Lorenzo was left dumbfounded. Hindi niya sukat akalain na ganoon na lamang kadaling makagagawa ng pasya si Tamara. Harap-harapan nitong pinakita sa kanya na mas pinipili nito si Roberto kaysa sa kanya. Ni hindi man lang ito nagdalawang-isip na umalis sa kanyang condo unit. Tuluyan nga siya nitong iniwan.Mariin niyang naikuyom ang kanyang dalawang kamao. Kung simula pa kahapon ay sakit at hinanakit ang bumabalot sa kanyang dibdib, ngayon ay nadagdagan na iyon ng labis na galit na halos pumiga sa kanyang puso. Kung kanino partikular niya nadarama ang galit na iyon ay hindi na niya masabi.May kung ilang saglit pa siyang hindi nakahuma sa kanyang kinatatayuan. Mistula siyang natuklaw ng ahas at sa loob ng ilang sandali ay hindi nakakilos. Nakatuon lamang ang kanyang mga mata sa pintuan na nilabasan ni Tamara.He wanted to think that everything was just a joke. Na baka babalik din agad si Tamara at sasabihin na ang lahat ng iyon ay isang biro lamang. Na hindi totoong may relasyon ito kay
Hindi malaman ni Tamara kung ano ang mararamdaman niya matapos marinig ang mga sinabi ni Roberto. Maging ang paraan ng pagtawag nito sa kanya ay sadyang nagpahito sa kanyang paghakbang. Marahas nga ang nagawa niyang paglingon sa kinahihigaan nito dahil doon.Yes... anak. Siya ang panganay na anak ni Roberto!Sa buong buhay niya, wala siyang matandaang tinawag siya nito sa ganoong paraan. Kailan niya nga ba unang nakilala si Roberto at nalaman ang tungkol dito? If she was not mistaken, she was barely fourteen or fifteen that time.Inamin iyon sa kanya ng Nanay Maribel niya matapos niyang masangkot na naman sa isang pakikipag-away. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nakararanas ng pangungutya mula sa mga kalaro at kaibigan niya dahil lang sa lumaki siyang walang ama.Everyone would call her names. Hindi rin kasi lingid sa lahat na walang asawa ang kanyang ina at basta na lamang nagdalang-tao nang kabataan nito. Iyon marahil ang dahilan kung bakit laman ito ng tsismis ng m
"Humihingi ka ba ng tawad sa akin dahil sa tama ang kung ano man ang iniisip ko ngayon, Tamara?" tanong ni Maribel kay Tamara sa seryosong tinig. Binitawan din nito ang hawak-hawak na sandok para mataman siyang matitigan sa kanyang mukha.Mariing napalunok si Tamara kasabay ng pagyuko niya ng kanyang ulo. Ni hindi niya alam kung ano ang isasagot sa kanyang ina kaya sa halip na magsalita pa ay napatango na lamang siya.Ilang sunod-sunod na pagtango ang kanyang ginawa bilang sagot sa tanong nito. Hindi man tuwiran ngunit naiintindihan niya kung ano ang ibig nitong malaman. At walang balak na magsinungaling si Tamara. Ngayong kaharap niya na ang kanyang ina ay gusto niya ring sabihin dito ang totoo."S-Sino? Kailan, Tamara? A-Ang ibig kong sabihin..."Maribel stopped talking. Mistula bang wala itong mahagilap na tamang salitang idudugtong sa kung ano man ang nais nitong sabihin sa kanya.Napaangat ng kanyang ulo si Tamara at matapang na sinalubong ang mga titig ng kanyang ina. Agad pang
Ilang araw ang matuling lumipas. Mas itinuon ni Tamara ang kanyang mga oras sa pagiging abala sa kanilang puwesto sa palengke. Dahil sa wala na siyang trabaho ay siniguro niya na may pagkakakitaan pa rin silang mag-ina. May naipon din naman siya mula sa pagtatrabaho sa kompanya nina Lorenzo at iyon ang idinagdag niyang pangpuhunan sa kanilang maliit na tindahan sa palengke.Hindi pa nga sana sang-ayon ang kanyang ina na magpagod siya agad dahil na rin sa kanyang kalagayan. Gustong akuin ng kanyang ina ang pag-aasikaso sa kanilang puwesto at pinayuhan siyang magpahinga lang sa kanilang bahay.Pero hindi pumayag si Tamara. Sa tuwing napapag-isa siya ay hindi maiwasang si Lorenzo lamang ang laman ng kanyang isipan. Hindi niya rin maiwasang alalahanin ang mga araw na kasama niya ito. Kapag ganoon na ang nangyayari ay nababalot lamang siya ng labis na kalungkutan.And that was the reason why she made herself busy. Gustuhin man ng kanyang ina na manatili lang siya sa kanilang bahay dahil ba
