"Tulungan na kita, ate," salubong sa kanya ni Wilbert nang makita siya nitong papasok sa kanilang bahay.
Agad nga nitong kinuha ang isang malaking plastic bag na bitbit niya mula sa palengke. Naglalaman iyon ng ilang gamit nila sa pwesto at ilang tirang paninda na inuwi niya na lamang upang ikonsumo nila sa bahay."Salamat, 'Bert," nakangiti niyang ganti dito.Nagpatiuna na ito sa pagpasok sa pinto at agad na ipinatong ang dala niya sa mesa sa kusina. Siya naman ay napasulyap sa mahabang upuan na nagsisilbing higaan na rin ni Wilbert sa tuwing gabi. Nagkalat pa roon ang ilang kwaderno ng pinsan niya na halatang pinag-aaralan pa nito.Hindi niya maiwasang mapangiti ulit. Nasa unang taon na ng kolehiyo si Wilbert. Sa kanila ito nakatira sapagkat ang ina nito, na kapatid ng Nanay Maribel niya, ay namamasukan bilang isang katulong sa maykayang pamilya sa kabilang bayan.Dahil solong anak si Wilbert at stay-in sa trabaho ang ina nito ay sa kanila na lamang umuuwi ang binatilyo. Wala na rin kasi ang ama nito na maagang namatay dahil sa sakit.Isa pa sa mga dahilan kung bakit nais niyang magsumikap sa buhay ay dahil sa nais niyang tulungang makapagtapos sa pag-aaral si Wilbert. Parang kapatid na ang turing niya dito at hangga't maaari ay gusto niyang kapwa sila makatapos sa kolehiyo. Kahit kasi may trabaho ang ina nito ay kapos pa rin. Gasino lang din ang kinikita ng tiyahin niya bilang kasambahay. Sa matrikula pa lang ni Wilbert ay kulang na.Life was too hard for them. Dalawa lang na magkapatid ang kanilang mga ina at kapwa pang salat sa buhay. Pareho ang kapalaran ng mga ito na mag-isang tinataguyod ang mga anak."Si Nanay?" usisa niya sabay gala ng mga mata sa maliit nilang bahay."Nasa kwarto niya, ate," tugon nito kasabay ng muling pagbalik sa mahabang upuan. "Masama ho ang pakiramdam niya. Muli na namang tumaas ang blood pressure. Buti na lang ho at nakauwi na ako nang makaramdam siya ng hilo."Sukat sa mga sinabi nito ay dali-dali niyang tinungo ang silid ng kanyang ina. Agad siyang sumilip sa loob at naabutan pa ito sa akto na babangon mula sa higaan.Mabilis na naglakad si Tamara palapit dito. "Kumusta ho ang pakiramdam niyo, 'nay?" tanong niya sabay alalay dito sa pagbangon."Narinig ko ang boses mo kaya lalabas sana ako," wika nito sa halip na sagutin ang tanong niya."Nahihilo pa po ba kayo?""Hindi na. Napagod lang yata ako sa paglinis ng---""Sinabi ko naman sa inyo na huwag na kayong magkikilos-kilos," agad niyang awat sa mga sinasabi nito. Hindi niya maiwasang pagsabihan ito. May mga pagkakataon kasing matigas din talaga ang ulo ng kanyang ina."Hindi pa nga masyadong magaling ang pilay mo, 'nay," dagdag niya pa sa panenermon saka napabuntong-hininga na lamang. "Uminom na ho ba kayo ng gamot para sa presyon mo?"Maribel sighed. "W-Wala na, Tam. Huli na iyong ininom ko kagabi."Tamara closed her eyes tightly. Hindi niya alam pero labis na siyang nakadarama ng pagod, pisikal man o mental. Nakakapagod lang na sa tuwina ay ganito ang senaryo nila. Pero may karapatan ba siyang sumuko? Kung hindi siya kikilos ay mas lalo silang malulogmok sa ganoong sitwasyon."Bibili lang ho ako," aniya sabay mulat muli ng kanyang mga mata."Paano ang bayad sa pwesto sa palengke, Tamara? At hindi na natin mapapaikot ang puhunan kung laging nababawasan para lang ibili ng gamot ko.""Mas importante ho kayo," katwiran niya pa. "H-Huwag ho kayong mag-alala. Iniisip ko ho na maghanap ng trabaho."Dahil sa mga sinabi niya ay isang tao ang agad na pumasok sa kanyang isipan. Dalawang araw na mula nang huli niya itong makausap. Bigla pa ngang sumagi sa isipan niya ang naging takbo ng pag-uusap nila.Lorenzo was offering her a job. Ayon dito ay