Maang na nakatingala lamang si Tamara at nakatitig sa mukha ni Lorenzo. Narinig niya naman ang mga sinabi nito ngunit mistula bang nahirapan siyang iproseso iyon sa kanyang isipan.Yes, he was right. Nasa Manila pa man siya ay nagpahiwatig na ito ng kagustuhan na pakasalan siya. Katunayan ay nakaplano sana ang pag-uwi nila sa Batangas upang maipakilala siya ng binata sa mga magulang nito. Bagay nga iyon na hindi na natuloy dahil sa hindi nila pagkakaunawaan.But now, looking at his face, Tamara saw so much determination. Kahit siguro anong sabihin niya ay hindi mababago ang pasya nito.Marahan na lamang siyang napayuko. "M-Matapos mong malaman ang tungkol sa pagkatao ko, hindi man lang ba nagbago ang kagustuhan mong pakasalan ako, Renz?""Anong klaseng tanong iyan, Tamara?" balik nito sa kanya. Halos karinggan niya pa ng inis ang tinig nito. He was always like this--- napakaikli ng pasensiya. "Kahit nang nasa condo pa kita ay napag-usapan na natin ang tungkol sa kasal, hindi ba?"She
Last Updated : 2024-02-08 Read more