Katulad ng mga sinabi ni Roberto ay sinadya nga ni Tamara ang beach resort na pinagtatrabahuan nito, ang Ocean Pearl Private Beach Resort. Malayu-malayo rin iyon mula sa kanilang tinitirhan ngunit hindi siya nagdalawang-isip na puntahan ang nasabing lugar upang makita at makausap muli si Roberto.
Ayon dito ay ilang taon na itong namamasukan sa naturang resort. Ito ang pinagkakatiwalaan roon at nagsisilbing tagapamahala kapag nasa Manila ang amo nito.Sa loob ng ilang taon mula nang makilala niya si Roberto ay sa resort na iyon sila nagkikita. Madalian lamang at madalas pa ay agad din siyang pinapauwi nito sa tuwing nagagawi siya roon. Kaya nga nang malaman niya na pupunta ito sa airport nang isang araw ay dali-dali siyang gumayak patungo roon upang makausap ito. Bagay iyon na wala rin namang silbi dahil nagmamadali rin ito sa pagbalik sa resort.Naiintindihan niya naman iyon dahil trabaho lang ang ginagawa nito pero hindi niya rin maiwasang makaramdam ng tampo dahil sa sitwasyon nilang dalawa. Above anyone else, she knew very well that she also has a right for his time and attention. Pero hindi niya nga lubusang maramdaman iyon dahil sa may pamilya na ito.Napabuga na lang siya ng malalim na buntong-hininga. Nang makarating sa resort ay agad na niyang hinanap si Roberto. Naabutan niya pa roon ang kaibigan niyang si Rose at saglit na nakipag-usap dito. Sa lahat ng kakilala niya ay si Rose lang ang may alam sa relasyon niya kay Roberto kaya naman madali lang para sa kanya ang maglabas-pasok sa nasabing lugar.Tiwala siya kay Rose kaya madali lang para sa kanya ang sabihin dito ang tungkol sa kanila ni Roberto. Katunayan ay may mga pagkakataon na tumutulong pa ito para magkaroon sila ng oras na makapag-usap ng lalaki.After talking with Rose, nagpaalam na ito sa kanya. Marami din itong problemang pinapasan at bakas sa mukha ng kanyang kaibigan ang labis na pangamba. Nangako naman siya dito na kakausapin si Roberto upang matulungan ito.Mayamaya pa ay naglakad-lakad siya sa kahabaan ng dalampasigan habang naghihintay kay Roberto. Ayon kay Rose ay may ginagawa pa ang kanyang sadya, ang asikasuhin ang special guest ng resort na iyon na kaibigang matalik pa ng mismong may-ari.Marahan na iniikot ni Tamara ang kanyang paningin sa malawak na karagatan. Ocean Pearl Private Beach Resort was a world class resort. Kompleto na ito sa amenities na sadyang binabalik-balikan ng mga turista.Mayroon itong malaking beach house na pribadong pag-aari ni Mr. Ethan Villaver. It also has a luxury hotel where guests can stay. Maliban pa roon ay may iba't iba pang pagpipilian ang mga napaparoon na turista--- may pavilion, small beach houses and kubo style na malapit sa dalampasigan.Sa ganda ng lugar ay hindi na kataka-taka kung maraming guests ang sumasadya roon upang magbakasyon. At isa na nga roon ang matalik na kaibigan ni Mr. Villaver na siyang inaasikaso ngayon ni Roberto.Mayamaya pa ay napalingon siya sa kanyang likuran nang maramdaman ang presensiya ng isang tao, si Roberto. Naglalakad ito palapit sa kanya at nang tuluyang makalapit ay inaya siya nito patungo sa bahagi kung saan makikita ang ilang kubo na maaaring tuluyan ng mga guests."Kanina ka pa ba?" tanong nito sa kanya nang huminto sila sa paglalakad."May ilang saglit na rin. Kausap ko kanina si Rose. Nabanggit niya nga sa akin na abala ka pa kaya naghintay na lang ako," mahaba niyang pahayag dito.Tumango lang ito sa mga sinabi niya bago may kinuha mula sa bulsa ng suot nitong pantalon. Inabot nito iyon sa