"Thank you..." saad niya kay Roberto sa mahinang tinig nang ilagay nito sa mismong harap niya ang isang tasa ng kapeng inorder nito para sa kanya. Sunod nitong inabot sa kanya ay ang platong naglalaman ng italian pasta.Roberto also got his own order. Nang mailipat na sa mesa ang mga pagkain ay saka nito itinabi ang tray na pinaglagyan ng mga iyon. Then, he faced her. Isang ngiti ang agad ay sumilay sa mga labi nito nang balingan siya."Kumain ka, Tamara. Para bang ang laki ng inihulog ng katawan mo kaysa nang huli tayong nagkita," puna sa kanya ni Roberto habang abala na nito sa paghahalo ng sariling pagkain. Ginagawa nito iyon habang sa kanya pa nakatingin.Aminado din naman siyang waring pumayat siya nitong mga dumaang araw. Maliban nga sa naging tamilmil siya sa pagkain ay labis din siyang nasubsob sa dami ng gawain sa OFC. Iyon marahil ang dahilan kaya malaki ang inihulog ng kanyang katawan.She just smiled at Roberto. Inabot niya na rin ang sariling tasa ng kape. Hawak niya ang
Matapos ng mahigpit na yakap na iginawad ni Roberto kay Tamara ay saglit pa muna silang nag-usap. Ipinaliwanag niya dito ang relasyong mayroon siya kay Lorenzo. Alam niyang nagdududa ito at wala siyang balak na magsinungaling dahilan para sabihin niya dito ang totoo.Nang una ay nakitaan niya pa ng pagtutol si Roberto sa kaalaman na nakatira siya sa condo unit ng binata. Nakaringgan niya ito ng pananaway at nais pa sana isuhestiyon na hanapan siya ng ibang matitirhan. But Tamara insisted that everything was okay. Inamin niya nga dito ang relasyon nila ni Lorenzo, maging ang pag-alok ng binata ng kasal sa kanya.Dama niya ang maraming katanungan na nais ibato sa kanya ni Roberto. Kung wala lang marahil itong lakad na kailangan habulin para sa araw na iyon bago umuwi ng Davao ay hindi nito tatapusin ang pag-uusap nilang dalawa.But just like what he said, sadyang isiningit lang ng matandang lalaki sa schedule nito ang pagkikita nila nang araw na iyon. Bagay iyon na sa mga nakalipas na mg
Isang malalim na buntong-hininga pa muna ang pinakawalan ni Lorenzo bago niya inabot ang doorknob ng pinto ng kanyang condo unit. Pinihit niya iyon saka dahan-dahan nang binuksan. Agad na sumalubong sa kanya ang katahimikan nang humakbang siya papasok habang iginagala pa ang kanyang paningin sa kabuuan niyon.Galing siya ng Olivar Furniture Company. Doon siya nagpalipas ng buong magdamag matapos ng naging pagtatalo nila ni Tamara kagabi. Katunayan, hanggang ng mga oras na iyon ay suot niya pa rin ang mga kasuotang nasa katawan niya kahapon.He didn't bother to change kahit pa may ilang damit din naman siya sa kanyang opisina. Pagkaalis niya kasi ng condo kahapon ay sa isang restobar muna siya dumiretso at alak ang binalingan kahit pa maaga pa nang mga oras na iyon.Hindi niya maiwasang lunurin ang kanyang sarili sa pag-inom. Punong-puno siya ng hinanakit matapos ng naging pag-uusap nila ni Tamara. Parang isang video tape pa na paulit-ulit niyang nakikita sa kanyang balintataw ang ekse