nagmamay-ari ito ng isang furniture company sa Manila at kung tatanggapin niya ang trabaho sa kompanya nito ay hindi rin birong halaga ang maaari niyang kitain. Malaking tulong na rin sa kanila ang kikitain niya roon kung sakaling pumayag siya.Hindi niya pinagdududahan ang kompanyang binanggit nito. Kaibigang matalik ni Ethan Villaver si Lorenzo Olivar kaya nasisiguro niyang nagmula din naman ito sa maykayang pamilya. Alam niyang kapwa lumaki sa maalwan na buhay ang dalawang lalaki.Pero kung papayag man siya ay ano naman ang magiging trabaho niya sa furniture company ng mga ito? Ni hindi siya tapos ng kolehiyo."Saan ka naman maghahanap ng trabaho, 'nak?" saad ng kanyang ina dahilan para maputol ang mga tumatakbo sa isipan niya."H-Hindi ko pa po alam. Pero pinag-iisipan ko po na... na tanggapin ang alok ng isa kong kakilala."*****ISANG malalim na buntong-hininga pa muna ang pinakawalan ni Tamara bago siya nagpatuloy sa paghakbang palapit sa entrada ng Ocean Pearl Private Resort. Sa tuwing pumupunta siya roon ay iisang tao lang ang kanyang sadya--- si Roberto.Nagiging madali sa kanya ang pagpasok roon dahil na rin sa kilala siya ng taong pinagkakatiwalaan sa lugar na iyon. Idagdag pa na kaibigan niya rin si Rose na madalas ay natatalaga sa may reception area.Ngunit iba ang sadya niya para sa araw na iyon. Hindi si Roberto ang hanap niya at sa halip ay ang taong kinaiinisan niya ang gusto niyang makausap.Si Lorenzo Olivar!Hindi niya alam kung naroon pa ito sa resort na iyon. Wala kasi siyang ideya kung nakabalik na ba ito ng Manila at tinapos na ang pagbabakasyon. Nevertheless, Tamara still tried to look for him. Kung hindi niya susubukan na magtungo roon ay hindi niya rin naman malalaman.Pinag-isipan niya nang napakaraming beses ang inalok sa kanya ng binata. Hindi niya man alam kung seryoso ito pero gusto niya pa rin subukan. Alam niyang hindi pa naging maganda ang mga unang pagkikita nila ni Lorenzo pero wala na siyang ibang mapagpipilian pa. Gusto niyang tanggapin ang trabahong ibinibigay nito.Lagi siyang kapos sa pagbili ng gamot ng kanyang ina. Ayon pa naman sa doktor ay kailangan imantini ang pag-inom nito ng gamot upang hindi atakihin ng high blood.Eh, paano niya iyon gagawin kung sa pang-araw-araw pa lang nila ay kulang na ang kita niya sa palengke? Maliban kasi sa kailangan niyang ipaikot ang puhunan nila para hindi siya matigil sa pagtitinda ay kailangan niya rin magtabi para sa pambayad sa pwestong inookupa nila.Ang ina naman ni Wilbert ay gasino lang ang napapadala sa kanila. Mababa lang naman kasi ang buwanang sahud nito. Sa tuwing nagbibigay ang tiyahin niya ay inilalaan niya iyon sa panggastos ni Wilbert sa eskwelahan. Hindi niya rin naman nais na matigil din ito sa pag-aaral tulad niya.Iyon ang dahilan kung bakit gusto niyang ikonsidera ang alok ni Lorenzo. Kung totoo man nga ang halagang binanggit nito ay malaking tulong na para sa pamilya niya.She was about to walk towards the reception area when suddenly, she saw Roberto. Nakatayo ito sa may covered pathwalk at kausap ang dalawang babaeng pamilyar na pamilyar na rin naman sa kanya--- ang mag-ina nito.She knew them. Sa maraming pagkakataon din kasi ay nakita na niya ang asawa at anak ni Roberto. Hindi niya pa nga maiwasang mapalunok habang mataman na pinagmamasdan ang mga ito.Nakaakbay si Roberto sa anak nito habang nagsasalita. May ngiti pa sa mga labi nito habang ginagawa iyon. Halata ang galak sa mukha nito habang kausap nito ang mag-ina. Ang asawa naman nito ay nakatayo lamang roon at may dala pang isang maliit na ecobag na kung ano man ang laman ay wala siyang ideya.Napatayo siya nang tuwid. Hindi niya pa namalayan na nanunubig na ang