Agad na nanlaki ang mga mata ni Tamara dahil sa ginawa ni Lorenzo. Sa loob ng ilang saglit ay hindi siya nakahuma sa kanyang kinatatayuan habang sakop pa rin nito ang kanyang mga labi. Isang mariing halik nga ang ibinigay nito sa kanya habang ang isang kamay ay mahigpit na nakapigil sa kanyang batok. Ang kabilang kamay naman nito ay nakahawak pa rin sa kanyang palapulsuhan.
Until Tamara gasped softly as his lips moved on hers. Mistula itong nag-uudyok na ibuka niya ang kanyang bibig at tanggapin ang halik na binibigay nito. And because of what he did, Tamara was able to taste the alcohol that he had a while ago.Sanay naman siyang makakita ng mga lalaking umiinom. Sa lugar nila, waring normal na sa kanilang mga kapitbahay ang mag-inuman. Kahit walang okasyon at sa kabila ng hirap ng buhay ay nakakakuha ng pagkakataon ng ilan nilang mga kapitbahay na magkaroon ng inuman session.At aaminin niyang hindi niya gusto ang amoy ng alak sa ibang tao. Lalo na sa tuwing humahalo ang amoy ng inumin sa bibig ng mga ito. She did not like it just as much as she didn't want the smoke of the cigarette.But how come she didn't find Lorenzo's mouth disgusting? Amoy alak ito pero hindi masangsang sa ilong. Ganito ba talaga kapag mayaman?Hindi niya pa maiwasang mainis sa kanyang sarili. Paanong naisip niya pa ang bagay na iyon gayung sinasamantala na siya ng lalaking ito?Waring natauhan na agad niyang inipon ang lahat ng katinuan sa kanyang sarili. Inangat niya ang kanyang dalawang kamay at dahil sa hindi iyon inasahan ng binata ay wala itong nagawa nang ubod lakas niyang itinulak ito sa dibdib.Naging mabuway ang pagtayo ni Lorenzo at sanhi ng ginawa niya ay agad pa itong napaatras ng dalawang hakbang palayo sa kanya. Hindi pa man ito nakakabawi sa kanyang ginawa ay mabilis nang kumilos si Tamara. Umangat ang kanyang kanang kamay at ipinadapo ang palad niyon sa pisngi ni Lorenzo.Nagagalit siya dahil sa ginawa nito. Sa kabila ng katotohanan na napansin niya pa ang amoy ng bibig nito ay hindi niya itatanggi ang galit na agad ay umahon mula sa kanyang dibdib dahil sa kapangahasang ginawa ng binata--- ninakaw nito ang kanyang unang halik!At isiping ipinangako niya pa man din sa kanyang sarili na dapat ay karelasyon niya ang magbibigay sa kanya ng unang halik sa kanyang mga labi. Pero heto ang lalaking ito na hindi niya man lang boyfriend. Ni hindi niya nga ito maituturing na kaibigan man lang.Iyon ang dahilan kaya hindi niya napigilan ang kanyang sarili na sampalin ito. Wala itong karapatang halikan siya. Sobra na nga ito kung makainsulto sa pagkababae niya kahit wala naman itong alam, tapos heto pa at nangahas na angkinin ang kanyang mga labi.Lorenzo's head was tilted because of what she did. Bahagya pang natigilan ang binata nang dumapo ang kanyang palad sa pisngi nito. Sa wari pa ni Tamara ay saka lamang natauhan si Lorenzo at bumalik sa katinuan nito.He looked at her intently. Akmang aabutin siya nito ngunit mabilis na umatras si Tamara at galit na nagsalita."Huwag mo akong hahawakan!" nangangalaiti niyang saad dito."Tamara, I didn't mean to upset you. I-I... I mean---""What? You are sorry?" putol niya sa ano mang sasabihin ng binata. "Hindi pa ba sapat ang mga insulto mo, Mr. Olivar? Talaga bang ipaggigiitan mo ang gusto mo?""I am not sorry for kissing you," sansala nito sa kanya. "What my point was, I didn't mean to upset you. At hindi ko ugaling ipilit ang sarili ko sa babae, Tamara. I just don't know why I lost control a while ago."Paismid siyang ngumiti. "Talaga lang? Ang sabihin mo ang taas ng tingin mo sa sarili mo. You think you can dominate anyone. Iniinsulto mo ako at si Roberto, gayung kung iisipin ay mas madumi pa ang pagkatao mo kaysa sa aming dalawa."Ramdam ni Tamara ang paglabasan ng mga ugat sa kanyang leeg