All Chapters of Savage Billionaire Series 1:Lorenzo Olivar: Chapter 31 - Chapter 40

56 Chapters

CHAPTER 31

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator sa may basement ng Olivar Furniture Company ay agad na nagpatiuna sa paglabas si Tamara. Inis na iwinaksi niya ang kamay ni Lorenzo na nakahawak sa kanyang baywang at mabilis na nilampasan ito sa paglalakad."Tamara..." marahan nitong tawag sa kanya.Hindi niya ito nilingon. Kahit nang akma nitong hahawakan ang kanyang kamay ay agad siyang umiwas. Katunayan ay kanina pa inaabot ni Lorenzo ang kanyang kamay upang ipagsalikop ang kanilang mga daliri. Sadyang iniiwasan niya lang ito.Pero wari ay naubos na rin ang pasensiya ng binata at mabilis siyang hinabol sa paglalakad. Ilang hakbang na lamang sila noon sa kinapaparadahan ng sasakyan nito nang mabilis na hinawakan ni Lorenzo ang kanyang braso at pilit na ipinaharap."Hey, mag-usap nga tayo," saad nito. "Are you mad?""Bakit ba ginawa mo iyon?" naiinis niyang sabi. "Bakit ba hindi mo na lang hinayaan na ako ang magsabi sa mga empleyado mo ng tungkol sa ating dalawa?""Hindi mo ba gusto iyon? Tinulu
last updateLast Updated : 2023-11-27
Read more

CHAPTER 32

Nang makalayo si Tamara kasama ang kaibigan nitong si Rose upang magtungo sa banyo ay agad niyang binalingan si Ethan. Katulad niya ay sinundan pa muna nito ng tingin ang dalawang babae saka siya nilingon.Hindi niya alam kung ano ang unang sasabihin sa kanyang kaibigan. Sa katunayan ay hindi niya alam kung ano ang unang madarama para dito. Nahahati siya sa pagitan ng gustong mainis at gustong matawa para sa binata.Una, nais niyang mainis dahil nang nahuli siya ng mga itong kasama si Tamara sa loob ng kanyang condo unit ay katakot-takot na tanong ang inulan nito para sa kanya. Nang mang-usisa ito kung bakit nasa unit niya si Tamara ay daig niya pa ang isang taong nasukol sa isang bagay na hindi niya dapat ginawa.At the same time, gusto niyang matawa. Ganoon na lang kung makapag-usisa ito sa kanya, iyon pala ay pareho lamang silang dalawa. Lalaki din siya. Hindi na niya kailangan pang itanong kung ano ang namamagitan dito at kay Rose. Alam niyang hindi na lang simpleng employer-emplo
last updateLast Updated : 2023-11-29
Read more

CHAPTER 33

In the end, Tamara decided to answer Roberto's call. Tuluyan siyang lumayo mula sa mga kasamahan bago sinagot ang tawag nito."H-Hello..." agad niyang bungad sa nasa kabilang linya."Hello, Tam. Kumusta ka na?" masiglang bati sa kanya ni Roberto.Napapalingon-lingon pa si Tamara sa direksyon kung saan nila idinaos ang simpleng pagdiriwang dahil sa matagumpay na proyekto kay Mr. Smith. Bawat isa ay abala. May ilang kumakain pa. Ang iba naman ay masayang nagkukwentuhan na habang may kanya-kanya nang hawak na kopita ng alak.Si Lorenzo naman ay abala pa rin sa pakikipag-usap sa ilang empleyado nito. Sa binata siya nakatingin nang sinagot niya si Roberto."M-Maayos lang ho. Bakit ka napatawag?""Gusto ko lang mangumusta, Tam. And since, nasa Manila ka, maaari kayang magkita tayong dalawa?"Dahil sa kanyang mga narinig ay bahagyang nakadama ng pag-asam si Tamara. "Nasa Manila ka ba ngayon?" she said excitedly.Matagal na rin simula nang huli niyang nakita si Roberto. Kahit nang nasa Davao
last updateLast Updated : 2023-12-02
Read more