kanyang mga mata habang nakamasid sa mga ito. They looked okay.... kabaliktaran sa kung ano sila ng kanyang ina.Dahil marahil sa hinanakit na umusbong mula sa kanyang dibdib ay napahakbang si Tamara. Hindi niya naman gustong gumawa ng eksena. Nais niya lang lapitan ang mga ito.Ngunit bago pa man niya iyon magawa ay isang malaking kamay na ang agad ay humawak sa kanyang kanang braso at marahas siyang hinila palayo. Sa halip na makahakbang pa siya palapit kina Roberto ay inakay na siya ng kung sino man patungo sa may entrada ng resort. Tuloy-tuloy pa itong naglakad hanggang sa bahagya silang makalayo sa naturang lugar."Ano ba---"The man abruptly turned to look at her--- si Lorenzo."M-Mr. Olivar...""Ano ang iniisip mong gawin kanina? Ang gumawa ng eksena sa pamilya ni Mr. Asuncion?" magkasunod nitong tanong sa kanya. Hindi pa itinago ng binata ang bahagyang galit sa tinig nito nang magsalita.And Tamara was puzzled because of his outburst. Ano na naman ba ang ikinakagalit nito?"Fvck it!" narinig niyang mura pa nito nang mapansin na hilam na sa mga luha ang kanyang mga mata. Hindi niya kasi mapigilang makadama ng sakit nang makitang masaya si Roberto kasama ang asawa't anak nito. "Wala kang karapatang iyakan ang nakita mo, Tamara. Legal na pamilya ni Mr. Asuncion ang kasama niya kanina," tiim-bagang pang sabi ng binata.Legal na pamilya--- that almost killed her.Malungkot siyang napangiti. "Alam ko...""Alam mo? And yet, you are still here and trying to see him again? Talaga bang seryoso ka sa relasyon mo sa matandang lalaking iyon?"Maang na napatitig si Tamara sa kanyang kaharap. "Mr. Olivar---""Pumunta ka ba dito para makasama ulit siya?" anito pa at hindi pinansin ang sana ay sasabihin niya. "Then, you're sorry, Tamara. Mr. Asuncion is a married man.""Hindi siya ang pinunta ko dito," mabilis niyang sabi. Hinamig niya rin ang kanyang sarili nang maalala kung ano ang sadya niya talaga sa lugar na iyon."And what's the reason why you're here?" usisa nito, bahagyang nagusot ang noo dahil sa pagtataka.Marahan pa siyang napalunok bago ito sinagot. "I-Ikaw... I mean, gusto kitang makausap."Lorenzo stared at her. Pansin niya pa ang pag-angat ng isang kilay nito nang marinig ang mga sinabi niya."And why do you want to talk with me?""T-Tungkol sa... sa alok mo..." alanganin niyang sabi. "Tinatanggap ko na."Lorenzo was not able to speak. Mistula itong ipinako sa kinatatayuan habang nakatitig sa kanya."You're now accepting my proposition? You now want to be my woman---""Hindi!" biglang sigaw niya dito. Hindi niya rin maiwasan ang pag-ahon ng inis mula sa kanyang dibdib dahil sa maling akala nito. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. A-Ang... Ang tinutukoy ko ay ang trabahong inaalok mo."Ang sabi mo ay nagmamay-ari ka ng furniture company sa Manila," patuloy niya pa sa kanyang pagsasalita. "G-Gusto ko sanang subukan. Kung seryoso ang alok mo---""I was serious when I said that, Tamara," mabilis nitong singit dahilan para mahinto siya sa kanyang pagsasalita. "My family owns Olivar Furniture Company. We design and make the furniture that we are selling. Iyon ang negosyo namin.""D-Design?" hindi niya mapigilang itanong. Bagay kasi iyon na hilig niya rin naman gawin, sa mga damit nga lang at hindi sa mga kasangkapan o muwebles.Lorenzo nodded his head. "Yes. Kilala ang kompanya namin sa mga unique designs ng furniture. You can check it online. Hindi ako nagbibiro."Hindi niya naman pinagdududahan iyon. Katulad nga ng naisip niya, halata naman dito ang nagmula sa maalwan na pamilya."Does your offer still stand? K-Kahit anong trabaho lang, Mr. Olivar.""Sure," anito kasabay ng pagsilay ng isang pilyong ngiti. "Pero sa