dahil sa galit na kanyang nararamdaman para dito. Kung posible lang na saktan niya pa ito ay ginawa niya na.But instead, Tamara chose to turn around and leave the place. Tinalikuran niya na nga si Lorenzo at halos lakad-takbong lumayo dito."Tamara!" narinig niya pang pagtawag sa kanya ng binata.Hindi na niya ito nilingon pa. Dire-diretso siyang humakbang palayo dito. Nang makarating sa lugar kung saan kausap niya kanina ang kanyang kaibigan ay wala na ito roon. Hindi niya na rin naman pinagkaabalahan pang hanapin ito at agad na lamang nilisan ang lugar.Nakalabas na siya sa solar ng resort ng bigla ay huminto si Tamara sa kanyang paglalakad. Binigyan niya rin muna ng isang sulyap ang lugar na pinanggalingan niya bago siya nagpakawala ng isang malalim na hininga. Maging ang ilang butil ng luha mula sa kanyang mga mata ay hindi na niya napigilan pang pumatak.She was filled with mixed emotions. Una na nga roon ang galit para kay Lorenzo Olivar. Lumabis na ito sa pang-iinsulto sa pagkatao niya. Alam niyang maduming babae ang tingin nito sa kanya dahil na rin sa kaalaman na may relasyon siya kay Roberto. And now, she knew very well why he kissed her just like that--- iniisip nitong mabilis naman siyang bibigay sapagkat ganoong uri ng babae nga ang tingin nito sa kanya.And damn him for that!Mariin siyang napapikit. Kasabay kasi ng galit sa kanyang dibdib ay hindi niya rin maitatanggi ang sakit at lungkot na umahon mula roon. Dahil sa lihim nila ni Roberto ay kailangan niya pang tiisin ang masamang tingin sa kanya ng ibang tao.And she did not have a choice but to accept it. Hindi niya man lang magawang ipagtanggol ang kanyang sarili. Paano niya nga naman gagawin iyon nang hindi nabubunyag ang totoo?Matapos ng gabing iyon ay pinilit ni Tamara na maging abala. Iniwasan niya rin munang magtungo sa resort kung saan naroon si Lorenzo upang hindi niya makita ang binata, kahit pa ang katumbas niyon ay ang ilang araw ding hindi niya pakikipagtagpo kay Roberto.Sa kabila ng binulabog ang isipan niya ng halik na ginawa nito ay kinailangan niya pa ring ipagpatuloy ang mga kailangan niyang gawin. At isa na nga roon ay ang magtungo sa pinagkukuhanan nila ng panindang saging.Karaniwan na ay mga gulay at prutas ang mga paninda nila sa palengke. May pinagkukuhanan silang supplier ng mga naturang paninda ay iyon ang inilalagay nila sa kanilang pwesto. At ang saging na mabenta sa kanila ay nanggagaling pa sa malawak na sagingan ng pamilya ni Ethan Villaver.Maliban sa resort na pag-aari ng mga ito ay ang malalawak na pataniman ng mga saging ang pangunahing pinagkakakitaan ng pamilya Villaver. Hindi lang sa iba't ibang probinsiya sa Pilipinas dinadala ang produkto ng mga ito, maging sa ibang bansa ay nakararating din ang mga iyon.At ngayong araw nga ay kailangan niyang magtungo sa sagingan ng mga Villaver para kumuha ng paninda. Malapit lamang iyon sa resort kaya at hindi rin naman nalalayo sa kanilang tinitirhan.Ang totoo ay hindi lang iyon ang lupain ng mga Villaver. Sa ibang lugar ay mayroon pa ang mga ito. Dine-deliver ang mga produkto sa mga kliyente nito. Ngunit dahil sa maliit na pwesto lang naman ang mayroon silang mag-ina ay siya na mismo ang sumasadya sa naturang pataniman upang kumuha ng mga paninda. Gasino lang naman kasi ang kapital na mayroon sila ng kanyang ina kumpara sa naglalakihang kliyente ng mga Villaver."Magandang umaga, ate," masigla niyang bati sa isa sa mga tauhan na lagi na ay nag-eestima sa kanya sa tuwing paparoon siya."Mas maganda ka sa umaga, Tamara," ganting-bati nito na agad niya namang ikinangiti."Naku, ate, nambola ka pa."Tumawa lamang ito habang patuloy lang sa pagsalansan ng mga saging na pahinog na. Ang ilan naman ay sadyang handa nang kainin. "Dating gawi ba?" usisa nito sa kanya."Oo, ate. Katulad