CHAPTER 34

"Thank you..." saad niya kay Roberto sa mahinang tinig nang ilagay nito sa mismong harap niya ang isang tasa ng kapeng inorder nito para sa kanya. Sunod nitong inabot sa kanya ay ang platong naglalaman ng italian pasta.Roberto also got his own order. Nang mailipat na sa mesa ang mga pagkain ay saka nito itinabi ang tray na pinaglagyan ng mga iyon. Then, he faced her. Isang ngiti ang agad ay sumilay sa mga labi nito nang balingan siya."Kumain ka, Tamara. Para bang ang laki ng inihulog ng katawan mo kaysa nang huli tayong nagkita," puna sa kanya ni Roberto habang abala na nito sa paghahalo ng sariling pagkain. Ginagawa nito iyon habang sa kanya pa nakatingin.Aminado din naman siyang waring pumayat siya nitong mga dumaang araw. Maliban nga sa naging tamilmil siya sa pagkain ay labis din siyang nasubsob sa dami ng gawain sa OFC. Iyon marahil ang dahilan kaya malaki ang inihulog ng kanyang katawan.She just smiled at Roberto. Inabot niya na rin ang sariling tasa ng kape. Hawak niya ang
last updateLast Updated : 2023-12-05
Read more

CHAPTER 35

Matapos ng mahigpit na yakap na iginawad ni Roberto kay Tamara ay saglit pa muna silang nag-usap. Ipinaliwanag niya dito ang relasyong mayroon siya kay Lorenzo. Alam niyang nagdududa ito at wala siyang balak na magsinungaling dahilan para sabihin niya dito ang totoo.Nang una ay nakitaan niya pa ng pagtutol si Roberto sa kaalaman na nakatira siya sa condo unit ng binata. Nakaringgan niya ito ng pananaway at nais pa sana isuhestiyon na hanapan siya ng ibang matitirhan. But Tamara insisted that everything was okay. Inamin niya nga dito ang relasyon nila ni Lorenzo, maging ang pag-alok ng binata ng kasal sa kanya.Dama niya ang maraming katanungan na nais ibato sa kanya ni Roberto. Kung wala lang marahil itong lakad na kailangan habulin para sa araw na iyon bago umuwi ng Davao ay hindi nito tatapusin ang pag-uusap nilang dalawa.But just like what he said, sadyang isiningit lang ng matandang lalaki sa schedule nito ang pagkikita nila nang araw na iyon. Bagay iyon na sa mga nakalipas na mg
last updateLast Updated : 2023-12-08
Read more

CHAPTER 36

Isang malalim na buntong-hininga pa muna ang pinakawalan ni Lorenzo bago niya inabot ang doorknob ng pinto ng kanyang condo unit. Pinihit niya iyon saka dahan-dahan nang binuksan. Agad na sumalubong sa kanya ang katahimikan nang humakbang siya papasok habang iginagala pa ang kanyang paningin sa kabuuan niyon.Galing siya ng Olivar Furniture Company. Doon siya nagpalipas ng buong magdamag matapos ng naging pagtatalo nila ni Tamara kagabi. Katunayan, hanggang ng mga oras na iyon ay suot niya pa rin ang mga kasuotang nasa katawan niya kahapon.He didn't bother to change kahit pa may ilang damit din naman siya sa kanyang opisina. Pagkaalis niya kasi ng condo kahapon ay sa isang restobar muna siya dumiretso at alak ang binalingan kahit pa maaga pa nang mga oras na iyon.Hindi niya maiwasang lunurin ang kanyang sarili sa pag-inom. Punong-puno siya ng hinanakit matapos ng naging pag-uusap nila ni Tamara. Parang isang video tape pa na paulit-ulit niyang nakikita sa kanyang balintataw ang ekse
last updateLast Updated : 2023-12-15
Read more

CHAPTER 37

Lorenzo was left dumbfounded. Hindi niya sukat akalain na ganoon na lamang kadaling makagagawa ng pasya si Tamara. Harap-harapan nitong pinakita sa kanya na mas pinipili nito si Roberto kaysa sa kanya. Ni hindi man lang ito nagdalawang-isip na umalis sa kanyang condo unit. Tuluyan nga siya nitong iniwan.Mariin niyang naikuyom ang kanyang dalawang kamao. Kung simula pa kahapon ay sakit at hinanakit ang bumabalot sa kanyang dibdib, ngayon ay nadagdagan na iyon ng labis na galit na halos pumiga sa kanyang puso. Kung kanino partikular niya nadarama ang galit na iyon ay hindi na niya masabi.May kung ilang saglit pa siyang hindi nakahuma sa kanyang kinatatayuan. Mistula siyang natuklaw ng ahas at sa loob ng ilang sandali ay hindi nakakilos. Nakatuon lamang ang kanyang mga mata sa pintuan na nilabasan ni Tamara.He wanted to think that everything was just a joke. Na baka babalik din agad si Tamara at sasabihin na ang lahat ng iyon ay isang biro lamang. Na hindi totoong may relasyon ito kay
last updateLast Updated : 2023-12-18
Read more