kanya bago muling nagwika."Alam ko na nang isang araw pa dapat ito pero alam mo naman na kailangan ko bayaran ang matrikula ng bunso ko," anito sa mababang tinig.She closed her hand firmly. Halos makadama siya ng hiya dahil roon ngunit hindi niya naman magawang tanggihan ang perang inabot nito. Kailangan na kailangan nila iyon ng kanyang ina lalo pa ngayon na ilang araw na silang hindi nakakapagtinda sa palengke dahil sa iniinda ng nanay niya.May maliit na pwesto sila sa palengke malapit lamang sa tinitirhan nila. Isang hapon ay hindi sinasadya na madulas ang kanyang ina na si Maribel sanhi para magkaroon ng pilay ang kanang kamay nito nang hindi sinasadyang maitukod nito nang matumba.Nang mga unang araw ay siya lang mag-isa ang tumatao sa kanilang pwesto ngunit nitong mga nakalipas na ay hindi na niya maiwan ang kanyang ina dahil sa sinabayan ng pagtaas ng presyon ng dugo nito ang iniindang pilay.And because of what happened, Roberto was her last resort. Iyon ang dahilan kung bakit pilit siyang nakikipagkita dito."S-Salamat. . . S-Sir Roberto," aniya kasabay ng marahan na paglunok."Alam ko na nagtatampo ka na sa akin," mayamaya ay saad muli nito. Hindi niya pa maiwasang mapaismid. Tampo? Alam ba nito na higit pa sa tampo ang nadarama niya?Nang nanatili siyang tahimik ay nagpatuloy pa ito. "Napag-usapan na natin ito, Tam. Hindi ka maaaring laging narito. May mga pagkakataon na dinadaanan ako ng asawa ko pagkagaling niya sa trabaho. Paano kapag nakita ka niya? Mahihirapan akong magpaliwanag ng tungkol sa ating dalawa.""N-Naiintindihan ko," saad niya sa mahinang tinig. "Pero hindi naman siguro kalabisan kung magkita tayo paminsan-minsan, hindi ba?"Roberto heaved out a deep sigh. Gumuhit din ang isang ngiti mula sa mga labi nito. "Of course, Tam. Of course."Sukat sa mga sinabi nito ay hindi na napigilan pa ni Tamara ang lapitan ang lalaki at yakapin ito. Pumaikot ang dalawa niyang kamay sa baywang nito bago walang pag-aalinlangan na isinubsob ang kanyang mukha sa dibdib ni Roberto.Halos ilang saglit pa ang lumipas bago niya naramdaman ang pagganti ni Roberto ng yakap sa kanya.*****BIGLANG nagdikit ang mga kilay ni Lorenzo dahil sa kanyang mga narinig at nasaksihan. Kasalukuyan siyang nagpapahinga sa kubong inookupa niya sa resort na iyon. Mas pinili niyang doon manatili sa buong durasyon ng kanyang bakasyon kaysa ang kumuha ng isang kwarto sa pinaka-hotel ng resort.The ambiance of the place was giving him peace. Tama si Ethan nang sabihin nitong ma-rerelax ang kanyang sarili kapag nagbakasyon siya sa probinsiya ng mga ito.Tahimik nga siyang nakahiga sa kamang nasa loob ng inookupa niya. Balak niyang mayamaya lang ay mag-ikot sa buong lugar.Hanggang sa ilang saglit ay maputol ang katahimikang tinatamasa niya nang makarinig siya ng mga tinig na nag-uusap. Hindi niya na sana nais pang pagtuunan ng pansin ang mga ito ngunit agad namang napukaw ang kanyang interes nang makilala niya ang mga tinig.He knew that the other voice was Roberto's. Ito ang empleyadong sumundo sa kanya mula sa airport at ang personal na nag-asikaso ng mga pangangailangan niya sa resort na iyon. Alam niya na ganoon ito kaabala sa kanya dahil na rin sa bilin ni Ethan. Kanina pa nga ay sinadya siya nito sa kubong iyon upang tanungin kung may kailangan pa siya.But what really caught his attention was the voice of the woman whom Roberto was talking to. Pamilyar sa kanya ang tinig nito dahilan para lumabas siya ng kubong inookupa at lumapit sa pinanggagalingan ng tinig upang