lang ho ng dati kong kinukuha," wika niya."Sandali at aayusin ko," tugon nito sabay kilos na upang ayusin ang kanyang mga kukunin.Dahil nga sa matagal na rin silang kumukuha ng produkto sa mga Villaver ay alam na alam na ng ilang tauhan roon kung gaano kadami ang kinukuha niyang saging. Sa tuwing naroon na siya ay hindi na niya kailangan pang idetalye ang bibilhin niya. Alam na agad ng mga ito.Hindi nga nagtagal ay nasa dalawang naglalakihang plastic na ang ilang kilo ng saging na ibebenta niya naman sa pwesto nila sa palengke. Agad niya na rin iyong binayaran at magalang nang nagpaalam sa mga ito.Naglalakad na siya paalis nang maulanigan niya ang mga pamilyar na tinig. Agad pa siyang napalingon sa pinanggalingan niyon at halos matigilan nang masilayan ang mukha ng lalaking sa loob ng ilang araw ay gumulo sa sistema niya--- si Lorenzo. Kasalukuyan nitong kausap ang kaibigang si Ethan.*****"YOU HAVE a wide banana plantation, pre. Maayos pa magtrabaho ang mga tauhan niyo," totoo sa loob na papuri ni Lorenzo sa lupain ng kaibigan niya.Ilang araw na nga siyang namamalagi sa naturang probinsiya at sa pagkakataon na iyon ay naisipan ni Ethan na dalhin siya sa malawak na taniman ng mga ito ng saging.He was amazed by their business. Alam niyang malaki ang kinikita ng mga Villaver sa negosyong iyon. Bakit nga ba hindi gayung maging sa ibang bansa ay nakararating ang produkto ng mga ito?"Salamat, pre," tugon naman ni Ethan. "We really see to it na maayos ang lahat sa negosyong ito. Mahirap nang mapuna ng mga customer."He smiled. Akmang magsasalita siya nang lumapit ang isa sa matatandang tauhan roon."Excuse me, sir. May customer ho na gusto kang makausap," anito kay Ethan.Lumingon sa kanya ang kaibigan niya. Bago pa man maibuka ni Ethan ang bibig ay inunahan niya na itong magsalita."It's okay, pre. Maglalakad-lakad na lang muna ako.""Are you sure?""Of course," anito na sadyang tinapik pa ito sa balikat.Nagpaalam nga muna si Ethan sa kanya at sumama sa matandang lalaki. Sinundan niya pa ang mga ito ng tanaw bago nagpasya na mag-ikot muna sa lugar. Kahit papaano ay gusto niya ang kaisipan na makalayo pansamantala sa magulong siyudad kung saan pawang mga gusali at maraming sasakyan ang nakikita.At least sa lugar na ito, maliban sa magandang dagat sa resort ng kaibigan niya ay mga halaman naman ang natatanaw ng kanyang mga mata.Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ni Lorenzo nang agad rin siyang natigilan. Hindi nalalayo sa kanya ay naroon si Tamara. Nasa akto itong bubuhatin nang muli ang dalawang naglalakihang plastic na puno ng ilang piling ng saging.If he was not mistaken, she's in a hurry to leave. Naatraso lang ang pag-alis nito sapagkat nasira ang isang hawakan ng plastic."Tamara..."She abruptly looked at him. Nasa mukha nito ang animosity and he knew the reason why. Hindi nito nagustuhan ang paghalik na ginawa niya dito nang nakaraan.Maging si Lorenzo ay hindi rin maunawaan sa kanyang sarili kung bakit niya iyon ginawa. Hindi niya ugaling mamilit ng babae. Women just come and go in his life. He does not need to force anyone just to have them.Pero ang babaeng nasa harap niya ngayon... hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan niyang pumayag ito sa kanyang alok. The urge that he felt to have her was so strong that he, himself, didn't understand why.Mas lalo pang umigting ang kagustuhan niyang mapalapit dito nang mahagkan niya ang mga labi ng dalaga. Hindi naman ito ang unang babaeng nahagkan niya pero hindi niya maunawaan kung bakit naligalig na siya mula nang gabing iyon.He knew he wanted more than just kissing."What are you doing here?" tanong niya sa kawalan ng masabi."Isn't it obvious?" paasik nitong tanong habang patuloy sa pagtatali ng hawakan ng plastic."Let me