Home / Romance / Beastly: Primo Hernani / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng Beastly: Primo Hernani: Kabanata 21 - Kabanata 30

55 Kabanata

Chapter 20

“Are you okay?” tanong ni Primo sa akin. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan niya. Nagpasya kasi siya na sunduin ako sa Mall pagkatapos naming mamili ni Luna. Hinatid naman namin si Luna hanggang sa kanila, tapos ngayon ay ako ang ihahatid niya sa amin. “Y-Yeah,” mahinang sagot ko. “Actually, Attorney, something happened…” mahina at nahihiyang dagdag ko pa. Hindi ko kasi gusto na itago ito sa kanya. At one point or the other, he’s part of this. Kaya may karapatan siya na malaman. “I know,” aniya kaya napalingon ako sa kanya. “Nabasa ko ang article tungkol sa nangyari sa Department Store, kaya nga tinawagan kita agad at nagpasyang puntahan,” dagdag pa niya kaya napabuntong hininga ako. “May article na agad?” may halong pag-aalala na tanong ko. “It wasn’t against you, though. Pero hindi ko maiwasan na hindi mag-alala sa ’yo. I’m sorry that you have to go through this, love,” puno ng sinseridad na sagot naman niya
last updateHuling Na-update : 2023-03-17
Magbasa pa

Chapter 21

“Do you think Luna’s okay?” tanong ko habang nasa sasakyan kami ni Primo. Nasa bihaye na kasi kami papunta sa Isla Amara. Kaninang alas siete kami nagkita-kita sa harap ng WGC Building, dala naman ni Atty. Marcus Mercado ang sasakyan niya kaya sa kanya na namin pinasabay si Luna na mukhang nahihiya pa. “Bakit naman hindi siya magiging okay?” natatawang tanong ni Primo. Bahagya akong napanguso nang maalala kung gaano kakalog si Luna. Oo nga pala, baka si Atty. Marcus pa ang hindi maging okay sa kanilang dalawa. “Mali pala ang tanong ko,” sabi ko at mahina ring natawa. “Do you think Atty. Marcus is going to be okay?” tanong ko pa kaya natawa ulit siya. “That, I’m not sure. He easily get nervous. Hindi ko nga alam kung paano niya kinaya na maging abogado,” sagot naman niya. “Siguro naman magkakasundo sila, ano?” tanong ko pa. “Sigurado ’yan,” sagot ulit niya. Halos apat na oras ang nag
last updateHuling Na-update : 2023-03-19
Magbasa pa

Chapter 22

Nagpasya na rin naman kaming bumaba ni Primo para samahan ang mga kaibigan namin pagkatapos ng ilang minuto. Medyo kinakabahan nga ako kasi alam ko na aasarin kami ni Luna kapag nakita niya kami. At hindi nga ako nagkamali, pagkababa kasi namin at nang makita nila kami ay agad kaming sinalubong ng nang-aasar na ngisi ni Luna habang silang apat naman ay abala sa pag-aayos ng mga dalang groceries. “Tagal natin bumaba, ah? Success ba?” makahulugang tanong pa niya kaya nagtawanan ang iba, maging si Primo ay mahinang natawa samantalang ako ay napanguso na lang dala ng kahihiyan. Siyempre, alam ko na iisipin nila agad na may nangyari sa amin ni Primo. I mean, Luna and Attorney Macus caught us kissing. Tapos ang akala pa nilang lahat ay may relasyon na talaga kami ni Primo, kaya alam ko na hindi mawawala sa isip nila ang mahalay na bagay na iyon. “Walang nangyari, Luna, kung iyon ang iniisip niyo,” agad na sagot ko kaya mas lalo silang nagt
last updateHuling Na-update : 2023-03-20
Magbasa pa