Lorenzo was left dumbfounded. Hindi niya sukat akalain na ganoon na lamang kadaling makagagawa ng pasya si Tamara. Harap-harapan nitong pinakita sa kanya na mas pinipili nito si Roberto kaysa sa kanya. Ni hindi man lang ito nagdalawang-isip na umalis sa kanyang condo unit. Tuluyan nga siya nitong iniwan.Mariin niyang naikuyom ang kanyang dalawang kamao. Kung simula pa kahapon ay sakit at hinanakit ang bumabalot sa kanyang dibdib, ngayon ay nadagdagan na iyon ng labis na galit na halos pumiga sa kanyang puso. Kung kanino partikular niya nadarama ang galit na iyon ay hindi na niya masabi.May kung ilang saglit pa siyang hindi nakahuma sa kanyang kinatatayuan. Mistula siyang natuklaw ng ahas at sa loob ng ilang sandali ay hindi nakakilos. Nakatuon lamang ang kanyang mga mata sa pintuan na nilabasan ni Tamara.He wanted to think that everything was just a joke. Na baka babalik din agad si Tamara at sasabihin na ang lahat ng iyon ay isang biro lamang. Na hindi totoong may relasyon ito kay
Hindi malaman ni Tamara kung ano ang mararamdaman niya matapos marinig ang mga sinabi ni Roberto. Maging ang paraan ng pagtawag nito sa kanya ay sadyang nagpahito sa kanyang paghakbang. Marahas nga ang nagawa niyang paglingon sa kinahihigaan nito dahil doon.Yes... anak. Siya ang panganay na anak ni Roberto!Sa buong buhay niya, wala siyang matandaang tinawag siya nito sa ganoong paraan. Kailan niya nga ba unang nakilala si Roberto at nalaman ang tungkol dito? If she was not mistaken, she was barely fourteen or fifteen that time.Inamin iyon sa kanya ng Nanay Maribel niya matapos niyang masangkot na naman sa isang pakikipag-away. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nakararanas ng pangungutya mula sa mga kalaro at kaibigan niya dahil lang sa lumaki siyang walang ama.Everyone would call her names. Hindi rin kasi lingid sa lahat na walang asawa ang kanyang ina at basta na lamang nagdalang-tao nang kabataan nito. Iyon marahil ang dahilan kung bakit laman ito ng tsismis ng m
"Humihingi ka ba ng tawad sa akin dahil sa tama ang kung ano man ang iniisip ko ngayon, Tamara?" tanong ni Maribel kay Tamara sa seryosong tinig. Binitawan din nito ang hawak-hawak na sandok para mataman siyang matitigan sa kanyang mukha.Mariing napalunok si Tamara kasabay ng pagyuko niya ng kanyang ulo. Ni hindi niya alam kung ano ang isasagot sa kanyang ina kaya sa halip na magsalita pa ay napatango na lamang siya.Ilang sunod-sunod na pagtango ang kanyang ginawa bilang sagot sa tanong nito. Hindi man tuwiran ngunit naiintindihan niya kung ano ang ibig nitong malaman. At walang balak na magsinungaling si Tamara. Ngayong kaharap niya na ang kanyang ina ay gusto niya ring sabihin dito ang totoo."S-Sino? Kailan, Tamara? A-Ang ibig kong sabihin..."Maribel stopped talking. Mistula bang wala itong mahagilap na tamang salitang idudugtong sa kung ano man ang nais nitong sabihin sa kanya.Napaangat ng kanyang ulo si Tamara at matapang na sinalubong ang mga titig ng kanyang ina. Agad pang
Ilang araw ang matuling lumipas. Mas itinuon ni Tamara ang kanyang mga oras sa pagiging abala sa kanilang puwesto sa palengke. Dahil sa wala na siyang trabaho ay siniguro niya na may pagkakakitaan pa rin silang mag-ina. May naipon din naman siya mula sa pagtatrabaho sa kompanya nina Lorenzo at iyon ang idinagdag niyang pangpuhunan sa kanilang maliit na tindahan sa palengke.Hindi pa nga sana sang-ayon ang kanyang ina na magpagod siya agad dahil na rin sa kanyang kalagayan. Gustong akuin ng kanyang ina ang pag-aasikaso sa kanilang puwesto at pinayuhan siyang magpahinga lang sa kanilang bahay.Pero hindi pumayag si Tamara. Sa tuwing napapag-isa siya ay hindi maiwasang si Lorenzo lamang ang laman ng kanyang isipan. Hindi niya rin maiwasang alalahanin ang mga araw na kasama niya ito. Kapag ganoon na ang nangyayari ay nababalot lamang siya ng labis na kalungkutan.And that was the reason why she made herself busy. Gustuhin man ng kanyang ina na manatili lang siya sa kanilang bahay dahil ba