help you---""Kaya ko," mabilis nitong turan dahilan para mahinto siya sa kanyang paglalakad."Papalitan mo na lang sa tauhan nina Ethan," suhestiyon niya pa.Hindi ito sumagot at pinagpatuloy lamang ang ginagawa. Because she was busy on what she's doing, Lorenzo got the chance to roam his eyes on her. Maganda si Tamara, no doubt about that. Though, aminado si Lorenzo na marami na rin siyang nakahalubilong magagandang babae katulad nito. Those socialites that he has dated, for example.Pero kung siya ang tatanungin ay mas humahanga siya sa gandang taglay ng babaeng nasa harap niya. Natural at hindi na kailangan pang lagyan ng makeup upang mangibabaw. Hindi rin nakakasawang pagmasdan kahit matagal."Tamara, about what happened---""Ayokong pag-usapan ang ginawa mo, Mr. Olivar," mabilis nitong saad. Tumayo pa ito nang tuwid upang harapin siya at saglit na tinigilan ang ginagawa."Look, Tamara... Okay, I'm sorry," agap niya pa. "That's what you want to hear, hindi ba? Well, I'm sorry."Napaismid ito. "Wala sa loob mo," puna nito sa paghingi niya ng tawad. Bubulong-bulong pa ito at halata ang inis sa mukha. Muli ding kinuha ng dalaga ang mga dala at inilapit sa paanan nito."You're selling bananas?" aniya pa."Oo, hindi kasi sapat ang nahuhuthot ko mula kay Roberto," sarkastiko nitong saad."Why don't you look for a job?"Pinanliitan siya nito ng mga mata. Hindi ito tumugon ngunit base sa titig na iginawad nito sa kanya, wari bang nagsasabi itong wala siyang pakialam sa buhay nito.Pero hindi nagpatinag si Lorenzo. Sa muli, sa hindi maintindihang rason, isang ideya ang bigla na lang ay pumasok sa kanyang isipan."I can offer you a job. I own a furniture company in Manila. You can check it on internet. Kung papayag kang magtrabaho roon ay hindi bababa sa bente mil ang kikitain mo buwan-buwan. What can you say?""Tulungan na kita, ate," salubong sa kanya ni Wilbert nang makita siya nitong papasok sa kanilang bahay.Agad nga nitong kinuha ang isang malaking plastic bag na bitbit niya mula sa palengke. Naglalaman iyon ng ilang gamit nila sa pwesto at ilang tirang paninda na inuwi niya na lamang upang ikonsumo nila sa bahay."Salamat, 'Bert," nakangiti niyang ganti dito.Nagpatiuna na ito sa pagpasok sa pinto at agad na ipinatong ang dala niya sa mesa sa kusina. Siya naman ay napasulyap sa mahabang upuan na nagsisilbing higaan na rin ni Wilbert sa tuwing gabi. Nagkalat pa roon ang ilang kwaderno ng pinsan niya na halatang pinag-aaralan pa nito.Hindi niya maiwasang mapangiti ulit. Nasa unang taon na ng kolehiyo si Wilbert. Sa kanila ito nakatira sapagkat ang ina nito, na kapatid ng Nanay Maribel niya, ay namamasukan bilang isang katulong sa maykayang pamilya sa kabilang bayan.Dahil solong anak si Wilbert at stay-in sa trabaho ang ina nito ay sa kanila na lamang umuuwi ang binatilyo. Wala na rin
Mula sa pagkakaupo sa kanyang higaan ay agad na napalingon si Tamara sa may hamba ng pintuan ng kanyang silid nang mula roon ay sumilip ang kanyang ina. Napatuwid siya ng pagkakaupo at nailapag din ang kwadernong hawak-hawak niya.Kasalukuyan kasi siyang nagguguhit ng iba't ibang uri ng damit. It was something that she always do every time she's bored. Minsan nga, sa tuwing nakararamdam siya ng bigat sa kanyang dibdib ay inaaliw niya lang ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-iisip ng iba't ibang disenyo ng mga kasuotan.Iba din kasi ang dulot sa kanya ng pagguguhit. It was something that helped her escape all her worries in her life. Hindi niya nga lang alam kung mabibigyan niya nga ba ng katuparan ang pangarap niyang maging isang designer."Gumuguhit ka na naman," puna ni Maribel sa kanyang ginagawa. Napayuko pa ito sa kwadernong nasa tabi niya. Nakabuklat pa kasi iyon sa pahina kung saan naroon ang huli niyang iginuhit."Nagpapaantok lang po," aniya sa mahinang tinig.Her mother
