All Chapters of Savage Billionaire Series 1:Lorenzo Olivar: Chapter 1 - Chapter 10

56 Chapters

CHAPTER 1

Dire-diretsong naglakad si Lorenzo sa kahabaan ng pasilyo habang muling sinusubukang tawagan ang numero ng kaibigan niyang si Ethan. Kasalukuyan na siyang nasa airport ng Davao at hindi pa natatagalan mula nang lumapag ang eroplanong kanina ay sinakyan niya mula sa Manila patungo sa probinsiyang iyon.He was on that province to spend some days on his friend's private beach resort. Nagmamay-ari si Ethan ng isang pribadong beach resort sa isla ng Samal--- ang Ocean Pearl Private Resort.Napagpasyahan niyang magtungo roon upang kahit papaano ay magkaroon ng bakasyon. Gusto niya munang ipahinga ang kanyang sarili mula sa sandamakmak na trabaho sa kompanyang pag-aari ng kanilang pamilya.Mula nang tumuntong siya sa edad na bente-singko ay siya na ang namamahala sa furniture company na inumpisahan pang itayo ng kanyang abuelo. He is now thirty-five at pakiramdam niya ay ngayon niya kailangan ng pahinga mula sa maraming gawain sa kanilang kompanya.But Lorenzo knew better. He was on that pro
last updateLast Updated : 2023-03-05
Read more

CHAPTER 2

Katulad ng mga sinabi ni Roberto ay sinadya nga ni Tamara ang beach resort na pinagtatrabahuan nito, ang Ocean Pearl Private Beach Resort. Malayu-malayo rin iyon mula sa kanilang tinitirhan ngunit hindi siya nagdalawang-isip na puntahan ang nasabing lugar upang makita at makausap muli si Roberto.Ayon dito ay ilang taon na itong namamasukan sa naturang resort. Ito ang pinagkakatiwalaan roon at nagsisilbing tagapamahala kapag nasa Manila ang amo nito.Sa loob ng ilang taon mula nang makilala niya si Roberto ay sa resort na iyon sila nagkikita. Madalian lamang at madalas pa ay agad din siyang pinapauwi nito sa tuwing nagagawi siya roon. Kaya nga nang malaman niya na pupunta ito sa airport nang isang araw ay dali-dali siyang gumayak patungo roon upang makausap ito. Bagay iyon na wala rin namang silbi dahil nagmamadali rin ito sa pagbalik sa resort.Naiintindihan niya naman iyon dahil trabaho lang ang ginagawa nito pero hindi niya rin maiwasang makaramdam ng tampo dahil sa sitwasyon nilan
last updateLast Updated : 2023-03-05
Read more

CHAPTER 3

Kulang ang salitang gulantang sa nadarama ni Tamara nang marinig niya ang mga sinabi ng lalaki. Ang bigla nga nitong pagsulpot kanina ay labis na niyang ikinagulat, mas higit pa ang mga sinabi nito sa kanya.Hindi niya inaasahan na makitang muli sa resort na iyon ang lalaking nakabungguan niya sa airport nang isang araw. Sa laki ng Davao ay hindi na niya inakala pa na magkrus muli ang kanilang mga landas. At sa ganoon pa talagang senaryo!"Hindi ba?" saad pa ng lalaki sa tinig na nasisiguro niyang punong-puno ng sarkasmo. "Narinig ko ang usapan ninyo. Bakit ka pinagbabawalan na pumarito ni Mr. Asuncion? At bakit nababahala siya na baka makita ka ng asawa niya? May itinatago kayo?"Sa dami ng mga sinabi ng lalaki ay hindi agad nakasagot si Tamara. Ni hindi siya makaapuhap ng ano mang salita na ibabato dito. Damang-dama niya kasi ang panliliit dahil sa tono na ginamit nito.She swallowed hard. Sa kabila ng nadarama ay hindi siya nagpakita na naaapektuhan siya dahil sa mga sinabi ng lala
last updateLast Updated : 2023-03-05
Read more