"Renz, is there something bothering you?"Marahas na napalingon si Lorenzo nang marinig niya ang tinig ng kanyang ina. Unti-unti itong naglalakad palapit sa kanyang kinatatayuan habang may pag-aalalang ekspresyon sa mukha.Naging matagumpay nga ang pamimigay ng grocery packs ng organisasyong kinabibilangan ng kanyang ama. Sa kabila ng maraming isiping bumabagabag sa isipan ni Lorenzo ay hindi niya rin maiwasang magalak nang makita ang mga ngiti sa mga labi ng kanilang mga kababayan habang tinatanggap ang nasabing regalo mula sa kanila. Everyone was grateful for what they received.Isa lang ang hindi nagustuhan ni Lorenzo habang isinasagawa ang naturang aktibidades at iyon ay ang presensiya ni Charmaine at ng ama nitong si Enrico.Sa buong durasyon ng event kanina ay walang ibang ginawa ang dati niyang kasintahan kung hindi ang makuha ang kanyang atensiyon. Iyon ay sa kabila ng lantaran niyang pagpapakita ng kawalang interes sa dalaga.Ni hindi pa ito umalis sa kanyang tabi dahilan par
Isa-isang pinasadahan ni Lorenzo ng tingin ang mga bagong disenyong ipinasa sa kanya nina Crisanta. Hawak niya sa kanyang mga kamay ang folder na naglalaman ng mga bagong gawa ng mga ito. Lahat ay masusi niyang pinag-aralan at sinuri.Para sa bago nilang proyekto ang mga naturang disenyo. Isang kilalang personalidad ang sadyang nagpagawa sa kanila ng mga muwebles at iba pang kasangkapan sa bagong pagawang bahay nito.Dalawang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin sila nawawalan ng mga kliyente. Nanatiling matagumpay ang Olivar Furniture Company at sa mga nakalipas na taon ay mas nadagdagan pa ang kanilang mga empleyado sapagkat mas dumarami ang mga proyektong nakukuha nila."These are good. Set a meeting by Wednesday to talk about these. I also want a presentation about the materials that we are going to use for these furniture," maawtorisado niyang wika kay Monique at Crisanta na ngayon ay magkatabing nakatayo sa harap ng kanyang executive desk.Isinara niya na ang folder na hawak-
"I love you, babe..." masuyong saad ni Lorenzo kay Tamara habang ang kanyang mga mata ay hindi man lang mapuknat sa pagtitig dito... sa pagtitig sa kanyang asawa."You've been saying that since a while ago," napapangiti nitong saad. Magkadikit pa ang mga kilay nito nang magsalita ngunit alam niya namang tinutukso lamang siya nito. Bakas naman kasi ang kaligayahan sa mukha nito mula pa kanina."I will never get tired on saying those words, my wife. I love you so much.""At hindi rin ako magsasawang sagutin ka ng 'I love you too'. Lagi, Renz, lagi kitang mamahalin," madamdamin nitong sabi sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay muli na namang bumukal ang mga luha sa mga mata nito.She has been emotional since their wedding started. Mas lalo pa nga itong naluha nang banggitin na nila ang kanilang mga wedding vows kanina.Nang makita ang emosyong nakalarawan sa mukha ni Tamara ay marahan niya pa itong hinapit sa baywang. Bahagyang mahirap na itong yakapin nang mahigpit sapagkat malaki na nga an