Maang na napatitig si Tamara kay Lorenzo matapos niyang marinig ang mga sinabi nito. Hindi niya pa mapigilang mapalunok dahil doon. Nang pagmasdan niya ang binata sa mukha nito ay naroon ang ekpresyon na halos magpailang sa kanya, bagay na hindi niya maunawaan kung bakit.Hinamig niya ang kanyang sarili upang ipakita na hindi siya naapektuhan sa mga sinabi nito. "A-Ano naman ang kaibahan niyon? Pareho lang naman iyon, Mr. Olivar?""Malaki ang pagkakaiba ng mga iyon, Tamara," mariin nitong saad. "Making love is very far from just fvcking."Iniwas niya ang kanyang mukha. Disimulado niyang ibinaling ang kanyang mga mata sa ibang panig ng condo unit nito. Si Lorenzo lang ang tao na hindi niya pa natatagalang nakikilala pero madalas niya nang nakakausap na ang paksa ay tungkol sa pakikipagtalik, bagay na hindi niya naman ginagawa sa iba, kahit sa kanyang mga kaibigan.Ilang beses na nga na ang nagiging laman ng usapan nila ay tungkol sa sex? Naalala niyang minsan pa siyang nagbanggit sa bin
Dumating ang unang araw ni Tamara sa Olivar Furniture Company. Aminado siyang kabado sapagkat hindi niya pa alam kung ano ang kahihinatnan ng kanyang trabaho sa kompanyang iyon.Ang usapan nila ni Lorenzo ay dadaanan siya nito sa condo unit at isasabay na sa pagpasok sa OFC. Hindi na siya kumontra pa. Hindi niya pa alam ang patungo sa kompanya ng mga ito at ayon pa sa binata ay kailangan siya nitong samahan sa pakikipag-usap kay Crisanta, ang empleyadong magpapaliwanag sa kanya ng magiging trabaho niya.Dahil unang araw niya at hindi niya nais na mapahiya kay Lorenzo ay maaga siyang gumising. Katunayan, alas-kwatro y medya pa lang ng umaga ay abala na siya sa pagluluto ng almusal. Sinabayan niya na rin ng babauning tanghalian sa trabaho. Ayon kasi kay Lorenzo ay alas-singko ang labasan ng mga empleyado nito. Naisipan niyang magbaon na lamang ng tanghalian kaysa ang gumastos pa sa pagbili.Matapos niyon ay ang sarili naman niya ang inasikaso niya. Naligo, nag-toothbrush at nagbihis na
Alas-singko y medya ng hapon nang bumaba si Tamara sa basement ng Olivar Furniture Company. Kanina ay nabanggit na sa kanya ni Lorenzo na isasabay siya nitong muli sa pag-uwi sa condo unit nito. Again, she did not refuse. Nais niya pang kabisaduhin nang maigi ang pagbiyahe mula sa unit ni Lorenzo patungo sa kompanya ng mga ito. Kapag alam niya na, hindi na niya nais pang abalahin ang binata sa paghatid at sundo sa kanya.Pagkarating sa may basement ay agad niyang tinungo ang kinapaparadahan ng sasakyan ni Lorenzo. Alam niyang naroon na ang binata sapagkat bago pa man ito tuluyang bumaba ay dumaan ito sa kanilang pwesto.Pero si Tamara ay sadyang nagpahuli sa pag-alis kaysa sa kanyang mga kasamahan at iyon ay dahil sa iisang rason. Hindi niya nais na makita ng mga ito na sasabay siya sa pag-uwi sa mismong may-ari ng OFC. Sa katunayan ay hindi niya nais na may makaalam na sa condo unit ni Lorenzo siya umuuwi.Hindi niya nais maging pulutan ng usapan ng mga empleyado roon. Kanina nga ay
Agad na napaupo nang tuwid si Tamara kasabay ng disimulado niyang pagpindot sa end call button sa kanyang cell phone. Ni hindi na niya nagawa pang magpaalam kay Roberto at basta na lamang pinutol ang kanilang pag-uusap.She almost wanted to curse herself. Kung umakto siya ay daig niya pa ang nahuli ng kanyang nobyo habang may kausap na ibang lalaki. And she can't understand why she felt that way. Siguro ay dahil na rin sa kaisipan na alam niyang hindi magugustuhan ni Lorenzo ang ideya na nakikipag-usap pa siya kay Roberto. Kapag nagkataon na malaman nitong ang matandang lalaki ang kausap niya ay malamang na mauuwi na naman sa bangayan ang usapan nilang dalawa.Ipinaintindi na sa kanya ng binata kung bakit siya nito inalok ng trabaho sa Manila--- nais nitong malayo siya kay Roberto sapagkat buo na ang paniniwala nitong kabit siya ng matandang lalaki. And Lorenzo didn't want for her to ruin Roberto's family.Nang una ay hindi niya maunawaan kung bakit ganoon na lang kaapektado ang binat