CHAPTER 4

"H-Hindi ako makapaniwalaang kaibigan ka nga ni Sir Ethan. You are insane," saad ni Tamara sa halos nagugulumihanang tinig. "Naririnig mo ba ang mga sinabi mo, Mr. Olivar?""Of course, I do," balewala nitong tugon. Mistula pa nga itong naaaliw sa naging reaksyon niya. Patunay roon ang isang nakalolokong ngiti na naglalaro sa mga labi nito habang nakatitig sa kanya."Nababaliw ka na nga kung ganoon?" wika niya pa. "You were asking me to be your woman. Bakit naman ako, sa tingin mo, papayag sa gusto mo? Hindi ako---""Iyon naman ang papel mo sa buhay ni Mr. Asuncion, hindi ba?" sansala nito sa kanyang pagsasalita. "You are his woman. You did not even deny it. At ang mga sinabi mo kanina ay parang mga nagpatibay lang ng mga hinala ko sa iyo. But why stick to Mr. Asuncion if there could be a better replacement?"Nahahati ang damdamin ni Tamara sa mga sinasabi ng lalaking kanyang kaharap. Una, gusto niyang mainsulto dahil sa mga binato nitong salita. Dalawang beses pa lamang sila nagkikita
last updateLast Updated : 2023-07-28
Read more

CHAPTER 5

Dire-diretsong naglakad patungo sa kanilang bahay si Tamara. Pasado alas-siyete na ng gabi ngunit marami-rami pa ring bata ang nasa daan at naglalaro. Ang iba ay nagtatakbuhan pa at kailangan niyang ilagan upang hindi siya mabunggo. Sa isang sulok naman ng daan ay naroon ang mesang lagi na ay may inuman session ng kanilang mga kapitbahay. Nasa tapat mismo iyon ng bahay ng kapitbahay nilang si Mang Orling.Ganoon lagi ang senaryo sa lugar nila. Karamihan sa mga taga-roon ay katulad din nila ang estado sa buhay--- isang kahig, isang tuka. Kung hindi kikilos ay walang kakainin. At iyon ang uri ng buhay na gustong takasan ni Tamara.Hindi siya ganoon kaambisyosa. Maiahon niya lang talaga sa hirap ang kanyang ina ay sapat na para sa kanya. Hindi niya rin naman nais na habang-buhay ay naroon siya sa lugar na iyon at mag-aasam na lang kung may kakainin ba o wala.Iyon ang dahilan kung bakit nais niyang makabalik sa kanyang pag-aaral. Bente-kwatro anyos na siya at isang taon pa lang sa kolehi
last updateLast Updated : 2023-10-07
Read more

CHAPTER 6

Agad na nanlaki ang mga mata ni Tamara dahil sa ginawa ni Lorenzo. Sa loob ng ilang saglit ay hindi siya nakahuma sa kanyang kinatatayuan habang sakop pa rin nito ang kanyang mga labi. Isang mariing halik nga ang ibinigay nito sa kanya habang ang isang kamay ay mahigpit na nakapigil sa kanyang batok. Ang kabilang kamay naman nito ay nakahawak pa rin sa kanyang palapulsuhan.Until Tamara gasped softly as his lips moved on hers. Mistula itong nag-uudyok na ibuka niya ang kanyang bibig at tanggapin ang halik na binibigay nito. And because of what he did, Tamara was able to taste the alcohol that he had a while ago.Sanay naman siyang makakita ng mga lalaking umiinom. Sa lugar nila, waring normal na sa kanilang mga kapitbahay ang mag-inuman. Kahit walang okasyon at sa kabila ng hirap ng buhay ay nakakakuha ng pagkakataon ng ilan nilang mga kapitbahay na magkaroon ng inuman session.At aaminin niyang hindi niya gusto ang amoy ng alak sa ibang tao. Lalo na sa tuwing humahalo ang amoy ng inu
last updateLast Updated : 2023-10-11
Read more

CHAPTER 7

"Tulungan na kita, ate," salubong sa kanya ni Wilbert nang makita siya nitong papasok sa kanilang bahay.Agad nga nitong kinuha ang isang malaking plastic bag na bitbit niya mula sa palengke. Naglalaman iyon ng ilang gamit nila sa pwesto at ilang tirang paninda na inuwi niya na lamang upang ikonsumo nila sa bahay."Salamat, 'Bert," nakangiti niyang ganti dito.Nagpatiuna na ito sa pagpasok sa pinto at agad na ipinatong ang dala niya sa mesa sa kusina. Siya naman ay napasulyap sa mahabang upuan na nagsisilbing higaan na rin ni Wilbert sa tuwing gabi. Nagkalat pa roon ang ilang kwaderno ng pinsan niya na halatang pinag-aaralan pa nito.Hindi niya maiwasang mapangiti ulit. Nasa unang taon na ng kolehiyo si Wilbert. Sa kanila ito nakatira sapagkat ang ina nito, na kapatid ng Nanay Maribel niya, ay namamasukan bilang isang katulong sa maykayang pamilya sa kabilang bayan.Dahil solong anak si Wilbert at stay-in sa trabaho ang ina nito ay sa kanila na lamang umuuwi ang binatilyo. Wala na rin
last updateLast Updated : 2023-10-12
Read more