makasiguro sa kanyang iniisip.Ilang metro lang ang layo mula sa kubo ay nakita niya si Roberto at ang babaeng kausap nito. He can never be wrong. Ito ang babaeng nakabungguan niya sa airport, unang araw pa lamang niya sa probinsiyang iyon. Ito ang babaeng naging dahilan ng pagkakasira ng cell phone niya.His eyebrows furrowed as he heard them talking. Nadagdagan pa ang mga gatla sa kanyang noo nang makita niyang may iabot sa dalaga si Roberto. Hindi niya man malapitan ay alam niyang pera ang nasa kamay ng babaeng tinawag nitong Tamara.Kung tutuusin ay wala siyang pakialam sa usapan ng mga ito. He should not stay there and listen to what they were talking. Eavesdropping was never his thing. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay nanatili lamang roon si Lorenzo at nakinig sa palitan ng mga ito ng salita.Hanggang sa halos mapigil niya ang kanyang hininga nang marinig niya ang mga sinabi ni Roberto. Pinagsasabihan nito ang dalaga na huwag madalas ang pagtungo roon? Na ayaw ni Roberto na makita ng asawa nitong nagkikita ito at ang dalaga? Na hindi nito alam kung paano magpapaliwanag sa asawa nito kapag nagkataon?What did Roberto mean by that? Bakit ayaw nitong mahuli ng asawa na nakikipag-usap sa babaeng kasama nito ngayon? Unless, this woman is his---Agad na napabaling si Lorenzo kay Tamara, ayon na rin sa pangalan na tinawag dito ni Roberto. Walang duda na ito nga ang babaeng nakaharap niya sa airport. She looked so young, much younger than her real age. Marahil ay dahil na rin sa gayak nito at kainosentehan ng mukha.Inosente? Inosente nga ba gayung hayun at waring may itinatago ito ni Roberto? And the heck, she was receiving money from a married man?He does not care at all--- he should not care at all! Hindi niya kilala ang mga ito at wala siyang pakialam sa kung anong buhay mayroon ang dalaga.But he can't help the tightening of his jaw as he remembered Charmaine, his ex-girlfriend. Hindi ba at halos ganoon din ang dati niyang kasintahan? Nakipaglapit si Charmaine sa kanya dahil sa estadong mayroon siya. Walang pinagkaiba sa babaeng kasama ni Roberto ngayon--- lumalapit sa lalaki para lang sa pera?Agad siyang napatayo nang tuwid nang makitang niyakap ng dalaga si Roberto. Ilang saglit pa ay nagpaalam na rin ang huli upang bumalik sa loob ng hotel. Alam niya na mamaya pa ang tapos ng trabaho nito.Naiwang mag-isa ang dalaga na sinundan pa ng tanaw ang papalayong si Roberto. Nang tuluyang makaalis ang empleyado ni Ethan ay marahan pang niyuko ng dalaga ang perang iniabot dito ni Roberto kanina. Hindi pa nakaligtas sa paningin niya ang panlulumo sa mga mata nito."Not enough for you?" bigla ay sabi niya dito dahilan para marahas na mapabaling sa kanya ang dalaga.Nahuli niya ang nabibiglang ekspresyon sa mukha nito nang masilayan siya. Alam niya, kahit hindi pa nito sinasabi, na namukhaan rin siya nito katulad ng kung paano niya ito agad nakilala kanina pagkakita niya."I-Ikaw?" anito sa nauutal na tinig.Lorenzo walked slowly towards her. Ni hindi humihiwalay ang kanyang paningin sa mukha nito. Until the corner of his lips twisted upwardly in a mocking smile."You have a good memory," aniya dito sabay yuko sa kamay nitong may hawak ng pera. Nang mapansin ng dalaga ang paninitig niya ay muli nitong ikinuyom ang kamay."Isa kang guest sa resort na ito," she said, more of a statement than a question."Kilala mo si Mr. Asuncion?" balik tanong niya sa halip na sagutin ang mga sinabi nito."Kilala mo rin siya? I---""I heard your conversation a