Abot-abot na hiya ang nadama ni Tamara nang makita niyang hawak ni Lorenzo ang mga papel kung saan sinubukan niyang gumuhit ng mga sample designs ng iba't ibang furniture. Pagkalabas niya nga mula sa restroom ay agad niyang natanaw ang mga ito na nakatayo malapit sa kanyang mesa. Dahil sa malapit lamang ang pwesto niya kay Crisanta, ang buong akala niya ay ito ang sadya nina Lorenzo.Nanlaki na lang bigla ang kanyang mga mata nang makitang nasa mga kamay na ng binata ang mga papel na ginamit niya kanina. Hindi niya pa alam kung ano ang iisipin. Ang alam niya lang ay nakadama siya ng hiya sapagkat ayaw niyang isipin ng mga ito na nakikisawsaw siya sa mga trabaho sa OFC."Mr. Olivar, h-hindi ko ho---""Were you the one who made those designs?" agad na putol ni Lorenzo sa kanyang mga sasabihin.Hindi siya agad nakahuma sa kanyang kinatatayuan. Damang-dama niya kasi na sa kanya nakatutok ang mga mata ng lahat ng taong naroon. Lahat ay naghihintay ng isasagot niya sa naging tanong ni Loren
Nakulong na lamang sa lalamunan ni Tamara ang pagsinghap na kumawala mula sa kanya nang bigla ay halikan siya ni Lorenzo. Halos nanlaki ang kanyang mga mata nang madama niya ang mga labi nito sa nakatikom niya pang bibig.She was not able to move. Pakiramdam niya ay naipako siya sa kanyang kinatatayuan habang mahigpit na nakapaikot sa kanyang baywang ang isang braso ng binata. Ang isang kamay naman nito ay nakapigil sa kanyang batok.Mayamaya pa ay umangat ang kanyang dalawang kamay at napahawak sa magkabilang braso ni Lorenzo. Hindi niya alam kung ano ang naging intensiyon niya sa paghawak dito. Maybe it was meant to find for more support because on that moment, she literally felt the weakening of her knees.Dahil sa nanatiling nakatikom ang kanyang mga labi ay bahagyang humiwalay si Lorenzo mula sa kanya. Konting distansiya lang ang ibinigay nito sa pagitan ng kanilang mga mukha dahilan para nang magsalita ito ay halos madama niya ang mabini nitong paghinga sa kanyang balat."Kiss m
Isa-isang pinasadahan ni Lorenzo ng tingin ang mga bagong disenyong ipinasa sa kanya nina Crisanta. Hawak niya sa kanyang mga kamay ang folder na naglalaman ng mga bagong gawa ng mga ito. Lahat ay masusi niyang pinag-aralan at sinuri.Para sa bago nilang proyekto ang mga naturang disenyo. Isang kilalang personalidad ang sadyang nagpagawa sa kanila ng mga muwebles at iba pang kasangkapan sa bagong pagawang bahay nito.Dalawang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin sila nawawalan ng mga kliyente. Nanatiling matagumpay ang Olivar Furniture Company at sa mga nakalipas na taon ay mas nadagdagan pa ang kanilang mga empleyado sapagkat mas dumarami ang mga proyektong nakukuha nila."These are good. Set a meeting by Wednesday to talk about these. I also want a presentation about the materials that we are going to use for these furniture," maawtorisado niyang wika kay Monique at Crisanta na ngayon ay magkatabing nakatayo sa harap ng kanyang executive desk.Isinara niya na ang folder na hawak-