Manila ang kompanya namin, Tamara. Are you willing to leave this place?"Does she have a choice? Hirap siya sa lugar na ito. Bakit hindi siya makipagsapalaran sa Manila?Dahan-dahan siyang tumango bilang tugon dito. "Yes, pero sa dalawang kondisyon."Napahalukipkip ito sa kanyang harapan. "Ikaw na ang bibigyan ng trabaho, ikaw pa ang may kondisyon?"Hindi siya nakapagsalita. Ang totoo ay nahihiya siyang sabihin sa binata pero wala siyang ibang mapagpilian. Talagang kailangan niya ang tulong nito."So, what are your conditions?" tanong nito nang hindi siya umimik."Una, k-kung maaari sana... kapag sumama ako sa Manila, m-may perang maiiwan sa nanay ko. Pero huwag kang mag-alala," mabilis niya pang dagdag. "Ibabawas mo naman sa sasahurin ko. Kumbaga, advanced payment lang."Lorenzo's eyebrow arched. "Consider it done." Akmang magsasalita siya upang pasalamatan ito ngunit agad nang may idinagdag si Lorenzo. "What's the second condition?"She swallowed hard before she answered. "No hanky-panky. Ang legal na trabahong alok mo ang tinatanggap ko, hindi ang maging babae mo."Lorenzo shrugged his shoulders. "Iyong unang kondisyon mo, madaling gawan ng paraan. May maiiwan na halaga sa nanay mo oras na umalis tayo. Sa ikalawang kondisyon mo..." Sadyang binitin nito ang pagsasalita upang titigan niya ng nakaloloko. "Let's see, Tamara."Mula sa pagkakaupo sa kanyang higaan ay agad na napalingon si Tamara sa may hamba ng pintuan ng kanyang silid nang mula roon ay sumilip ang kanyang ina. Napatuwid siya ng pagkakaupo at nailapag din ang kwadernong hawak-hawak niya.Kasalukuyan kasi siyang nagguguhit ng iba't ibang uri ng damit. It was something that she always do every time she's bored. Minsan nga, sa tuwing nakararamdam siya ng bigat sa kanyang dibdib ay inaaliw niya lang ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-iisip ng iba't ibang disenyo ng mga kasuotan.Iba din kasi ang dulot sa kanya ng pagguguhit. It was something that helped her escape all her worries in her life. Hindi niya nga lang alam kung mabibigyan niya nga ba ng katuparan ang pangarap niyang maging isang designer."Gumuguhit ka na naman," puna ni Maribel sa kanyang ginagawa. Napayuko pa ito sa kwadernong nasa tabi niya. Nakabuklat pa kasi iyon sa pahina kung saan naroon ang huli niyang iginuhit."Nagpapaantok lang po," aniya sa mahinang tinig.Her mother
Maang na napatitig si Tamara kay Lorenzo matapos niyang marinig ang mga sinabi nito. Hindi niya pa mapigilang mapalunok dahil doon. Nang pagmasdan niya ang binata sa mukha nito ay naroon ang ekpresyon na halos magpailang sa kanya, bagay na hindi niya maunawaan kung bakit.Hinamig niya ang kanyang sarili upang ipakita na hindi siya naapektuhan sa mga sinabi nito. "A-Ano naman ang kaibahan niyon? Pareho lang naman iyon, Mr. Olivar?""Malaki ang pagkakaiba ng mga iyon, Tamara," mariin nitong saad. "Making love is very far from just fvcking."Iniwas niya ang kanyang mukha. Disimulado niyang ibinaling ang kanyang mga mata sa ibang panig ng condo unit nito. Si Lorenzo lang ang tao na hindi niya pa natatagalang nakikilala pero madalas niya nang nakakausap na ang paksa ay tungkol sa pakikipagtalik, bagay na hindi niya naman ginagawa sa iba, kahit sa kanyang mga kaibigan.Ilang beses na nga na ang nagiging laman ng usapan nila ay tungkol sa sex? Naalala niyang minsan pa siyang nagbanggit sa bin