while ago," putol niya sa mga sinasabi nito sa seryosong tinig.Agad namang napalunok ang kanyang kaharap dahil sa mga narinig. "A-Ano ang narinig mo?""Tama ba ang mga narinig ko, Tamara. . . Tamara, right? I heard Mr. Asuncion called you with that name.""Hindi ko alam na ugali mo palang makinig sa usapan ng may usapan, mister. Hindi ba---"Sa muli ay naputol ito sa pagsasalita nang sumingit siya."Are you Mr. Asuncion's mistress?""Ano?!" bulalas nito sa nagugulumihanang tinig.Kulang ang salitang gulantang sa nadarama ni Tamara nang marinig niya ang mga sinabi ng lalaki. Ang bigla nga nitong pagsulpot kanina ay labis na niyang ikinagulat, mas higit pa ang mga sinabi nito sa kanya.Hindi niya inaasahan na makitang muli sa resort na iyon ang lalaking nakabungguan niya sa airport nang isang araw. Sa laki ng Davao ay hindi na niya inakala pa na magkrus muli ang kanilang mga landas. At sa ganoon pa talagang senaryo!"Hindi ba?" saad pa ng lalaki sa tinig na nasisiguro niyang punong-puno ng sarkasmo. "Narinig ko ang usapan ninyo. Bakit ka pinagbabawalan na pumarito ni Mr. Asuncion? At bakit nababahala siya na baka makita ka ng asawa niya? May itinatago kayo?"Sa dami ng mga sinabi ng lalaki ay hindi agad nakasagot si Tamara. Ni hindi siya makaapuhap ng ano mang salita na ibabato dito. Damang-dama niya kasi ang panliliit dahil sa tono na ginamit nito.She swallowed hard. Sa kabila ng nadarama ay hindi siya nagpakita na naaapektuhan siya dahil sa mga sinabi ng lala
"H-Hindi ako makapaniwalaang kaibigan ka nga ni Sir Ethan. You are insane," saad ni Tamara sa halos nagugulumihanang tinig. "Naririnig mo ba ang mga sinabi mo, Mr. Olivar?""Of course, I do," balewala nitong tugon. Mistula pa nga itong naaaliw sa naging reaksyon niya. Patunay roon ang isang nakalolokong ngiti na naglalaro sa mga labi nito habang nakatitig sa kanya."Nababaliw ka na nga kung ganoon?" wika niya pa. "You were asking me to be your woman. Bakit naman ako, sa tingin mo, papayag sa gusto mo? Hindi ako---""Iyon naman ang papel mo sa buhay ni Mr. Asuncion, hindi ba?" sansala nito sa kanyang pagsasalita. "You are his woman. You did not even deny it. At ang mga sinabi mo kanina ay parang mga nagpatibay lang ng mga hinala ko sa iyo. But why stick to Mr. Asuncion if there could be a better replacement?"Nahahati ang damdamin ni Tamara sa mga sinasabi ng lalaking kanyang kaharap. Una, gusto niyang mainsulto dahil sa mga binato nitong salita. Dalawang beses pa lamang sila nagkikita
Dire-diretsong naglakad patungo sa kanilang bahay si Tamara. Pasado alas-siyete na ng gabi ngunit marami-rami pa ring bata ang nasa daan at naglalaro. Ang iba ay nagtatakbuhan pa at kailangan niyang ilagan upang hindi siya mabunggo. Sa isang sulok naman ng daan ay naroon ang mesang lagi na ay may inuman session ng kanilang mga kapitbahay. Nasa tapat mismo iyon ng bahay ng kapitbahay nilang si Mang Orling.Ganoon lagi ang senaryo sa lugar nila. Karamihan sa mga taga-roon ay katulad din nila ang estado sa buhay--- isang kahig, isang tuka. Kung hindi kikilos ay walang kakainin. At iyon ang uri ng buhay na gustong takasan ni Tamara.Hindi siya ganoon kaambisyosa. Maiahon niya lang talaga sa hirap ang kanyang ina ay sapat na para sa kanya. Hindi niya rin naman nais na habang-buhay ay naroon siya sa lugar na iyon at mag-aasam na lang kung may kakainin ba o wala.Iyon ang dahilan kung bakit nais niyang makabalik sa kanyang pag-aaral. Bente-kwatro anyos na siya at isang taon pa lang sa kolehi