"I love you, babe..." masuyong saad ni Lorenzo kay Tamara habang ang kanyang mga mata ay hindi man lang mapuknat sa pagtitig dito... sa pagtitig sa kanyang asawa."You've been saying that since a while ago," napapangiti nitong saad. Magkadikit pa ang mga kilay nito nang magsalita ngunit alam niya namang tinutukso lamang siya nito. Bakas naman kasi ang kaligayahan sa mukha nito mula pa kanina."I will never get tired on saying those words, my wife. I love you so much.""At hindi rin ako magsasawang sagutin ka ng 'I love you too'. Lagi, Renz, lagi kitang mamahalin," madamdamin nitong sabi sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay muli na namang bumukal ang mga luha sa mga mata nito.She has been emotional since their wedding started. Mas lalo pa nga itong naluha nang banggitin na nila ang kanilang mga wedding vows kanina.Nang makita ang emosyong nakalarawan sa mukha ni Tamara ay marahan niya pa itong hinapit sa baywang. Bahagyang mahirap na itong yakapin nang mahigpit sapagkat malaki na nga an
Two months later:"Napakaganda mo, Tam. Parang hindi ka buntis," nagagalak na saad ni Rose habang nakatitig sa repleksiyon niya sa salamin. May nakapaskil pang malawak na ngiti sa mga labi ng kaibigan niya matapos sabihin ang mga papuring iyon.Tamara responded with a smile. Hindi niya rin maiwasang pasadahan pa ng isang sulyap ang kanyang repleksiyon. She was glowing, not just because of the make-up on her face, but because of so much happiness that she was currently feeling right now.Ngayon ang araw ng kasal nilang dalawa ni Lorenzo. Dalawang buwan lang ang lumipas mula nang maging maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa at itinakda na nila ang kanilang pag-iisang dibdib.Si Lorenzo ang mas may nais na maikasal agad silang dalawa. Iyon ang gusto nitong mangyari bago pa man siya manganak. Ayon pa sa binata, ang nais nito ay dala-dala na niya ang apelyido nito bago pa man lumabas ang kanilang anak, bagay na ilang buwan na lang din naman ang hihintayin nila. Malaki na kasi ang kanya
"Walang dapat ipag-alala sa kasintahan mo, Mr. Olivar. Maayos ang kalagayan niya pati na ng kanyang pinagbubuntis," marahang saad ng doktor na tumingin kay Tamara.Hindi niya nga nagawang baguhin ang gusto ni Lorenzo. Hindi ito naawat sa kagustuhang madala siya sa ospital upang mapatingnan sa doktor kahit pa nasabi naman niya na maayos lang ang kanyang pakiramdam. Maliban sa bahagya pang nananakit ang isang sulok ng kanyang labi dahil sa iginawad na sampal ni Mr. Fernandez ay wala nang ibang iniinda si Tamara. Nasisiguro niya din na hindi masama ang bagsak niya kanina kaya kampante siyang walang masamang mangyayari sa kanyang pinagbubuntis.Ganoon pa man ay hindi niya napahinuhod si Lorenzo na huwag na lang siyang dalhin sa ospital. Kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin niya na lang na umuwi na sila sa bahay ng mga ito.But Lorenzo was determined to bring her to a hospital and have her checked. Hindi na siya umangal pa. Dama niya rin kasi na hindi nito nagustuhan ang ginawa niya
"They are on their way now, Renz. Nagmamaneho na rin ako papunta sa address na binigay mo," wika ni Gio mula sa kabilang linya.Kausap ito ni Lorenzo habang mabilis siyang nagmamaneho ng kanyang sasakyan. Naka-loud speaker ang kanyang cell phone at nakalagay sa stand nito na nasa tabi lamang ng kanyang manibela. He was not a reckless driver, pero sa pagkakataong iyon ay may pakiramdam siyang ano mang oras ay maaari siyang maaksidente dahil sa paraan ng pagmamaneho niya.Hindi niya nga maiwasang makadama ng pinaghalo-halong emosiyon. Nasa kanyang dibdib ang hindi matatawarang pag-aalala para kay Tamara at sa anak niyang pinagbubuntis nito. Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya oras na may mangyaring masama sa kanyang mag-ina.At the same time, he can't help but to be furious to Enrico. Kung kaharap niya lang ang matandang lalaki ay baka nasaktan na niya ito."Maraming salamat, Gio. I owe you this," aniya sa sinserong tinig."We are friends, Renz. You don't owe me anything. Kahit s