Dumating ang unang araw ni Tamara sa Olivar Furniture Company. Aminado siyang kabado sapagkat hindi niya pa alam kung ano ang kahihinatnan ng kanyang trabaho sa kompanyang iyon.Ang usapan nila ni Lorenzo ay dadaanan siya nito sa condo unit at isasabay na sa pagpasok sa OFC. Hindi na siya kumontra pa. Hindi niya pa alam ang patungo sa kompanya ng mga ito at ayon pa sa binata ay kailangan siya nitong samahan sa pakikipag-usap kay Crisanta, ang empleyadong magpapaliwanag sa kanya ng magiging trabaho niya.Dahil unang araw niya at hindi niya nais na mapahiya kay Lorenzo ay maaga siyang gumising. Katunayan, alas-kwatro y medya pa lang ng umaga ay abala na siya sa pagluluto ng almusal. Sinabayan niya na rin ng babauning tanghalian sa trabaho. Ayon kasi kay Lorenzo ay alas-singko ang labasan ng mga empleyado nito. Naisipan niyang magbaon na lamang ng tanghalian kaysa ang gumastos pa sa pagbili.Matapos niyon ay ang sarili naman niya ang inasikaso niya. Naligo, nag-toothbrush at nagbihis na
Alas-singko y medya ng hapon nang bumaba si Tamara sa basement ng Olivar Furniture Company. Kanina ay nabanggit na sa kanya ni Lorenzo na isasabay siya nitong muli sa pag-uwi sa condo unit nito. Again, she did not refuse. Nais niya pang kabisaduhin nang maigi ang pagbiyahe mula sa unit ni Lorenzo patungo sa kompanya ng mga ito. Kapag alam niya na, hindi na niya nais pang abalahin ang binata sa paghatid at sundo sa kanya.Pagkarating sa may basement ay agad niyang tinungo ang kinapaparadahan ng sasakyan ni Lorenzo. Alam niyang naroon na ang binata sapagkat bago pa man ito tuluyang bumaba ay dumaan ito sa kanilang pwesto.Pero si Tamara ay sadyang nagpahuli sa pag-alis kaysa sa kanyang mga kasamahan at iyon ay dahil sa iisang rason. Hindi niya nais na makita ng mga ito na sasabay siya sa pag-uwi sa mismong may-ari ng OFC. Sa katunayan ay hindi niya nais na may makaalam na sa condo unit ni Lorenzo siya umuuwi.Hindi niya nais maging pulutan ng usapan ng mga empleyado roon. Kanina nga ay
Agad na napaupo nang tuwid si Tamara kasabay ng disimulado niyang pagpindot sa end call button sa kanyang cell phone. Ni hindi na niya nagawa pang magpaalam kay Roberto at basta na lamang pinutol ang kanilang pag-uusap.She almost wanted to curse herself. Kung umakto siya ay daig niya pa ang nahuli ng kanyang nobyo habang may kausap na ibang lalaki. And she can't understand why she felt that way. Siguro ay dahil na rin sa kaisipan na alam niyang hindi magugustuhan ni Lorenzo ang ideya na nakikipag-usap pa siya kay Roberto. Kapag nagkataon na malaman nitong ang matandang lalaki ang kausap niya ay malamang na mauuwi na naman sa bangayan ang usapan nilang dalawa.Ipinaintindi na sa kanya ng binata kung bakit siya nito inalok ng trabaho sa Manila--- nais nitong malayo siya kay Roberto sapagkat buo na ang paniniwala nitong kabit siya ng matandang lalaki. And Lorenzo didn't want for her to ruin Roberto's family.Nang una ay hindi niya maunawaan kung bakit ganoon na lang kaapektado ang binat
Abot-abot na hiya ang nadama ni Tamara nang makita niyang hawak ni Lorenzo ang mga papel kung saan sinubukan niyang gumuhit ng mga sample designs ng iba't ibang furniture. Pagkalabas niya nga mula sa restroom ay agad niyang natanaw ang mga ito na nakatayo malapit sa kanyang mesa. Dahil sa malapit lamang ang pwesto niya kay Crisanta, ang buong akala niya ay ito ang sadya nina Lorenzo.Nanlaki na lang bigla ang kanyang mga mata nang makitang nasa mga kamay na ng binata ang mga papel na ginamit niya kanina. Hindi niya pa alam kung ano ang iisipin. Ang alam niya lang ay nakadama siya ng hiya sapagkat ayaw niyang isipin ng mga ito na nakikisawsaw siya sa mga trabaho sa OFC."Mr. Olivar, h-hindi ko ho---""Were you the one who made those designs?" agad na putol ni Lorenzo sa kanyang mga sasabihin.Hindi siya agad nakahuma sa kanyang kinatatayuan. Damang-dama niya kasi na sa kanya nakatutok ang mga mata ng lahat ng taong naroon. Lahat ay naghihintay ng isasagot niya sa naging tanong ni Loren