Agad na nanlaki ang mga mata ni Tamara dahil sa ginawa ni Lorenzo. Sa loob ng ilang saglit ay hindi siya nakahuma sa kanyang kinatatayuan habang sakop pa rin nito ang kanyang mga labi. Isang mariing halik nga ang ibinigay nito sa kanya habang ang isang kamay ay mahigpit na nakapigil sa kanyang batok. Ang kabilang kamay naman nito ay nakahawak pa rin sa kanyang palapulsuhan.Until Tamara gasped softly as his lips moved on hers. Mistula itong nag-uudyok na ibuka niya ang kanyang bibig at tanggapin ang halik na binibigay nito. And because of what he did, Tamara was able to taste the alcohol that he had a while ago.Sanay naman siyang makakita ng mga lalaking umiinom. Sa lugar nila, waring normal na sa kanilang mga kapitbahay ang mag-inuman. Kahit walang okasyon at sa kabila ng hirap ng buhay ay nakakakuha ng pagkakataon ng ilan nilang mga kapitbahay na magkaroon ng inuman session.At aaminin niyang hindi niya gusto ang amoy ng alak sa ibang tao. Lalo na sa tuwing humahalo ang amoy ng inu
"Tulungan na kita, ate," salubong sa kanya ni Wilbert nang makita siya nitong papasok sa kanilang bahay.Agad nga nitong kinuha ang isang malaking plastic bag na bitbit niya mula sa palengke. Naglalaman iyon ng ilang gamit nila sa pwesto at ilang tirang paninda na inuwi niya na lamang upang ikonsumo nila sa bahay."Salamat, 'Bert," nakangiti niyang ganti dito.Nagpatiuna na ito sa pagpasok sa pinto at agad na ipinatong ang dala niya sa mesa sa kusina. Siya naman ay napasulyap sa mahabang upuan na nagsisilbing higaan na rin ni Wilbert sa tuwing gabi. Nagkalat pa roon ang ilang kwaderno ng pinsan niya na halatang pinag-aaralan pa nito.Hindi niya maiwasang mapangiti ulit. Nasa unang taon na ng kolehiyo si Wilbert. Sa kanila ito nakatira sapagkat ang ina nito, na kapatid ng Nanay Maribel niya, ay namamasukan bilang isang katulong sa maykayang pamilya sa kabilang bayan.Dahil solong anak si Wilbert at stay-in sa trabaho ang ina nito ay sa kanila na lamang umuuwi ang binatilyo. Wala na rin
Mula sa pagkakaupo sa kanyang higaan ay agad na napalingon si Tamara sa may hamba ng pintuan ng kanyang silid nang mula roon ay sumilip ang kanyang ina. Napatuwid siya ng pagkakaupo at nailapag din ang kwadernong hawak-hawak niya.Kasalukuyan kasi siyang nagguguhit ng iba't ibang uri ng damit. It was something that she always do every time she's bored. Minsan nga, sa tuwing nakararamdam siya ng bigat sa kanyang dibdib ay inaaliw niya lang ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-iisip ng iba't ibang disenyo ng mga kasuotan.Iba din kasi ang dulot sa kanya ng pagguguhit. It was something that helped her escape all her worries in her life. Hindi niya nga lang alam kung mabibigyan niya nga ba ng katuparan ang pangarap niyang maging isang designer."Gumuguhit ka na naman," puna ni Maribel sa kanyang ginagawa. Napayuko pa ito sa kwadernong nasa tabi niya. Nakabuklat pa kasi iyon sa pahina kung saan naroon ang huli niyang iginuhit."Nagpapaantok lang po," aniya sa mahinang tinig.Her mother
Maang na napatitig si Tamara kay Lorenzo matapos niyang marinig ang mga sinabi nito. Hindi niya pa mapigilang mapalunok dahil doon. Nang pagmasdan niya ang binata sa mukha nito ay naroon ang ekpresyon na halos magpailang sa kanya, bagay na hindi niya maunawaan kung bakit.Hinamig niya ang kanyang sarili upang ipakita na hindi siya naapektuhan sa mga sinabi nito. "A-Ano naman ang kaibahan niyon? Pareho lang naman iyon, Mr. Olivar?""Malaki ang pagkakaiba ng mga iyon, Tamara," mariin nitong saad. "Making love is very far from just fvcking."Iniwas niya ang kanyang mukha. Disimulado niyang ibinaling ang kanyang mga mata sa ibang panig ng condo unit nito. Si Lorenzo lang ang tao na hindi niya pa natatagalang nakikilala pero madalas niya nang nakakausap na ang paksa ay tungkol sa pakikipagtalik, bagay na hindi niya naman ginagawa sa iba, kahit sa kanyang mga kaibigan.Ilang beses na nga na ang nagiging laman ng usapan nila ay tungkol sa sex? Naalala niyang minsan pa siyang nagbanggit sa bin