"Renz, is there something bothering you?"Marahas na napalingon si Lorenzo nang marinig niya ang tinig ng kanyang ina. Unti-unti itong naglalakad palapit sa kanyang kinatatayuan habang may pag-aalalang ekspresyon sa mukha.Naging matagumpay nga ang pamimigay ng grocery packs ng organisasyong kinabibilangan ng kanyang ama. Sa kabila ng maraming isiping bumabagabag sa isipan ni Lorenzo ay hindi niya rin maiwasang magalak nang makita ang mga ngiti sa mga labi ng kanilang mga kababayan habang tinatanggap ang nasabing regalo mula sa kanila. Everyone was grateful for what they received.Isa lang ang hindi nagustuhan ni Lorenzo habang isinasagawa ang naturang aktibidades at iyon ay ang presensiya ni Charmaine at ng ama nitong si Enrico.Sa buong durasyon ng event kanina ay walang ibang ginawa ang dati niyang kasintahan kung hindi ang makuha ang kanyang atensiyon. Iyon ay sa kabila ng lantaran niyang pagpapakita ng kawalang interes sa dalaga.Ni hindi pa ito umalis sa kanyang tabi dahilan par
"Masaya akong nakarating ka, Tam. Akala ko ay hindi mo pauunlakan ang imbitasiyon namin ni Ethan," masayang salubong ni Rose kay Tamara habang nasa may reception area pa lamang siya ng resort na pag-aari ng mga Villaver.Ngayon nga ang kaarawan ni Sir Ethan at dahil sa imbitasiyon ng kaibigan niya ay sumadya si Tamara sa naturang lugar. Hindi mahirap hulaan na sadyang inabangan ni Rose ang kanyang pagdating. Naglalakad pa lang kasi siya palapit sa may reception area ng resort ay agad na niya itong natanawan."Imbitasiyon niyo ni Sir Ethan? O imbitasiyon mo lang?" saad niya dito sa pabirong tinig."Naku, hindi ah. Totoo namang alam ni Ethan na inimbitahan kita. Sabi niya ay puwede naman ako mag-aya ng kaibigan. Saka, I'm sure maging si Sir Roberto ay matutuwa na narito ka ngayon.""Nasaan siya?" bigla ay nasabik niya namang sabi na ang hinahanap ay ang kanyang ama."Kanina pa abala si Sir Roberto. Alam mo namang halos kanang kamay iyon dito sa resort ni Ethan. Siya ang naging punong-ab
"Tamara! Tamara!" sunod-sunod na pagtawag sa kanya ni Lorenzo.Ni hindi ito nilingon ni Tamara. Patuloy lamang siya sa mabilis na paghakbang palayo dito habang sapo ng kanang kamay niya ang kanyang tiyan. Hindi man niya tingnan ay alam niyang maliit na distansiya na lang ang pagitan nilang dalawa ni Lorenzo. Dahilan nga iyon para mas bilisan pa niya ang bawat hakbang niya.Hindi niya inaasahan na makita roon si Lorenzo. Ayon naman kay Rose ay hindi ito makakapunta sa kaarawan ng kaibigan nitong si Ethan kaya panatag ang loob niyang pumunta sa resort na iyon.Pero pinagkaisahan lang siya ng magkasintahan. All along they talked about it and planned to make them meet again. Malamang, kahit ang mga kaibigan ng mga ito ay alam din na darating si Lorenzo. Siya lang talaga ang walang kamalay-malay sa lahat. Kung alam din ni Lorenzo na naroon siya ngayon ay wala na siyang panahon pang alamin."Tamara..." mariin na nitong sambit sa pangalan niya. Halos dinig niya pa ang kagustuhan nitong pahin
Marahang inilapag ni Lorenzo sa ibabaw ng mesa ang isang tray na naglalaman ng mga pagkain. Isa-isa niyang inalis mula roon ang mga pinggang may iba't ibang putahe saka inayos ang pagkakalatag ng mga iyon sa ibabaw ng naturang mesa. Sadyang pinadala niya ang mga iyon doon sa silid na inookupa niya sa resort na pag-aari ni Ethan.Nang maiayos na niya ang lahat ay nilingon niya si Tamara na tahimik na nakaupo lamang sa kama. Nakayuko ito habang wala sa loob na nilalaro ng mga daliri ang strap ng pag-aaring sling bag.Matapos nga ng pakikipag-usap dito at kay Roberto ay inakay niya ang dalaga patungo sa okupado niyang silid. Hindi pa ito sang-ayon nang una at nais pa sanang umiwas sa kanya ngunit nagpumilit si Lorenzo. Matapos niyang malaman na nagdadalang-tao ito at siya ang ama ay hindi niya hahayaang lumayo ulit sa kanya si Tamara.And especially now that he already knew the truth. Hahayaan pa ba niya itong mahiwalay sa kanya ngayong alam na niyang walang romantikong namamagitan dito