Nakulong na lamang sa lalamunan ni Tamara ang pagsinghap na kumawala mula sa kanya nang bigla ay halikan siya ni Lorenzo. Halos nanlaki ang kanyang mga mata nang madama niya ang mga labi nito sa nakatikom niya pang bibig.She was not able to move. Pakiramdam niya ay naipako siya sa kanyang kinatatayuan habang mahigpit na nakapaikot sa kanyang baywang ang isang braso ng binata. Ang isang kamay naman nito ay nakapigil sa kanyang batok.Mayamaya pa ay umangat ang kanyang dalawang kamay at napahawak sa magkabilang braso ni Lorenzo. Hindi niya alam kung ano ang naging intensiyon niya sa paghawak dito. Maybe it was meant to find for more support because on that moment, she literally felt the weakening of her knees.Dahil sa nanatiling nakatikom ang kanyang mga labi ay bahagyang humiwalay si Lorenzo mula sa kanya. Konting distansiya lang ang ibinigay nito sa pagitan ng kanilang mga mukha dahilan para nang magsalita ito ay halos madama niya ang mabini nitong paghinga sa kanyang balat."Kiss m
Dumating ang oras ng presentation na pangungunahan ni Tamara. Alas-dos ng hapon ang dating nina Mr. Smith sa Olivar Furniture Company ngunit umaga pa lang ay aligaga na silang lahat para sa paghahanda.Si Tamara ay hindi na mailarawan ang kabang nasa kanyang dibdib. Umaga pa lang pagkarating niya sa kompanya ay hindi na siya mapalagay dahil sa labis na pag-iisip sa kung ano ang maaaring mangyari. Hindi niya man gustong makadama ng pressure ngunit hindi niya maiwasang ganoon nga ang umusbong mula sa kanyang dibdib.Alam niya na sa kanya nakasalalay ang approval ni Mr. Smith. Kung sakaling hindi niya magawa nang maayos mamaya ang pagpipresenta ng mga disenyo ay may posibilidad na hindi nila makuha ang matamis nitong oo."Are you ready?" Lorenzo asked her.Kasalukuyan siyang nasa loob ng opisina nito sapagkat ipinatawag siya ng binata pagkatapos ng kanilang lunch break. Tumuloy nga siya roon sapagkat ayon kay Crisanta ay nais siyang makausap ng big boss hinggil sa gagawin na presentation
Isa-isang pinasadahan ni Lorenzo ng tingin ang mga bagong disenyong ipinasa sa kanya nina Crisanta. Hawak niya sa kanyang mga kamay ang folder na naglalaman ng mga bagong gawa ng mga ito. Lahat ay masusi niyang pinag-aralan at sinuri.Para sa bago nilang proyekto ang mga naturang disenyo. Isang kilalang personalidad ang sadyang nagpagawa sa kanila ng mga muwebles at iba pang kasangkapan sa bagong pagawang bahay nito.Dalawang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin sila nawawalan ng mga kliyente. Nanatiling matagumpay ang Olivar Furniture Company at sa mga nakalipas na taon ay mas nadagdagan pa ang kanilang mga empleyado sapagkat mas dumarami ang mga proyektong nakukuha nila."These are good. Set a meeting by Wednesday to talk about these. I also want a presentation about the materials that we are going to use for these furniture," maawtorisado niyang wika kay Monique at Crisanta na ngayon ay magkatabing nakatayo sa harap ng kanyang executive desk.Isinara niya na ang folder na hawak-
"I love you, babe..." masuyong saad ni Lorenzo kay Tamara habang ang kanyang mga mata ay hindi man lang mapuknat sa pagtitig dito... sa pagtitig sa kanyang asawa."You've been saying that since a while ago," napapangiti nitong saad. Magkadikit pa ang mga kilay nito nang magsalita ngunit alam niya namang tinutukso lamang siya nito. Bakas naman kasi ang kaligayahan sa mukha nito mula pa kanina."I will never get tired on saying those words, my wife. I love you so much.""At hindi rin ako magsasawang sagutin ka ng 'I love you too'. Lagi, Renz, lagi kitang mamahalin," madamdamin nitong sabi sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay muli na namang bumukal ang mga luha sa mga mata nito.She has been emotional since their wedding started. Mas lalo pa nga itong naluha nang banggitin na nila ang kanilang mga wedding vows kanina.Nang makita ang emosyong nakalarawan sa mukha ni Tamara ay marahan niya pa itong hinapit sa baywang. Bahagyang mahirap na itong yakapin nang mahigpit sapagkat malaki na nga an