Dumating ang unang araw ni Tamara sa Olivar Furniture Company. Aminado siyang kabado sapagkat hindi niya pa alam kung ano ang kahihinatnan ng kanyang trabaho sa kompanyang iyon.Ang usapan nila ni Lorenzo ay dadaanan siya nito sa condo unit at isasabay na sa pagpasok sa OFC. Hindi na siya kumontra pa. Hindi niya pa alam ang patungo sa kompanya ng mga ito at ayon pa sa binata ay kailangan siya nitong samahan sa pakikipag-usap kay Crisanta, ang empleyadong magpapaliwanag sa kanya ng magiging trabaho niya.Dahil unang araw niya at hindi niya nais na mapahiya kay Lorenzo ay maaga siyang gumising. Katunayan, alas-kwatro y medya pa lang ng umaga ay abala na siya sa pagluluto ng almusal. Sinabayan niya na rin ng babauning tanghalian sa trabaho. Ayon kasi kay Lorenzo ay alas-singko ang labasan ng mga empleyado nito. Naisipan niyang magbaon na lamang ng tanghalian kaysa ang gumastos pa sa pagbili.Matapos niyon ay ang sarili naman niya ang inasikaso niya. Naligo, nag-toothbrush at nagbihis na
Isa-isang pinasadahan ni Lorenzo ng tingin ang mga bagong disenyong ipinasa sa kanya nina Crisanta. Hawak niya sa kanyang mga kamay ang folder na naglalaman ng mga bagong gawa ng mga ito. Lahat ay masusi niyang pinag-aralan at sinuri.Para sa bago nilang proyekto ang mga naturang disenyo. Isang kilalang personalidad ang sadyang nagpagawa sa kanila ng mga muwebles at iba pang kasangkapan sa bagong pagawang bahay nito.Dalawang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin sila nawawalan ng mga kliyente. Nanatiling matagumpay ang Olivar Furniture Company at sa mga nakalipas na taon ay mas nadagdagan pa ang kanilang mga empleyado sapagkat mas dumarami ang mga proyektong nakukuha nila."These are good. Set a meeting by Wednesday to talk about these. I also want a presentation about the materials that we are going to use for these furniture," maawtorisado niyang wika kay Monique at Crisanta na ngayon ay magkatabing nakatayo sa harap ng kanyang executive desk.Isinara niya na ang folder na hawak-
"I love you, babe..." masuyong saad ni Lorenzo kay Tamara habang ang kanyang mga mata ay hindi man lang mapuknat sa pagtitig dito... sa pagtitig sa kanyang asawa."You've been saying that since a while ago," napapangiti nitong saad. Magkadikit pa ang mga kilay nito nang magsalita ngunit alam niya namang tinutukso lamang siya nito. Bakas naman kasi ang kaligayahan sa mukha nito mula pa kanina."I will never get tired on saying those words, my wife. I love you so much.""At hindi rin ako magsasawang sagutin ka ng 'I love you too'. Lagi, Renz, lagi kitang mamahalin," madamdamin nitong sabi sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay muli na namang bumukal ang mga luha sa mga mata nito.She has been emotional since their wedding started. Mas lalo pa nga itong naluha nang banggitin na nila ang kanilang mga wedding vows kanina.Nang makita ang emosyong nakalarawan sa mukha ni Tamara ay marahan niya pa itong hinapit sa baywang. Bahagyang mahirap na itong yakapin nang mahigpit sapagkat malaki na nga an