CHAPTER 38

Hindi malaman ni Tamara kung ano ang mararamdaman niya matapos marinig ang mga sinabi ni Roberto. Maging ang paraan ng pagtawag nito sa kanya ay sadyang nagpahito sa kanyang paghakbang. Marahas nga ang nagawa niyang paglingon sa kinahihigaan nito dahil doon.Yes... anak. Siya ang panganay na anak ni Roberto!Sa buong buhay niya, wala siyang matandaang tinawag siya nito sa ganoong paraan. Kailan niya nga ba unang nakilala si Roberto at nalaman ang tungkol dito? If she was not mistaken, she was barely fourteen or fifteen that time.Inamin iyon sa kanya ng Nanay Maribel niya matapos niyang masangkot na naman sa isang pakikipag-away. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nakararanas ng pangungutya mula sa mga kalaro at kaibigan niya dahil lang sa lumaki siyang walang ama.Everyone would call her names. Hindi rin kasi lingid sa lahat na walang asawa ang kanyang ina at basta na lamang nagdalang-tao nang kabataan nito. Iyon marahil ang dahilan kung bakit laman ito ng tsismis ng m
last updateLast Updated : 2023-12-22
Read more

CHAPTER 39

"Humihingi ka ba ng tawad sa akin dahil sa tama ang kung ano man ang iniisip ko ngayon, Tamara?" tanong ni Maribel kay Tamara sa seryosong tinig. Binitawan din nito ang hawak-hawak na sandok para mataman siyang matitigan sa kanyang mukha.Mariing napalunok si Tamara kasabay ng pagyuko niya ng kanyang ulo. Ni hindi niya alam kung ano ang isasagot sa kanyang ina kaya sa halip na magsalita pa ay napatango na lamang siya.Ilang sunod-sunod na pagtango ang kanyang ginawa bilang sagot sa tanong nito. Hindi man tuwiran ngunit naiintindihan niya kung ano ang ibig nitong malaman. At walang balak na magsinungaling si Tamara. Ngayong kaharap niya na ang kanyang ina ay gusto niya ring sabihin dito ang totoo."S-Sino? Kailan, Tamara? A-Ang ibig kong sabihin..."Maribel stopped talking. Mistula bang wala itong mahagilap na tamang salitang idudugtong sa kung ano man ang nais nitong sabihin sa kanya.Napaangat ng kanyang ulo si Tamara at matapang na sinalubong ang mga titig ng kanyang ina. Agad pang
last updateLast Updated : 2024-01-02
Read more

CHAPTER 40

Ilang araw ang matuling lumipas. Mas itinuon ni Tamara ang kanyang mga oras sa pagiging abala sa kanilang puwesto sa palengke. Dahil sa wala na siyang trabaho ay siniguro niya na may pagkakakitaan pa rin silang mag-ina. May naipon din naman siya mula sa pagtatrabaho sa kompanya nina Lorenzo at iyon ang idinagdag niyang pangpuhunan sa kanilang maliit na tindahan sa palengke.Hindi pa nga sana sang-ayon ang kanyang ina na magpagod siya agad dahil na rin sa kanyang kalagayan. Gustong akuin ng kanyang ina ang pag-aasikaso sa kanilang puwesto at pinayuhan siyang magpahinga lang sa kanilang bahay.Pero hindi pumayag si Tamara. Sa tuwing napapag-isa siya ay hindi maiwasang si Lorenzo lamang ang laman ng kanyang isipan. Hindi niya rin maiwasang alalahanin ang mga araw na kasama niya ito. Kapag ganoon na ang nangyayari ay nababalot lamang siya ng labis na kalungkutan.And that was the reason why she made herself busy. Gustuhin man ng kanyang ina na manatili lang siya sa kanilang bahay dahil ba
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status