CHAPTER 8

Mula sa pagkakaupo sa kanyang higaan ay agad na napalingon si Tamara sa may hamba ng pintuan ng kanyang silid nang mula roon ay sumilip ang kanyang ina. Napatuwid siya ng pagkakaupo at nailapag din ang kwadernong hawak-hawak niya.Kasalukuyan kasi siyang nagguguhit ng iba't ibang uri ng damit. It was something that she always do every time she's bored. Minsan nga, sa tuwing nakararamdam siya ng bigat sa kanyang dibdib ay inaaliw niya lang ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-iisip ng iba't ibang disenyo ng mga kasuotan.Iba din kasi ang dulot sa kanya ng pagguguhit. It was something that helped her escape all her worries in her life. Hindi niya nga lang alam kung mabibigyan niya nga ba ng katuparan ang pangarap niyang maging isang designer."Gumuguhit ka na naman," puna ni Maribel sa kanyang ginagawa. Napayuko pa ito sa kwadernong nasa tabi niya. Nakabuklat pa kasi iyon sa pahina kung saan naroon ang huli niyang iginuhit."Nagpapaantok lang po," aniya sa mahinang tinig.Her mother
last updateLast Updated : 2023-10-13
Read more

CHAPTER 9

Maang na napatitig si Tamara kay Lorenzo matapos niyang marinig ang mga sinabi nito. Hindi niya pa mapigilang mapalunok dahil doon. Nang pagmasdan niya ang binata sa mukha nito ay naroon ang ekpresyon na halos magpailang sa kanya, bagay na hindi niya maunawaan kung bakit.Hinamig niya ang kanyang sarili upang ipakita na hindi siya naapektuhan sa mga sinabi nito. "A-Ano naman ang kaibahan niyon? Pareho lang naman iyon, Mr. Olivar?""Malaki ang pagkakaiba ng mga iyon, Tamara," mariin nitong saad. "Making love is very far from just fvcking."Iniwas niya ang kanyang mukha. Disimulado niyang ibinaling ang kanyang mga mata sa ibang panig ng condo unit nito. Si Lorenzo lang ang tao na hindi niya pa natatagalang nakikilala pero madalas niya nang nakakausap na ang paksa ay tungkol sa pakikipagtalik, bagay na hindi niya naman ginagawa sa iba, kahit sa kanyang mga kaibigan.Ilang beses na nga na ang nagiging laman ng usapan nila ay tungkol sa sex? Naalala niyang minsan pa siyang nagbanggit sa bin
last updateLast Updated : 2023-10-14
Read more

CHAPTER 10

Dumating ang unang araw ni Tamara sa Olivar Furniture Company. Aminado siyang kabado sapagkat hindi niya pa alam kung ano ang kahihinatnan ng kanyang trabaho sa kompanyang iyon.Ang usapan nila ni Lorenzo ay dadaanan siya nito sa condo unit at isasabay na sa pagpasok sa OFC. Hindi na siya kumontra pa. Hindi niya pa alam ang patungo sa kompanya ng mga ito at ayon pa sa binata ay kailangan siya nitong samahan sa pakikipag-usap kay Crisanta, ang empleyadong magpapaliwanag sa kanya ng magiging trabaho niya.Dahil unang araw niya at hindi niya nais na mapahiya kay Lorenzo ay maaga siyang gumising. Katunayan, alas-kwatro y medya pa lang ng umaga ay abala na siya sa pagluluto ng almusal. Sinabayan niya na rin ng babauning tanghalian sa trabaho. Ayon kasi kay Lorenzo ay alas-singko ang labasan ng mga empleyado nito. Naisipan niyang magbaon na lamang ng tanghalian kaysa ang gumastos pa sa pagbili.Matapos niyon ay ang sarili naman niya ang inasikaso niya. Naligo, nag-toothbrush at nagbihis na
last updateLast Updated : 2023-10-15
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status