Two months later:"Napakaganda mo, Tam. Parang hindi ka buntis," nagagalak na saad ni Rose habang nakatitig sa repleksiyon niya sa salamin. May nakapaskil pang malawak na ngiti sa mga labi ng kaibigan niya matapos sabihin ang mga papuring iyon.Tamara responded with a smile. Hindi niya rin maiwasang pasadahan pa ng isang sulyap ang kanyang repleksiyon. She was glowing, not just because of the make-up on her face, but because of so much happiness that she was currently feeling right now.Ngayon ang araw ng kasal nilang dalawa ni Lorenzo. Dalawang buwan lang ang lumipas mula nang maging maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa at itinakda na nila ang kanilang pag-iisang dibdib.Si Lorenzo ang mas may nais na maikasal agad silang dalawa. Iyon ang gusto nitong mangyari bago pa man siya manganak. Ayon pa sa binata, ang nais nito ay dala-dala na niya ang apelyido nito bago pa man lumabas ang kanilang anak, bagay na ilang buwan na lang din naman ang hihintayin nila. Malaki na kasi ang kanya
"Walang dapat ipag-alala sa kasintahan mo, Mr. Olivar. Maayos ang kalagayan niya pati na ng kanyang pinagbubuntis," marahang saad ng doktor na tumingin kay Tamara.Hindi niya nga nagawang baguhin ang gusto ni Lorenzo. Hindi ito naawat sa kagustuhang madala siya sa ospital upang mapatingnan sa doktor kahit pa nasabi naman niya na maayos lang ang kanyang pakiramdam. Maliban sa bahagya pang nananakit ang isang sulok ng kanyang labi dahil sa iginawad na sampal ni Mr. Fernandez ay wala nang ibang iniinda si Tamara. Nasisiguro niya din na hindi masama ang bagsak niya kanina kaya kampante siyang walang masamang mangyayari sa kanyang pinagbubuntis.Ganoon pa man ay hindi niya napahinuhod si Lorenzo na huwag na lang siyang dalhin sa ospital. Kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin niya na lang na umuwi na sila sa bahay ng mga ito.But Lorenzo was determined to bring her to a hospital and have her checked. Hindi na siya umangal pa. Dama niya rin kasi na hindi nito nagustuhan ang ginawa niya
"They are on their way now, Renz. Nagmamaneho na rin ako papunta sa address na binigay mo," wika ni Gio mula sa kabilang linya.Kausap ito ni Lorenzo habang mabilis siyang nagmamaneho ng kanyang sasakyan. Naka-loud speaker ang kanyang cell phone at nakalagay sa stand nito na nasa tabi lamang ng kanyang manibela. He was not a reckless driver, pero sa pagkakataong iyon ay may pakiramdam siyang ano mang oras ay maaari siyang maaksidente dahil sa paraan ng pagmamaneho niya.Hindi niya nga maiwasang makadama ng pinaghalo-halong emosiyon. Nasa kanyang dibdib ang hindi matatawarang pag-aalala para kay Tamara at sa anak niyang pinagbubuntis nito. Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya oras na may mangyaring masama sa kanyang mag-ina.At the same time, he can't help but to be furious to Enrico. Kung kaharap niya lang ang matandang lalaki ay baka nasaktan na niya ito."Maraming salamat, Gio. I owe you this," aniya sa sinserong tinig."We are friends, Renz. You don't owe me anything. Kahit s