Two months later:"Napakaganda mo, Tam. Parang hindi ka buntis," nagagalak na saad ni Rose habang nakatitig sa repleksiyon niya sa salamin. May nakapaskil pang malawak na ngiti sa mga labi ng kaibigan niya matapos sabihin ang mga papuring iyon.Tamara responded with a smile. Hindi niya rin maiwasang pasadahan pa ng isang sulyap ang kanyang repleksiyon. She was glowing, not just because of the make-up on her face, but because of so much happiness that she was currently feeling right now.Ngayon ang araw ng kasal nilang dalawa ni Lorenzo. Dalawang buwan lang ang lumipas mula nang maging maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa at itinakda na nila ang kanilang pag-iisang dibdib.Si Lorenzo ang mas may nais na maikasal agad silang dalawa. Iyon ang gusto nitong mangyari bago pa man siya manganak. Ayon pa sa binata, ang nais nito ay dala-dala na niya ang apelyido nito bago pa man lumabas ang kanilang anak, bagay na ilang buwan na lang din naman ang hihintayin nila. Malaki na kasi ang kanya
"Walang dapat ipag-alala sa kasintahan mo, Mr. Olivar. Maayos ang kalagayan niya pati na ng kanyang pinagbubuntis," marahang saad ng doktor na tumingin kay Tamara.Hindi niya nga nagawang baguhin ang gusto ni Lorenzo. Hindi ito naawat sa kagustuhang madala siya sa ospital upang mapatingnan sa doktor kahit pa nasabi naman niya na maayos lang ang kanyang pakiramdam. Maliban sa bahagya pang nananakit ang isang sulok ng kanyang labi dahil sa iginawad na sampal ni Mr. Fernandez ay wala nang ibang iniinda si Tamara. Nasisiguro niya din na hindi masama ang bagsak niya kanina kaya kampante siyang walang masamang mangyayari sa kanyang pinagbubuntis.Ganoon pa man ay hindi niya napahinuhod si Lorenzo na huwag na lang siyang dalhin sa ospital. Kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin niya na lang na umuwi na sila sa bahay ng mga ito.But Lorenzo was determined to bring her to a hospital and have her checked. Hindi na siya umangal pa. Dama niya rin kasi na hindi nito nagustuhan ang ginawa niya
"They are on their way now, Renz. Nagmamaneho na rin ako papunta sa address na binigay mo," wika ni Gio mula sa kabilang linya.Kausap ito ni Lorenzo habang mabilis siyang nagmamaneho ng kanyang sasakyan. Naka-loud speaker ang kanyang cell phone at nakalagay sa stand nito na nasa tabi lamang ng kanyang manibela. He was not a reckless driver, pero sa pagkakataong iyon ay may pakiramdam siyang ano mang oras ay maaari siyang maaksidente dahil sa paraan ng pagmamaneho niya.Hindi niya nga maiwasang makadama ng pinaghalo-halong emosiyon. Nasa kanyang dibdib ang hindi matatawarang pag-aalala para kay Tamara at sa anak niyang pinagbubuntis nito. Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya oras na may mangyaring masama sa kanyang mag-ina.At the same time, he can't help but to be furious to Enrico. Kung kaharap niya lang ang matandang lalaki ay baka nasaktan na niya ito."Maraming salamat, Gio. I owe you this," aniya sa sinserong tinig."We are friends, Renz. You don't owe me anything. Kahit s
Naging mabagal ang paglalakad ni Tamara nang mapansin niya ang katahimikan ng lugar na pinagdalhan sa kanya ni Mr. Fernandez. Maliban kasi sa tunog ng kanilang mga yapak ay wala nang naririnig pa sa paligid. Walang palatandaan na may ibang tao roon maliban sa kanila ng matandang lalaki.Marahas siyang napalingon dito. Nasa likuran niya si Mr. Fernandez at nahuli niya pang nagtitipa sa cell phone nito. Kanina ay narinig niya pa ang pagtunog ng aparato, palatandaan na may tumatawag pero ni hindi man lang iyon sinagot ng matanda."N-Nasaan ho sina Lorenzo?" tanong niya sabay gala ulit ng paningin sa paligid.Hindi niya nga alam kung bakit siya sumama kay Mr. Fernandez. Ang bilin sa kanya ni Lorenzo ay maghintay lamang siya sa restaurant hanggang sa makabalik ito. But after talking to this man, she just found herself coming with him.Unang kita niya pa lang kay Mr. Fernandez ay nakadarama na siya ng kakaiba dito. It was as if something was not right. For some reasons, Tamara could feel so
