliliwanag sa tuwa at kaunting pagkabigla. Pagkakaupo nila, nagpatuloy ang tahimik na gabi. Habang kumakain, hindi nakalimutan ni Sebastian na asarin siya paminsan-minsan, pero iba ang pakiramdam ni Marina. Sa kabila ng kanyang mga jokes at pang-aasar, may n
last updateLast Updated : 2024-12-03
Read more

Chapter 20

Third Person POV Pagkapasok nila sa suite, agad na tinanggal ni Sebastian ang kanyang coat at inihagis ito sa malapit na sofa. Tahimik niyang tinanggal ang kanyang relo at ipinatong sa mesa. Si Marina naman ay nanatiling nakatayo sa pintuan, halatang hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari kanina. "Tumayo ka na lang diyan buong gabi?" tanong ni Sebastian habang nagbubukas ng ilang mga buton ng kanyang damit. May halong pang-aasar sa boses nito. Napakunot-noo si Marina. "Hindi. Iniisip ko lang... bakit bigla kang naging sweet kanina?" Huminto si Sebastian at tumingin sa kanya. "Sweet? Saang parte ako naging sweet?" "Basta," sagot ni Marina, umiiwas ng tingin at naglakad papunta sa kama. "Minsan lang mangyari yun. Parang panaginip." "Panaginip?" ulit ni Sebastian habang naglalakad papunta sa mini bar at nagsalin ng tubig sa baso. "Siguro nga. Kaya huwag mo nang asahan ulit." Napairap si Marina at humiga sa kama. "Oo na, Mr. Grumpy." Naglakad si Sebastian papunta sa kam
last updateLast Updated : 2024-12-03
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status