Naging mabagal ang paglalakad ni Tamara nang mapansin niya ang katahimikan ng lugar na pinagdalhan sa kanya ni Mr. Fernandez. Maliban kasi sa tunog ng kanilang mga yapak ay wala nang naririnig pa sa paligid. Walang palatandaan na may ibang tao roon maliban sa kanila ng matandang lalaki.Marahas siyang napalingon dito. Nasa likuran niya si Mr. Fernandez at nahuli niya pang nagtitipa sa cell phone nito. Kanina ay narinig niya pa ang pagtunog ng aparato, palatandaan na may tumatawag pero ni hindi man lang iyon sinagot ng matanda."N-Nasaan ho sina Lorenzo?" tanong niya sabay gala ulit ng paningin sa paligid.Hindi niya nga alam kung bakit siya sumama kay Mr. Fernandez. Ang bilin sa kanya ni Lorenzo ay maghintay lamang siya sa restaurant hanggang sa makabalik ito. But after talking to this man, she just found herself coming with him.Unang kita niya pa lang kay Mr. Fernandez ay nakadarama na siya ng kakaiba dito. It was as if something was not right. For some reasons, Tamara could feel so
Ipinarada ni Lorenzo ang kanyang sasakyan sa harap ng isang maliit na bahay na gawa lamang sa mga plywood at kahoy. Iyon ang address ng scholar na tinutukoy ng kanyang ina. Ilang minutong biyahe lamang iyon mula sa restaurant na pag-aari ng kanyang mga magulang.Hindi niya sana gustong iwan doon si Tamara. Kung siya lang ang masusunod ay nais niya muna itong ihatid pauwi sa kanilang bahay. Ngunit tama ang dalaga. Sadyang may kalayuan pa ang kanilang bahay mula sa restaurant at kung ihahatid niya pa muna ito ay matagal ang ipaghihintay ng kanyang ina.Hindi niya rin naman mahindian ang pakiusap ng kanyang mama na samahan itong pumunta sa awtoridad at sampahan ng reklamo ang kung sino mang salarin ng pang-haharass sa isa sa kanilang mga scholars. It was something that Lorenzo really admired on his parents. Maliban sa nagbibigay ng scholarship ang kanyang papa't mama sa ilang estudyanteng kapos sa pinansiyal na aspeto, madali ding lapitan ang kanyang mga magulang kung may problema man an
"Ang gaganda ng mga ito, Renz," buong paghangang saad ni Tamara habang pinagmamasdan niya ang iba't ibang paintings na nasa harapan nila.Nilapitan niya pa nga ang isa at marahang hinaplos ang salamin ng frame nito. Painting iyon na nagpapakita ng isang tanawin. It must be a tourist spot in Italy. Nakalagay kasi sa naturang obra ang pangalan ng lugar.Nasa loob sila ng isang silid sa malaking kabahayan ng mga Olivar. Ayon kay Lorenzo, ang mga paintings na iyon ay gawa pa ng abuelo nito, ama ng ina ng binata. Nang mamatay daw ang matanda ay sadyang naglaan ang mga ito ng isang malaking silid kung saan inilagay ang mga obra ng lolo nito. Lahat ng nakikita niyang larawan ay magaganda. Maaari ngang ihanay ang mga iyon sa gawa ng ilang sikat na pintor.Dahil sa mahilig din naman siyang gumuhit ay talagang humanga siya sa mga paintings na nasa kanilang harapan. Siya nga lang ay sa mga damit talaga mas tutok sa pagguguhit kaysa sa mga tanawin."Magaling ka rin naman gumuhit, hindi ba?" tanon
Agad na napalingon si Tamara sa direksiyon ng pinto ng banyo nang bigla ay bumukas iyon at iluwa si Lorenzo. Katatapos lang nitong maligo at kasalukuyan pang pinapatuyo ang basang buhok gamit ang maliit na tuwalya.Nahinto pa nga siya sa pag-aayos ng mga unan sa kama nito at napatitig na lamang sa binata. Lumabas ito ng banyo na tanging boxer shorts na lamang ang suot. Ni wala rin itong saplot pang-itaas.Kapwa na sila nasa loob ng silid ni Lorenzo. Doon din diniretso ang mga gamit niya na sa hula niya ay utos na rin nito. Lorenzo wanted for her to stay in his room, bagay na hindi niya na rin naman kinontra pa. Ano pa nga ba ang silbi ng pananatili sa ibang silid gayung heto't malaki na ang kanyang tiyan dahil sa pinagbubuntis niya ang anak nito?"Do you still need anything?" tanong ni Lorenzo sa kanya. Tapos na ito sa pagpupunas sa buhok at ngayon ay naglalakad na palapit sa kanya.Marahan siyang umiling bilang tugon sa tanong nito. Katulad nito ay nakapaglinis na rin siya ng kanyang