Ipinarada ni Lorenzo ang kanyang sasakyan sa harap ng isang maliit na bahay na gawa lamang sa mga plywood at kahoy. Iyon ang address ng scholar na tinutukoy ng kanyang ina. Ilang minutong biyahe lamang iyon mula sa restaurant na pag-aari ng kanyang mga magulang.Hindi niya sana gustong iwan doon si Tamara. Kung siya lang ang masusunod ay nais niya muna itong ihatid pauwi sa kanilang bahay. Ngunit tama ang dalaga. Sadyang may kalayuan pa ang kanilang bahay mula sa restaurant at kung ihahatid niya pa muna ito ay matagal ang ipaghihintay ng kanyang ina.Hindi niya rin naman mahindian ang pakiusap ng kanyang mama na samahan itong pumunta sa awtoridad at sampahan ng reklamo ang kung sino mang salarin ng pang-haharass sa isa sa kanilang mga scholars. It was something that Lorenzo really admired on his parents. Maliban sa nagbibigay ng scholarship ang kanyang papa't mama sa ilang estudyanteng kapos sa pinansiyal na aspeto, madali ding lapitan ang kanyang mga magulang kung may problema man an
"Ang gaganda ng mga ito, Renz," buong paghangang saad ni Tamara habang pinagmamasdan niya ang iba't ibang paintings na nasa harapan nila.Nilapitan niya pa nga ang isa at marahang hinaplos ang salamin ng frame nito. Painting iyon na nagpapakita ng isang tanawin. It must be a tourist spot in Italy. Nakalagay kasi sa naturang obra ang pangalan ng lugar.Nasa loob sila ng isang silid sa malaking kabahayan ng mga Olivar. Ayon kay Lorenzo, ang mga paintings na iyon ay gawa pa ng abuelo nito, ama ng ina ng binata. Nang mamatay daw ang matanda ay sadyang naglaan ang mga ito ng isang malaking silid kung saan inilagay ang mga obra ng lolo nito. Lahat ng nakikita niyang larawan ay magaganda. Maaari ngang ihanay ang mga iyon sa gawa ng ilang sikat na pintor.Dahil sa mahilig din naman siyang gumuhit ay talagang humanga siya sa mga paintings na nasa kanilang harapan. Siya nga lang ay sa mga damit talaga mas tutok sa pagguguhit kaysa sa mga tanawin."Magaling ka rin naman gumuhit, hindi ba?" tanon
Agad na napalingon si Tamara sa direksiyon ng pinto ng banyo nang bigla ay bumukas iyon at iluwa si Lorenzo. Katatapos lang nitong maligo at kasalukuyan pang pinapatuyo ang basang buhok gamit ang maliit na tuwalya.Nahinto pa nga siya sa pag-aayos ng mga unan sa kama nito at napatitig na lamang sa binata. Lumabas ito ng banyo na tanging boxer shorts na lamang ang suot. Ni wala rin itong saplot pang-itaas.Kapwa na sila nasa loob ng silid ni Lorenzo. Doon din diniretso ang mga gamit niya na sa hula niya ay utos na rin nito. Lorenzo wanted for her to stay in his room, bagay na hindi niya na rin naman kinontra pa. Ano pa nga ba ang silbi ng pananatili sa ibang silid gayung heto't malaki na ang kanyang tiyan dahil sa pinagbubuntis niya ang anak nito?"Do you still need anything?" tanong ni Lorenzo sa kanya. Tapos na ito sa pagpupunas sa buhok at ngayon ay naglalakad na palapit sa kanya.Marahan siyang umiling bilang tugon sa tanong nito. Katulad nito ay nakapaglinis na rin siya ng kanyang