Naging mabagal ang paglalakad ni Tamara nang mapansin niya ang katahimikan ng lugar na pinagdalhan sa kanya ni Mr. Fernandez. Maliban kasi sa tunog ng kanilang mga yapak ay wala nang naririnig pa sa paligid. Walang palatandaan na may ibang tao roon maliban sa kanila ng matandang lalaki.Marahas siyang napalingon dito. Nasa likuran niya si Mr. Fernandez at nahuli niya pang nagtitipa sa cell phone nito. Kanina ay narinig niya pa ang pagtunog ng aparato, palatandaan na may tumatawag pero ni hindi man lang iyon sinagot ng matanda."N-Nasaan ho sina Lorenzo?" tanong niya sabay gala ulit ng paningin sa paligid.Hindi niya nga alam kung bakit siya sumama kay Mr. Fernandez. Ang bilin sa kanya ni Lorenzo ay maghintay lamang siya sa restaurant hanggang sa makabalik ito. But after talking to this man, she just found herself coming with him.Unang kita niya pa lang kay Mr. Fernandez ay nakadarama na siya ng kakaiba dito. It was as if something was not right. For some reasons, Tamara could feel so
Ipinarada ni Lorenzo ang kanyang sasakyan sa harap ng isang maliit na bahay na gawa lamang sa mga plywood at kahoy. Iyon ang address ng scholar na tinutukoy ng kanyang ina. Ilang minutong biyahe lamang iyon mula sa restaurant na pag-aari ng kanyang mga magulang.Hindi niya sana gustong iwan doon si Tamara. Kung siya lang ang masusunod ay nais niya muna itong ihatid pauwi sa kanilang bahay. Ngunit tama ang dalaga. Sadyang may kalayuan pa ang kanilang bahay mula sa restaurant at kung ihahatid niya pa muna ito ay matagal ang ipaghihintay ng kanyang ina.Hindi niya rin naman mahindian ang pakiusap ng kanyang mama na samahan itong pumunta sa awtoridad at sampahan ng reklamo ang kung sino mang salarin ng pang-haharass sa isa sa kanilang mga scholars. It was something that Lorenzo really admired on his parents. Maliban sa nagbibigay ng scholarship ang kanyang papa't mama sa ilang estudyanteng kapos sa pinansiyal na aspeto, madali ding lapitan ang kanyang mga magulang kung may problema man an
"Ang gaganda ng mga ito, Renz," buong paghangang saad ni Tamara habang pinagmamasdan niya ang iba't ibang paintings na nasa harapan nila.Nilapitan niya pa nga ang isa at marahang hinaplos ang salamin ng frame nito. Painting iyon na nagpapakita ng isang tanawin. It must be a tourist spot in Italy. Nakalagay kasi sa naturang obra ang pangalan ng lugar.Nasa loob sila ng isang silid sa malaking kabahayan ng mga Olivar. Ayon kay Lorenzo, ang mga paintings na iyon ay gawa pa ng abuelo nito, ama ng ina ng binata. Nang mamatay daw ang matanda ay sadyang naglaan ang mga ito ng isang malaking silid kung saan inilagay ang mga obra ng lolo nito. Lahat ng nakikita niyang larawan ay magaganda. Maaari ngang ihanay ang mga iyon sa gawa ng ilang sikat na pintor.Dahil sa mahilig din naman siyang gumuhit ay talagang humanga siya sa mga paintings na nasa kanilang harapan. Siya nga lang ay sa mga damit talaga mas tutok sa pagguguhit kaysa sa mga tanawin."Magaling ka rin naman gumuhit, hindi ba?" tanon
Agad na napalingon si Tamara sa direksiyon ng pinto ng banyo nang bigla ay bumukas iyon at iluwa si Lorenzo. Katatapos lang nitong maligo at kasalukuyan pang pinapatuyo ang basang buhok gamit ang maliit na tuwalya.Nahinto pa nga siya sa pag-aayos ng mga unan sa kama nito at napatitig na lamang sa binata. Lumabas ito ng banyo na tanging boxer shorts na lamang ang suot. Ni wala rin itong saplot pang-itaas.Kapwa na sila nasa loob ng silid ni Lorenzo. Doon din diniretso ang mga gamit niya na sa hula niya ay utos na rin nito. Lorenzo wanted for her to stay in his room, bagay na hindi niya na rin naman kinontra pa. Ano pa nga ba ang silbi ng pananatili sa ibang silid gayung heto't malaki na ang kanyang tiyan dahil sa pinagbubuntis niya ang anak nito?"Do you still need anything?" tanong ni Lorenzo sa kanya. Tapos na ito sa pagpupunas sa buhok at ngayon ay naglalakad na palapit sa kanya.Marahan siyang umiling bilang tugon sa tanong nito. Katulad nito ay nakapaglinis na rin siya ng kanyang