Chapter 23

“Pero hindi ko talaga in-expect na magiging kaibigan ko si Aliyah,” pagkukuwento ni Luna habang umiinom kami. “I mean, kilala ko siya. Sino ba namang hindi makakakilala sa kanya, hindi ba? Sa Lakehouse noon, hindi ko siya agad na nilapitan kasi mukha talaga siyang masungit. Pero nang makaharap ko na sila sa mesa, grabe lang!” aniya at napa-iling pa. “Masungit naman talaga siya,” ani Primo kaya natawa ang lahat, ako ay napanguso na lang. “Baka sa ’yo lang, Attorney,” natatawang saad naman ni Luna. “Hindi ko sinasabi ito dahil sinama niyo ako rito, ah? Pero siya iyong may napatunayan na sa buhay na hindi mo makikitaan ng yabang,” nakangiting dagdag pa niya. “Unang tingin ko sa kanya, mukhang mabait. Ang amo ng mukha, eh. Mukhang hindi marunong magalit,” wika naman ni Luigi kaya mahina akong natawa. “Iba-iba naman talaga ang first impression natin sa mga tao. Kung hindi natin sila makikilala at makakasama talaga ay hindi natin malalaman
last updateHuling Na-update : 2023-03-21
Magbasa pa

Chapter 24

Ang sarap ng naging tulog ko nang gabing iyon. Ang ideya na kami na talaga ni Primo, tapos ay yakap niya ako magdamag ay nagdulot ng kakaibang tuwa sa akin at katahimikan sa isip ko. Nagising naman ako nang sumunod na umaga na wala na siya sa tabi ko. When I took a glance at the wall clock, I saw that it’s already eight in the morning. Kaya naman nagpahinga lang ako saglit habang parang baliw na nakangiti at nakatitig sa kisame bago nagpasyang tumayo at maghilamos na sa banyo. Pagkatapos ay nagpasya na akong lumabas. Naabutan ko sina Luigi at Luna sa kusina, abala sila sa paghahanda ng agahan. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na lapitan sila. “Good morning,” nakangiting bati ko. “Mukhang good nga ang morning mo, bes. Lawak ng ngiti, eh! Pinaligaya ka ba ni Attorney kagabi?” makahulugang tanong ni Luna kaya napangiwi ako, si Luigi naman ay mahinang natawa. “Hindi ba puwedeng napasarap lang ang tulog k
last updateHuling Na-update : 2023-03-22
Magbasa pa

Chapter 25

Pagkababa namin ng jetski ni Primo ay nakangiti at magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa kinaroroonan ng mga kaibigan namin. Mas nauna kasi silang nakarating sa katabing isla na ito at kasalukuyang nasa isang kubo para sumilong habang hinihintay nila kami. “Ang bilis nila nakarating dito. Ang bilis mo na nga magpatakbo pero nauna pa rin sila,” pabulong na saad ko kaya mahina siyang natawa. “Busy ka kasi sa pagyakap at pag-tiyansing sa akin kaya hindi mo nakita na halos lumipad na ang jetski nila,” may halong kalokohan naman na sagot niya kaya mahina na lang din akong natawa. “Kunware ka pa, eh gustong-gusto mo naman na niyayakap kita!” wika ko. “Basta ikaw ang yayakap, kahit hindi ka na bumitaw pa,” sagot ulit niya kaya nakaramdam na naman ako ng kakaibang kilig. Bago kami makalapit sa mga kaibigan namin ay tumayo na rin naman sila para salubungin kami. “This way,” nakangiting sabi pa ni Luigi at igini
last updateHuling Na-update : 2023-03-23
Magbasa pa

Chapter 26

“Ah! This is paradise! Ang sarap sigurong tumira dito!” ani Luna habang nakatambay kami sa public cottages at umiinom ng buko juice. “Hindi rin,” ani Luigi. “Masaya pumasyal dito, pero kapag dito ka nakatira, magsasawa ka rin. Nakaka-miss din ang mga puwedeng gawin sa city,” dagdag pa niya, napatango naman ako dahil doon. “Kung sabagay, kayo kasi dito na lumaki,” wika naman ni Luna. Nagkuwentuhan pa sila habang ako ay tahimik lang na nakikinig. Minsan ay napapalingon ako kay Primo, pansin ko naman na hindi maalis ang ngiti sa labi niya at hindi ko alam kung bakit. Am I also making him happy? Kasi ako sobrang saya ko. Gano’n din ba ang nararamdaman niya? I honestly want to know his thoughts about us… about our relationship. Hindi ko naman alam kung paano. He’s kind of hard to read. Hindi naman siya uptight na tao, at kapag nagtanong ako ay sinasagot naman niya. Pero nakakahiya namang itanong sa harap ng mga kaibigan namin
last updateHuling Na-update : 2023-03-26
Magbasa pa