Two months later:"Napakaganda mo, Tam. Parang hindi ka buntis," nagagalak na saad ni Rose habang nakatitig sa repleksiyon niya sa salamin. May nakapaskil pang malawak na ngiti sa mga labi ng kaibigan niya matapos sabihin ang mga papuring iyon.Tamara responded with a smile. Hindi niya rin maiwasang pasadahan pa ng isang sulyap ang kanyang repleksiyon. She was glowing, not just because of the make-up on her face, but because of so much happiness that she was currently feeling right now.Ngayon ang araw ng kasal nilang dalawa ni Lorenzo. Dalawang buwan lang ang lumipas mula nang maging maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa at itinakda na nila ang kanilang pag-iisang dibdib.Si Lorenzo ang mas may nais na maikasal agad silang dalawa. Iyon ang gusto nitong mangyari bago pa man siya manganak. Ayon pa sa binata, ang nais nito ay dala-dala na niya ang apelyido nito bago pa man lumabas ang kanilang anak, bagay na ilang buwan na lang din naman ang hihintayin nila. Malaki na kasi ang kanya
"Walang dapat ipag-alala sa kasintahan mo, Mr. Olivar. Maayos ang kalagayan niya pati na ng kanyang pinagbubuntis," marahang saad ng doktor na tumingin kay Tamara.Hindi niya nga nagawang baguhin ang gusto ni Lorenzo. Hindi ito naawat sa kagustuhang madala siya sa ospital upang mapatingnan sa doktor kahit pa nasabi naman niya na maayos lang ang kanyang pakiramdam. Maliban sa bahagya pang nananakit ang isang sulok ng kanyang labi dahil sa iginawad na sampal ni Mr. Fernandez ay wala nang ibang iniinda si Tamara. Nasisiguro niya din na hindi masama ang bagsak niya kanina kaya kampante siyang walang masamang mangyayari sa kanyang pinagbubuntis.Ganoon pa man ay hindi niya napahinuhod si Lorenzo na huwag na lang siyang dalhin sa ospital. Kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin niya na lang na umuwi na sila sa bahay ng mga ito.But Lorenzo was determined to bring her to a hospital and have her checked. Hindi na siya umangal pa. Dama niya rin kasi na hindi nito nagustuhan ang ginawa niya
"They are on their way now, Renz. Nagmamaneho na rin ako papunta sa address na binigay mo," wika ni Gio mula sa kabilang linya.Kausap ito ni Lorenzo habang mabilis siyang nagmamaneho ng kanyang sasakyan. Naka-loud speaker ang kanyang cell phone at nakalagay sa stand nito na nasa tabi lamang ng kanyang manibela. He was not a reckless driver, pero sa pagkakataong iyon ay may pakiramdam siyang ano mang oras ay maaari siyang maaksidente dahil sa paraan ng pagmamaneho niya.Hindi niya nga maiwasang makadama ng pinaghalo-halong emosiyon. Nasa kanyang dibdib ang hindi matatawarang pag-aalala para kay Tamara at sa anak niyang pinagbubuntis nito. Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya oras na may mangyaring masama sa kanyang mag-ina.At the same time, he can't help but to be furious to Enrico. Kung kaharap niya lang ang matandang lalaki ay baka nasaktan na niya ito."Maraming salamat, Gio. I owe you this," aniya sa sinserong tinig."We are friends, Renz. You don't owe me anything. Kahit s