Chapter 27

The whole day was tiring. Ang dami kasi naming ginawa at sinubukan. They also bought a lot of souvenirs. Ako rin ay bumili ng mga t-shirt para kina Lyn at sa pamilya ko. Although, I’m not just quite sure if they still need them because they’ve been to Pangasinan a couple of times already. Sinubukan din naming mag-snorkeling, and when we got back to Isla Amara, we tried fishing. Iyong mga nahuli naming isda ang niluto namin kinagabihan para sa dinner. Ngayon naman ay nagbo-bonfire ulit kami at umiinom. As usual, they just gave me a drink with a little to no alcohol percentage, while they’re drinking bourbon. “Dahil nakakapagod ang araw na ito sa dami nating ginawa, ang sarap uminom. Ang sarap din niyan matulong mamaya,” nakangiting wika ni Luna. “Tapos bukas back to work na. I honestly want to stay here more. Ang kaso ang dami pang naiwang trabaho na kailangang balikan,” sabi naman ni Attorney Marcus. “Wala, eh! Hindi na
last updateHuling Na-update : 2023-03-27
Magbasa pa

Chapter 28

“Take a rest now, love. Pupuntahan kita mamaya rito, okay?” ani Primo pagkaparada niya ng sasakyan sa harap ng bahay namin. Bahagya naman akong napanguso kasi parang hindi ko pa siya gustong pakawalan. Nothing happened last night. Natulog lang kaming magkayakap, at nagising na magkayakap pa rin. We had our breakfast, stayed for a bit more at tapos ay nagpasya kaming mag-lunch sa bahay nila Luigi kasama sina Nanang at Tatang. Tapos ay nagpahinga lang saglit at nagpasya nang umuwi. Alas kuwatro na ng hapon nang makarating kami rito sa bahay, si Luna naman ay hinatid na ni Attorney Marcus. “Why?” malambing na tanong ni Primo nang mapansing nakanguso ako at hindi pa bumababa sa sasakyan niya, mahina pa siyang natawa na parang nababasa ang nasa isip ko. “H-Hindi ka ba puwedeng mag-stay rito kahit… saglit lang?” mahinang tanong ko. “I would love to. Pero marami pa kasi akong kailangang gawin sa firm, by seven or e
last updateHuling Na-update : 2023-03-28
Magbasa pa

Chapter 29

“Hindi ka ba sasabay sa aming mag-dinner, anak?” tanong ni Mama sa akin. Kasalukuyan kaming nasa hapag nina Dad, at silang dalawa lang ang kumakain. Alas seis na ng gabi, ang akala ko ay kaninang alas cinco ako pupuntahan ni Primo rito pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Nag-text naman ako sa kanya kaninang pagkagising ko, at nagsabi rin naman siya na baka medyo ma-late daw siya. “Baka sabay na po kami ni Primo,” sagot ko naman, ngumiti si Mama bago marahang tumango. “Alright, then,” aniya. “Naging kayo ba habang nasa Isla Amara kayo?” tanong ni Dad, tumango naman ako. “Opo,” “Pero may article akong nabasa na sinabi niyong engage na kayo noong dumalo kayo ng business conference sa Lakehouse,” sabi pa ni Dad. “Uhm, nandoon po kasi si Jeric noon, kaya gano’n ang pinalabas namin,” paliwanag ko. “Jeric Ignacio?” tanong niya, tumango naman ako ulit. “Yes,
last updateHuling Na-update : 2023-03-29
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status