Naging mabagal ang paglalakad ni Tamara nang mapansin niya ang katahimikan ng lugar na pinagdalhan sa kanya ni Mr. Fernandez. Maliban kasi sa tunog ng kanilang mga yapak ay wala nang naririnig pa sa paligid. Walang palatandaan na may ibang tao roon maliban sa kanila ng matandang lalaki.Marahas siyang napalingon dito. Nasa likuran niya si Mr. Fernandez at nahuli niya pang nagtitipa sa cell phone nito. Kanina ay narinig niya pa ang pagtunog ng aparato, palatandaan na may tumatawag pero ni hindi man lang iyon sinagot ng matanda."N-Nasaan ho sina Lorenzo?" tanong niya sabay gala ulit ng paningin sa paligid.Hindi niya nga alam kung bakit siya sumama kay Mr. Fernandez. Ang bilin sa kanya ni Lorenzo ay maghintay lamang siya sa restaurant hanggang sa makabalik ito. But after talking to this man, she just found herself coming with him.Unang kita niya pa lang kay Mr. Fernandez ay nakadarama na siya ng kakaiba dito. It was as if something was not right. For some reasons, Tamara could feel so
Ipinarada ni Lorenzo ang kanyang sasakyan sa harap ng isang maliit na bahay na gawa lamang sa mga plywood at kahoy. Iyon ang address ng scholar na tinutukoy ng kanyang ina. Ilang minutong biyahe lamang iyon mula sa restaurant na pag-aari ng kanyang mga magulang.Hindi niya sana gustong iwan doon si Tamara. Kung siya lang ang masusunod ay nais niya muna itong ihatid pauwi sa kanilang bahay. Ngunit tama ang dalaga. Sadyang may kalayuan pa ang kanilang bahay mula sa restaurant at kung ihahatid niya pa muna ito ay matagal ang ipaghihintay ng kanyang ina.Hindi niya rin naman mahindian ang pakiusap ng kanyang mama na samahan itong pumunta sa awtoridad at sampahan ng reklamo ang kung sino mang salarin ng pang-haharass sa isa sa kanilang mga scholars. It was something that Lorenzo really admired on his parents. Maliban sa nagbibigay ng scholarship ang kanyang papa't mama sa ilang estudyanteng kapos sa pinansiyal na aspeto, madali ding lapitan ang kanyang mga magulang kung may problema man an
"Ang gaganda ng mga ito, Renz," buong paghangang saad ni Tamara habang pinagmamasdan niya ang iba't ibang paintings na nasa harapan nila.Nilapitan niya pa nga ang isa at marahang hinaplos ang salamin ng frame nito. Painting iyon na nagpapakita ng isang tanawin. It must be a tourist spot in Italy. Nakalagay kasi sa naturang obra ang pangalan ng lugar.Nasa loob sila ng isang silid sa malaking kabahayan ng mga Olivar. Ayon kay Lorenzo, ang mga paintings na iyon ay gawa pa ng abuelo nito, ama ng ina ng binata. Nang mamatay daw ang matanda ay sadyang naglaan ang mga ito ng isang malaking silid kung saan inilagay ang mga obra ng lolo nito. Lahat ng nakikita niyang larawan ay magaganda. Maaari ngang ihanay ang mga iyon sa gawa ng ilang sikat na pintor.Dahil sa mahilig din naman siyang gumuhit ay talagang humanga siya sa mga paintings na nasa kanilang harapan. Siya nga lang ay sa mga damit talaga mas tutok sa pagguguhit kaysa sa mga tanawin."Magaling ka rin naman gumuhit, hindi ba?" tanon
Agad na napalingon si Tamara sa direksiyon ng pinto ng banyo nang bigla ay bumukas iyon at iluwa si Lorenzo. Katatapos lang nitong maligo at kasalukuyan pang pinapatuyo ang basang buhok gamit ang maliit na tuwalya.Nahinto pa nga siya sa pag-aayos ng mga unan sa kama nito at napatitig na lamang sa binata. Lumabas ito ng banyo na tanging boxer shorts na lamang ang suot. Ni wala rin itong saplot pang-itaas.Kapwa na sila nasa loob ng silid ni Lorenzo. Doon din diniretso ang mga gamit niya na sa hula niya ay utos na rin nito. Lorenzo wanted for her to stay in his room, bagay na hindi niya na rin naman kinontra pa. Ano pa nga ba ang silbi ng pananatili sa ibang silid gayung heto't malaki na ang kanyang tiyan dahil sa pinagbubuntis niya ang anak nito?"Do you still need anything?" tanong ni Lorenzo sa kanya. Tapos na ito sa pagpupunas sa buhok at ngayon ay naglalakad na palapit sa kanya.Marahan siyang umiling bilang tugon sa tanong nito. Katulad nito ay nakapaglinis na rin siya ng kanyang